Chapter 15
FROM the mainland sumukay sila ng pump boat. Hindi na sila tumuloy roon sa exact location ng mga floating bungalows dahil nga peak season. Baka wala na silang maabutan na vacant hut. 'Yon ang sabi ng isa sa mga thai natives sa mainland. At wala na rin silang idea kung na saan sila basta na sa southern part sila ng Thailanad.
Nanlumo siya, gusto pa naman niyang mag-stay roon ng tatlong araw. Buti na lang at may isang Ale na lumapit sa kanila.
Inalok nito ang floating hut nito sa kanila. Nag-iisa lang daw 'yon doon at paminsan-minsan ay inaalok niya sa mga turista na dumadayo. Kinailangan pa niyang kausapin si Lance nang masinsinan dahil ayaw pa pumayag. Itong lalaking 'to napaka-KJ. Hay naku! Sa huli ay napapayag niya rin... after 30 minutes!
Ang mismong Ale ang naghatid sa kanila roon dahil may-ari rin ito ng pump boat. Naunang bumaba si Lance sa kanya mula sa pump boat at inalalayan siya nito pagkatapos. Hindi niya naman mapigilang ang mapatingin sa buong lugar.
"Ang ganda!" tanging nasabi niya. Damang-dama niya ang kalikasan at masarap na hangin. Para siyang nasa paraiso. They were even surrounded with tower like island karst. "It's so beautiful here."
"It is Ma'am, I hope you enjoy your stay here. Do not worry the house is complete for cooking, taking a bath and for sleeping. I already gave you my number just call me. We will be back after three days, okay?" The old lady spoke in English in her thick Thai accent.
Tumango siya sa Ale. "Khawp khun kha." She brought both her palms together and raised it to her nose and head when she bowed. She said her thank you in Thai.
"Mai pen rai. Laa gon na! Bai bai! Enjoy!" 'yon lang at umalis na ito.
Muli niyang iginala ang tingin sa buong paligid. "Woah! Ganda talaga."
"Para tayong na stranded sa isang isla. Sure ka bang safe tayo rito?" nilingon niya si Lance saka tinaasan ng kilay. "Pero maganda," bawi agad nito. "Maganda, mahangin at solong-solo natin ang lugar. Bakit 'di ko naisip na pumayag agad?" may naglalarong pilyong ngiting baling nito sa kanya.
"Hoy," duro niya kay Lance. "Iba ang iniisip mo."
"Wala," Lance playfully smiled at her. "Sabi ko ihahanda ko na ang mga pinamalengke natin at nang makapagtanghalian na tayo." Tinalikuran na siya nito at binitbit ang mga gamit nila. "Ako na ang magluluto dahil ang misis ko 'di marunong."
"Ay grabeh siya oh."
KANINA pa naglulunoy sa tubig si Allysa pero 'tong si Lance wala yatang planong maligo. Nasa gilid lang, mga paa lang nito ang ibinababad sa tubig, masaya na sa hawak-hawak nitong paper pinwheel na kinuha pa nito sa isa sa mga decoration sa bungalow.
"Ayaw mo talaga maligo? Tuturuan nga kita lumangoy." Pangungulit pa niya. "Hawak ka lang dito oh." She tapped the wooden floor of the bungalow kung saan niya isinandal ang dalawang braso.
"Hindi pa rin ako mag-i-enjoy." Sinilip nito ang lalim ng tubig. "Mukha pa naman 'yang malalim. Huwag na lang. Sige mag-enjoy ka lang diyan."
Natawa lang siya. Sa huli ay umahon na siya at tumabi kay Lance. Inabot niya ang apple sa tabi at kinagatan 'yon. "Maglaro na lang tayo."
Kumunot ang noo nito. "Anong lalaruin natin? Taguan sa gitna ng dagat? O finding nemo?"
Tumaas ang gilid ng labi niya. Minsan talaga nakaasar ang ugali ng 'sang 'to. Akmang isasapak niya rito ang mansanas nang magbago isip niya. 'Yong pagkaasar niya ibinuhos niya sa pagkain ng apple.
Tinitigan niya lang talaga si Lance habang inuubos ang apple.
No words.
Titigan challenge.
"Buong araw lang ba tayong magtititigan?" She just shrugged her shoulders at him. Pero ang hindi niya inasahan ay ang biglang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Lumakas ang tibok ng puso niya at napakurap-kurap siya. "Too bad, I'm not just gonna stare at you the whole day." Inagaw nito ang apple sa kamay niya at itinabi 'yon.
Akmang lalayo siya nang bigla siya nitong halikan sa mga labi. Noong una nagulat pa siya pero nang maramdaman niya ang paggalaw ng mga labi nito ay kusa na lamang niyang naipikit ang mga mata. Napahawak siya sa damit nito nang pailaliman nito ang halik. Nahihilo siya sa sensasyong ibinibigay nito sa kanya. She opened her mouth for him and kissed him back with the same passion and eagerness.
Lance was mischievously smiling at her when they parted. Siya naman damang-dama ang init sa mga pisngi. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso niya. Nakagat niya ang ibabang labi at napakamot sa noo. Mabilis na tumayo siya.
"Magbibihis muna ako..." medyo hilaw pa ang ngiti niya. "Ang lamig na." Pero sa totoo lang nag-iinit ang buong katawan niya.
Natawa lang sa kanya si Lance. "I'll just wait for you here."
"Okay," tinalikuran na niya ito pero langya natisod pa siya habang papasok sa loob. Shet! Kumalma ka Allysa, jus ko! Pero ano bang magagawa niya? Hindi niya talaga mapigilan 'yong kilig niya. 'Yong totoo? Kilig o landi? Pwedeng both?
"Oh Al, okay ka lang ba?!"
"Okay lang ako," hindi na niya nilingon si Lance at dumiretso na siya sa loob. "Ang sakit." Napangiwi siya bigla pero nang maalala ang nangyari kanina para na siyang tanga sa kakangiti.
Pero ang sakit talaga ng paa ko. Pucha!
NATAGPUAN ni Lance ang sarili sa isang pamilyar na lugar. It was his old school. It seemed like someone was playing the piano at gusto nitong sundan niya ang nililikha nitong musika. Naglalakad siya sa hallway, wala siyang nakakasalubong na mga estudyante, 'till he reached that last door in that hallway. Bahagyang nakabukas ang pinto na 'yon.
He knew that song. He had heard it before.
Sumilip siya sa loob mula sa hamba ng pintuan. A girl was sitting in front of the black grand piano. She was wearing the same uniform as his. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya.
But he can't help himself but look at her from afar. Alam niya sa puso niya na kilala niya ito pero hindi niya magawang lapitan ang babae. Kusang pumikit ang mga mata niya at dinama ang magandang musika na nililikha ng mga daliri nito.
Al...
Tila bulong ng kung sino.
Naimulat ni Lance ang mga mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Alyce. He can't help but touched the side of her face nang mapansin niya ang sugat nito sa pisngi.
Muli niyang inangat ang tingin rito. "What happened?"
Mapait lang na ngumiti ito. Hinawakan nito ang kamay niya at marahan 'yong ibinaba. Nagtataka man ay tila nasaktan siya. "Alyce!" tawag niya.
Tinalikuran siya nito at tumakbo papalayo sa kanya. "Alyce!" sigaw niya. Hinabol niya ito. "Alyce hintayin mo ako! Alyce!" Pero tila hindi siya nito naririnig.
Biglang bumuhos ang ulan. Napatingin siya sa langit. His vision was immediately clouded with the drops of water. Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan...but he was looking at a different road this time...may dumaang sasakyan sa harap niya and he saw his face inside that car. Mataman lang siyang nakatitig sa papalayong sasakyan kung saan siya sakay, kasama niya roon si Al.
The guy who look just like him seemed angry at something. Seryosong-seryoso ang mukha nito at kapansin-pansin ang mahigpit na hawak nito sa manibela ng sasakyan. Al was looking straight at the road.
Naitakip niya ang isang kamay sa mata nang biglang lumiwanag. He felt an instant fear when he found himself in front of the steering wheel – inside the car. Naibaling niya ang tingin sa malungkot na mukha ni Al. He couldn't found the words to speak or even the strength to move. What the hell is happening?!
"Lance!" sigaw nito bigla.
Naibalik niya ang tingin sa harap when he heard a loud screeching sound of tires. Babangga sila! Tila doon lang gumana ang isip niya. He tried to maneuver the car but it was too late. Naunang tumama ang ulo niya sa manibela bago niya naramdaman ang malakas na pagtama ng likod niya sa upuan. Nagawa pa niyang yakapin si Al bago tuluyang bumaliktad ang sinasakyan nila.
"I-I'm... s-sorry..." ang mga salitang huli niyang narinig.
"Al-"
NAPABALIKWAS ng bangon si Lance.
Habol ang hininga ay nasapo niya ang noo. Basang-basa siya ng pawis. Napangiwi siya nang biglang gumuhit ang sakit sa sentido niya. Naipikit niya ang mga mata. What the hell was that?
Ilang segundo siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa bumalik na ang normal na tibok ng puso niya at paghinga. Nawala na rin ang sakit. Bigla-bigla ay naalala niya si Al.
"Al," halos pabulong niyang tawag.
Napansin niyang madilim na sa labas. Pero wala si Al. Kinabahan siya bigla. Akmang tatayo na siya mula sa kama nang marinig niya ang pamilyar na kanta mula sa labas. Naingat niya ang tingin sa nakabukas na pinto.
It was the same song in his dream. The same music... mayamaya pa ay narinig niya ang boses ni Al na sinasabayan ang instrumental music.
"Wise men say, only fools rush in. But I can't help...falling in love with you. Shall I stay? Would it be a sin. If I can't help falling in love with you."
Natagpuan niya ang sarili na tinitignan ito mula sa hamba ng pintuan. Nakangiti ito habang kumakanta. Nililipad ng hangin ang buhok nito. She was tapping her fingers on the wooden floor like it was her piano. Sa cell phone nito nanggagaling ang instrumental music.
He leaned his shoulder and head at the frame of the wooden door. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. He can't help but admire his wife from afar. All of his nighmares vanished. Seeing his wife made him feel safe.
"Take my hand...take my whole life...too. For I can't help...falling in love with you. "
May maganda itong ngiti nang matapos ang kanta. In that moment, Al just took his heart with her. He had never seen her smile that bright. Seeing her that happy, mas lumitaw ang ganda nito. God, she's beautiful.
He clapped his hands and walked towards her.
Gulat na nilingon siya nito. Natawa lang siya nang simangutan lang siya nito. Tumabi siya ng upo rito. Hindi niya mapigilang haplosin ang buhok nito. He tapped her head after.
"Kanina ka pa ba gising?"
"Bakit? Ayaw mo nun may audience ka."
"Hmp, tinulugan mo lang naman ako buong araw." He chuckled. "Thank you, ha? Nag-enjoy ako buong araw." She added in full sarcasm.
Napangiti lang siya. "That song,"
"Hmm?"
"You love that song, aren't you?" napapatitig ito sa kanya. "You even played that before sa bahay."
Napangiti si Al. "Love song 'yan ng buhay ko."
"Can I ask you one question?"
"Sure, ano 'yon?"
"Have I told you before when was the first time I saw you?"
"Hmm," ngumiti ito. "Pinuntahan mo ako sa classroom para lang magpakilala."
"I think, that's the second time."
May pagtataka na tinitigan siya nito. "Huh?"
Naalala niya ang unang bahagi ng paniginip niya kanina. He was sure it was Al, malakas ang kutob niyang ito ang babae na nakita niya sa music room noong high school. Her music lead him to her.
"I knew there was something special with that song when I first heard it. Correct me if I'm wrong but have you remembered playing it in school?"
Sandali itong nag-isip. Kunot-noong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "You saw and heard me playing that song before?"
"Sa isip ko, pinapanood kitang tinutugtog 'yon sa isang silid sa eskwelahan na may grand piano. I was standing at the door, listening to that beautiful song." It wasn't a bad dream after all. He knew it was real. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam na 'yon. "And I guess, no I'm sure, I fell in love with you that day."
Nagulat siya nang bigla itong yumuko. Na alarma naman siya. Kinabahan siya. May nasabi ba siyang mali? Mabilis na hinawakan niya si Al sa magkabilang braso.
"Al?"
HINDI mapagilan ni Allysa ang sarili ang maluha sa saya.
Napayuko siya.
"Al?"
Lance remembered her. Naalala niya ako! Alyce never mentioned it to her. Ang alam niya lang ay ang unang beses na lumapit si Lance kay Alyce. Tanda niya 'yon dahil nandoon din siya. At nang tinanong niya si Alyce ay wala rin itong nabanggit tungkol doon.
It was her. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Lance. Alyce had never played that song. Now that he mentioned it, naalala niya ang araw na 'yon.
Malaki ang ngiti ni Allysa nang matapos ang kanta.
She sighed in contentment. Napaigtad naman siya nang may marinig siyang kung anong nahulog mula sa labas. Napalingon siya sa likod. Napasinghap siya. Hindi niya pala nasarado ang pinto. Napangiwi siya. Baka may nakakita o nakarinig sa kanya.
Sumilip siya sa labas nang hindi umaalis sa pwesto niya. "May tao ba riyan?" tanong niya sa kawalan. Kumunot ang noo niya sabay simangot. "Ah ewan, baka pusa lang 'yon."
Kung totoo man na iyun ang unang pagkakataon na nakita siya nito masaya na siyang malaman 'yon. Kahit na akala nito ay si Alyce 'yon. Ang babaw ko talaga!
"Kinakabahan naman ako sa'yo. May nasabi ba akong masama?" nakangiting inangat niya rito ang mukha.
"Hindi, wala." Mabilis na pinunasan niya ang mga luha. "Naiyak lang ako kasi una mong naalala ang bagay na 'yon eh 'di mo naman nabanggit sa akin 'yan."
Bumuga ng hangin si Lance. Mukhang nakahinga ito nang maluwag. "Akala ko naman may mali sa nasabi ko. Inisip ko pang baka ibang babae 'yon."
She let out a heartily chuckle. "Ako 'yon, hindi mo lang nabanggit." Ako talaga 'yon. At hindi pala pusa 'yon... ikaw pala 'yon eh.
Lumapad ang ngiti nito. "Sekreto pala 'yon."
"Opo at kumanta ka na."
He cupped her face. "Malilimutan ka ng utak ko pero hindi ng puso ko." Mabilis na hinalikan siya nito sa mga labi.
"Talaga ba?"
He nodded. "You're my only wife."
"Only lang talaga!" pinalis niya ang mga kamay nito at dinuro. "Dahil kapag madami kami aba'y sasapakin kita at uubusin ko ang pera mo hanggang sa maghirap ka."
Malakas na tumawa ito. "Buti na lang talaga loyal ako." Kinabig siya nito payakap. She breathed his scent when she hugged him back. "Al,"
"Hmm?"
"Stay with me Al. Stay with me even if I won't remember everything."
Kumalas siya sa yakap nito. Hinawakan niya ang isang kamay nito. She reached one hand to touched his face.
"You will remember everything Lance." Masuyong tinapik niya ang pisngi nito. You will remember everything...your true feelings...and Alyce. "And when that moment comes," I may never be at your side. "I'm still at your side," 'cause you'll be in my heart forever. "Always." From afar.
Nakangiting pinagdikit nito ang mga noo nila.
"I love you." Halos pabulong na usal nito.
Nagtama ang mga mata nila.
"I love you too." She mouthed.
Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya and this time hindi na niya hinantay na maglapat ang mga labi nila. She threw her arms around his neck and pulled him closer. She kissed him on the lips. Naramdaman niya ang pag-ngiti nito habang magkahinang ang mga labi nila.
Both of them chuckled as the kiss ended. Bahagyang lumayo sila sa isa't isa. Pero tila ayaw naman paawat nitong si Lance. Bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya.
"God, this won't do." He said between kisses.
"Hmm?"
"I want you now Al." Anas nito. Bahagya niyang itinulak palayo si Lance. "Al?" inangat nito ang mukha sa kanya nang tumayo siya. "It's okay, I'll just wait –" nagtaka ito nang ilahad niya rito ang isang kamay.
"Mahamog dito. Doon tayo sa loob."
Namilog ang mga mata nito. Mukhang hindi ito makapaniwala dahil hindi agad ito nakakilos. Natawa siya kaya siya na mismo ang humila rito patayo. Akmang tatalikuran na niya ito nang mahawakan nito ang kamay niya. Kinabig siya nito paharap rito at muling hinalikan sa mga labi. Kusang naipikit niya ang mga mata nang magsimulang gumalaw ang labi nito.
Napahawak ang dalawang kamay niya sa damit nito nang pailaliman nito ang halik. She moaned at the sensation he is giving her with that mind blowing kiss. Lance lifted her without tearing his lips from hers. She then wrapped her legs on his firm waist. She was already breathless because of their kisses but the word stop no longer exist in her mind. Pinagsawa nila ang sarili sa paghalik sa isa't isa habang papasok sila sa loob ng bungalow.
Naramdaman na lamang niya ang paglapat ng likod niya sa kama. Lalo lang nitong pinailaliman ang halik. Mas marubdob at mas mapusok. Tila uhaw-uhaw itong halikan ang mga labi niya. She kissed him back with the same passion and want. Ramdam na ramdam niya ang init ng mga katawan nila. They both ache to be one.
"Lance," anas niya.
Bumaba ang halik nito sa panga niya hanggang sa leeg. Napasinghap siya nang pabirong kagatin nito ang leeg niya. Naitulak niya tuloy si Lance.
She glared at him.
"Ulitin mo pa 'yon at sasakapin na kita."
Natawa lang ito at muling binalikan ang mga labi niya. Hindi niya naman maiwasang damahin ang buong kabuuan nito. Tinulungan niya itong alisin ang suot na damit ni Lance nang hindi pinuputol ang halik.
She could feel the warmth of his palms inside her over sized shirt; just the mere touch of his palm sent chills in her spine. Her head was spinning with too much erotic desires because of Lance's feathery kisses on her jaw down to her neck. Bumalik ang mga labi nito sa kanyang labi at muli siyang siniil ng halik. Madali naman nitong nahubad ang suot niyang pang-itaas.
Mamamatay na yata sa sensasyong ibinibigay nito sa kanya. She knew making love could make someone's mind crazy. She always write that in her novels but darn, she did not expect that it'll be this beautiful... lalo na sa taong mahal mo.
"You're beautiful," buong ingat na hinaplos nito ang mukha niya. Damang-dama niya ang mga salita nito. Hindi niya mapigilan ang paninikip ng dibdib niya. Gusto niyang isipin na ang pagmamahal na nakikita niya sa mga mata nito ngayon ay para sa kanya.
Muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi.
Love me Lance. I want to hear you say may name pero alam kung hindi pwede kaya iisipin ko na lang na ako nga ang mahal mong si Al.
"Mahal kita," anas niya sabay yakap rito. She buried her face on his neck and silently cried. "Mahal na mahal kita Lance." Kaya mahalin mo muna ako, ha?
"Al?" marahan siya nitong itinulak palayo. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Hinaplos niya ang mukha nito. "Love me, Lance."
"I will always love you Al."
May ngiting siniil muli siya nito ng halik sa mga labi.
Hindi habang buhay makakasama kita Lance pero hayaan mong dalhin ko 'tong mga masasayang alaala na ito sa pag-alis ko... na minsan may Lance at Allysa. Na minsan, minahal ako ng isang Lance del Valle.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro