Chapter 12
PARANG tangang napapangiti si Allysa mag-isa habang nakahilata sa sofa sa sala. Naitakip niya ang librong binabasa hanggang sa may ilong nang maalala niya ang nangyari kagabi. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng kilig. Umuulan sa labas pero 'di niya naman masyadong iniinda ang paminsan-minsang pagkirot ng braso. All the happy thoughts inside her head makes the pain bearable. It felt like all the memories of last night had healed her.
Yiruma's 'Maybe' is currently playing on the speaker. Tila nakadagdag 'yon sa magandang mood niya nang mga oras na 'yon. The positive and happy melody made her smile more.
Wala namang nangyari sa kanila ni Lance kagabi. Gaya nga ng pangako nito sa kanya, walang mangyayari sa kanila hanggat hindi nito nasasabi sa kanya ang dahilan kung bakit mahal siya nito. Okay lang naman sa kanya 'yon. Yakap at halik lang mula kay Lance sapat na para sa kanya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Ay ano ba 'yan!
This time, naitakip niya na sa buong mukha ang libro. Nababaliw ka na naman Allysa! Awat na. Ewan ba niya, ang sarap lang talaga sa pakiramdam. I know. She sighed. I shouldn't feel this way. It's wrong. Everything is temporary Allysa. Pero kahit ganoon, hindi pa rin maiwasan ng puso niya na maging masaya. Am I becoming too selfish? Tama pa rin ba 'to?
"Al," narinig niyang tawag ni Lance sa kanya mula sa itaas ng hagdan. Bumangon siya at umayos ng upo. "Tignan mo may nakita ako sa mga gamit ko."
Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lance. Tila tuwang-tuwa ito sa nakita nito. Hawak nito ang isang lumang Kodak brand camera. 'Yong film pa ang gamit. Umupo ito sa tabi niya.
"I've been looking for this," dagdag nito. "Mukhang maayos pa ang film na nakalagay sa loob nang tignan ko." Nagpalipat-lipat ang tingin nito mula sa kanya at sa hawak nitong camera. "'Di bale, bibili ako ng gamit at ako na mismo ang magdi-develop ng mga negatives. Maganda talaga ang mga kuha ng ganitong camera. I'd still prefer this one than the modern type."
She knew how Lance loves photography. It was his secret hobby. Madami itong alam sa mga ganoong bagay. She had seen some of his best photos before. At sobrang proud siya sa talent na 'yon ni Lance.
"Actually, may naisip nga ako eh." Baling ulit nito sa kanya. "Ang boring naman kung nandito lang tayo sa bahay. How about if we go to Thailand?"
"Thailand?!"
"Yup," he nodded. "I know how you love to go to Thailand." Alyce never wanted to go to Thailand. It was her who carelessly mentioned it to Lance before nang mag-sub ulit siya. Paanong? "Let's not bring a lot of things. Let's go and be nomads for a week or two. That will be fun, right?"
Ginagap ni Lance ang kamay niya dahil nakatitig lang talaga siya rito the whole time. Hindi niya alam kung anong iisipin o mararamdaman nang mga oras na 'yon. There was both fear and happiness. Saya, dahil naalala nito ang alaalang 'yon. Takot, dahil nangunguhulugan 'yon na sa oras na maalala na nito ang tungkol sa ginawa nila masasaktan ito nang sobra. It would also the end of her.
"Come on, Al. Let's create new memories. Hindi naman assurance na maalala ko nga ang lahat pero ayokong ma stuck tayo doon. And besides, I'm off from work and it's still our honeymoon might as well make the best out of it."
"Paano mo nalaman na gusto kung pumunta sa Thailand?" lakas loob na tanong niya rito.
"Hindi ko alam." Sagot nito. "Basta ang alam ko nabanggit mo sa akin noon na ang number one sa travel bucketlist mo ay Thailand. I'm not sure when or where. Bakit 'di ba? Did I just assumed things?"
Sinubukan niyang ngumiti. "No," iling niya. "It's true."
Nangislap ang mga mata nito at lalong napangiti. "I knew it." Humigpit ang pagkakahawak ni Lance sa kamay niya. Kitang-kita niya ang saya sa mukha nito. I wanted to be happy for him. Gustong-gusto niya... but she doesn't want to end everything now... at least not yet. Gusto pa niyang makasama ito nang mas matagal. I still want to make memories with you as Allysa. Let me be selfish for a little while. Okay lang ba?
Tila natigilan naman ito nang makita ang pangingilid ng mga luha niya sa mga mata. He immediately cupped her face. "Why are you crying?"
Sa huli ay hindi niya napigilan ang mga luha. Still, she was able to pull off a smile. "Nothing, masaya lang ako na may naalala ka na."
"Hush," Lance gently wiped the tears on her face with his thumb. "I'd rather see you smiling than crying. I hate seeing you cry." Naramdaman niya ang pagkagulat nito nang bigla niya itong yakapin. "Al?"
"Wala, masaya lang ako." She buried her face on his chest. "Masayang-masaya."
Lance hugged her back. Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. "Glad to hear that I made you happy." I love you Lance.
NASA mansion ng mga del Valle sila Lance at Allysa para sa isang family dinner. Kanina habang naghahaponan ang lahat ay nabanggit na rin ni Lance ang tungkol sa plano nito na pagpunta nila sa Thailand. Everyone was happy about it. Kailangan daw din nila ng maraming oras sa isa't isa. Unlike Lance's family, her mother wasn't happy about it.
Pinaratangan na naman siya nito nang mga kung anu-ano. Her mother even said that she was making use of the moment for her crazy love fantasies. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niya rito na tama nga ito? Mapapatay yata siya ng sariling ina. Kahit hindi sabihin ng Mama niya, alam niyang may tampo na rin ito sa mga del Valle dahil si Tita Sofia na ang pumalit sa puwesto nito as the new school president ng academy. Wala itong magawa dahil kailangan ng pamilya nila ang mga del Valle.
Napabuntong-hininga siya. Well, there are things that will never change. She should just get used to it. Her mother will forever blame her for every misfortunate in their family.
Nasa verandah silang lahat para magpahangin. Katabi niya ang ina ni Lance habang nag-uusap naman ang mag-ama sa 'di kalayuan. Lance is the only child of Tita Sofia and Tito Lemuel. Kaya alam niya kung gaano ka protective ang mga magulang nito rito. Tita Sofia went through a lot of painful miscarriages before Lance came in their lives. Kaya naiintindihan niya ito, natural lang para sa ina ni Lance na magalit at ma-dissapoint sa ginawa nilang panloloko sa anak nito.
"I've never seen Lance that happy." Mayamaya ay basag ng ina nito. Napatingin siya kay Tita Sofia. "Iba ang saya niya ngayon. Ni hindi ko nga makita sa kanya na may amnesia siya." She reached for her hand and gently squeezed it. May masayang ngiti sa mukha ng ginang. "Thank you for taking care of my son, hija. Thank you for staying by his side."
"Hindi po ba mali ito? Sooner or later, Lance will remember everything. Lahat ng ito ay mawawalan ng silbi –"
"Do you want to end it now?"
"I-I don't know," she sighed. Ibinalik niya ang tingin sa direksyon ni Lance. Sa tuwing nakikita niya ito, mas umiigting ang kagustuhan niyang manatili sa buhay nito. "Hindi ko alam Tita. I'm doing this because of AAAM pero 'di ko pa rin maiwasang ma konsensiya –"
"I want Alyce to regret everything Allysa... but still... I couldn't hide the fact that she was my son's only happiness." Naibaling niya ang tingin sa ginang. Nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan 'yon ng lungkot. "And I also believe you have your own reasons why you stayed by his side all this time. Kung ano man ang rason mo Allysa. Alam kung ginawa mo 'yon dahil ayaw mo ring masaktan si Lance. Don't worry, alam kong maalala rin ni Lance ang lahat. And I do hope by that time, Alyce is already here. And he may hate me afterwards for keeping these things from him."
Napalunok siya sa isipan na 'yon. She was not sure if Lance's mother was also punishing her. Pero sa paraan nito tila parusa sa kanya ang masaktan sa huli pagkatapos ng mga pagkukunwari. I guess, I also deserve it, right? Napangiti siya nang mapait. Mawala man siya sa eksena. Panatag naman ang kalooban niya dahil mapupunta naman sa mabuting kamay ang academy na pinaghirapan ng ama niya. Malalagay na rin sa tahimik ang buhay ni Lance at makakapagsimula itong muli.
"Can I tell you a secret, Tita?"
"Ano 'yon, hija?"
"Alam kong mali na paulit-ulit akong pumapayag na maging Alyce. It's not an excuse, kaya okay lang na magalit kayo sa akin. But to tell you honestly, it has always been my choice to pretend as Alyce." Because I wanted to be with him when Alyce couldn't choose him over her dreams. Dahil alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa at binabaliwala.
NARAMDAMAN ni Allysa ang pagyakap ni Lance sa kanya mula sa ilalim ng kumot. Napangiti siya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa leeg niya.
"Matulog ka na Lance." Kinapa niya ang ulo nito mula sa likod at ginulo ang buhok nito. Inaantok na talaga siya kaya 'di niya na maidilat ang mga mata. "May appointment ka pa sa doctor bukas."
"Al..." he whispered in her ear.
"Hmm?" anas niya.
"I love you," natigilan siya dahilan para maidilat niya ang mga mata. Pinihit siya nito paharap. Their gaze met. Ilang segundo silang parehong natahimik. Lance? "Is is okay to say that?" hindi siya makasagot. Was it really okay? "Nah, I said it already. I'll say it again." He smiled. "I love you Al." Mabilis na ipinikit niya ang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Buong puso niyang tinugon ang matamis na halik nito. I love you too Lance.
MAY magkasintahang pumasok sa DESTINED MART. Sinundan ni Darwin ng tingin ang dalawa mula sa kinauupuan niya. Naiangat niya ang isang kamay sa baba. Hmm? The couple don't have connecting red strings of fate. Para 'yong red yarn na nakatali sa pupulsuhan ng tao. Connecting red strings means, they are bound to fall in love with each other but that doesn't always mean, agad-agad na magkikita at magkakatuluyan ang dalawa.
It's the same with stories and dramas. Madami pang ka dramahan ang buhay pag-ibig. They will meet in their right schedule of love. Who knows, when? Ang kaya niya lang makita at malaman ay ang taon at ang tagal. Hindi yata uso sa Destiny Timeline ang specific schedule of right love.
The couple inside the store is an example, although magkasintahan ang dalawa hindi naman konektado ang red strings nila. Mayamaya pa ay may bagong pumasok na lalaki sa store. Hindi niya napigilan ang mapakamot sa ulo. The new guy that came in is the connecting string of the girlfriend. Tumayo siya at lumapit sa magkasintahan. Sakto namang nagkasabay ang tatlo sa cashier counter. Sumingit siya sa magkasintahan at pasimpleng itinulak ang babae na kasalukuyang kumukuha ng pera sa wallet nito sa lalaking bagong pasok. Good thing, madali nitong nasalo ang babae. 'Yon, sweet!
Halatang nainis sa kanya ang boyfriend ng babae. Pero he just gave him a smile. Bakit pa niya patatagalin kung pwede namang madaliin, diba? And besides, the boyfriend is a cheater. The girl doesn't deserve another months of stupidity. Marahas na kinuha niya ang kaliwang kamay ng lalaki. Tinitigan niya 'yon ng ilang segundo. Tsk, what an asshole!
Inangat niya ang mukha sa lalaki at walang pasabing sinuntok ito sa mukha. Napasinghap ang lahat ng tao sa loob. Humandusay sa sahig ang lalaki at matalim siyang tinignan. Ang tigas din ng mukha ng walangya.
"Ano bang problema mo?!" sigaw nito at tumayo.
"My problem?!" asar na ngumiti siya. "Kalandian mo ang kapatid ko kahapon. Ngayon may ibang babae ka na naman?" binalingan niya ng tingin ang gulat na gulat na girlfriend nito. "Miss, payo lang. Hindi lang ikaw ang girlfriend ng 'sang 'to." Duro niya sa walangyang boyfriend nito. "Kaya kung ako sa'yo, hiwalayan mo na."
"Is this true?!" naiiyak na tanong ng babae. "Martin, totoo ba?"
"Ann let me explain –"
"Gago!" sigaw ng babae bago mabilis na lumabas ng store. Sinundan naman ito ng boyfriend nito. Pero alam niyang, 'di na magkakaayos ang dalawang 'yon.
Pinulot niya ang kulay orange na wallet sa sahig. Sinadya niyang mahulog 'yon ng babae kanina nang itulak niya ito sa bagong dating na lalaki. Nakangiting hinarap niya ang binata na nasa labas ang tingin at tila sinusundan ng tingin ang papalayong magkasintahan.
"I believe it belongs to her." Basag niya na siyang nagpabaling ng tingin sa lalaki sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mukha niya at sa wallet sa kamay niya. "Can you do me a favor."
"Po?"
"Please return this to her." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Inabot niya ang isang kamay nito at pilit na pinahawak ang wallet dito. "Busy kasi akong tao. Mukha ka namang 'di busy kaya ikaw na magbigay." He gave him a smile. "And you're welcome."
"Ho?" tila naguluhan ito sa huling sinabi niya.
He just shrugged his shoulders and put his hands inside the pocket of his jeans. Tinalikuran na niya ito at bumalik sa puwesto niya kanina. Mabilis naman na lumapit si Mang Kaloy sa kanya.
"Boss, may kapatid ka pala?" nakangiting umiling siya sa matanda. Kumunot lang ang noo nito. "Eh bakit... kanina... sinabi n'yong... may kapatid kang nilalanding ng batang 'yon."
"Mang Kaloy, do you believe in destiny?"
"Destiny? Oo naman. Bakit?"
"Good," tumayo siya. "Akyat muna ako sa office ko. Kayo na muna bahala sa store." He yawned saka nag-unat ng katawan. "Iidlip na muna ako." 'Yon lang at tinalikuran na niya ito at dumiretso sa hagdanan papunta sa second floor.
Napangiti siya. Oh well, another stray strings has been saved. Galing mo talaga Darwin!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro