Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Touch 6

Fatal Touch
Kabanata 6

Devin

"The Trios..."

Napatigil ako nang narinig ang bulong ni Milla.

"What is that smell, girls?"

Napaangat ako ng tingin nang narinig ang pamilyar na tinig. Nakita ko ang tatlong babae na kaklase ko kanina sa History—those girls who wear thick makeup.

"It is the nasty smell of a peasant, sissy." maarte ang tono ng babaeng mayroong asul na mga mata.

Muli kong binalik ang atensiyon sa pagkain. Hindi ko silang pinagtuunan pa ng pansin. Akmang kukunin ko ang baso ng gatas nang may biglang humablot no'n at saka ibinuhos sa tray kung saan nakapatong ang iba pa naming inorder. Mabilis na napatingin muli ako sa kinatatayuan nila. Sintiente!

"Opps. My bad. Sorry not sorry." nangangasar na usal ng babaeng kulay itim ang mata.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking emosyon. Lumingon ako kay Milla saka tinanguan. Agad naman niyang nakuha ang gusto kong ipahiwatig. Kinuha ko ang mga gamit ko bago tunayo.

"Did she just slap Lilya's hand?"

"Oh-uh. Another trouble to come..."

"She is just from epic class yet she has a guts."

"Pinapahamak lang niya ang kanyang sarili."

"Another target slave for The Trios..."

Madami ang nagsimulang magbulungan matapos kong tinampal  ang kamay na sanang hahawak sa braso ko. Shock was written on their face. So that girl's name who has a blue eyes is Lilya.

"H-How dare you slap my sister's hand?!" sigaw ni Myla. Nanatiling walang kibo ang babae na may kulay brown na mga mata—si Polya ngunit halata ang pagkainis sa mga mata niya.

Tinignan ko lamang sila ng mariin at hindi nagsalita. Siya ang may kasalanan. No one should ever touch me. Touching me means death.

Nakita ko ang pagguhit ng pag-alala sa mukha ni Milla kasabay ng pagtaas ng mga bulaklak na may tinik. Nakatutok iyon sa direksiyon ko.  Dahilan iyon kaya napalayo sa amin ang iilang estudyante at pagtayo na rin ni Milla.

"B-Bawal ang ginagawa niyo!" natatakot na sigaw ni Milla.

Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi ni Polya. "Not when we challenged her a battle." aniya nito.

"Huwag kayong madaya! Nag-iisa lang siya at kayo ay tatlo!" sigaw ni Milla. Mabilis siyang lumapit sa pwesto ko.

"Eh di isama ka namin. Masyado kang pabida. Be her shield then, you ugly peasant." usal ni Lilya. Nagkakaroon ng mga clone siya na pumalibot sa kanila.

"I challenge both of you to fight us!" sigaw ni Myla. Kasabay no'n ang unti-unting paglabas ng isang barrier sa aming lima.

"AND YOU CAN'T SAY NO!" malakas na sigaw ng tatlo.

"Devin..." natatakot na tawag ni Milla.

Napalingon ako sa kanya na may blangko na ekspresyon. "Let's just give them what they want. If you can't do it then let me handle this—"

"—kaya ko." agad na sinabi niya.

"Enough with chitchat, peasants!" sigaw ni Lilya at kasabat no'n ang pagbulusok sa amin ng mga bulaklak niyang may mga tinik.

"Devin!" tili ni Milla.

Mabilis na tinanggal ko ang itim na ribbon na nakatali sa aking buhok. Bago pa kami matamaan, tumama roon ang mga palasong itinira ko sa kanila na dahilan kaya't nawala ito na parang bula. Isang gulat na ekspresyon ang gumuhit sa kanilang nga mukha ngunit agad iyon napalitan ng pagkayamot.

"How the hell did she make her ribbon into a bow?!" inis na sigaw ni Millan.

Mabilis na pinakawalan ko ang limang palaso na bumulusok papunta sa direksiyon ng mga clone nila.

"I can't move, Devin!" malakas na sigaw ni Milla na dahilan kaya nakuha ang atensiyon ko.

Tama nga ang hinala ko. Those girls have a great combo. Myla's gero is shadow manipulation. Si Polya naman ay flower manipulation habang si Lilya naman ay cloning.

Sa isang kurap naging latigo ang pana ko at mabilis na hinampas sa mga clone na sumugod sa amin. Hinampas ko rin ang anino ni Milla na dahilan kaya nawala ang epekto ng pagkakapigil ni Myla sa kanya.

"Do it." mabilis na sabi ko kay Milla.

"Walk. Walk. Walk into the darkness. Show them the pain and the hell of their life. Illusion of Pain!" Napangisi ako habang narinig ang kinanta niya.

"It will just last for thirty seconds, Devin." nag-aalalang usal ni Milla.  Tango ang tinugon ko sa kanya.

Hindi ko na sinayang pa ang oras. Mabilis na nagpatama ako ng mga palaso sa lahat ng clone ni Lilya. Tumakbo agad ako sa direksiyon nilang tatlo. Muli kong ginawa ang latigo at saka pinatama iyon sa mga clone.

"That attack was too soft for us, pathetic peasant."

Agad na napalingon ako sa pwesto ni Milla. Nakita kong nahihirapang nakahiga siya habang pilit na tinatanggal ang pagkakaapak ni Polya sa hita niya. F*ck!

Mas dumami ang mga clone at pinalibutan ako.

"Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo." aniya ni Milla bago ngumisi.

Kasabay no'n ang pagsugod ng mga clone ni Lilya sa akin.

⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️

Auryn

Nakita kong yumuyuko sa amin ang iilang estudyante na nadaaanan namin habang naglalakad.

"Saan mo ba ako dadalhin, Westly? Madami pa akong gagawin sa opisina." Ngumuso ako nang binigyan niya ako ng nababagot na tingin.

Westly is my best friend since elementary days. Siya kasi ang naging kaklase at kasama rito sa Pumor Vel Academy. Siya lang ang palaging gusto akong samahan sa library. Sabi rin niya kasi na masarap matulog doon kaya sumasama siya sa akin.

"What is your role in this academy, again?" tanong niya. Nakakainis talaga itong si Westly. Palagi na lang tanong ang sinasagot niya sa bawat tanong ko. Pasalamat na mahal ko siya.

Inaayos ko ang pagkakasuot ng aking eyeglass nang medyo nahuhulog iyon. "Vice president, Westly. Bakit mo ba palagi tinatanong iyan sa tuwing hinihila mo ko sa kung saan-saan?" sagot ko sa tanong niya.

"Alam mong wala pa si Kohen at ang iba dahil mayroon silang mission, hindi ba? Once the general gone, the vice president of the school council will take over his or her duty." aniya. Agad na napaisip ako sa sinabi niya bago nanlaki ang aking mga matang napatingin sa kanya.

"Where?" tanong ko nang mapagtanto ang gusto niyang ipahiwatig.

"I am pretty sure that it's cafeteria. Can't you feel the large amount of mana?" sagot niya. Umiling ako.

Sigurado akong iyong tatlong magkakambal ang pasimuno. Sa tingin ko, isa sa mga scholar na pumasok ang target nila. Those triplet... Alam naman nilang inannounce last week na binago ang rules dito sa academy. Nakalimutan ba nilang kailangan muna nang permit galing sa headmistress bago magkaroon ng laban.

Napatigil kami sa tapat ng cafeteria nang humangin ng malakas dulot sa pagkasira ng barrier. Mabilis na tumakbo kami patungo sa gitnang pwesto sa cafeteria. Sira ang iilang mga mesa at upuan dulot ng malakas na pwersa.

"Those students who did not involve this trouble, go outside this cafeteria NOW!" maawtoridad na sigaw ko. Mabilis na tumakbo ang iilang mga estudyanteng nasa loob.

Nang humupa ang kaunting usok, nakita namin ang mga babaeng nakaluhod at nakahiga sa sahig. Nakasalampak si Lilya sa sahig katabi ng isa pang babae na nasa Epic class habang ang dalawa pa nitong kambal ay puno ng sugat at duguan. Dumapo ang aking tingin sa isang babae. Nakahawak ito sa malaking sword na nakatusok sa sahig. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang nagkaroon ng maliit na pagkabiak doon. Kita ko ang pagkapunit ng uniporme nito.

Mabilis na lumapit ang iilang lalake na tinawag ni Westly upang tulungan siya sa pag-alalay papunta sa academy hospital.

"Don't you dare touch me." nagbabanta na usal ng babaeng may hawak na sword. Umiwas ito sa lalakeng balak alalayan siya.

"You were injured. Kailangan mong madala sa hospital." sabi ko gamit ang malumanay na tono.

Bumaling ang tingin niya sa akin. So she has the unique eyes—iyong kulay aquamarine at gold. Nakakalunod ang mga mata niya. Ang sarap tignan...

"I can handle myself. Just make sure that Milla will be treated," mariin na pagkakasabi nito. "Don't worry. I will accept any punishment." dagdag pa niya. Mabilis siyang tumayo bitbit ang sword at naglakad papaalis sa cafeteria.

"Teka—" Pinutol agad ako sa pagsasalita ni Westly.

"—just let her, Auryn. Ako na ang bahalang sumama sa kanila papunta sa hospital. Make a report to the headmistress para maayos agad itong cafeteria." aniya.

Tumango naman ako bago muling sulyapan ang likod ng babaeng naglalakad paalis.

She is something... Who is she?

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro