Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

NAPABALIKWAS ng bangon si Allysa. Malakas ang tibok ng puso at pinagpapawisan. Habol-habol niya ang hininga. Napangiwi naman siya nang maramdaman ang sakit sa braso. Ngayon lang niya napansin na malakas pala ang buhos ng ulan sa labas.

Binalingan niya si Lance sa tabi niya. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi niya pala ito nagising. Nasapo niya ang noo at mariing napapikit. Naalala niya na naman ang araw na 'yon. Hanggang kailan niya kaya dadalhin ang malungkot na alalalang 'yon?



"TAHIMIK ka naman yata masyado ngayon Al?" basag ni Lance kay Allysa.

"Huh?" lutang ang isip na binalingan niya si Lance. "May sinabi ka?"

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. "May problema ka ba? Maasama ba pakiramdam mo?" sinapo nito ang noo niya. "Hmm, wala naman."

Ibinaba niya ang kamay ni Lance. Lumapit siya at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagkabigla nito sa pagyakap niya. Payakap muna Lance.

"Al?" he hugged her back.

"Gustong-gusto kitang yakapin lagi."

"Hmm?"

"I love your smell. Your voice. Your laugh. The way you look and stare at me." If only those were for me Lance. "I love being with you always." Kasi nagiging masaya ako.

Lance hugged her tight. Kahit na hindi niya tignan ang mukha nito ay alam niyang nakangiti si Lance.

"I will always be here for you. Hindi ako mawawala sa'yo." Napangiti siya nang mapait. Kung pwede lang Lance. Kung pwede lang na 'di ka mawala sa buhay ko.



"FOR YOU," napalingon si Allysa sa likod. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lance. Hindi agad siya nakagalaw nang ipakita nito ang baby's breath flower crown na hawak nito. It was made in different colors. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Syempre favorite flower niya 'yon eh. "This crown is for my beautiful wife."

Ipinatong nito 'yon sa ulo niya.

"Baby's breath," usal niya. "Why?"

Malapad ang ngiti nito. He look so proud of his gift. "Hindi ko alam, basta nang makita ko ang mga bulaklak na 'yan ikaw ang una kong naisip."

"This is my favorite flower Lance."

Namilog ang mga mata nito na tila ba manghang-mangha ito sa narinig. He smiled and stepped forward to cupped her face.

"I guess I remember it by heart." Hinalikan siya nito sa noo.

Umabot naman sa puso niya ang saya. She never mentioned it to Lance kahit noong nagpapanggap siyang Alyce. Natatawa na lang siya dahil lagi na niyang napapansin na baby's breath flowers lagi ang ibinibigay nito kay Alyce. Alyce is not fan of flowers at mukhang 'di na rin nito tinatama si Lance kaya sa tuwing may dala itong baby's breath ay kinukuha na niya 'yon sa mga katulong dahil ibinibigay lang naman 'yon ni Alyce kay Manang Indang. Sayang din naman.

She was thinking that Lance might have noticed her admiring those baby's breath when they visited his Aunt's flower farm... sympre bilang Alyce. 'Yon naman talaga ang trabaho niya since then.

"Sinabihan ko pa 'yong Ale na gumawa niyan na ilagay niya lahat ng kulay."

"At bakit naman? Maganda rin naman ang simpleng white."

"Alam ko, but I want your crown to be as colorful and as beautiful as my wife."

Hindi siya ngingiti. Hindi siya ngingiti. But darn, she can't help but be touched by his effort and words. "Bwesit ka talaga," dagdag pa niya kahit nakangiti siya.

Natawa lang ito. "Oh 'yan ka na naman! But I'm glad that you're smiling again at maldita ka na naman. Hindi ako sanay na malungkot at tahimik ka. I want the grumpy, sarcastic and sweet Al... the same Al I'm with right now."

Lalo siyang napangiti. "Thank you." Tumingkayad siya para gawaran ng halik sa pisngi si Lance. "Gutom ka na?" pag-iiba niya.

Nakangusong tumango si Lance.

"Mukha mo," natawa siya sa pagpapa-cute nito. Pinalo niya sa ito sa balikat. Natawa lang ito sa ginawa niya. "Balikan muna natin 'yong mga gamit natin then let's have picnic doon sa itaas." Itinuro niya ang daan papunta pa sa itaas na bahagi ng flower farm kung na saan sila. Kumunot ang noo nito. "May bike naman tayo, 'to naman. Mas maganda ang view doon at mas mahangin."

"Alright, stay here. Kukunin ko lang ang bike natin."

"Dalian mo. Ang kupad-kupad, ha?"

"Hay naku! 'Yan ka na naman."

"Dali na!"

"Oo na! Oo na!"

Habang sinusundan ng tingin si Lance hindi niya maiwasang mapangiti. Naisip niya ang ama. Pa, alam ko na may pangako ako sa'yo pero pahingi muna ng break. Hayaan mo muna ako sa mga kabaliwan ko.



"DALIAN mo na riyan Lance! Hay naku, ang bagal." Hinila na niya si Lance. Mabilis ang mga kilos nila. Hapon na at mayamaya ay didilim na rin. "Baka wala na tayong maabutan na bangka."

"Bangka? Magba-bangka pa tayo? Pwede namang –"

"Mas magandang panoorin ang mga floating lanterns kapag nasa lake tayo. At saka madami naman tayo kaya okay lang 'yan. Bibili pa tayo nung floating flowers na tinatawag nilang krathong tapos lanterns pa."

"Oo na! Oo na!"

Nakaabot rin sila. Madami ng tao sa lake na 'yon. Loi Krathong is an annual tradition in Thailand, Thais go to lakes, rivers or any body of water and offer those krathongs, mostly made in decorated folded banana leaves, candle or incense stick, it's more like a boat of flowers. It is to pay respect for the goddess of water and to let go of one's hatred, sorrows, anger and bad experiences.

Tapos ang Yi Peng nag-originate siya sa Chiang Mai which is what they also called the lantern festival or the festival of lights. Magkasabay na 'yong sini-celebrate sa Chiang Mai and it's one of the festival na kaabang-abang talaga.

Isang boat na lang ang available at buti na lang napakiusapan nila ang may-ari na i-rent 'yon sa kanila. Nakabili na rin sila ng krathongs at lanterns. Hindi naman masyadong malalim ang lake kaya safe sila. Madami rin naman silang kasama. And she knows how to row a boat. Sabihin na lang nating may pagka-suicidal din siya kaya lahat sinusubukan niya.

Madilim na. Tanging mga kandila at incense na lang ng mga krathong ang nagbibigay ilaw sa buong lake. Hindi naman din sila lumalayo.

"This is beautiful," punong pagmamanghang usal ni Lance habang kinukunan ng mga larawan ang mga floating krathongs. Para 'yong mga mumunting bituin sa lawa. "I've never seen such beautiful as these."

Napangiti siya. "Sindihan mo na ang kandila sa krathong tapos ilagay mo na sa tubig." Tumalima naman agad ito sa kanya. "Pero bago mo gawin 'yon... umusal ka muna ng dasal. You have to include in your prayers na ile-let go mo na lahat ng mga galit mo sa mundo at ipangako mong magiging masaya ka na simula ngayon."

Natawa naman ito. "I'm already happy, Hon. I have you."

She can't help but glared at him. "Seryoso ako."

Nawala ang ngiti nito sa mukha. "Katakot ka talaga." Umayos ito ng upo. "Oo sige na," he clasped his hand over his chest. Instead of closing his eyes, he look at her. "I forgive," natigilan siya sa sinabi nito. Tila siya ang sinasabihan ng mga salitang 'yon. Lance smiled. "I forgive all the people that had hurt me."

"L-Lance?"

"Kaya patawarin mo na rin ako."

"Wala ka namang kasalanan."

"Sorry, kasi makulit ako."

"OA nito," natatawa niyang pahayag. "Tama na nga."

Sabay nilang pinaanod ang mga krathongs. She added a little prayer as well. Everything will be alright Allysa. It will be alright.

"Woah!" sigaw ni Lance bigla. Nakaangat ang tingin nito sa langit. "Al tignan mo." Iningat niya ang tingin sa langit.

"Oh my god!" natutop niya ang bibig. Umuulan ng lanterns sa langit. Kinilabutan siya sa sobrang ganda. Hindi niya mapigilan ang saya na nararamdaman."Ang ganda."

"Paliparin na rin natin ang atin Al."

"Ikaw na lang bahala. Gusto ko lang manood."

"Ay grabeh siya."

Natatawang ibanalik niya ang tingin kay Lance. "Ihanda mo na camera mo at may utang ka sa aking picture. Akin na ang lantern." Isa lang binili nila kasi malaki naman. She lit the inside of it hanggang sa lumulubo na ito. Hawak nilang dalawa ang lantern. "Okay, pagbilang kong tatlo sabay nating bitiwan."

He nodded. "Sure! Isa –"

"Ako magbibilang."

"Naku! 'Yan ka na naman." Natawa na lang ulit si Lance sa kanya. "Ina-under na naman ako ng asawa ko."

Kinindatan niya lang si Lance. Lumapad lang ang ngiti nito. "Okay, pagbilang ko, isa, dalawa, tatlo, bitaw!" sabay nilang binitiwan ang lantern at sinundan ng tingin iyon hanggang sa mataas na ang nilipad nun.

"Smile!" biglang narinig niya ang pag-flash ng camera. Pagtingin niya kay Lance ay ngiting-ngiti ito. "Stolen shots are still the best."

"Hoy!"

"Hoy ka rin!" itinaas nito ang lumang camera nito sa ere. "C'mon let's take a picture together. One. Two. Three. Smile!"

Tiniis na lang niya ang matinding flash ng camera nito. Para yata siyang mabubulag. "'Yang flash ng camera mo nakakabulag." Reklamo niya. "Kaya dapat maganda kuha natin diyan, ha?"

"Oo naman, ako pa!"

Ilang minuto rin nilang pinagsawa ang sarili sa kakatanaw sa mga lanterns sa langit. This is one of the best memories she will never forget. Natupad ang hiling niya. Kasama niya pa si Lance. Biyaya pa rin niya 'yong maituturing.

"So," basag ni Lance. "Bakit ka nga ba malungkot noong nandoon tayo sa flower farm?"

"Wala, na miss ko lang bigla ang Papa ko." Mapait na ngumiti siya. "At saka ang kakambal ko."

"Si Allysa?"

Tumango siya. "I always missed my father, Lance."

"I'm sure your father misses you too in heaven." Inabot nito ang isang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "Sino namang hindi makaka-miss sa'yo?"

Sa huli ay napangiti lamang siya sa sinabi nito.

"Speaking of your sister, Allysa." Bigla-bigla ay nabaling ang buong atensyon niya rito. "I've been thinking about her for the past couple of days. Hindi mo kasi natatanong Al, binasa ko talaga ang libro niya."

"And?"

"I don't know," he shrugged. "But one thing for sure after reading her book. She's sad. She's longing for something...'di ko nga lang alam kung ano... but I can feel her pain."

Lance?

Hinuli nito ang tingin niya. "I hope Allysa's fine."

I am fine Lance. Thank you.

Napangiti siya sa sinabi ni Lance. "Thank you Lance. Allysa would be happy to hear that from you."

"I hope to see and meet her soon."

"You already did." I'm here in front of you.

"Huh?"

"Sabi ko," natawa siya. "Na meet muna siya 'di mo lang maalala."

"Oo nga, noh?" He chuckled. "I mean, gusto ko ulit siya makilala."

Hindi ko sigurado, pero salamat pa rin Lance. You don't how much your words means to me. At least, narinig ko sa'yo ang mga salitang 'yon.


NAPAPANGITI na lang si Lance habang papauwi sila sa inn. Karga-karga niya si Alyce sa likod. Sa sobrang kulit ng asawa niya hayon at nakatulog habang papauwi sila. Wala man siyang alaalala sa asawa at kakambal nito pero tila hindi naman 'yon dahilan para hindi ito mahalin.

He may not have memories of her but his heart remembers Al. Kung may pinagtataka man siya 'yon ay hindi niya gustong tawagin itong Alyce. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi niya magawang buoin ang pangalan nito. It wonders him a lot. Hindi niya alam kung bakit Allysa ang pumapasok sa isip niya kapag nakikita ito.

Napabuntong-hininga siya.

He's sure that he's in love with the woman he's with now... with Al... his Al. So Lance, don't think too much about it. You're just confused because your memories of them are lost. The Al that you're with now is Alyce... and he's your wife.

He smiled.

"Right, she's my wife. My lovely wife."



"AY GRABEH 'tong babaeng 'to!" asar na itinaas ni Darwin sa harap ng mukha niya ang cell phone. "Hindi man lang nag-text o tumawag ang 'sang 'yon. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin. 'Yon lang 'yon?" dinutdot niya ang screen ng cell phone.

"Boss, sino kausap n'yo?" tanong ni Mang Kaloy.

"Yong cell phone Mang Kaloy! Letse! Hindi ako sinasagot." Pabalang na sagot niya sa matanda. "Ang mahal-mahal ng bili ko sa'yo! Wala kang silbi." Umayos siya ng upo at i-denial ang numero ni Allysa. Gising na siguro ang babaeng 'yon.

Sagutin mo dahil mahal ang international call! Nag-ring ang kabilang linya. Akala niya maghihintay pa siya ng ilang segundo bago nito 'yon sagutin.

"Hoy Allysa!"

"Allysa?" nagulat siya nang boses lalaki ang sumagot. Langya! Napatid niya ang mesa. Gago ka talaga Darwin. Bakit 'di mo naisip na sasagutin 'yon ni Lance? Wait! Kailangan kong mag-isip. Binago niya ang accent niya. Thai accent, buti na lang multilingual siya. Woah! Okay game.

"Am sori, dis is Ali-Sa-khrumka-Khun?" natanaw niya sa labas na baliktad ang pagkakadikit ng poster ng special champurado offer nila. "Ang Champurado." Na sabi niya tuloy. Shit!

"Huh? What's your name again? Allysa?"

"Lance?" narinig niya mula sa kabilang linya ang boses ni Allysa. "Sino 'yan?"

"Ay no! My nem is Ali-Sa-Khrumka-Khun-Ang-Champurado." Napapangiwi na siya. Litse talaga! Sinenyasan niya si Chu-Chu na lumabas at ayusin ang baliktad na poster. "Hanloh?! Hanloh? Sawatdee khrap. Khao jai mai? Mai pen rai. Bah-bye!" Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi niya. END CALL. Ipinatong niya sa mesa ang cell phone agad.

"Boss, sino kausap n'yo?" tanong ulit ni Mang Kaloy. "Alien ba? Sasakupin na nila ba tayo?"

"Oo Mang Kaloy kasi nakita nilang baliktad ang poster ng special champurado natin."

Mayamaya ay nakatanggap siya ng message mula kay Allysa. Takot na sinilip niya ang screen ng cell phone niya. He tapped the screen to read the message.

Gago ka ba? Muntik na ako roon. Buti na lang nagpalit ako ng cell phone at na unknown number ang numero mo. Papatayin kita pag-uwi ko litse ka! – Allysa

Napangiwi siya sa banta ni Allysa. Bumalik na lang kaya siya sa langit? Kung papatayin siya ni Allysa doon din naman siya papunta. Mauuna lang siya. Pero sa huli ay natawa lang siya. Ano kayang reaksyon ni Lance sa thai niya?

Kill me softly bes! Sayang ang feels! (T_T) – unknown number

Reply niya.

He leaned on his seat and crossed his arms over his chest. Hindi niya talaga mapigilan ang mapangiti.

"Tama Lance, si Allysa ang kasama mo. Hindi si Alyce." Malakas na humalakhak siya. "Magpakasaya kayo mga love birds!"

"Nababaliw na naman ang amo natin Mang Kaloy."

"Hayaan muna Chu-Chu mataas naman magpasahod."

"NARINIG KO 'YON!"

"Sorry Boss! Saranghaeyo!"




SAKIT ka talaga sa noo Darwin! She took a deep breath. Kinalma muna niya ang sarili bago hinarap si Lance.

"Anong sabi nung lalaki kanina?" tanong niya.

Lance shrugged. "Ewan ko roon. Sabi niya noong una 'hoy Allysa'. Akala ko nga hinahanap ang kambal mo pero biglang nagsalita siya ng Thai. 'Di ko na tuloy maintindihan." Natawa ito. "Baka networking lang."

"Sure ka? Wala na siyang ibang nabanggit?"

"Wala naman, at saka unknown naman ang number. Bakit may inaasahan ka bang tawag?"

"Wala naman," mabilis na ngumiti siya. "Medyo weird lang. Sige na, mag-ayos na tayo at baka maiwan tayo ng van." Bumalik siya sa banyo at isinara ang pinto. Isinandal niya ang likod sa counter. She check her phone again. "Dapat mag-ingat na ako sa susunod." She sighed. "Kahit kailan talaga..." Darwin! Mabilis na pinadalhan niya ito ng text.

Humugot siya nang malalim na hininga.

Kalma Allysa! Kalma! Si Darwin lang 'yon. Sa totoo lang kinakabahan siya. Napaginipan niya kasi kagabi na bumalik na si Alyce. Ganoon na lang ang kaba niya nang banggitin ni Lance ang pangalan niya habang hawak nito ang cell phone niya.

Natutop niya ang noo. Sa totoo lang, ayaw pa niyang matapos ang pagkukunwari niya. Gusto pa niyang makasama si Lance nang mas matagal.

Huwag ka muna bumalik Alyce.

Napaigtad siya nang biglang kumatok si Lance sa pinto. "Hon, maliligo ka na ba?"

"Oo, bakit?"

"Phom rak khun khrup."

"Huh?"

"Sabi ko maligo ka na riyan."

Napangiti siya. Baliw! Akala mo 'di ko alam ang meaning nun. Chan rak khun Lance. Mahal din kita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro