Chapter 19
"AL –" tawag ni Darwin nang makasalubong niya si Allysa. Pulang-pula ang mga mata nito marahil sa sobrang pag-iyak. Kahit habang hinahatid niya ito kanina ay umiiyak na ito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Tila wala ito sa sarili. "Ano? Kumusta si Lance? Is he okay?"
"Alyce is back."
Napatitig siya rito nang bigla itong ngumiti. Even her smile could not even hide the pain in her eyes. Pinipilit nitong maging masaya sa harap niya. Umaakto itong tila walang nangyari. Allysa, please stop pretending you're fine. It's okay to cry.
"Alis muna ako." Tinapik siya nito sa balikat. "Kailangan kong bumalik sa bahay at kukunin ko pa ang mga gamit ko." Akmang lalagpasan siya nito nang mahawakan niya ang braso nito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-ngiwi nito.
"What happened?" sinipat niya ang namumula nitong braso. It seemed like someone forcefully grabbed her arm. He saw red marks and scratches on her arm. "Sino may gawa nito?" seryoso niyang tanong.
Marahan na inalis nito ang kamay niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. "Hindi na importante 'yon. Magkita na lang tayo sa Dolce Fate."
Tinalikuran na siya nito.
"What about Lance?" habol na tanong niya. Tumigil si Allysa sa paglalakad nang hindi siya nililingon. "Iiwan mo na lang ba siya ngayon dahil lang nandiyan na ang kambal mo?"
"He will be okay, Darwin –"
Hindi siya nakatiis at nilapitan niya si Allysa. Marahang hinawakan niya ang ulo nito at pinihit payakap. "It's okay to cry." Mahinang sabi niya rito. "Everything will be alright." Mayamaya pa ay naramdaman na niya ang pagyugyog ng mga balikat nito dahil sa sobrang pag-iyak.
He felt bad seeing Allysa like this. Sobra siyang nasasaktan para rito. He wish he can do something for her... he wish he can turn back time and let things unfold on its own. His father was right, may mga bagay sa mundo na nangyayari hindi dahil 'yon ang nakatadhana. Nangyayari 'yon dahil 'yon ang bunga ng mga desisyon ng mga tao. Mali man o tama.
Niyakap niya ito nang mahigpit.
I'm sorry Allysa. I made a mistake.
"AY putong ina!"
Natawa si Allysa nang bumagsak na ang kalahati ng katawan ni Darwin sa mesa. Nasa rooftop sila ng Dolce Fate. It was supposed to be her drinking session pero ang loko, inangkin lahat ng mga canned beers na binili niya. Na bwesit siya kaya hinayaan na lang niya itong magpakalasing mag-isa at pinagkasya na lamang ang sarili sa isang pitsel na iced tea na dinala ni Chu-Chu sa kanila at ilang supot ng mga junkfoods.
"Ayowko na! Huhuwi na hako shamen."
Ilang oras na lang at magpa-pasko na. Napangiti siya nang mapait sa isip. She was really excited to celebrate Christmas this year because of Lance. Pero ganoon talaga siguro ang kapalaran niya. At least Darwin is with me, hindi gaya noong nakaraang taon na mag-isa lang siya sa China na nag-iingay sa hotel room niya.
"Saan ba kasi ang inyo?" sabay niya rito.
"Sha langit nga." Umayos ito ng upo. Namumugay ang mga mata nito sa sobrang kalasingan. Pulang-pula pa ang mukha at tenga. "Mga hilang milky way pa mula rito."
"Lasing ka na nga," natatawang binato niya ito ng mani. "Mukha kang tanga."
He pointed a finger at her. "Ay grabeh sha! Eh hano naman kung tanga? Eh, ikaw nga? Mukhang mashaya, pero hindi naman. And the haward goes to Halesa Halonzo!"
"Wow, grabeh siya." Napamaang siya. "Inaano ba kita, ha? Magpa-pasko na pero napaka-pack juice mo pa rin. Ipaalala mo pa sa akin 'yan at ihuhulog kita mula sa rooftop."
Bumungis-ngis ito. "Alam mo Halesa, dapat kasi inaagaw mo 'yang si Lance. Dapat sa Hales na 'yon sinasabunutan." At nag-demo pa ito. Ang loko pinagsasambunot ang buhok. "Ouch," inosenteng daing nito na nagpatawa sa kanya nang sobra. Bigla nitong inangat ang mukha sa kanya. Magulong-magulo na ngayon ang buhok nito. "Ang shaket pala."
"Tama na ang pagsha-shabu Darwin."
"Pahiram ng shelpon mo Al!"
"Bakit na naman?"
"Hihingin go number ni Halice! Hiti-text ko sha."
"Ano na naman sasabihin mo sa kanya?"
Ngumiti ito nang sobrang tamis. "Tang ina niya."
"Lol," natawa lang siya. Bwesit talaga 'tong si Darwin. "Sugurin ka pa ng nanay ko."
"Tang'na niya rin. Magshama sila. Isashara ko ang langit sha kanilang dalawa."
"Tama na 'yan Darwin." Nakangiting tinitigan niya ang kaibigan. "Lasing ka na –"
Darwin cleared his throat. "I really admire you."
"Huwag mo akong ini-echos Darwin."
"Hindi nga, I really admire you." Tumawa ito bigla. "'Yan tumuwid na dila ko." Mukha 'tong tanga. "Anyway, 'yon nga. Iniisip ko noong una na ang OA ng mga tao."
"Nagsalita ang hindi tao."
Ngumisi ito. "Pakinggan mo muna kashi ako. Kayong mga tao, hang dami n'yong problema. Hinding-hindi kayo nauubushan. Pagkatapos ng isda – I mean, isa, magbi-break kayo ng saglit. Tapos may bago na naman. Paulit-ulit, halam mo 'yon?"
"Hindi ka tao kung wala kang problema."
"Kaya nga, I admire all human beings here on Earth." Sumaludo ito sa kanya. "Tatapang n'yo!"
Natawa siya. "Kung makapagsalita ka riyan, parang 'di ka tao." She paused for awhile before speaking up again. "Iniisip ko minsan kung bakit ganito ang buhay ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali noong nakaraang buhay ko para magkaganito ako ngayon."
Napangiti siya nang mapait.
"Hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay si Papa. My mother had loved me, but eversince Papa died, she forgot about me. She blamed me for everything. I did everything to gain her love again. Sinunod ko lahat ng gusto niya. I almost lost my life and identity because of my family. Pero sa huli, ako pa rin ang mali. Iniisip ko minsan kung nakikita pa ba ako ng Dios sa sobrang dami naming inaalala Niya."
"Walang mali sa'yo Allysa, sila ang may mali. Mga tang'na sila."
"Tama na ang pagmumura Darwin."
Nag-peace sign ito sa kanya bago umayos ulit ng upo.
"Nakikita ka ng Dios. Alam Niya ang lahat ng mga pinagdadaanan mo. Naniniwala akong hindi nagbibigay ang Dios ng problema na alam Niyang hindi mo kakayanin. May pagkakataon kasi na iniisip natin na mahina tayo. Na hindi natin kaya. Pinapangunahan natin ang sariling kakayahan."
"Pero ibahin mo ang Dios, Al. Alam Niyang kaya mo. Naniniwala Siya sa'yo. Kaya dapat paniwalaan mo rin ang sarili mo. Darating ang araw na tatalikuran ka ng buong mundo pero asahan mong nandiyan ang Dios sa likod mo. He will cheer you up and He will never get tired of doing it a billion times for you. Trust me."
Tila sumang-ayon ang oras sa sinabi ni Darwin. Sabay nilang naiangat ang mga mukha sa langit. Napuno ng fireworks ang kaninang madilim na kalangitan. Rinig na rinig din nila ang malakas na kanta ng mga Christmas songs sa labas.
It was so beautiful. She felt a strong feeling of happiness and contentment. Tila ba nawala lahat ng kalungkutan at agam-agam niya sa puso. Tama si Darwin, kailanman ay hindi siya nakalimutan ng Dios.
Napangiti siya.
Naibaling niya ang mukha kay Darwin nang marinig ang isang kalabog mula sa mesa. Tuluyan na ngang bumagsak sa kalasingan si Darwin. "Merry Christmas." Natawa siya. Ang baba ng alcohol tolerance ng loko. Takaw kasi! Haha. "Happy birthday Bro. I love you." Nakangiting usal nito kahit nakapikit. "Magpapakabait na ako para shayo."
Kahit papaano, sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman niya ay may pag-asa pa rin siyang nakikita sa buhay niya. Thanks Darwin, I really needed those words.
May ngiting inangat niyang muli ang tingin sa langit.
"Happy Birthday po."
"WOW!"
Natawa si Allysa sa reaksyon ni Darwin nang makita siya. Umikot pa siya sa harap nito.
"Ikaw pa ba 'yan Allysa?!"
"Ang ganda n'yo Ma'am Allysa." Sabay na puri sa kanya nila Chu-Chu at Mang Kaloy.
"Thanks," nahaplos niya ang maikling buhok na hanggang leeg na lang niya. She requested to have it slightly waved para 'di masyadong boring. Over all, she like her new look – very Allysa. Dapat matagal na niya 'yong ginawa. Well, at least ngayon, nagawa na niya. Wala ng bakas na Alyce. "Alam kong maganda talaga ako."
"Naku, may nag-aalsa na naman ng isang sakong bigas." Komento naman ni Darwin.
"Inggit ka lang."
"Maganda 'yan Allysa," he chuckled. "Ipagpatuloy mo 'yan at ikauunlad 'yan ng ating bansa."
Nagulat naman silang lahat nang malakas na tumunog ang bell sa entrance ng café. Sabay na napalingon sila sa pumasok. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang galit na galit na kapatid.
"Dito lang pala kita makikita."
"Alyce?"
Matamang nakatitig lang si Alyce sa kanya. Hindi niya alam kung paano siya nito nahanap at kung bakit hinahanap siya nito.
"We need to talk."
Tumango lamang siya at iginiya ang kakambal sa isang vacant table. Ilang segundo pa ay lumapit si Chu-Chu sa kanila para ilapag ang dalawang baso ng juice sa mesa nila. Nag-excuse agad ito pagkatapos.
Hindi siya nagpa-apekto sa presensiya ng kapatid. Wala naman siyang utang rito.
"Anong sinabi mo sa kanya? Bakit ayaw na niya akong makausap at makita?" Sunod-sunod na tanong ni Alyce sa kanya. "Sabi ni Tita Sofia, alam na raw ni Lance ang lahat. He already knew everything before the accident. Bakit 'di mo sinabi sa akin 'yon Allysa?!"
Inabot niya muna ang baso ng juice at uminom muna. Kinalma niya ang sarili. Nagbalik na pala ang mga alaala ni Lance. Kung pagbabasehan ang pagsugod ni Alyce rito ay mukhang nakipaghiwalay na nga si Lance rito. He has all the right to ignore Alyce.
"I was trying to tell you. Kaya lang nakalimutan ko." Kalmado niyang sagot. "Sorry."
"Sorry lang? Allysa, alam mo ba kung anong nangyayari sa amin ngayon ni Lance?" napansin niya ang panginginig ng nakakuyom nitong kamay sa itaas ng mesa. "He hates me! He hated me because he thinks that I betrayed him. Thanks to you."
"Stop blaming me Alyce. Hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganito kayo ni Lance."
"I told you to pretend as Alyce –"
"Anong tingin mo kay Lance? Tanga? Bobo?" Hindi niya maiwasang pagtaasan ng boses ang kakambal. Nagsimulang manikip ang dibdib niya dahil sa galit at inis niya rito. "Mahal ka ni Lance, pero anong ginawa mo? Paulit-ulit mo siyang niloloko. Paulit-ulit mo siyang ginagawang tanga. Ginamit mo ang kahinaan niya para lang sa pesteng pangarap mo na 'yan! Nagmahal ka pa kung puro sarili mo lang naman pala ang iisipin mo."
"How dare you!" Alyce hissed.
"I have my own faults as well dahil hinayaan kita sa mga kabaliwan mo. Inaamin ko 'yon Alyce. For once, stop blaming other people because of your misfortune and wrong decisions in life. Accept your mistakes and grow up."
Tumayo siya. Akmang aalis na siya nang mahawakan siya nito sa braso. Pinihit siya nito paharap dito. Napasinghap siya nang bigla siya nitong sampalin.
"Sino ka para sabihin sa akin ang mga 'yon? You know nothing about me."
"Tapos ka na?" matapang na sinalubong niya ang galit na tingin ng kakambal. "Nakasampal ka na. Pwede ka nang umalis."
"I've always been good to you. Pinagtatanggol kita kay Mama kahit na alam kong may mali ka. Hinahayaan kita na makalapit kay Lance kahit na alam kung mahal mo rin siya. Allysa, ano bang nagawa kong mali at nakaya mong gawin 'yon sa akin?!"
"Alyce, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kailanman hindi ko hiningi sa'yo na ipagtanggol mo ako kay Mama. Pero dahil may sarili kang kusa, salamat, ha? Pangalawa, hindi ako namamalimos ng pagmamahal sa'yo para kay Lance. At congratulations dahil napansin mo rin pala 'yon. Masaya bang panoorin ang kapatid mo na nagmamahal ng lihim sa fiancé mo? Pangatlo, tinatanong mo ako kung anong nagawa mong kasalanan sa akin? Ano sa tingin mo?"
Napabuga siya ng hangin. Alyce naman! Kailan ka ba matututo?
"Sinabi ko kay Lance na binantaan mo ako. Tinakot mo ako na magpapakamatay ka kapag nagpakasal ako sa kanya. Kaya pumayag ako na magpanggap kang Alyce ng ilang buwan. You have to tell him that."
"Nababaliw ka na ba?!"
Lalo lang siyang nagalit sa kakambal.
"Mahal ko si Lance! Ayoko siyang mawala sa akin. Kapag nalaman niyang pinagpalit ko siya sa pangarap ko iiwan niya ako. Magagalit siya sa akin lalo."
"Alyce tama na. Alam na ni Lance ang lahat. Tumigil ka na. Kung mahal mo si Lance, kahit ngayon lang, magpakatotoo ka naman sa kanya. He deserved to know. Kahit 'yon lang. Gawin mo 'yon para sa kanya."
"I-Iiwan niya ako kapag sinabi ko sa kanya ang totoo."
"Kung alam ko lang na magiging ganito ka. Sana noon pa lang Alyce hindi na ako pumayag na magpanggap na ikaw. Kung sana hindi rin ako naging makasarili sa sarili kong nararamdaman hindi sana tayo dadating sa puntong 'to. Na pareho tayong nasasaktan. Na pareho nating nasaktan ang taong mahal natin. Pero Alyce tama na. Tumigil na tayo."
"I'm not gonna accept this. You have to tell Lance that it's all your fault. Nangako ka kay Papa na po-protektahan mo ako. Nangako ka sa kanya na aalagaan mo ako. Allysa nangako ka sa kanya!"
Naikuyom niya ang mga kamay. Hindi na niya mapigil ang sariling galit. Punong-puno na siya. Idinawit pa nito ang pangalan ng yumao nilang ama.
"Tama na Alyce!" sigaw niya. "Hindi habang buhay kukonsentihin ko ang mga mali mo. Hindi habang buhay na uunahin kita. Hindi sa lahat ng oras na susundin ko lahat ng gusto mo."
Naramdaman niya ang paglandas ng mga luha sa mga mata. Naalala niya ang ama. Ang malungkot na kabataan niya. Ang lahat ng mga isinakripisyo niya para sa kapatid. Pagod na pagod na siyang intindihin ito dahil hindi naman ito nagbabago. Alyce only cares about herself. At imbes na mapabuti ang kakambal ay mas lalo niyang kinonsente ang ugali nito.
"Kasi 'yon ang mali ko." Pagpapatuloy niya. "I gave up playing the piano for you. I gave up Lance for you. I gave up a normal life for you. I gave up everything just to make you happy. Kinalimutan ko ang sarili ko dahil nangako ako kay Papa na aalagaan kita. Ginawa ko lahat ng 'yon kasi inisip ko na 'yon ang tama. Pero iniisip mo pa rin na kulang 'yon?!"
Marahas na napabuga siya ng hangin.
"Alyce, sobra-sobra na 'yon. Wala na nga akong makapa para sa sarili ko. Binigay ko lahat sa'yo kasi ayokong nakikita kang malungkot at nasasaktan. Don't ruin your life by always repeating the same mistake all over again, Alyce. Hindi sa lahat ng oras ay nandito ako para itama ang lahat ng mali mo."
Pero tila matigas pa rin ang puso nito.
"Mali ka," umiling ito. "You're just saying these things para kaawaan ka ng tao at makuha mo si Lance. Dahil kapag iniwan niya ako. Alam kong gagawin mo ang lahat para makuha lang siya –" hindi niya napigilan ang kamay na sampalin ito. "Tama ako diba?! Plano mo ang lahat ng ito!"
Marahas na pinahid niya ang mga luha sa mukha gamit ng kamay. "Isipin mo kung anong gusto mo Alyce." Ibinalik niya ang tingin sa kambal. "Pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo. Magising ka sa katotohanan na ikaw ang unang bumali sa tiwala sa'yo ni Lance. Oh baka gusto mong ako na mismo ang gumising sa'yo sa katotohanan."
Inabot niya ang baso ng juice sa mesa at ibinuhos 'yon sa mukha ni Alyce. Napasinghap ito sa ginawa niya.
Asar na nginitian niya ang kapatid. "Good morning."
Tinalikuran niya ang kapatid at dire-diretso siyang lumabas ng Dolce Fate. Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya sa galit at inis sa kapatid pero tama lang ang ginawa niya. Alyce deserved it. Bigla namang tumunog at mag-vibrate ang cell phone niya sa bulsa. Hindi sana niya 'yon sasagutin nang hindi pa rin 'yon tumitigil. Asar na hinugot niya ang cell phone sa bulsa at sinagot 'yon ng hindi tinitignan ang tumatawag.
"H-Hello?"
"I see, hindi mo pa pala pinapalitan ang number mo."
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Lance sa kabilang linya. Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ang screen ng cell phone niya. It was really Lance's number. Napabuga siya ng hangin. Pero bakit ito napatawag sa kanya?
"Lance,"
"Magkita tayo bukas. Tatawagan kita kung saan at anong oras. Be there on time."
"Lance?! Lance?! Hel –" Magsasalita pa sana siya nang mawala na ang linya. Napabuga ulit siya ng hangin. Natutop niya ang noo at mariing naipikit ang mga mata. Bigla siyang nawalan ng lakas.
Dios ko, ano bang meron sa araw na 'to at sunod-sunod kayo?
"HINDI mo na ba talaga kakausapin si Alyce, hijo?"
"I don't need to explain everything to her, Ma. Mas alam niya ang mali niya kaysa sa akin. I just want to end everything with her. I don't want to be involved with either Alyce or Allysa. Puputulin ko na ang ano mang meron kami. I want to start anew."
There is no point of explaining everything. He get the point. Everything was a lie. Alyce's betrayal was already enough to convince him that she didn't love him enough to be honest with him. Sarili lang nito ang iniisip.
And he was a big fool.
Simula nang bumalik lahat ng mga alaala niya ay pinagbawalan niya ang mga magulang na dalawin siya ni Allysa o ni Alyce. He didn't want to see either of them for now. Saka na niya haharapan ang dalawa kapag nakausap na niya ang lawyer niya. He would need to see Allysa for that matter dahil kailangan niya ito para mapawalangbisa ang kasal nila ni Alyce.
Their wedding can be void dahil hindi naman si Alyce ang pinakasalan niya nang mga oras na 'yon kundi ang kakambal nito na si Allysa. Really, Lance? You got yourself fooled by the one you love the most. How sweet. It must have been fun to see how he made himself stupid in front of them.
"I'm sorry anak. I'm sorry kung pinatagal ko pa kahit na alam ko na ang ginawa sa'yo ni Alyce. Maniwala ka sa akin, hindi masamang tao si Allysa –"
"Let's not talk about it anymore, Ma."
Hindi malinaw sa kanya ang mga present memories niya kasama si Allysa. Ang malinaw lang sa kanya nang mga oras na 'yon ay ang gabi ng aksidente kung saan nabangga ang kotse nila ng truck. Nabanggit na rin ng kanyang ina ang tungkol sa pagpapanggap ni Allysa as Alyce even after the accident. To be honest, he's having a hard time remembering those memories. Tila ba kapalit ng mga alaala na nawala sa kanya ay ang mga bagong alaalala niya habang may amnesia siya.
But with or without those memories, desidido na siyang tapusin ang lahat ng mga kaugnayan niya sa mga Alonzo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro