Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Touch 5

Fatal Touch
Kabanata 5.

Devin

Tumigil ang iba't ibang ingay sa loob ng room nang pumasok ako. Inikot ko ang aking mga mata sa apat ng sulok ng kwarto. Sa tingin ko'y mayroong thirty na estudyante rito kasama na ko roon. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkaasiwa at pagtataka.

"Devin."

Napatingin ako kay Milla nang tawagin niya ako. Hindi ako nagsalita at tinignan lamang siya.

"Doon ako uupo sa third row. May sitting arrangement, eh. Sa dulo na lang pala ang bakante," aniya sabay turo sa pwesto niya. "Mamayang lunch ko ieexplain ang tungkol sa mga bandage."

Tumango na lamang ako. Agad siyang naglakad naman sa pwesto niya. Ipinilig ko ang ulo ko at napailing. Naglakad na lamang ako papunta sa huling row. Naramdaman ko ang mga titig ng aking mga kaklase. Pinatili ko lamang ang blangko kong ekspresyon.

Nakita kong ngumiti sa akin si Milla nang madaanan ko siya. Napatigil lamang ako sa paglalakad nang humarang sa akin ang tatlong babae na magkakamukha. Magkakaiba lamang sila sa kulay ng mga mata. Ang babae sa gitna ay may kulay itim na mga mata. Sa kaliwa naman, iyong babae ay may kulay brown na mga mata habang ang nasa kanan ay may kulay asul na mga mata. Naasiwa ako sa mga kolorete sa kanilang mukha. Maganda sana sila kaso naging payaso ang mukha nila.

"Lagot! Ang Trios!"

Napalingon ako sa gawing kanan nang narinig kong may napasigaw. Umiwas ito ng tingin sa akin at itinikom nito ang kanyang bibig.

"Ikaw ba ang sinasabi nilang transferee na sinundo pa ni Professor Taos?" mataray na tanong nang babae na kulay itim ang mga mata.

Napatingin ako sa nameplate nito sa bandang kanan na dibdib. 'Myla Mittag' ang nakalagay roon. Her badge is silver. I assumed that she's from Master Class. Napaangat ang tingin ko at natigil sa mukha niya.

Nakita ko ang pagkaguhit ng pagkainis sa mukha niya nang hindi ako sumagot at tinitigan lamang ang mukha niya.

"Why are you not answering us?! Are you a deaf?!" inis na sigaw naman ng katabi niya, the girl with blue eyes. Napatingin ako sa name plate niya. Her name was Polya Mittag.

"Tabi." saad ko na mas nagpapula sa mga mukha nilang payaso. Wala akong panahon para sagutin ang mga tanong nila na walang kwenta. It is not their business, either.

Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang bell.

"Hindi pa tayo tapos." mataray na saad nung Myla. I just scoffed at her making them to glare at me.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napailing. Bunch of brats... Kung hindi lang talaga ako napilit, hindi ako aapak sa eskwelahang ito.

Naglakad na lamang ako papunta sa bakanteng upuan. Saktong pagkaupo ko roon, bumukas ang pinto. Naglakad papasok ang lalake na sa tingin ko ay nasa twenties pa lang. He was wearing a reading glass. Nakarinig ako ng hagikhik sa harapan. Napairap ako. I can't deny the fact that he is handsome. He had this blonde messy hair, perfect jawline, pointed nose, thin red lips, and deep set of brown eyes.

Naglakad siya papunta sa harap at napatigil. Inilabas ko naman ang notebook ko mula sa bag at inilapag sa armchair.

"Good morning, class." His deep voice echoes in the classroom. Nang napagawi ang tingin ko kay Myla, nakatingin siya sa kanya na tila nangangarap.

"Good morning too, Professor Phelan." bati ng lahat. Sumabay na lamang ako sa kanila. So, his name is Professor Phelan. Noted.

"I heard I have a new student from this class," usal nito. "Where is she?"

Nakita ko naman ang pagtingin nila mng lahat sa gawi ko. Napataas naman ako ng kilay. Now, what?

Tumaas na lamang ako ng kamay. Nakita ko naman na tumingin siya sa pwesto ko. Napansin kong tumaas ang sulok ng labi niya.

"Great," saad ni Professor Phelan. "Can you introduce yourself, Miss?"

Napabuntong-hininga na lamang ako at napatayo. "Devin Seymour is my name. Sixteen years old," pakilala ko.

Gumuhit ang isang ngisi sa seryoso niyang mukha. "Thank you, Miss Seymour. You can sit down, now."

Umupo naman ako.

"I am your History instructor. You can call me Professor Phelan," ani nito. "By the way, you have a nice eyes."

Napairap na lang ako ng palihim. My eyes are not nice. They're weird.

Naramdaman ko ang matalim na tingin sa akin ng iilan kong babae na kaklase. Napailing na lang ako.

"Okay. Let's proceed to our lesson for today!" seryoso nitong saad.

Biglang dumilim ang kwarto at may lumabas na tila hologram sa unahan. Napalingon ako sa gawi ni Professor Phelan. I knew it. He has the ability of hologram projection.

"Have you already heard the legend story about the last region and hidden part of Getoria?" tanong ni Professor Phelan.

Nagkaroon ng mga bulungan. May mga nagsasabing oo, ang iba tahimik pero maraming sumasagot na hindi.

"All copies of the book where the legend written was burned into ashes but some elders told that there is only one book that is left but never been found," aniya. May lumabas na mga librong nasusunog sa hologram. "But don't worry, class. This is our discussion for today. It is all about the creation of demons and the hidden region of Nevermere."

Tumahimik ang buong silid. May lumabas na mga scenes kasabay nang pagsalita ni Professor Phelan.

"Everyone know about our deities right?" tanong niya. Agad naman sumagit ng oo ang iba habang ako nanatiling tahimik. "They're Genesis and Toferio."

Lunabas ang dalawang imahe, isang babae at lalake. Beauty and power was all over them. Pekeng umubo si Professor Phelan.

"But they are not the only one who built our world, the Getoria. There is someone who was forgotten—the god of darkness and death, Rameiln."

A loud commotion started. Halatang gulat ang halos lahat. Masyadong oa.

"Silenció!" Natahimik naman sila. "Let's start where our world has begun." usal nito.

Mabilis na bumalot sa kwarto ang iba't ibang senaryo hanggang sa nagdilim ang silid.

"A long time ago, a new planet emerged million light-years from the Milky Way. Like Gaia, it also has ability to sustain life. Moreover, it can provide nourishment to produce magic.

At the same time, three deities were finding a sanctuary to live in. Later on, the deities found this unknown planet. It was perfect for them--- they thought.

Genesis, the god of light, extended his arms and the whole world was covered by light. All the dark past of the unknown planet was vanished. Also, the whole planet was lighted by a blazing sun. It gives them warm.

Toferio, the goddess of life, swirled her hands until she created a large ball. She thrown it above and the ball scattered that creates a halo lights. In one instant, peculiar and enchanting creatures and plants appeared. It also creates a supercontinent that was surrounded with vast of waters.

Rameiln, the god of darkness and death, snapped his fingers creating a cold breeze of air and a large moon appeared in the dark part of the planet.

Napangiti silang lahat nang natapos nila ang kanilang ginawa. Hinawakan nila ang kanilang mga kamay at bumuo ng bilog. They chanted a spell together.

Nang buksan nila ang kanilang mga mata, nakita nila ang mga masasayang nilalang na lumalibot sa buong mundo.

"At last, our descendants." Masayang bulong nila sa kanilang sarili.

Nakita nila ang isang lalake at babae na magkahawak ang mga kamay at pinapalibutan ng mga malilit na nilalang na lumilipad.

This is their new home, the planet of Getora." Huminto sa pagsasalita si Professor Phelan.

I know Gaia or also known as Earth. It is a place where creatures without a abilities or mana. I read that somewhere.

"Time passed. Dumami ang mga descendants nila at mas umunlad ang planetang Getora.

"Genesis! Toferio! Genesis! Toferio!"

Many Getorians cheered them...except one, Rameiln. As the people praised their glory, Rameiln was consumed by jealous and anger. He was totally forgotten and hated by them! He knew that it was because of he is the god of darkness and death. Who else wants to trust someone who has the dangerous and darkest ability? That's what he thought.

"They are also my creation!"

Rameiln screamed that caused a loud thunder and the skies started to get dark. And the whole planet was showered with snows.

Dito na nagsimula ang away ng mga deities.

Toferio bursts out because of anger. Their creation was slowly killed by the weather. The plants that their descendants eat dies.

Genesis, on the other hand, tries to persuade Rameiln to stop the chaos but he didn't stop. The god of darkness and death started to consume the other Getorians with negative emotions.

The chaos that Rameiln brought made a reason to start a war.

Ang mga Getorian na naapektuhan ng mga negatibong emosyon ay unti-unting naagnas ang mga balat. Nagiging kulay itim ang buo nitong mga mata. Those infected Getorians were made as puppets of Rameiln. Dito na nagmula ang mga tinatawag na nila ngayon na demons.

Nagkaroon ng matinding labanan ang mga deities at ang kanilang mga nilikha. Genesis at Toferio laban kay Rameiln; at ang mga Gertorians na nasa panig nila Genesis laban sa mga demonyong nilikha ni Rameiln.

Ang laban ay nagtagal ng anim na buwan. Ngunit 'di nagtagal, grupo ni Rameiln ay natalo nila.

From the supercontinent, it was broken apart into six lands. Dito na nahati ang kontinent o region kung tawagin. Bumuo ng matibay na proteksiyon ang dalawang deities para sa anim na kontinente ngunit bago nila masama ang ilalim na parte ng planetang Getora, agad na napasakamay ito ni Rameiln.

Ngunit bago pa man muling makatakas si Rameiln nang tuluyan, nagtulungan ang dalawang deities na mabawi ang kapangyarihang imortal at pagiging diyos niya na dahilan kaya siya'y nanghina. Kasabay rin noon ay ang tuluyang pagkawala ng dalawa deity.

Ang limang bansa ay tinawag nilang Lenobia, Vrusubia, Grogarin, Pragalla, at Zitera. Ngunit ang natitirang lupain na napasakamay ni Rameiln ay binansagan nila bilang Nevermere, ang pugad ng mga kalaban nilang demonyo.

Ngunit—" Naputol ang sinasabi ni Professor Phelan nang tumunog ang speaker.

FACULTY MEMBERS PLEASE COME TO THE BOARD ROOM. AGAIN. FACULTY—

Mabilis na nawala ang hologram na ginawa ni Professor Phelan at kasabay no'n ang pagbalik ng liwanag sa buong kwarto. Halata sa mga mukha ng aking mga kaklase ang pagkabitin sa discussion, maski ako.

"Sorry but I need to stop our discussion for today," sabi niya. "So class, I have a task that you'll pass for the next meeting. I need you to search all infos about the six regions and it means that Nevermere is include to your research. We will have a recitation for the next meeting." dagdag niya.

"Ano ba iyan, Prof'?"

"Another research, another headache."

"Nakakatamad, shuta."

May iilan pang nagreklamo ngunit natigil lamang iyon nang tumikhim siya.

"That's all. Class dismissed."

❄❄❄❄

Narito kami ngayon sa cafeteria para kumain. Kakaunti lang ang estudyante rito. Ang cafeteria ay mas malaki pa sa bahay ko. Siguro'y mga dalawa o tatlong ulit na laki. Mayroon din itong second floor. May nakalagay na sinage ang bawat mesa para malaman kung taken o vacant ba iyon.

Mabilis na dumating si Milla na may dala-dalang tray ng order namin. Siya kasi ang nagboluntaryong bumili para sa aming dalawa.

Agad kong kinuha ang double meat burger na aking inorder kanina. Kinagatan ko iyon saka ngumuya.

"Devin, explain ko na sa iyo ang badges ha?" salita ni Milla bago ininuman ang apple juice.

Tumango na lamang ako bilang tugon.

"Badges serves as symbol for your kind. Dito malalaman kung anong class ka nabibilang. Naalala mo naman siguro iyong mga kulay ng bawat class, hindi ba?" lintanya niya.

"Oo." maikling sagot ko. So, that's explain why do I have to wear that badge.

"Nakalimutan ko nga rin palang sabihin kung sakali lang naman na hindi pa sa iyo nasasabi ng headmistress." Sumubo muna siya ng  mudpie saka nilunok iyon bago nagsalita. "Sabi ko kanina na minsan nagkakasama ang ibang classes sa mga subjects pero may tatlo lang na subject kung saan hinihiwalay tayo mula sa ibang class. Iyon ay ang power control, weapons, at ang physical combat. Iba-ibang level ng training kasi sa bawat class."

Namayani ang katahimikan ng ilang segundo ngunit nagsalita muli si Milla.

"Devin." tawag niya sa akin.

Inangat ko naman ang aking tingin bago ibinaba ang baso ng gatas na ininuman ko. Gatas at tubig lang pala ang palagi kong iniinom. Milk is my favorite beverages.

"Bakit?" tanong ko.

"I forgot to warn you something." usal niya. Mayroong seryosong ekspresyon ang nakaguhit sa kanyang mukha ngunit may bahid ito ng pangamba.

"About what?" Kasabay no'n, tumahimik ang buong cafeteria. Ang narinig ko lamang ay ang mabibigat na hininga at ang tunog ng sapatos na tila palapit sa direksiyon namin.

"The Trios..."

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro