Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

"SAAN ka na naman galing kagabi Allysa?" bungad na tanong agad ni Amanda, ang ina ni Allysa sa mautoridad na boses. Her mother has the best villain step-mother voice and lines that would complete her miserable life's story. Kaibahan nga lang at totoo niya itong ina at hindi siya sampid sa pamamahay na ito.

Hindi pa nga siya nakakababa ay nakataas na ang kilay at nagbabantang tingin ng kanyang ina. Nakatayo na ito sa ibaba ng hagdan. In her mind, parang inaabangan siya ng isang dragon na kakain sa kanya nang buo.

Kakagising niya palang heto at sesermonan na naman siya ng donya niyang ina. Oh well, ano pa bang bago? My mother hates me. End of the story. Napakamot siya sa batok at napahikab bago tuluyang nakababa.

Nang nasa huling baitang na siya ay nagsalita ulit ito.

"Saan ka galing?" pabagsak na tanong nito.

"Sa kwarto ko," casual na sagot niya. "Kita mo nga kababa ko lang." Halata sa boses niya ang sarkasmo sa pagsagot niya rito.

Halatang hindi nagustuhan ng donya niyang ina ang kanyang sagot. Kahit naman igawa niya pa ng one thousand pages na nobela ang kanyang buhay hindi pa rin nito paniniwalaan ang kahit na anong nakasulat doon. Sarado ang isip nito pagdating sa kanya.

"Wala ka na ba talagang ibang ibibigay sa pamilyang ito kung hindi ang kahihiyan? My goodness, you're already twenty six Allysa pero ganyan pa rin ang ugali mo. Grow up already! Hindi dahil hinahayaan kita sa mga kabaliwan at bisyo mo may karapatan ka na na sirain nang husto ang pangalan ng pamilya natin. You're still using your father's name. A little respect would be enough."

Nagtagis ang mga panga niya sa pagpipigil na sagutin ito. Hindi ka sasagot Allysa. Kalma. Hayaan mo na 'yang nanay mo. She doesn't know anything about you. Pilit siyang ngumiti sa ina. Allysa's signatured sweet smile that would always make her mother cringe in pure annoyance.

Tama nga siya, lalo lang nainis ang ina niya sa kanya. Parang ano mang oras ay iaangat na nito ang kamay para sampalin siya but her mother was holding herself not to resort to any violent reaction.

Humugot ito nang malalim na hininga bago ulit nagsalita.

"Buti naman at na isipan mong umuwi ngayon?" pag-iiba nito.

"It's more fun at home," nakangiti pa rin niyang sagot.

"Take a bath and fix yourself." She said sternly; finally accepting her own defeat. "Paparating na ang pamilya nila Lance. Huwag mo akong ipahiya sa kanila." Dagdag pa nito bago siya nito tinalikuran.

Marahas na napabuga siya ng hangin. Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok at mariing napapikit. Ngayon na pala ang araw ng pamamanhikan ng pamilya nila Lance. Now that she remembers it. Parang ayaw na niyang sumama sa family dinner mamaya.

Can she fake an illness so she can excuse herself? Maybe runaway? Die?

Tumaas ang isang kamay niya sa dibdib niya kung saan ang puso niya. She clutched on the thin fabric of her blouse as if it could hold the pain growing in her chest. As if it could give her enough strength to restrain herself from crying and from feeling sad. Lance.

"Ma'am Allysa," pukaw ng isang pamilyar na boses. Naimulat niya ang mga mata at napatitig sa matagal nang kasambahay ng pamilya nila na si Manang Indang. "Okay lang po ba kayo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Manang sa kanya.

Tipid na ngiti at tango lang ang ibinigay niya sa matanda.

May ngiting inabot nito ang isang kamay niya at marahang pinisil 'yon. "Huwag mo na lamang pansinin ang mama mo, hija. Alam ko namang hindi ka ganoong klaseng tao." Mahinang tinapik nito ang pisngi niya bago siya nito iniwan.

Napangiti siya.

Sa lahat ng tao sa bahay na 'yon tanging si Manang Indang lang ang tanging nakakakilala sa kanya. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang car accident noong bata pa siya ay ito na ang tumayong tagapangalaga niya sa panahon na ni aruga o pagmamahal ay hindi maibigay ng kanyang ina.

Hindi man niya ito paliging kinikibo ay ipinapakita niya naman dito ang malaking pasasalamat niya sa pagmamahal at pag-unawang ibinigay nito sa kanya. She doesn't like to get attached with other people. Alam niyang iiwan din siya ng mga ito. No one wants Allysa in their lives. As much as possible, she would always put a gap between them so she won't get attached so much. She's not doubting Manang Indang's love and concern for her. She just don't want to get overly attached.

Bumalik siya sa sarili niyang kwarto at iniligpit ang mga nakakalat na libro at ilang supot ng mga naubos na niyang junk foods at can ng soft drinks. Of course, she doesn't go to bars, get drunk or sleep with other guys. Mali ang iniisip ng tao sa kanya. Nasa bahay lang siya lagi.

She spends her days and night writing manuscripts in front of her laptop. Binubuhos niya ang lahat ng oras sa pagsusulat ng mga novels pero sa ngayon, mas naka-focus siya sa pagsusulat ng mga children's book. She also has plans of making her own travel blog and book. 'Yon ang plano niya after ng kasal nila Lance at Alyce.

Ang magpakalayo-layo. Ang mawala sa eksena. Alam niyang 'yon ang ikaliligaya ng ina niya at nang mga taong ang tingin sa kanya ay walang kwenta.

Hindi siya pinayagan ng Mama niya na makialam sa family business ng pamilya nila. Sa ngayon, ang ina niya ang school president ng Alonzo Academy of Arts & Music na itinayo ng Papa Luis niya. Sa ngayon, katulong na ng Mama niya ang pamilya nila Lance sa pagma-manage ng academy. Isa ang pamilya del Valle sa mga pinakamayan at pinakamahusay sa real estate business.

Last year lang nabili ng mga del Valle ang AAAM, after Lance and Alyce's engagement. Solely, hindi na ang Mama niya ang nagmamay-ari ng AAAM. Mas malaki kasi ang shares ng mga del Valle kumpara sa Alonzo na ngayon. The merging was done to save AAAM from total down fall. The academy is not doing well. Siguro dahil, 'yong may kaya lamang ang nakakapag-enroll sa academy. Hindi man halata but the academy was already struggling before the del Valle came in. Kahit hindi siya magsalita, alam niya ang mga rason kung bakit naging ganoon ang AAAM.

Una, dahil sa pangit na sistema ng academy. They don't give chances to those who were born with the talent, and most of these kids are not born in a well off family. Mabibilang sa kamay ang mga nabibigyan ng scholarship. The rest passed because of strong connections but not enough to give the school the achievement that would recognized the academy's effort to produce renowned musicians and artists.

The school is now well known for producing cheap celebrities na puro pa famous lang ang nagagawa sa social media at mga events. She doubt kung may pakialam ba ang Mama niya roon. Si Alyce lang yata ang pinakasikat na pianist sa AAAM. 'Yong iba, struggling pa. Thanks for the del Valle, tuloy pa rin ang pangit na sistema ng kanyang ina since she's still the school's president. Hinayaan lang kasi ng mga ito si Amanda sa pagpapatakbo ng academy.

At some point of her life, may nagagawa rin naman siya. Kapag may nakilala siyang potential artist or musician, tinutulungan niya ang mga ito na makapasok sa AAAM. At present, may lima na siyang prodigies. She also has her dirty ways of sneaking talented kids in her father's academy. Kung nabubuhay lang ang kanyang ama. Alam niyang 'yon din ang gagawin nito.

She missed her father so much. Kung sana kasama pa nila ang ama nila. Her life would have been easier. Pero wala na si Papa. Dapat matagal ko nang tinanggap ang buhay na 'to. Marahas na napabuntong-hininga na lamang siya.

Nahagip ng tingin niya ang repleksyon ng mukha niya sa salamin ng kanyang lumang vanity table. Huminto siya sa harap no'n at pinakatitigan ang mukha niya. Smudged eyeliner on her lower lashes and messy hair. She tilted her head and stare a little more at her reflection in the mirror.

Sinasabi ng kanyang ina na lagi siyang lumalabas tuwing gabi. It's true. Lagi naman talaga siyang lumalabas... lumabas ng bahay at tumatambay sa DESTINED MART na isang block pa ang layo mula sa Salve Mari Village kung saan nakatayo ang bahay nila. It's a different kind of mini mart. Malapit 'yon sa simbahan at sa isang private school. Sosyal at kakaiba lang talaga siyang manamit kaya iniisip nila na may party na naman siyang pupuntahan.

Nasanay na kasi siyang may make-up sa mukha at medyo malandi kung manamit. Kaya nga may baon-baon siyang jacket paglabas. Kung iisipin para lang siyang nagko-cosplay araw-araw. Ano bang gagawin niya kundi ang panindigan ang nasimulan na niyang ugali at image sa ibang tao. Kaya nga wala siyang naging kaibigan.

Kasi gumawa ako ng character na kaiinisan ng lahat. I made this version of me to protect myself from other people. Allysa doesn't need anyone. She only needs herself.

Napangiti siya nang mapait. It sucks, right? Binato niya ng medyas ang salamin saka hinablot ang nakasampay na towel sa sandalan ng swivel chair niya bago tinungo ang banyo. Makaligo na nga!



HUMIHIKAB na pumasok si Allysa sa kusina. Kulang pa yata ang tulog niya kanina kahit na nakatulog ulit siya pagkatapos niyang maligo. Tinalo pa niya ang mga agents sa call center sa puyatan. Gising siya sa gabi hanggang madaling araw habang tulog naman siya buong araw. Kaya iniisip ng kanyang donyang ina na hindi siya nalalagi sa bahay dahil kapag gising siya tulog naman ang lahat.

Si Manang Indang lang naman ang binigyan niya ng pahintulot na linisin ang kayang silid kaya wala rin namang nangangahas na pumasok sa silid niya. Subukan lang nila at makakatikim talaga sila sa kanya.

Habang busy ang lahat sa garden kung saan magaganap ang family dinner ng pamilya nila at ng mga del Valle ay naisipan niyang sumaglit sa kusina para kumuha ng maiinom. Ang plano nga niya ay ibuhos sa mukha ang malamig na tubig at nang magising siya nang tuluyan.

Binuksan niya ang buong two doors refrigerator nila at naka pameywang sa harap ng fridge. She raised an eyebrow and pouted her lips. Napasimangot naman siya nang wala man lang siyang magustuhan sa mga nakalagay sa loob. Ano bang mahihita niya sa donya niyang ina na vegetarian kundi pagkaing pang-kambing.

Kumuha na lang siya ng isang bottled water bago isinarado ang ref.

"Lahat na lang bago," she murmured while opening the lid of the water bottle. "Pati tubig may stock na rin. Daig pa ang isang buong grocery store ang bahay na 'to, tsk." Pagpihit niya ay 'di niya napansing may tao pala sa likod niya. Napasinghap siya sa gulat at lamig ng tubig na nasaboy sa puting bestida niyang suot.

"Shit!" napamura siya nang wala sa oras.

Basang-basa na ang itaas na bahagi ng dress lalo na parte ng kanyang dibdib. Halos makita na ang pulang bra niya sa ilalim ng damit niya. Asar na inangat niya ang tingin para lang ulit matigilan. Shit, si Lance! I mean, hindi siya shit. Gosh, Allysa kumalma ka. Nalunon niya yata ang dila niya at napatitig lamang siya kay Lance.

"I'm sorry Al," he sincerely apologized. "I didn't mean to startle you. Wait," may kung ano itong hinugot mula sa likod ng pants nito. Isang panyo. "Here, let me help you," akmang idadampi nito ang panyo sa basang parte ng kanyang bestida nang mabilis niyang mahawakan ang kamay nito. Teka lang, wait.

May pagtatakang naiangat nito ang tingin sa mukha niya.

"Is something wrong?"

"Kilala mo ba ako?" buong tapang na tanong niya rito.

"You're Al," tila kampanti nitong sagot.

Pinaikot niya ang mga mata. Kahit kailan talaga 'di pa rin nito magawang i-distinguish kung sino ang totoong Alyce at Allysa. Sarap na ngang upakan ng lalaking 'to. Ilang taon na ba silang magkakilala? Simula high school ay ganito na si Lance. Nalilito pa rin ito kung sino si Alyce sa kanilang dalawa ng kakambal niya. Hindi niya alam kung may pagkatanga ang lalaking 'to o sobrang magkamukha lang talaga sila ni Alyce.

Ganito ito kapag 'di siya nagsusuot ng mga revealing na damit. Lagi na lang siya nitong napagkakamalang si Alyce. Ewan ba niya, hindi niya alam kung anong case itong si Lance. Baka nga hopeless case na. Oh baka dahil? Hindi. Imposible naman yata. Pinalis niya sa isip ang idea na 'yon. Imposible talaga ang iniisip niya.

Hay naku! Kung hindi lang malaki ang respeto ko sa kapatid ko matagal na siguro kitang inagaw sa kanya.

Marahas na inagaw niya kay Lance ang hawak nitong panyo. Sinadya niya 'yon para mapansin nitong hindi siya si Alyce. Kilala siya sa magaspang niyang ugali at matalas na pananalita. Siya na mismo ang dumampi no'n sa nabasa niyang damit.

"Sino sa tingin ako?"

"Ikaw nga si Al," giit pa nito. "Bakit ba may oras na napaka maldita mo?"

"Kasi nga hindi ako si Al na kilala mo."

"Hey," nakababa ang tingin nito sa isang kamay niya. Nagulat siya nang hablutin nito ang kamay na 'yon bago hinuli ang tingin niya. "Where's your ring?" seryosong tanong nito.

"Huh?" she jerked away from his grasp. "Hindi nga kasi ako si Al –" napaigik siya nang may biglang humawak sa isang braso niya at hatakin siya palabas ng kusina.

Hinila siya nito papasok sa stock room nila sa bahay na malapit lang din sa kusina. Napahawak siya sa nasaktang braso nang marahas na pakawalan siya nito. Napaigik siya nang bahagyang tumama ang likod niya sa matulis na dulo ng mesa na naroon. Mabilis naman na isinirado ng ina niya ang pinto sa likod nito.

She glared at her mother.

"Ano bang problema mo?" asik niya.

"Don't you dare seduce your sister's fiance," she growled. Galit na galit ang mga mata nito. Animo'y isang kabit ang tingin ng ina niya sa kanya ng mga oras na 'yon. "Hindi kita pinapakialaman sa buhay mong walang direksiyon kaya huwag kang makisaw-saw sa buhay ng kapatid mo. Look at you?" pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sinadya mo pang mabasa ka para maipakita 'yang dibdib mo. Ipinagmamalaki mo pa 'yan. Napakalandi mo talagang babae ka."

"Malandi ako?" napamaang siya sa mga paratang nito. Nag-init ang buong mukha niya sa galit at sobrang pagka-insulto. "Wow naman! Nahiya naman talaga ako sa kabaitan mo mahal kong ina." Madiin ang pagkakabitiw niya sa huling tatlong salita.

Mataas ang pasensiya niya sa kanya ina. Nagagawa pa niyang 'di sagutin ito sa ibang pagkakataon pero sumusobra naman na yata ito. Sobra siyang na insulto sa mga paratang nito sa kanya. Hindi naman siya ganoon kababa para gawin ang bagay na 'yon. Marunong siyang magmahal pero alam niya sa sarili niya na kailaman hindi siya magpapakababa para sa pag-ibig kahit masaktan man siya.

"I'm warning you Allysa," dinuro siya nito. "Huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na ikagagalit ko sa'yo. Kung hindi ay ako ang makakalaban mo."

"Wait lang ha, as far as I could remember. Wala naman yata akong ginawang hindi mo ikinagalit. Pangalawa, lagi mo naman yata akong kinakalaban. Pangatlo, ina lang kita. Hindi mo hawak ang buhay ko dahil simula't sapol wala ka naman talagang pakialam sa akin, so don't talk to me like you're a concerned mother na binabantaan ang malditang kaaway ng anak mo dahil ANAK mo rin ako."

Nanikip ang dibdib niya pagkatapos. Ramdam niya ang pagbabanta ng mga luha niya sa sulok ng kanyang mga mata pero pinigilan niya ang sariling mapa-iyak sa harap nito. Hinding-hindi na ulit siya iiyak sa harap ng Mama niya.

Humugot siya nang malalim na hininga saka iniwan ang ina. Padabog na sinarado niya ang pinto sa likod niya saka mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang grand staircase ng bahay at umakyat sa silid niya.

Tao lang naman din siya, nasasaktan din, at nagkakamali. Pero hindi ibig sabihin na kung mukha siyang pariwara na babae ay iisipin din nitong masama siyang babae. Oo nga at may lihim siyang pagmamahal para kay Lance. Alam niya ang limitasyon niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Hindi siya ganoon kababa para landiin ang nobyo ng kakambal niya. Malaki ang respeto niya kay Alyce.

Pero masakit, kasi mismong ina niya 'di siya magawang mahalin. Parang 'di siya nito anak. Hindi niya naman kasalanan ang nangyari noon. Bakit ba isinisisi niya sa akin ang lahat?



TAHIMIK lang si Allysa sa tabi habang masayang kumakain ang lahat. Wala na nga siyang ganang kumain at makisaya sa kanila. Kung maari nga ay gusto na niyang umalis at magkulong sa kanyang silid. Nagpalit lang siya ng damit at kinalma ang sarili. Sa inis niya, sinuot niya 'yong black off-shoulder dress niya. Na alam niyang, mas lalong ika-iinis ng mama niya.

She hates gatherings. Hindi naman siya gaanong napapansin. Nagmumukha lang siyang tanga. She doesn't exist in this kind of gathering. Lalo lang niyang nararamdaman na hindi siya welcome. Hindi naman ganoon kasama makitungo ang pamilya ni Lance sa kanya. Sa katunayan ay, ang mga del Valle lamang ang kumakausap sa kanya nang magiliw. Hindi malaking issue sa pamilyang del Valle ang existence niya. 'Tong donya niyang ina lang talaga ang atribida.

With nothing else to do, she plays with her food with the use of her fork.

Of course, Alyce is very talented. She's one of the youngest pianist to respresent Philippines noong 15 years old siya. Imagine? She's a gem in the music industry. Panggagaya niya sa boses ng ina sa isip. Kaya bagay na bagay talaga ang Alyce ko sa Lance ninyo. They're match made in heaven! Hindi kagaya ng isang babae riyan na walang direksyon ang buhay at puro kalandian lang ang alam. Dagdag pa niya, dahil alam niyang sa isip ng ina ay 'yon din ang gusto nitong sabihin. Tsk, sige ako na ang walang kwenta n'yong anak. She made a face in her mind 'cause she couldn't do it in front of Lance's family. Mabato pa siya ng baso ng nanay niya.

"What about Allysa?" naiangat niya ang tingin sa lahat.

Napansin niyang sa kanya nakatingin si Tita Sofia. Ang mommy ni Lance. Nakangiti ito sa kanya at wari'y naghihintay ng sagot mula sa kanya. This time, all eyes are on her. Napalunok naman siya. Hala, anong sasabihin ko? Napatuwid tuloy siya ng upo.

"Well," simula ng kanyang ina. "Allysa don't do anything –"

"I breath," she interrupted with a sweet smile. "I'm good at that."

Everyone laughed, excluding her mother of course. Panira kasi 'yan ng moments kaya lagi na lang nakabusangot ang mukha.

"Tita," tawag ni Alyce. She cheerfully smiled at her direction before speaking again. "Allysa writes –"

"In my diary," mabilis na dugtong niya.

Alyce rolled her eyes. "Don't listen to her. Magaling siyang magsulat. In fact, not everybody knows she's the author of Alms for Love. 'Yong naging bestseller na children's book noong Mother's Day last year."

Hindi lang ang ina niya ang nagulat pati na rin ang mga magulang ni Lance. Pasimple niyang natutop ang palad sa noo. That was supposed to be a secret! Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang mapamura. Shit! Napakadaldal talaga ng kambal niya. Umayos na lang siya ng upo.

"Right, alam na nila. Next topic – "

"Wait, ikaw ba talaga ang nagsulat no'n, hija?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita Sofia. "Wow, I didn't expect that." Kumikinang ang mga mata ng ginang na tila ba nakagawa siya ng pinakamabuting bagay sa ibang tao. Her expression shows admiration na hindi niya inakalang makikita niya sa ina ni Lance. "That book is very inspirational. In fact, I have my own copy of that, hija. Mahilig ako sa mga children's book kasi 'yon ang ibinibigay namin sa mga orphanage. Kakaiba ang pagmamahal ng bidang batang babae sa kanyang ina sa kwento na 'yon. Perfect for kids."

Natuwa siya sa sinabi ng ginang kaya hindi niya napigilan ang mapangiti.

"Salamat po,"

"At hindi lang 'yan," singit ulit ng kambal niya. Pinandalitan niya naman agad ng mata ang kakambal. Pero hindi man lang natibag. Mamaya kakalbohin talaga niya ito. "She writes novels din. At lahat ng mga released books niya ay laging bestseller. Kaya lang 'di siya nagpapakilala sa mga readers niya kaya sana huwag n'yong ipagkalat," her twin later on giggled na siyang ikinatawa ng lahat.

This time nakitawa na ang kanilang ina. Wala eh, si my favorite daughter ang nagsalita. Pero kung siya ang nagkwento. Baka tapos na ang dinner bago paman siya makapagsalita.

Sa gitna ng tawanan at kwentohan ay naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Sakto pagtingin niya sa puwesto ni Lance ay nakatingin ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Tila may gusto itong sabihin at itanong sa kanya but it seemed like something is holding him back. The look of confusion is written all over his handsome face. He looked puzzled as hell.

Nabalik lang ang atensiyon ni Lance nang humilig sa balikat nito si Alyce. Nakangiting ibinaling nito ang mukha kay Alyce. May nakakatuwa yatang sinabi si Alyce kay Lance kaya tuwang-tuwa itong pindutin ang ilong ng kakambal.

Napalunok siya sa nakita. Mabilis na inabot niya ang baso ng tubig at sinaid ang buong laman no'n. Ouch. Iniwas niya ang tingin pagkatapos. Parang gusto ko nang lamunin ng lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro