Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

SA isang simpleng travel inn sa Chiang Mai nag-check in sila Allysa at Lance. They could have booked themselves in a high class hotel but they chose not to. Chiang Mai, is what they called the old town in the northern district of Thailand. It has always been a dream of her to step foot in this beautiful town.

Tamang-tama malapit na rin ang hinihintay niyang festival sa Chiang Mai. Ang Yi Peng, kung saan nagpapalipad ang mga Thais ng mga lanterns sa gabi ng Loy Krathong. Isang annual Thai tradition na kasabay sa Yi Peng Festival ng Chiang Mai tuwing November. Gusto niya itong makita sa personal. The festival of light! Next week na 'yon kaya kailangan 'di niya 'yon ma missed.

"Maganda ba talaga 'yang sinasabi mong Yi Peng Festival?" basag ni Lance habang kumakain ng Khao Soi noodle na in-order nila.

They're currently having their lunch in a small restaurant they saw in the street. Hindi niya nga lang mabasa ang pangalan ng kainan na 'yon maliban sa drawing sa signage na parang noodle bowl. The old lady who owns the restaurant said that they should try their famous Khao Soi Noodle. So they did, since adventure naman ang pinunta nila sa Thailand at mukhang sobrang nagustuhan naman iyon ni Lance.

"Napanood mo na ba 'yong Tangled?" Lance nodded. "Nakita mo 'yong nagpalipad ang mga tao ng Lanterns tuwing birthday ni Rapunzel? It's somehow like that." Hindi niya napigilan ang mapangiti. Ini-imagine na niya ang gabing 'yon. "It'll be breathtaking!" she sighed dreamily.

"I know," nangulambaba si Lance. May naglalarong ngiti sa mukha nito. Tila aliw na aliw ito sa nakikitang ekspresyon sa kanyang mukha.

"B-Bakit?"

Nakangiting umiling lamang si Lance at nagpatuloy sa pagkain.

"Tsk," binato lang niya ito ng tissue. "Tapusin mo na 'yan. Madami pa tayong papasyalan." Kinindatan lang siya nito. "Pa cute ka pa riyan." Pero aminin mo Allysa kinilig ka naman. Tsk, oo na. Masama bang kiligin?

She took a picture of him eating. Hindi lang isa, kung 'di sunod-sunod pa. Nagulat ito sa ginawa niya.

"Al naman," he groaned. "Alam kong gwapo ako kahit kumakain pero respeto naman." She was laughing out loud this time. She took more pictures of him. Sino ba namang 'di matatawa? He was giving her perfect poses fit for a noodle commercial. His facial expressions seemed like he was a kid forced by his mother to smile and pose. May fierce, may wacky, at may effort na effort talaga pero halatang pinilit.

God, Lance!

Hindi niya mapigilan ang mapangiti at matawa habang tinignan ang mga pictures nito sa maliit na screen ng DSLR camera niya. "Mukha kang tanga rito Lance." Pinakita niya ang kuha niya rito. He was holding the Khao Soi Noddle plate with that takam na takam face. 'Yong klase ng mukha na pati plato gusto na rin nitong kainin. Baliw talaga!

"Oy, not fair –"

"Kain ka na riyan." Putol niya rito. Pabirong itinulak niya ito sa braso palayo. "Dalian mo."

"Ay nananakit si Misis." Natawa siya. "Dalawang linggo tayo sa Thailand nagmamadali ka. Bukas pa ako matatapos kumain. Isang oras ang nguya ko." She threw a death glare at him. Nagkumahog naman itong kumain pagkatapos. "Sabi ko nga, five seconds lang ako kakain."

Naglapat ang mga labi niya sa pagpipigil ng tawa. My poor Lance!




MADAMI silang pinuntahan na tourist destination sa Chiang Mai. Tuwang-tuwa siyang sumakay sa tuk-tuk taxi. Para 'yong combination ng trysikel at mini jeep sa Pilipinas. Madami nga silang kuhang larawan ni Lance habang sakay sila nun. Ang nakakatuwa pa ay sumasabay pa sa kalokohan ang tuk-tuk driver sa kanila. Biniritan pa sila ng isa sa mga Thai songs. Tawa lang sila nang tawa ni Lance.

They also visited one of the famous temple in the town. Una nilang pununtahan ang Wat Phra That Doi Suthep temple. Namangha naman talaga silang pareho. Para 'yong gintong temple sa paningin nila. Hiningal naman talaga silang dalawa ni Lance sa 306 steps staircase ng sacred temple. Fifth floor nga 'di niya kaya ang 306 steps pa kaya? But she loved the place. Ang ganda ng architecture ng buong lugar. The place spoke of culture and tradition of Thailand.

Dalawang araw pa silang naglibot at nagpunta sa mga temples. Pinuntahan din nila ang the impressive ruined Wat Chedi Luang temple. It's located at the center of the town. Namasyal sa mga streets ng Chiang Mai. Kain. Lakad. Bili. Kain na naman. Lakad. Kulitan. Sapakan. Irapan. Para silang bata sa daan.

Kahit kasi palakad-lakad lang sila marami silang nadadaanan na magandang pag-picture-ran. Natutuwa siya dahil game na game naman siyang kunan ni Lance gamit ng DSLR camera niya ng bonggang pang blogger pose niya. Supportive husband!

Hinihingal pa siya sa kakatawa habang sinusubo ang street food na nakalimutan na niya kung ano ang tawag na nabili nila sa Chang Pheuak Gate. Several street food stalls lined up on that area. Parang night market ng mga pagkain. Inabutan na sila ng gabi sa mga kalokohan nila.

"Kapagod!" masayang sigaw niya. "Pero ang saya!" dagdag pa niya in her high pitch voice.

"Sinabi mo pa!" Lance beamed at her. "We should do this everyday."

She sighed with a smile. Sakto namang pagbaling niya kay Lance ay napatingin rin ito sa kanya. If only we can do this everyday Lance. Baka sa susunod hindi na ako ang kasama mo. Bigla namang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Naiiyak siya. Hay naku! Hayan ka na naman Allysa. Sabing huwag isipin ang future. Focus sa present. Treasure this moment.

"I like that," nakangiting sagot niya. Lumapad ang ngiti nito saka biglang isinubo sa kanya ang kinakain nito. Sa gulat niya ay nalunon niya tuloy agad. She glared at him. "Lance!"

Tinawanan lang siya ng loko. "Masarap, diba?" bigla-bigla ay hinawakan nito ang isang kamay niya. "C'mon, may nakita akong kainan doon. Puntahan natin."

"Kakain na naman tayo?!"

"Kill joy nito, ako naman magbabayad."

"Patay gutom!" biro niya.

Tinawanan lang siya nito sabay hila sa kanya.




"I WANT something unique pero simple lang. The café should have this destiny thing themed. I'm not sure kung paano n'yo 'yon ide-design but I want the best interior design for my café, okay?"

Tumango ang babaeng interior designer na kausap niya. She wrote all his suggestions in her notes.

"Sure, I'll just send the design next week." Inangat nito ang mukha sa kanya. "Would it be fine Mr. Fate?"

"Yes, hindi naman ako nagmamadali." May ngiting sagot niya. He gestured her on a vacant table at pinaupo ito. "But let me remind you Miss Luna na I want you and Engr. Echavez to work together in this project." Nagbago ang expression nito. He knew how Destin Luna hates Engr. Jam Echavez. At naniwala siya sa kasabihan na, the more you hate, the more you love. "Pero wala akong pakialam sa personal problem ninyong dalawa."

"I'm fine, Mr. Fate. I don't mind working with that ass - I mean, that guy."

Lumapad lalo ang ngiti niya. "Thank you Destin. I'll leave my café in your hands. Anyway, maiwan na muna kita rito Miss Luna. I'll just have to check something." Nilingon niya si Chu-Chu. "Chu-Chu, give our guest something to drink and eat."

"Yes po, Boss."

May ngiting binalingan niya ulit ang babae. "I'll excuse myself for awhile. Jam is in on his way."I'll be back."

Tumango lang ito at ipinagpatuloy ang kung anong ginagawa nito sa journal nito.

Lumapit si Mang Kaloy sa kanya. "Boss, anong meron?" tanong nito.

"Magpapayaman tayo. Gagawin ko 'tong café kasi medyo boring. No worries, Mang Kaloy. Ikaw pa rin ang gwardya sibil ng aking soon to open Dolce Fate Café."

Lumapad ang ngiti ng matanda. "'Yan ang gusto ko sa inyo Boss eh. Mahal na mahal n'yo kami."

"Oo naman. Anyway, may titignan lang ako itaas. Pakiasikaso muna si Destin."

"Akong bahala Boss." Sumaludo ito sa kanya.

He chuckled. "You're the man." He snapped his fingers and pointed a finger at him with a wink. Natawa lang din ang matanda. Umakyat na siya sa itaas.

Inabot niya ang Ipad sa mesa at naupo sa swivel chair sa likod ng table. Tinignan niya muli ang picture ng mga kamay nila Lance at Allysa na ipinasa nito sa kanya. He squinted his eyes hanggang sa isa-isa na niyang nakikita ang mga linya ng mga palad nito. The love line in red strings. The wisdom line in blue strings. The life line in white strings. It's not that visible in the naked eyes. Para lang 'yong mga linya.

Fate line is not even that visible... it's the faintest line in the middle of the palm. Unlike the three lines na mahahalata talaga, fate lines will only show when it's connected with the person he or she is destined to be with. It will brighten the moment both of them shares the same feelings. Magiging malinaw lang din ang fate lines sa mga tao kapag malapit na nitong makita ang taong nakatadhana rito. For example, a moment na muntik na silang magkita, kung malapit ito or kung nakasalubong na nila ito.

Ilang century niyang pinag-aralan ang fate lines at palm lines ng mga tao. It was creatively made by God himself. At syempre, hindi naman 'yon inilagay roon para lang sa wala. Hay naku! At sa nakikita niya sa mga palad ni Lance at Allysa, mas naging malinaw ang fate lines ng dalawa... kaya lamang may malaking space sa pagitan ng mga fate lines ng dalawa kaya hindi nagko-connect.

Pero ang pinagtataka niya lang ay kung bakit mas gumulo ang linya ng palad nito. The first time he saw Lance's palm it wasn't that complicated. He could still remember the lines on his palm.

LANCE DEL VALLE, hindi siya pwedeng magkamali. Napangiti siya. Just in time. Hindi na siya mahihirapang hanapin at puntahan ito. Tahimik na sinundan niya ng tingin si Lance habang nasa counter siya. Mukhang papunta ito kina Allysa.

Dumiretso ito sa gifts and flowers section nila. Aside from goods he added a flower section in the store. DESTINED MART wouldn't be a unique one if it weren't for his amazing ideas. Chu-Chu assisted him hanggang sa makapili ito ng bouquet of baby's breath flowers. Itinuro naman siya ng employee niya since he was in-charged on the cashier counter this time.

May ngiting binati niya ito.

"For your girlfriend, Sir?"

"For my fiancee," nakangiting tango nito.

"Congratulations," sinabi niya rito ang presyo. He was secretly looking for his right hand. Kailangan niya lang mahawakan ang kamay nito na hindi mapagkakamalang manyak na bakla. He just have to confirm something. Langya!

"Here," inabot nito ang bill gamit ang right hand nito. Damn, bahala na. Hinawakan niya na ang kamay nito. He can see the different colors of strings in his mind including some memories of his past and present. Found it!

He was really right. Allysa was really the girl in the past.

Pag-angat niya ng tingin ay kunot na kunot ang noo nito habang titig na titig sa kanya. Parang tanga na binitiwan niya ang kamay nito at parang tanga pa ring ngumiti. Fine, too gay!

"Ganda ng kamay n'yo, Sir. Here's the change."

"Thanks,"

"Hindi ho ako bakla, ha? Hindi ko lang mapigilang i-admire ang kinis ng kamay n'yo. Balik po kayo." Tumigil ka na Darwin! Pero sa isip niya napapangiwi na siya. Langya! "Gusto n'yo pong mag-avail ng advantage card?"

Sa halip na ma-weirduhan sa kanya ay natawa lang ito sa kanya. "No thanks," 'yon lang at lumabas na ito ng store.

Nang masilip niyang nakapasok na ito sa sasakyan nito ay nakahinga naman siya nang maluwag. Mahabagin! Nakakahiya ang ginawa niya. Sarap niyang pakuluan.

"Boss crush mo ba 'yon?!" sigaw ni Chu-Chu.

"Gusto mong kumain ng advantage card?!" he glared at Chu-Chu. "Huwag kang tumigil diyan hanggang 'di mo naalis ang mga tinik ng mga rosas!"

"Boss ang sakit na!"

"Puwes huwag kang magmahal kung nasasaktan ka na sa konting tinik."

"Ay grabeh siya!"

Muli niyang tinignan ang larawan ng dalawang kamay nila Lance at Allysa. May nagawa ba siyang nagpagulo nang husto sa love path ng dalawa? But I'm so great, imposible namang pumalpak ako sa mga plano ko. Natawa siya bigla. No, Darwin. May ngiting umiling-iling siya. You did great. Your love schemes are always brilliant. Makikita ni Tanda, na tama talaga ako. Uuwi ako with flying colors.




MABILIS na inipit ni Allysa ang dalawang yellow sticky notes sa isa sa mga pahina ng libro na dala niya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo. Itinabi na niya ang libro kasama ng mga gamit niya. Tumayo siya at lumipat ng upo sa kama.

"Antok ka na?" tanong ni Lance habang tinutuyo ang buhok with the white towel. He wore a simple gray pajama pants and a white cotton shirt. She on the other hand, wore a pink over size shirt and a white shorts.

"Hindi pa masyado." Inabot niya ang buong lalagyanan ng Pringles sa itaas ng mesita at binuksan ang takip nun. "Ikaw?"

"Hindi rin."

Tumambay muna sila sa maliit na balcony sa kwarto nila. Inihilig niya ang likod sa balustre habang nasa loob ng silid ang mukha niya. Lance leaned his arms on the railings. He was looking around na tila ba may hinahanap ito sa paligid. It was already past eleven pm kaya madalang na lamang ang mga taong naglalakad sa daan. The dark skies was much brighter tonight. Tila pinuno ng maykapal ng mga bituin ang gabing 'yon. Even the moon, she seemed happy to show her full self tonight.

"Pahinge niyang kinakain mo." Nakangising baling nito.

"Kakain ka na naman?" natatawang sinubuan niya ito ng chips. "Ang takaw mo. Na culture shock ka yata."

He lightly chuckled. "Tell me about yourself Al. I want to know you better. Aside sa pang-a-under mo sa akin at ka malditahan mo ano pa bang 'di ko alam sa'yo?"

"Hmm, mabait ako hindi lang halata." Natawa silang pareho. Pinalo niya ito sa balikat. "Oy seryoso ako huwag kang tumawa."

"Oo na, so ano pa?"

"I'm a pianist at sabi nila maganda raw ako." She winked at him. "At kasama ka doon sa mga raw na nagsabi."

"Really?"

"Uh-huh," lumipat ito ng pwesto sa harap niya. He leaned both his arms on the railings – she was now trapped in his arms. Binaba niya ang tingin kay Lance. "Are you seducing me Mr. Lance del Valle?"

"Am I making a good job of seducing you?"

"Yata," nakangiti niyang sagot.

"You're beautifu Al."

"Hmm?" she teased. Ikinuwit niya ang dalawang kamay sa leeg nito and pulled him closer. "You're thinking something, right?"

"Yes, I'm thinking of doing this..." Lance closed the distance between them with that sweet and gentle kiss. She parted her lips for him as they kissed each other passionately. They stayed like that for a minute 'till both of them got out of breathes. Nang kumalas sila sa isa't isa, their foreheads touched.

"Let's go swimming for the next three days." Basag niya.

"I don't swim, honey."

"I'll teach you."

"Hmm, really?" he started giving her featherly kisses on her neck. "You can?"

Marahang itinulak niya ito. "Let's go to Khao Sok." She messed his hair. "You'll love it there."

"Wait, Khao Sok? Never heard about that here."

"Malamang, nasa south siya."

"So babalik pa tayo ng Bangkok at sasakay roon papunta sa south?"

"Why not? You wanted to be a nomad right? Let's visit south and stay there for three days tapos puntahan na rin natin ang Grand Palace bago ulit tayo bumalik sa Chiang Mai."

"Seryoso ka ba?" bahagya nitong inilayo ang mukha at pinaningkitan siya ng mga mata.

"I'm always serious Lance. You wanna bet on it?"

Natahimik si Lance tila kinakalkula ang oras papuntang Bangkok, papuntang south at pabalik sa north. Natawa siya sa expression ng mukha nito at sa paggamit nito sa mga daliri sa pagbibilang.

Pinisil niya ang ilong nito para kunin ang atensyon ni Lance. Nagtatakang tinignan siya nito.

"Let's go to Khao Sok next week pagkatapos ng Yi Peng festival then grand palace would be our last destination. Let's go to Doi Inthanon tomorrow tapos Huai Nam Dang naman tayo sa susunod na araw. Okay ba?"

"Sinusulit mo talaga ang honeymoon natin, noh?"

"Oo naman! Minsan lang 'to." Hindi na 'to mauulit. "Kaya matulog na tayo dahil maaga tayo bukas dahil aakyat tayo ng bundok."

"Na naman?!"

Itinulak niya ito palayo at pumwesto siya sa likod ni Lance at pinihit na ito pabalik sa loob. "Pasok na!"

"Ang kulit!" tawa naman ito nang tawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro