Chapter 11
"DATE ba 'to?"
Nakangiting nilingon ni Allysa si Lance. Pasimple siyang natawa sa itsura nito. Panay ang tingin nito sa paligid habang itinutulak ang grocery cart. He seemed disappointed. Akala siguro nito ay dadalhin niya ito sa mga mamahaling restaurants o 'di kaya sa mga parks and coffee shops. Saan ang fun sa mga lugar na 'yon? And besides, she wanted to try buying groceries with him.
"Mago-grocery lang pala tayo."
"Alam mo ba na ang date ng mag-asawa ay grocery at pamamalengke." Inabot niya ang isang pack ng shampoo at inilagay 'yon sa cart. "Huwag puro reklamo Lance."
"Sabi ko date." Nakanguso nitong sabi.
Natawa lang siya. "Nag-di-date nga tayo."
"Hindi 'to date." Giit pa nito.
"Date 'to."
Both of them wore a simple attire. She wore a short sleeved white button down blouse na naka bukas ang dalawang butones sa may unahan. Pinarisan niya 'yon ng high waist denim skirt na lagpas sa tuhod niya ng 2 inches at may 1 inch brown belt, itim na strapped sandals, at itim ring knitted sling bag. She let her long wavy hair cascade down her back.
Lance wore a plain white shirt, faded blue jeans, and a black sneakers. Nakabaliktad naman ang suot nitong itim na bull cap sa ulo.
"May iku-kwento ako sayo," basag niya. Naibaling ni Lance ang tingin sa kanya. She gave her a smile. "Alam mo ba noong first date natin."
"Ano?" napangiti ito.
Lumapit siya kay Lance at nakangiting ikinuwit ang isang braso sa braso nito.
Kabadong-kabado si Allysa. Nanlalamig pa ang mga kamay niya habang hinahaplos ang suot niyang pink dress. Hindi siya sanay magsuot ng dress at medyo naninibago siya sa ayos niya. Sa itsura niya, kuhang-kuha niya na ang ayos ng kakambal na si Alyce.
Hindi niya rin ma gets kung bakit naka dress pa siya eh sa mall lang naman punta niya 'di naman sa simbahan. Mukha siyang magko-comunion. Kung bakit kasi 'di na lang nagsabi ng totoo si Alyce kay Lance na na re-schedule ang piano recital nito sa Korea. Ang dali-dali namang mag-say no. Kaysa naman, paasahin 'yong tao.
"Okay Allysa," humugot siya nang malalim na hininga at kinalma ang sarili. "Kaya mo 'to!"
Napangiwi naman siya pagkatapos. Kinakabahan siya nang bongga. Si Lance lang naman 'to. Ang manliligaw ni Alyce. Ahm, hello Allysa? Magpapanggap kang Alyce so dapat kabahan ka kasi baka mahalata ka't masira mo pa ang relasyon ng kapatid mo. Maha-highblood na naman sa'yo ang dyosa mong ina.
Bumuga siya ng hangin.
"Kaya ko 'to!"
Paglabas niya sa pinagtataguan ay ganoon na lamang talaga ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang nakatayo na pala ito sa labas ng pinag-usapang restaurant kung saan magkikita sila Alyce at Lance. Panay ang tingin nito sa paligid at sa wrist watch nito sa kamay. Bumalik naman siya sa pwesto niya kanina at mula doon sinilip si Lance.
Alam niyang gwapo ito. Marami pa ngang nagkakagusto rito pero tila iisang babae lang ang nakikita ni Lance. Si Alyce lang, kahit na magkamukha sila ng huli. Iba pa rin talaga ang nakikita niyang pagmamahal ni Lance kay Alyce.
Muling isinandal ni Allysa ang likod sa pader. "Allysa, lumabas ka na doon. Kanina pa 'yon doon. Ilang minuto ka na pong late. Baka magtampo pa 'yon kay Alyce." She sighed. "Naman kasi eh! First date 'to! First date nila Lance at Alyce." Hello, anong alam niya sa pakikipag-date?
But she had no choice. Nandito na siya. Isang araw lang. Isang araw lang naman. Paalala niya sa isip. Lakas loob na lumabas siya sa pinagtataguan at tinungo ang puwesto ni Lance. Mabilis na nakita siya nito. Lumapad ang ngiti ni Lance. Nagulat naman siya nang patakbong nilapitan siya nito, akmang babalik sana siya sa pinagtataguan pero 'di niya ginawa. Ang weird kapag ginawa niya 'yon.
"Al," tawag nito sa kanya sabay hila ng isang kamay niya.
Hindi niya inasahan ang ginawa nito pagkatapos. Literal na nagulat siya nang halikan siya nito sa mga labi. What the heck?! Ano 'to? Aniya sa isip. Nagrambolan lahat ng alaga niyang daga sa tiyan at sa utak. Hindi niya alam kung bakit hinalikan siya ni Lance. Hindi naman siguro sa excitement, no?
Napakurap-kurap siya pagkatapos. She was speechless. Ang first kiss niya.
"Al, buti na lang dumating ka. Akala ko 'di ka na makakarating." Nalungkot ang mukha nito. Pero imbes na maawa gusto niya itong sapakin ng monoblock!
"Hinalikan kita agad?" halos hindi makapaniwalang tanong nito. Natawa ito pagkatapos at napailing-iling. "I can't believe I did that in public."
It turned out, sinagot na pala ito ni Alyce kaya ang lakas ng loob na halikan siya. Ni hindi man lang sinabi ng kakambal. 'Di sobra siyang nagulat. You stole my first kiss Mr. Lance del Valle.
"Yes you did."
"Ilang taon tayo noon?"
"You're 17, and I was 15 back then."
"Buti 'di mo ako sinapak," he chuckled. Actually Lance, papunta na ako roon eh. Kaso sabi sa reply ni Alyce sa akin nang i-text ko siya ay kayo na raw. Alangan namang sapakin ko ang BOYFRIEND ko ng mga oras na 'yon, diba?
"Nagulat lang ako." Nakangiti niyang sagot. "'Di ko naman alam na nanghahalik ka kapag na i-excite." Hindi lang ako na inform sa ligawan stage n'yong dalawa. Na bwesit talaga ako nang mga panahon na 'yon.
"Kaya pala kahit 'di kita maalala gusto na kitang halikan." Kinindatan siya nito. Pinaikot naman niya ang mga mata. Inakbayan lang siya nito sabay tawa. "Kwentuhan mo pa ako Al. Gusto kong malaman ang buong love story natin."
Natahimik naman siya bigla. Naloko na! Ano namang iku-kwento niya kay Lance? Alangan naman gumawa siya ng kwento. Hindi naman siya nagtatanong sa kakambal niya. Nagku-kwento naman si Alyce pero 'di niya 'yon pinagtuonan ng pansin. Nang maging sila Alyce at Lance, she wasn't in love yet with Lance. It was after the first date and kiss.
Masisi ba niya ang puso niya?
Hindi lang naman iisang beses na nag-sub siya bilang Alyce. Nasundan pa 'yon ng maraming pagkakataon. At marami pang halik. At marami pang moments na magkasama. Hanggang sa tuluyan na nga siyang ma in love kay Lance.
Marami silang alaala ni Lance pero siya lang naman ang may alam dahil para kay Lance si Alyce ang kasama nito at hindi si Allysa.
"Al?" basag ni Lance.
Napakurap-kurap siya. "Huh?"
"Okay ka lang ba?" may pag-alalang tanong nito sa kanya.
Nginitian niya si Lance. "Oo naman, may naalala lang ako."
"Ang matamis nating nakaraan?" may nakakalokong ngiti nito sa kanya.
Naitirik niya ang mga mata rito. Natawa lang ito sa reaksyon niya. Ewan ko sa'yo Lance! Pasalamat ka't may amnesia ka at mahal na mahal kitang loko ka. 'Yan tayo Allysa eh.
BUMALIK si Lance sa sasakyan para iwan doon ang mga pinamili nila sa grocery kanina. Habang hinihintay ni Allysa si Lance hindi niya naman mapigilan ang pumasok sa isang bookstore. Titignan niya lang kung may stock pa rin ng mga libro niya.
Hindi niya naman napigilan ang mapangiti nang makita na nasa number 2 na sa top 10 Filipino Best Selling Books ang libro niyang Silent Love. Noong huling tingin niya nasa top 5 siya ngayon nasa top 2 na. It was a romance novel na hango sa masaklap niyang pag-ibig kay Lance. Ang kaibahan nga lang, may happy ending silang dalawa ni Lance sa kwento na 'yon. Sabi nga nila, all things are possible if you let your imagination wander in your writings.
Kaya siguro siya naging writer, all her hopes and fantasies were poured in her created stories. Kasi sa mga kwentong naisusulat niya, she can be whatever she wants. She can love anyone and be loved back. 'Yon lamang ang mundo na kaya niyang maging malaya at masaya. Masaktan man siya sa ilang pahina ng aklat, may naghihintay pa rin namang happy ending.
Sa kwento lang kita pwedeng mahalin Lance. Sa kwento kung saan tayo ang itinadhana. Sa kwento kung saan lahat ng mga pahina ay tayong dalawa lamang ang nagmamahalan.
"Hey," napaigtad siya sa gulat. Pagtingin niya sa kaliwa nasa tabi niya na pala si Lance. Nasundan ng mga mata niya ang pag-abot nito sa libro niya. "Allysa Alonzo," basa nito sa pangalan ng author sa cover page.
Hindi niya alam kung bakit kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. May kung ano sa pagbasa nito ng pangalan niya. Hindi niya alam kung ano.
Binalingan siya ni Lance. "Allysa?" ulit nito. Napalunok siya dahil parang siyang tinatawag ni Lance sa tuwing binabanggit nito ang pangalan niya. "Allysa," nagsalubong ang mga kilay nito. "Familiar? Is she your twin Allysa?"
Alanganing tumango siya. Kinakabahan siya. Hindi siya mapakali. "Uhm, she wrote that." Turo niya sa librong hawak ni Lance. "Halika na, kumain na tayo. Gutom na rin ako." Lakas loob na inangat niya ang mukha kay Lance at kinuha rito ang libro pero hindi siya nito hinayaang makuha ang libro sa kamay nito.
"Wait," pigil nito sa kanya. "I want to buy this book."
Nanlaki ang mga mata niya. "Huh?"
"I've heard so much about Allysa. Hindi ko nga lang alam kung dapat ko nga bang paniwalaan 'yon since most of those are harsh comments from other people." Lance? "You haven't mentioned her Al. Na saan na ba si Allysa?"
"Uhm, umalis na siya." Sagot niya. "We haven't heard anything about her eversince she left home. It was on the same day of our wedding." Pero nang sabihin niya 'yon hindi naikubli ang lungkot sa boses niya.
"You missed her, don't you?" may simpatyang tanong nito. Hinuli ni Lance ang tingin niya. "I can see it in your eyes Al. You love your twin so much." I hope she does. Sana nga ay ganoon din si Alyce. Sana marunong din siyang makaramdam.
Mapait na ngumiti lamang siya. Lance playfully messed her hair before hugging her. She didn't stop herself, she hugged him back. Tuluyan na siyang nalungkot. Nakadama lamang siya ng kapayapaan sa mga bisig nito.
"Don't be sad Al," alo nito sa kanya. "I'm sure Allysa misses you too. Hindi ka rin matitiis ng kakambal mo. She'll be back real soon." Napabuntong-hininga siya. I know Lance, alam kong babalik din si Alyce sa buhay mo. "You know what, I'll buy her book." Naingat niya ang mukha rito. Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Gusto ko siyang makilala. Naniniwala kasi ako na makikilala mo ang isang tao kahit sa simpleng sulat o drawing nila. It reflects who they are."
Hindi niya alam kung maiiyak ba siya sa saya dahil gusto siyang makilala ni Lance o maiiyak siya sa kadahilanan na ganito lang ito dahil may amnesia si Lance. Alam kasi niya na kung hindi nagka-amnesia si Lance hindi ito magsasayang ng oras para kilalanin siya. At kahit siya mismo, hindi alam kung bakit bigla na lang itong nagbago. Isa pa rin 'yong malaking question mark sa kanya hanggang ngayon.
Naipikit niya ang mga mata nang gawaran siya nito ng halik sa noo. Dinama niya ang malambot nitong labi sa kanyang balat. "Bilhin ko muna 'to tapos kain na tayo."
Tanging tango lang ang ibinigay niya kay Lance. Iminulat niya ang mga mata nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa cashier. It's been awhile Lance. Sa huli ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. It's been awhile since I last heard you say my name without any glint of anger in your voice.
"ALAM mo," basag ni Lance. Kasalukuyan silang kumakain sa isang Italian restaurant sa mall ding 'yon. "Iniisip ko kung bakit mahal kita." Natigilan siya dahilan para maingat niya ang mukha rito. "Kaya lang 'di ko maalala. Pero kahit na ganoon ay alam ko na kung bakit."
"B-Bakit? Ay sorry –" hindi niya napigilan ang matawa nang mahulog 'yong kinakain niya na dapat sa bibig niya dumiretso. "'No ba 'yan. Sorry Lance, ituloy mo lang."
Natatawang inabutan siya ni Lance ng tissue. "'Yan, ang cute mo."
"Hmm?" hindi nawala ang ngiti niya habang pinupunasan ang mukha ng tissue. Itinabi na lamang niya ang nasayang na pagkain sa gilid ng plato niya.
"Hindi mo lang napapansin pero napaka-cool mong tao." Pagpapatuloy nito. "Akala ko kasi noong una masyado kang seryoso. The prim and proper type of woman. I saw our old photos together, you seemed very sophisticated, alam mo na? 'Yong tipong takot magkamali." It was Alyce. "Pero may ipinikita sa akin si Mama sa bahay nang puntahan ko si Papa. It's actually a different photo album. Ibang-iba sa mga albums na nasa bahay natin. I'm not sure, if I was able to mention that album before. Pero naisip ko na baka nasabi ko na rin sa'yo dati."
Photo Album? Wala siyang alam tungkol sa album na 'yon. Baka alam ni Alyce. Knowing Lance, baka nga nabanggit na nga nito ang tungkol sa itinago nitong photo album. Lance treasures every single moment he spends with Alyce. Nasa personality talaga nito ang mag-keep ng memories. Kaya hindi na 'yon gaanong big deal para sa kanya.
Ngumiti siya at tumango. "I know, nabanggit mo sa akin 'yan noon pero 'di mo pa pinapakita sa akin." Aniya, kahit hindi siya sigurado. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang na intriga sa album na 'yon.
"While I was looking at the photos in the album," he continued. Napatitig siya rito. "I suddenly realized that, you are like a mystery to me. You have so many versions in my head. It was weird though. But you know what," bigla itong ngumiti. Lalo lamang siyang napatitig kay Lance. "It doesn't matter to me. Kung may version man ng Al na gustong-gusto ko. Kahit na may amnesia ako. 'Yon ay..."
"Ano?"
"Ang Al ngayon na kasama ko."
"ALLYSA okay ka lang ba?" basag ni Darwin.
Napabuntong-hininga siya. "Darwin anong gagawin ko?" imbes na sagutin si Darwin ay tanong ang ibanalik niya rito. "Mababaliw na yata ako." Naiiyak niyang dagdag. Iniyupyop niya sa table ang ulo.
Wala sa bahay si Lance, may lakad ito at si Tito Lemuel, ang ama nito. Sinamantala niya ang oras na wala ito at pinuntahan si Darwin sa DESTINED MART.
"Let me guess," inakupa nito ang vacant seat sa harap niya. "Si Lance na naman? Naman Al, mag-sex na kasi kayo. Oh ito, Trust condoms." Napatuwid siya ng upo. Sobra ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang lahat ng flavored box of condoms sa harap niya. "Best seller 'yong strawberry 'di ko alam kung bakit –"
"Darwin –" she hissed. Natutop niya ang noo. Gusto niyang mag-mura. Nanggigil siyang sakalin si Darwin pero pinipigilan niya. Pucha! Sa huli ay sinipa niya ito sa ilalim ng mesa. Napangiwi ito at napamura. "Itago mo 'yan." Marahas na itinulak ng mga kamay niya lahat ng mga condoms sa direksyon nito. "Nanggigil ako sa'yo Darwin. Umayos ka. Isa na lang at masasapak na talaga kita."
"'Langya naman Allysa. Kailangan mo ba talagang sipain ako sa binti?" kinuha nito lahat ng mga condom at ibinalik 'yon sa counter. Mabilis naman na nakabalik agad ito at naupo ulit sa harap niya. "Oh seryoso na, alam kong si Lance na naman ang problema mo. Spill it out."
She let out a heavy sighed before speaking up.
"Eh kasi nga naguguluhan ako. Last night, sinabi sa akin ni Lance na madami akong versions sa utak niya. I have a feeling na may kinalaman 'yon sa photo album na ipinakita ni Tita Sofia kay Lance. I'm not sure kung anong klaseng album 'yon. Kung bakit nasabi niya na nang makita niya ang album na 'yon ay naisip niyang isa akong malaking misteryo para sa kanya. Na may iba sa photo album na 'yon sa photo album namin sa bahay."
Huminga muna siya bago ulit nagpatuloy. "Kaya medyo naguguluhan na rin ako. Ang dami kasi niyang sinasabi na 'di ko rin alam. Na hindi ako pamilyar. Na hindi kailanman nabanggit sa akin ni Alyce. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko."
"Alam mo, may tanong din ako sa'yo eh. Kasi matagal na rin akong nagtataka kung bakit tumanda na lang 'yan si Lance 'di pa rin niya maitama kung sino sa inyong dalawa ang totoo niyang mahal – este ang real Alyce. Like I said, lahat ng bunga ay may sanhi. Now," hinuli nito ang tingin niya. "Tell me the truth Allysa. Anong ginawa n'yong dalawa ni Alyce noon?"
Marahas na napabuntong-hininga siya. Naisip na rin niyang posible ngang maging rason 'yon dahilan para hindi ma-itama lagi ni Lance kung sino ang tunay na Alyce sa kanilang dalawa. Siguro ay nasobrahan kaya 'yon ang naging epekto kay Lance. God!
"Maraming beses," simula niya. "Maraming beses na nagpapanggap akong Alyce, Darwin."
Hindi niya alam kung bakit wala siyang makitang pagkagulat na reaksyon sa mukha ni Darwin. Tila ba, matagal na nitong alam ang tungkol doon. She didn't mind the odd reaction he got from him. Pagod na pagod na ang isip niya. Parang sasabog na ang utak niya.
"Ilan sa mga maraming beses na 'yon ang mga importanteng araw ni Lance." Pagpapatuloy niya. "Minsan kasi, nagkakasabay ang mga naka set na date at pag-uwi ni Lance sa importanteng event ni Alyce kaya ako ang nagiging-sub. Natatakot kasi si Alyce na baka sumama ang loob ni Lance sa kanya dahil inuuna nito ang sariling event. Ilang beses na kasi nitong naiiwan sa ere si Lance. Talagang mahal lang talaga ni Lance si Alyce kaya napapalagpas niya 'yon. Hindi naman 'yon napapansin ni Lance kaya ipinagpatuloy lang namin ni Alyce."
"Naiintindihan ko rin naman dahil minsan lang maka uwi sa Pilipinas si Lance dahil sa Canada siya nagko-kolehiyo. Nagsimula 'yong pagpapanggap ko nang maging sila. High school pa kaming tatlo noon, hanggang sa nasundan ng maraming pagkakataon. Hanggang sa nahulog na nga nang tuluyan ang puso ko kay Lance. Naiinis ako sa tuwing inuuna ni Alyce ang mga recitals niya at mga competitions sa ibang bansa. Noong una ay ginagawa ko 'yon para pagtakpan ang kakambal pero nang magtagal... ginagawa ko na pala 'yon para huwag masaktan si Lance. "
"Inisip ko dati na, I did all of those dahil ayokong mag-away sila Alyce at Lance. Na kapag ginawa ko 'yon lalambot ang puso ni Mama sa akin hanggang sa bumalik na 'yong pagmamahal niya sa akin." Hindi niya napigilan ang paggaralgal ng boses niya. "Nangako ako kay Papa, Darwin. I promised to look after Alyce. Pero mukhang sumobra yata ako. I was too busy buying for their love without even thinking of what might be the effect of my actions."
"Allysa," may simpatyang tawag nito sa pangalan niya. Lumipat ito ng upo sa tabi niya. Darwin wrapped one arm around her. Inihilig nito ang ulo niya sa balikat nito. Sa huli ay 'di niya napigilan ang mga luha at tuluyan na siyang napa iyak. "Hush, don't cry. Baka nga siguro dahil doon naipagkakamali na ni Lance na ikaw si Alyce. Kasi, kahit na mukha ni Alyce ang nakikita niya 'di naman 'yon maalis sa'yo na ilabas ang totoong ugali bilang Allysa. Baka nga ikaw ang mahal nun. Ang alam niya lang ang pangalan mo ay Alyce."
"Ayokong umasa Darwin." Iyak pa rin niya.
"Hindi kita pinapaasa, opinion ko lang 'yon. Huwag kang assumera." Bakit ba kahit sa seryosong sitwasyon ay nagagawa pa rin siya nitong barahin? Seriously Darwin?! "Alam mo Allysa," he continued. "Nandiyan ka na rin lang. You should make use of it."
"Hindi naman 'yon ganoon kadali."
"Madali naman siyang gawin. Mahirap lang kasi iniisip mo lagi ang pwedeng mangyari pagkatapos. Babalik si Alyce. Iiwanan mo si Lance. Mawawala ka sa eksena. Pero kung 'yon din naman pala ang magiging ending n'yo then make use of the chances you have in your hands right now. Hayaan mong maramdaman ang pagmamahal na 'yon mula kay Lance. Iparamdam mo sa kanya kung paano magmahal ang isang Allysa Alonzo. Tragic ending? The fuck! Lahat naman kayo mamamatay – este lahat naman tayo ay mamamatay at maaabo. Once in your life, you have to do something for yourself. You have to be happy. Huwag mong ikulong ang sarili sa mundo na puro lamang kalungkutan. Hayaan mo sila. Seize the moment! Malay mo, ito na 'yong chance na ibinigay sa'yo. Alam mo kasi sa pagmamahal minsan kailan mo ring sumugal."
"Paano pagkatapos? Paano kung 'di ko makayanan ang sakit Darwin?"
"Sabi nga ni Tay Heraclitus, the only constant in this world is change. Lahat ng bagay pwedeng magbago. Lahat posible. Lahat pwedeng mangyari. Kaya lang, hindi naman agad-agad natin 'yon malalaman. Kapag ganoon, 'di na tayo mag-i-effort. Mawawalan ng dahilan lahat ng blessings at success na nakukuha ng bawat tao. Nasaan ang magandang kwento sa bawat tagumpay na nakukuha natin? If we knew from the start that we will lose or win, mawawalan ng saysay ang lahat."
Napangiti siya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nasanay siyang sarili lang ang karamay sa panahon na malungkot siya. Masarap din pala sa pakiramdam na may kaibigan.
"PUSH lang Allysa. Pray Until Something Happens."
Thank you Darwin.
NAABUTAN ni Allysa na nakatingin si Lance sa harap ng jar of memories niya. Kumunot ang noo niya. Sa itsura ni Lance mukha namang wala naman itong balak na kunin ang jar niya. Naka-display ang mga memory jars nila sa kwarto. Nakapatong sa isa sa mga book shelf square ang jar niya na sa tingin niya ay sadyang idenesinyo sa parte na 'yon ng silid niya. It was like a book shelf on the wall. Nasa isang square naman ang jar ni Lance.
Ang ginawa niya, pumwesto siya sa harap ng jar ni Lance. She cleared her throat. Naibaling ni Lance ang tingin sa kanya. Nagulat pa ito nang bahagya. Natawa siya. Para talaga itong bata. Kahit na nawala ang memorya nito 'di pa rin nawawala ang dating ugali nito. Lumalabas talaga ang ugali na 'di nito namamalayan.
Hinarap niya ito. Pinag-krus niya ang mga kamay sa itaas ng dibdib niya. "Anong balak mo?"
"Wala naman," napakamot ito sa noo. "Napansin ko lang na wala gaanong papel sa loob ng jar of memories mo. Seryoso? Wala talaga akong maibigay na happy memories sa'yo?" tila nalungkot ito sa naisip nito.
"Hindi ko pa naisusulat," may ngiting sagot niya. "Bukas, ihuhulog ko." Tinalikuran niya ito at tinungo ang kama. Nagulat naman siya nang mula sa likod ay yakapan siya ni Lance. Lance rested his head on her right shoulder. "Lance?"
"Al, may itatanong ako." Wika nito sa banayad na boses.
"Ano 'yon?"
"Okay lang ba na halikan kita lagi?" pinihit siya ni Lance paharap nang hindi kumakalas sa pagkakayap sa kanya. May naglalarong ngiti sa gwapo nitong mukha. "Alam kong kasal na tayo at sa mata ng ibang tao ay mag-asawa tayo. Kahit na wala akong maalala tungkol sa atin, alam ng puso ko ang pagmamahal na hindi magawang ipaalala ng aking isip."
Inabot ni Lance ang isa niyang kamay at dinala 'yon sa dibdib nito kung saan ang puso nito.
"Can you feel it Al?" he asked, but it was a short question that doesn't need an immediate answer. Ramdam niya ang tibok ng puso nito. "The hearts knows what the mind can't remember." He continued. "Nararamdaman ko 'yong pagmamahal na 'yon. Ang saya sa tuwing kasama ka. The contentment. Lahat ng 'yon, ramdam ko dito."
Nanikip ang dibdib niya. For once, she wanted Alyce out of Lance's life. Gusto niyang palitan sa puwesto si Alyce. Angkinin ang pagmamahal na binaliwala lang nito.
I want the great love I'm seeing in your eyes. I want the happiness I'm hearing in your voice. I love you Lance. Hayaan mong, ako muna ang Al na asawa mo. Hayaan mong ako muna ang maging dahilan ng mga kasiyahan mo. Hayaan mong ako muna ang dahilan nang malakas na pagtibok ng puso mo.
Hindi niya napigilan ang mga luha. Sakabila ng mga luhang umalpas sa kanyang mukha nagawa niya pa ring ngumiti.
"Al –" hindi na niya hinintay na matapos ito sa sasabihin nito. Tinawid niya ang distansiya ng mga labi nila at hinalikan ito ng buong puso. Naramdaman niya ang pag-ngiti ng mga labi nito habang tinutugon ang halik niya.
Hayaan mong isipin kong, ako talaga ang mahal mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro