Touch 8
Fatal Touch
Kabanata 8
Devin
Tinignan ko ang aking mga sugat na unti-unting naghihilom. Nakaupo ako ngayon sa kama ng aking kwarto. Hindi ako pumunta sa hospital dahil alam kong hahawakan nila ako.
They can't touch me because it can bring them into death.
Oo. Sa oras na hawakan nila ang balat ko o hawakan ko sila, maaring ikamatay nila iyon. My touch can bring them into a demise.
Mariin na pumikit ako. "I hurt someone again."
Alam kong nagulat din sila sa ribbon ko na naging isang sandata. It can became a bow, dagger, sword, scythe, or any weapon that I can imagine but I prefer to use bow. It was given to me by my mother.
Naalala ko na naman muli ang pagkamatay ng aking lolo. Bakit? Dahil alam kong kasalanan ko iyon...
-Flashback-
Napapikit ako nang narinig ko ang malakas na pagkulog. Panandaliang lumiwanag ang buong kapaligiran nang gumuhit sa langit ang malakibg kidlat. Nakaupo ako ngayon sa mataas na silya at nakamasid sa labas mula sa maliit na bintana.
Gumuhit sa aking labi ang isang ngiti. Bilang lang kasi sa kamay kung ilang beses umulan sa rehiyon ng Zitera, lugar kung saan ako lumaki't nakatira. Kilala ang Zitera bilang isang kahariang may pinakamainit na temperatura.
Tinanggal ako ang aking itim na gwantes. Napatingin ako ng saglit sa aking kanang kamay. Kahit ngayon lang...
Tumuntong ako sa mataas na silya at saka inilabas ang kalahati kong katawan sa nakabukas na bintana. Tuwang-tuwa ako nang tumulo ang butil ng ulan sa aking kamay.
"Devin?! Iha?"
Mabilis akong inilabas ang aking katawan sa bintana nang marinig ko ang sigaw ni Lolo Maru. Nanlaki ang aking mga mata nang nahulog ko ang aking gwantes sa labas. Sa sobrang pagkataranta ko, umuga ang mataas na silya. Tila bumagal ang oras nang tuluyang nawalan ng balanse ang upuan.
Bumilis ang pintig ng aking puso nang naramdaman ko ang isang bisig na sinalo ako. Hindi ko sinasadyang napalandas ko ang walang gwantes kong kamay sa kanyang braso. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi...
Nakarinig ako ng pagbagsak ng upuan habang ako naman ay nakatayo sa tulong ni Lolo. Agad akong napalayo sa kanya.
"Lolo ko..." Lumandas sa aking pisngi ang butil ng aking mga luha.
"Iha—ARGHHHHHHHH!" sumigaw si Lolo dahil sa labis na sakit.
"Lolo, hindi ko sinasadya!" iyak ko.
Gusto ko siyang hawakan o lapitan ngunit ayoko. Hindi pwede...
"H-hindi m-mo...AHHHHHH–kasala–AHHHHHH–nan." paputol-putol niyang sambit dahil sa sakit at hirap na kanyang nararamdaman. Napahawak si Lolo sa kanyang dibdib at unti-unti siyang napahiga sa sahig.
Lumabo ang aking paningin dahil sa patuloy na pag-iyak ko. Nakikita ko ang pagputla ng kanyang mga labi. Unti-unti rin na naging kulubot ang mukha ng aking natitirang pamilya.
"L-lolo. Hindi ka pwedeng mamatay!" muling iyak ko.
"T-tandaan mong biyaya ikaw ng mga bathala at ang iyong abilidad." utal niyang saad.
Umiling ako habang umiiyak. "Lolo!"
"Mahal na mahal kita, iha." huling sambit niya.
Nakita ko kung paano nangitim ang buo niyang mga mata at namutla ang kanyang balat. Wala na... Wala na si Lolo.
Dali-dali ko siyang nilapitan. "Lolo! Hindi!" napahagulgol ako sa iyak.
May tila bilog na ilaw ang lumabas mula sa kanya at unti-unting pumasok iyon sa aking kamay. Nagitla ako. Nakaramdam ako ang kakaibang enerhiya na pumasok sa aking katawan. Hindi ko kinaya ang enerhiyang pumasok sa akin hanggang sa unting-unti lumabo ang aking paningin. Hinayaan kong balutin ako ng dilim habang katabi ang walang buhay na aking lolo.
-•-
I can't even utter 'I love you' in his last breathe.
Lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko mapigilang humikbi dahil sa mapait na alaala. Isa akong halimaw.
Ang tinataglay kong gero ay kamatayan. Kung sino man ang nakahawak sa balat ko o hinawakan ko na walang suot na gwantes, unti-unting sinusunog ang kanyang loob hanggang mapunta ito sa kanyang puso na s'yang dahilan kaya sila'y mamatay. Kasunod nito, sa oras na mamatay ang biktima, makukuha ko ang kanyang abilidad. Walang abilidad ang kayang mapagaling o pigilan ang kamatayan matapos na mahawakan ako.
No one can save himself from my fatal touch.
❄❄❄❄
"Devin, what are you doing here?"
Napatigil ako sa pagbalat ng mansanas nang narinig ko ang tinig ni Milla. Napabaling ang aking tingin sa kanyang direksyon. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha ngunit agad itong napalitan ng isang ngiti.
Imbis na sumagot, itinaas ko ang hawak kong mansanas at saka tinapos ang pagbalat nito. Mabilis ko rin iyong hiniwa.
"Here." Ibinigay ko sa kanya ang platitong may laman ng nahiwang mansanas ngunit hindi niya iyon agad kinuha. Bagkus, nanatili siyang nakatitig sa kabuuan ko.
"Pa–Paano? Paanong wala akong nakitang sugat sa iyo, Dev'?" bulalas nito. "Alam kong kailangan natin na gumaling ng natural na proseso. Isa iyon sa karagdagan nating parusa." dagdag pa niya.
Nanatiling blangko ang aking ekspresyon. "Regeneration." maikling sagot ko.
"Wooooow!" Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Hindi ko mapapagkailang bihira lang sa Getora ang may ganitong abilidad. Kaunti rin ang porsyento ng mga healer dahil isa sila sa mga nagbuwis buhay noong naganap ang ikalawang digmaan.
Kinuha niya na rin ang platito na hawak ko at sinimulang kainin ang mansanas. Nakita ko ang iilang galos na nakuha niya kanina.
Malalim akong napabuntong-hininga.
"I'm sorry that I've caused you a trouble." I said softly before I looked away at her.
"Hala! Wag ka ng magsorry. Dahil kaibigan kita, kailangang kasama kita sa hirap at ginahawa! Resbak mo ko kahit yung tatlong payaso na iyon!" mabilis na pagsasalita niya.
Ganito ba niya kagusto na maging kaibigan ako? Ang isang halimaw na tulad ko? Kung alam lang niya...
Nang ibalik ko ang aking tingin sa kanya, nakita kong hawak-hawak niya ang kanyang bibig. "Shutang ina! Buti lumipat sila ng kwarto kundi riot na naman." dagdag nito.
Mahina akong napatawa. Napatingin siya sa akin at 'di nagtagal ay sumabay na rin siya sa pagtawa. Nang maubos ang tawa namin, binalot kami ng katahimikan. Bakit ba kami tumawa?
"Kung tapos ka na kumain, sumunod ka sa pagpunta kay Professor Merle. Alam ko na ang parusang binigay sa atin." usal ko bago ako naglakad palabas ng kwarto.
"Teka lang, Devin!"
⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫ ️⚫️
Prince Giles
"Anong meron at bakit tayo pinatawag lahat ngayon ng mahal na hari?" Ang unang bumasag ng katahimikan ay si Gandaff Simones Bremore, ang council na nakadestino sa Zitera.
Narito kami ngayon sa bulwagan ng palasyo. Pinatawag kami kagabi ng kanang kamay ng hari na pumunta sa palasyo para sa isang pagpupulong. Bihira lang din na magpatawag ng ganito ang hari kaya lahat kami ay nagtataka.
Napatingin ako sa mga kasama kong council. Ang namamahala sa Vrusubia na si Rosen Lissé Bonweth ay maayos na nakaupo habang hawak ang pamaypay nito na kulay pula. Katabi naman nito si Falkor Sarifio Glinarth, ang nakadestino sa Pragalla. Nakapikit ang mga mata nito at may malalim na paghinga. Alam kong natutulog na naman ito.
Lumipat ang aking tingin sa lalakeng may mapaglarong ngisi na nakaguhit sa mukha nito. Wala namang iba kundi si Pratt Zouse Kronia, ang namamahala sa lupain ng Grogarin. Hawak-hawak nito ang maliit na patalim. Gaya ng dati, nilalaro na naman niya ito sa kanyang kamay.
"Alam mo na ang kasagutan diyan, Gandaff." Iyon ang inilabas na mga salita sa aking bibig. Muli akong uminom ng daëri, isang uri ng wine.
Dalawa lang naman ang kasagutan sa kanyang tanong. Una, ang mga taga-Nevermere na nakita sa Goldwood Forest. Ikahuli ay ang pagwawala ng mga cyclops sa rehiyon muli ng Zitera. Hindi pa matuklasan ang dahilan kung bakit galit ang tagapagbantay ng mga kagubatan.
Napatigil ako sa muling pag-inom ng daëri nang narinig ko ang mahinang tunog ng yapak ng mga paa. Naramdaman ko rin ang malakas na awra.
King Emelle.
Agad kaming tumayo lahat mula sa pagkakaupo saka yumuko at itinapat ang dalawa naming daliri sa aming kaliwang dibdib bilang paggalang.
Naramdaman ko ang paglakad niya papunta sa kanyang pwesto. Narinig namin ang pagtunog ng kahoy na upuan.
"Magsiupo na kayo." Ang boses niya ay puno ng awtoridad at may halong lamig na nagpapataas ng balahibo sa aming batok.
Pagkaupo namin, agad na nagsalita ang hari. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isang hastťe na mula sa bundok ng Sheda ang pumunta kagabi rito sa palasyo."
Mabilis na napalingon kami sa direksyon ng hari nang narinig namin ang kanyang sinabi.
Hastťe ang tawag sa matandang engkantada na nakatira sa bundok ng Sheda. Isa sila sa mga nabuhay noong panahon ng unang digmaan, ang laban kay Rameiln. Sa pagkakaalam ko, wala nang komunikasyon kami sa kanila dahil mas pinili nilang manahimik.
Hindi kami umimik. Hinintay namin kung ano ang susunod na sasabihin ng hari.
"Nagkaroon ng pagpupulong ang mga propesor at ang headmistress noong nakaraang araw." Tumigil ng saglit sa pagsasalita si King Emelle. "Kung hindi siya nagkakamali, unti-unting humihina ang barrier na naghihiwalay sa ating apat na rehiyon mula sa Nevermere." pagpapatuloy nito.
"Ano po naman ang koneksyon nito sa sinabi ng Hastťe?" tanong ni Zouse. Wala na ang mapaglarobg ngisi sa kanyang mukha. Lahat kami'y naging alerto sa sasabihin ng hari.
"Isang babala ang hinatid mismo niya na may kaugnayan sa mga nangyayari." sagot nito.
"Anong babala, King Emelle?" Hindi ko napigilang magtanong.
Tumingin siya sa direksyon ko at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Kita ko ang takot sa kanyang mata.
"Malapit na siyang magising."
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro