Chapter 17
NAG-BREAK muna sa rooftop sila Darwin kasama ang nag-iisang crew niya na si Chu-Chu Suave at ang most reliable guard niyang si Mang Kaloy.
"Sa tingin mo Boss sasagutin pa ako ni Liza?" tanong bigla ni Chu-Chu.
Hinablot niya bigla ang kamay nito at tinignan ang palad nito. "Umasa ka, uugatan ka na lang pero 'di ka sasagutin nun." Marahas na binitiwan niya ang kamay nito at inisang lagok ang can ng coke.
"Grabeh siya oh. Gwapo naman ako ah –" Nabuga niya ang iniinom. "Ay grabeh talaga si Boss! Aykanat your reaction. I'm bery hurt boss."
"Eh bakit mo ba kasi pinagtutuunan ng pansin 'yong ayaw sa'yo? Bakit 'di ka roon sa babaeng may gusto sa'yo?" Aniya base sa nabasa niya sa palad ng loko.
"Boss!" nanlaki ang mga mata nito. "Paano n'yo nalaman na nililigawan ako ni Kylie?"
"Hindi na importante 'yon. Pero bakit nga? Doon ka na lang kay Kylie mo."
"Eh Boss, 'di ko type eh."
"Choosy mo, ha?"
Natawa lang ang loko.
"Naku, ikaw na bata ka," segunda ni Mang Kaloy. "Hindi ka naman kagwapohan pero kung maka 'di mo type ka parang kamukha mo si Coco Martin. Gwapo ka? Gwapo ka?"
"Ay grabeh naman kayo sa akin. Kahit na 'di ako kagwapuhan, may karapatan pa rin naman akong mag-inarte, noh?" bumungis-ngis ito. "Saka, ang puso, 'di 'yan natuturuan at napipilit. It's hard you know. The heart wants what it wants by Selena Gomez."
"Lol!" sabay silang natawa ni Mang Kaloy. Baliw talaga! "Pero anyway, payo lang Chu-Chu, ha?" nabaling ang atensyon ng dalawa sa kanya. "Give that Kylie a chance kung wala naman 'di magpakatotoo ka. Basta kapag binigyan mo ng chance, just set proper expectation at least kahit umasa alam niya kung hanggang saan lang."
"Hmm, medyo loading ako do'n Boss. Pero naintindihan ko naman. Sige, I will take a chance on me."
"'Yon oh," natawa silang tatlo.
"Naku Boss, maiwan ka na muna namin at titignan namin sa ibaba kung tapos na rin na mag-break ang mga trabahante." Paalala ni Mang Kaloy.
"Oo nga pala, maglilinis pa ako." Dagdag pa ni Chu-Chu.
Tumango lang siya. "Sige, susunod na lang ako."
Iniligpit ni Chu-Chu ang mga pinagkainan nila at sumabay na rin ito kay Mang Kaloy sa pagbaba. Nangulambaba siya sa mesa. He was already spacing out. Madaming pumapasok sa isip niya na 'di niya magawang isa-isahin. He seemed like he was just skimming through the pages of his brain.
Pinuputakte na siya ng konsensiya niya. Alam niyang may kasalanan talaga siya. Kung 'di niya pinakialaman ang buhay nila Lance at Allysa hindi sana magkakandaloko-loko ang lahat. Sinabayan pa niya ng sulsol. Out of all the couple he had matched, kay Allysa lang siya sobrang na attached nang sobra. He had never befriended a human before or treat a human being as his best friend.
Now it's all messed up. Tsk, I think I miscalculated my intuation this time. Tang na juice Darwin, kinakarma ka na yata. He can't help but heaved a heavy sighed.
"Ang lalim nun, ah."
Nagulantang siya nang marinig ang boses ng ama. Napalinga-linga siya sa paligid pero wala naman doon si Tanda.
"Nasa taas ako," salita ulit nito. Naingat niya ang tingin sa mga ulap. The clouds formed into words saying, 'HELLO FROM THE OTHER SIDE'. Natawa siya. Baliw talaga 'tong si Tanda minsan. Madali lang ding nawala 'yon. "Kumusta ka na anak?"
Napabuga siya ng hangin. "I think I made a terrible mistake Pa."
"Correction, you did."
"Ay grabeh ka. Dapat i-console mo pa ako. Anak mo rin ako, noh?"
"Ilang century ka nang nabubuhay sa itaas Darwin pero ang tingin mo pa rin sa mga buhay ng tao ay teleserye. Isang drama na pwede mong pakialaman at manipulahin."
"Ano bang nagawa kong mali Pa?"
"Sinabi ko na sa'yo na hindi mo pwedeng manipulahin ang lahat. Hindi lahat ng bagay nangyayari dahil 'yon ang naka tadhana."
"Pero isang beses lang naman 'yon?"
"Isang beses, pero napansin mo ba ang naging pagbabago? Isipin mo anak, kapag ba nabasag ang isang salamin. Makakaya mo pa ba iyong ibalik sa dati nitong ganda?" Napa-isip siya. He can, but it wouldn't be the same. "You have a gift to see their life lines and manipulate situations, however there are missing links of their minds that you cannot see and read. These people will always change their paths whenever they can because they have their minds of their own. They have the freedom to end things based on their own judgment and it is not something we can manipulate, Darwin."
"Huh?"
"Isipin mo anak, bakit na sabi nila that the only constant in this world is change?"
"Kasi –"
"Isipin mo rin anak, paano mag-defuse ng bomba?"
"Wait, teka lang naman, isa-isa lang, mahina ang kalaban."
"Unahin mong alamin kung paano mag-defuse ng bomba. Tapos mag-isip ka kung ano nga ba talaga ang nagawa mong mali." 'Yon lamang at nawala na ng tuluyan ang ama niya.
"Mag-defuse ng bomba?" tanong niya sa sarili. Tang na juice! Ano bang alam ko roon? Mukha ba akong tirorista? Mabilis na bumaba siya mula sa rooftop. Nasa huling baitang na siya ng hagdan na paakyat sa second floor nang sumigaw siya. "Guys, paano mag-defuse ng bomba?!"
Napatingin ang lahat sa kanya.
"Bomba?!" they all shouted in unison.
He calmly nodded in response. "Paano?"
"Sasabog tayo!" sigaw ni Chu-Chu. "Aykanat, paano na ang love life ko?! Ayoko pang mamatay." Nagkumahog itong dalhin ang mga bagay na maisasalba pa nito pero nang ma realized nito na wala 'yong value ay ibinalik nito ang mga 'yon. May sunog lang? "Bye Boss, magta-traydor muna ako ngayon. I love you! Bye!" mabilis na bumatsi ito dala-dala ang isang sakong bigas na kaka-deliver lang ng araw na 'yon.
Advance mag-isip, iba!
Sumunod na rin dito ang iba. Sa huli ay natutop niya ang noo at napa-iling-iling na lamang. Tumalikod na siya at muling umakyat sa itaas. 'Di bale na nga, aasa na lamang siya sa biyaya ng google search at wifi. Sakit ka talaga sa utak Chu-Chu!
"THANKS Mom,"
"Pwede ko namang ihatid 'to sa bahay n'yo. Gusto ko rin na makita si Al. Bakit sa coffee shop mo pa napiling makipagkita anak?"
"Wala po," nginitian ni Lance ang ina. "At saka may binili lang ako kanina. Wala rin naman sa bahay si Al. Maaga siyang umalis. Her mother called."
"Ah," tumango-tango ang ina niya. Sinimulan naman niyang buklatin ang photo album na pinakuha niya sa ina. 'Yong photo album na sinasabi nito na itinago niya. "Maiba ako anak, may naalala ka na ba?"
"I have recalled some," maikling sagot niya.
Seryosong-seryoso ang mukha niya habang tinitignan ang mga larawan doon. Para kasing may kakaiba sa mga larawan na 'yon sa mga larawan nila roon sa bahay. The pictures in this album are similar to their wedding album and to their Thailand escapade.
Ang mga albums na binigay sa kanila ng nanay ni Al. Feeling niya ibang tao ang kasama niya roon. Iniisip niya kung napansin niya rin ito bago ang aksidente. And Al is acting weird. Hindi niya maintindihan pero parang may itinatago ito sa kanya. Na kahit nakangiti ito ay may pagkakataon talaga na nakikita niyang malungkot ito. It felt like she was holding something she couldn't tell to him.
"Mom, did I mention something about this photo album before?"
"Hmm," ilang segundo muna itong nag-isip bago ulit nagsalita. "I remember you told me na ang mga pictures na inilalagay mo sa album na 'to ay mga pictures n'yo lang ni Al na nagpasaya sa'yo nang sobra."
"And the other albums?"
"Those albums are made by the both of you. This album," his mother tapped the cover. "Is a secret album you have na hindi alam ni Alyce."
"You mean, I've never mentioned it to her?"
"Hindi ako sigurado pero 'yon ang alam ko."
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. It's really confusing him. Hindi niya lang nababanggit kay Al pero marami nang bumabagabag sa isip niya. Memories that he isn't sure if it's true or not. Al has so many faces in his head. Whenever he sees Allysa's pictures hindi niya alam kung bakit pumapasok sa isipan niya ang pangalan na Alyce. At sa tuwing nakikita niya ang mga prenup photos nilang dalawa ni Alyce ay hindi niya roon makita ang mukha ng asawa. It felt like she's different person. Hindi 'yong Al na kasama niya ngayon.
The only thing that keeps him sane is the love he sees in Al's face. Ramdam na ramdam niya 'yon at tila mas pamilyar siya sa pagmamahal na 'yon.
"Lance?" naputol ang pag-iisip niya. Naiangat niya ang tingin sa ina. "May problema ba?" may pag-alalang tanong nito.
"How's Allysa?" out of the blue he asked. "I mean, have you meet her before? Have you talked? How is she? Is she as sweet as Alyce? Are we close? Do I also hate her?"
"Mabait ang batang 'yon, Lance." His mother answered with a gentle smile on her face. "Pero sa tingin ko hindi lang ako ang nakapansin nun. I believe you see that side of her as well." His mother reached for his hand. She gently squeezed it. "Don't think about it too much, Lance. As soon as you get your memories back you'll understand. Ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng mga katanungan mo ngayon."
He gave his mother a smile. Somehow her words had calm him.
"You're right, Mom. Thanks."
"Just keep the photo album for now. Oh, by the way, anak." May kung ano itong kinuha mula sa ibaba ng mesa. Mula roon ay itinaas nito ang isang malaking paper bag at inilapag 'yon sa mesa. "Nagluto ako ng mga favorite foods mo. Initin n'yo na lang sa bahay."
He had this big smile on his face. Naalala niya si Al. Alam niyang kahit kumain na ito sa labas ay hindi pa rin ito aayaw sa pagkain. Sa huli ay hindi niya napigilan ang sarili na matawa. Naiisip pa lang niya ang kunot noo ng asawa niya kapag nagugutom at ganadong-ganadong kumain ay natutuwa na siya nang sobra. God, Al. I'm missing you already!
"You look happy, my son." Nakangiting komento ng ina sa kanya.
"Obvious ba ako masyado Ma?"
His mother nodded with a smile.
"Need not to worry son, gwapo ka pa rin kahit kinikilig."
Natawa lang siya sa naging sagot ng ina. Oh well!
KINAGABIHAN habang nagpapalipas ng antok naisipan nila Lance at Al na mag-movie marathon muna sa sala. Wala silang ibang nahanap kundi ang palabas na Serendipity. She's familiar with the movie. Ilang beses na niyang narinig na maganda raw talaga 'yong movie na 'yon. Pero ngayon lang niya napanood.
Indeed it made her want to believe in destiny again. Napangiti siya. It wouldn't hurt that much, right? Inihilig niya ang ulo sa balikat ni Lance.
"Do you believe in destiny Al?" basag ni Lance.
"Ikaw?" balik tanong niya.
Suddenly she felt Lance's hand on hers. He laced it with her fingers. Itinaas nito 'yon sa harap nila. Naibaling niya ang tingin dito.
"If Destiny is real, then I should thank him for bringing you in my life."
Napangiti siya. "Then I should thank Serendipity for finding you." She stared at him lovingly. It was meant to be temporary but I never thought it will reached this far. Wala naman talaga akong balak na mahalin ka. Sub lang ako. But who would have thought that I'll find beauty in pretending as Alyce. "I love you." She mouted.
Humilig ulit siya sa balikat nito.
"Pero alam mo Lance."
"Hmm?"
"May nabasa akong quote. Sabi roon, embrace uncertainty because some of the most beautiful chapters in our lives won't have a title until much later."
"Which means?"
"Carpe Diem,"
He chuckled. "Always seize the moment." Always!
"Titanic naman panoorin natin," pag-iiba niya.
"Now you want tragic?"
Natawa siya. Wala eh, tragic kasi ang love story ko. "Huwag ka," iniangat niya ang mukha kay Lance. "Rose's love for Jack is still the greatest." She playfully pinched Lance's nose. "Syempre in romantic movies, but God's love is still the greatest."
"Naks," gumanti ito at pinisil din ang ilong niya. "But I would agree with you about that."
"ANONG ginagawa mo riyan?!" tanong ni Darwin.
Tambay muna siya sa second floor ng soon to be café nito. May lakad na naman kasi si Lance. Isinama ng ama nito sa isa sa mga board meeting. Ayaw niya namang maburyo sa bahay kaya umalis siya.
"Pinhole camera," sagot niya. Lumapit ito at inilapag sa harap niya ang isang iced chocolate drink. "Ba't chocolate?" kunot-noong inangat niya ang mukha kay Darwin. "Diba sabi ko iced coffee."
Humila ito ng silya sa harap niya at naupo. "Madame, huwag puro kape. 'Yan ang inumin mo. Libre na nga 'yan magri-reklamo ka pa."
"Tsk," inabot ng isang kamay niya ang inumin at mula sa straw ay sinimsim niya ang laman nun. "Nagbibilang ka na naman ng binibigay mong biyaya sa akin."
"Masama ang kape sa katawan. At kapag na sobrahan hindi ka na makakapag-isip nang maayos."
"Whatever,"
"Teka nga muna," itinaas nito ang isa sa mga match box na nakakalat sa itaas ng mesa at sinipat-sipat 'yon. "Ano ba 'tong pinaggagagawa mo? Small camera gamit ang match box, electrical tape, and camera film? Ang mahal-mahal na ngayon ng negative film ta's nag-aaksaya ka pa."
Itinigil niya ang ginawa at asar na tinignan si Darwin. "Hinihingan ba kita ng pera sa project kong 'to? Kung makareklamo ka riyan wagas. At saka gift ko 'to kay Lance. Malapit na birthday niya."
"Effort mo masyado, ha? Malapit na rin kaya birthday ko."
"Kailan?" paghahamon niya.
"Sa February 14," nakangisi nitong sagot.
"Baliw!" binato niya ito ng posporo. "December pa lang ngayon. Ilang buwan pa oy. Excited nito masyado."
"Ganun talaga," Darwin leaned on his seat. "Anyway, kailan ba birthday ng my loves mo?"
"Sa twenty three,"
He chuckled. "Talagang 'di na inilabas sa twenty four, noh? Isang kainan lang sana."
"Ikaw na lang sana nanganak."
"Saka na kapag tinubuan na ako ng uterus at fallopian tube."
Natawa lang siya. "Puro ka talaga kalokohan."
"Paano ba 'to gawin?" pag-iiba nito. "Ang liit naman nitong camera."
"Gagawin ko lang siyang camera. Yong match box ang magiging katawan ng camera. Sa gitna nun dapat may maliit lang na butas. Kaya needle lang dapat gamitin sa paggawa. Tapos sa loob tatakpan ko 'yon ng tin can na sakto lang with the same hole size.'Yong negative na hindi pa nagagamit ididikit ko sa gilid at iko-connect ko naman 'yong unahan ng negative sa exposed na film na ididikit ko sa kabila. Blah, blah, basta 'yon na 'yon. Nakakapagod mag-explain."
"Seems like a lot of work."
"Sinabi mo pa, kasi kapag may 'di ako naayos sa loob ng pinhole hindi siya makakapag-capture ng picture. It's either too much exposure of light or maging black lang talaga siya."
"Naks, kung makapagsalita, expert ah. Ilang film na ang naaksaya mo?"
"Marami na pero alam ko na ang secret. Kaya 'tong ginagawa ko ngayon." Itinaas niya ang patapos na niyang pinhole. "Maganda na kuha nito at sure ako roon."
"Ay talaga ba?" may pang-aasar sa mukha ni Darwin. "HD ba ang labas niyan kapag napa-develop na?"
"It's not HD, black and white pero maganda kapag maayos ang paggawa. Kaya tumahimik ka na riyan at nang matapos ko na 'to."
Tumahimik naman si Darwin pero mga ilang segundo lang din.
"Al,"
"Bakit?"
"Alam kong 'di ka terorista, pero paano mag-defuse ng bomba?" kunot-noong inangat niya ang mukha kay Darwin. "Nag-research na ako. Gusto ko lang pakinggan ang point of view mo. I-relate mo na rin sa buhay mo."
"Gagawa ka ba ng essay Darwin at gusto mong i-relate ko para sa'yo ang relation ng buhay at sa pag-defuse ng bomba?"
His mouth twitched in a smile. "Writer ka naman eh. Mas kaya mong i-explain 'yon kaysa sa akin."
"Bakit ba ang tingin n'yo sa aming mga writer maraming alam sa buhay? Ginawa n'yo na kaming taga advice, manghuhula, at kung minsan gabay sa buhay n'yo."
"It's a gift." Nag-peace sign ito. "Sige na, makikinig ako."
"Hmm, let's see." Ilang segundo siyang nag-isip bago ulit nagsalita. "If you look at it in the movies, parang ang dali lang niyang gawin, diba? You just have to cut the right wires to stop the timer. 'Yong iba nga flashback-flashback lang ng mga happy moments ta's biglang cut ng wire. The hero saves the day."
"But it isn't that simple," dagdag nito.
"Yup, kasi each bomb, they have a unique schematic electric circuitry, it depends on how that person made the bomb. If you're not an expert of defusing a bomb, magsimula ka na lang magdasal dahil sasabog pa rin 'yan. Isang maling cut ng wire kung 'di mapapabilis ay mapapabagal mo ang takbo ng timer. It could lead to something more dangerous and fatal scenarios."
"Hindi ko alam kung paano siya ire-relate sa buhay ko ganitong masyadong complicated ang buhay ko ngayon. But if there is one thing I'm certain with, choice could make a lot of difference. Parang pagdi-defuse ng bomba. The bomb is the mind. The wires are their choices, doubts and what ifs... either way, kung ano man ang mas piliin nila it could either bring them regrets or satisfaction."
"Hearing it from you made me realize a lot of things Al."
Natawa siya. Titig na titig kasi si Darwin sa kanya na tila ba may nagawa nga siyang nakapagbago sa buhay nito. Medyo weird. Hindi siya sanay na natutulala ito. It's totally out of Darwin's character.
"Perspective ko lang 'yon huwag mong dibdibin."
"It's a human perspective."
"Bakit 'di ka ba tao?"
"I'm not part of the option. Isipin mo na lang na isa akong anghel na nagkatawang lupa."
"Mas iisipin ko pang maligno ka na pinalayas sa mundong ibaba."
Tumaas ang gilid ng labi nito. "Bayaran mo 'yang kinain mo. Wala ng libre sa mundo. I changed my mind. I need money more than friendship."
Natawa lang siya. "Baliw ka talaga Darwin!"
"Alam mo Allysa," this time, Darwin grinned. "May suggestion ako sa'yo."
"Bakit may pakiramdam ako na kalokohan na naman 'yang suggestion mo?" she squinted her eyes at him suspiciously. "Ano?" still she asked.
"Ma-in-love ka na lang sa akin para tapos na problema mo."
"Kadiri ka!" binato niya ito ng electrical tape na nasalo naman nito.
Lumalakas lang tawa ni Darwin. "Choosy nito. I-refer na kaya kita for sainthood? Saint Allysa Alonzo, died in devastating martyrdom, santo ng mga nagmahal, nasaktan, at nagpanggap na masaya."
"Wow, ha?" napamaang siya.
"Magpa-pasko na Allysa, sana maging masaya ka na."
"Sige, bawain mo talaga 'yong mga sinabi mo." She chuckled. Still she was touched by Darwin's wish for her. "Masaya naman talaga ako."
"'Yong habang buhay na kasiyahan. Hindi 'yong ngayon lang." Nagtama ang mga mata nila at sa kauna-unahang pagkakataon, ibang Darwin ang nakita niya. Hindi 'yong palabirong Darwin na puro kalokohan ang nasa isip at puro kamunduhan ang buka ng bibig. In that moment, she saw him as a brother and her best friend. "I mean it Allysa."
Napangiti siya. "Oo na, thank you."
"Tsk, swerte mo sa akin."
KANINA pa hinahanap ni Allysa ang cell phone niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Saan ko ba 'yon iniwan? Sa pagiging paranoid niya ay itinatago niya ang cell phone. Ngayon lang talaga na hindi niya maalala kung saan niya nga 'yon iniwan.
Umakyat siya itaas. Baka nasa kwarto lang 'yon. Pumasok siya sa loob. Napansin niya agad ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napangiti siya nang maisip niyang naliligo roon si Lance. Hay naku Allysa! Nawawala na nga ang cell phone mo't sangkatirba na ang problema mo, heto ka't hitik sa kamunduhan.
She shook her head. Behave Allysa!
Bigla namang narinig niya ang pamilyar na ringtone ng cell phone niya. Mabilis na nakita niya ang cell phone sa itaas ng bedside table. She tilted her head. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? It was already past 10 pm.
Unknown number ang nag-register sa screen pero sinagot niya pa rin iyon.
"Hello?"
"Al-" sagot nito. The sound of her voice seemed familiar.
Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya bigla. "S-Sino 'to?"
"It's me," nanlaki ang mga mata niya. "Alyce."
"Al –"
Pero bigla na lamang namatay ang linya. Hindi niya namalayan na nanginginig na pala ang mga kamay niya nang muling tignan ang screen ng cell phone niya. She stared at the number on her screen.
Alyce? Was it really Alyce?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro