Touch 4
Fatal Touch
Kabanata 4
Devin
"Touch me or I'll kill you?" aniya ko habang nakapikit nang naramdaman kong may hahawak sa braso ko.
Minulat ko ang aking mga mata at inangat ang aking tingin. Nakita ko si Tauriel. Napansin ko ring wala na ang dalawa pa niyang kasama.
"Buti gising ka na." nakangiting saad nito.
"Nasaan sila?" tanong ko.
"They're outside. Nasa loob na tayo ng akademya," sagot nito sa aking tanong.
Tumango na lamang ako. Nauna siyang lumabas at ako naman ang sumunod, bitbit ang isang bagahe ko.
"Buti naman lumabas na ang V.I.P.!"
Hindi ko na pinansin si Elora. Tumingin na lamang ako kay Professor Taos. Napansin ko rin na tila pasikat na ang araw pero wala pang mga estudyante na gumagala sa labas.
"Let's go to the Headmistress office." aniya ni Professor Taos.
Nagsimula kaming maglakad. Kagaya pa rin kanina, malaki ang distansya namin sa isa't isa. Hangga't maari, iniiwasan kong makadikit sa kanila.
Maganda ang paligid. Hindi ko iyon maitatanggi. May malaking fountain sa gitna. Nakakamangha. Tila mga bituing kumikislap ang tubig. Ibinalik ko ang tingin sa daan.
Lumiko kami sa isang pasilyo. May nadadaanan kaming mga kwarto. Naglakad lang kami hanggang sa tumigil si Professor Taos sa isang pinto. Napatigil kami rin sa paglalakad. Nakita ko ang kulay puting pinto. May nakasulat doon na 'Headmistress Office'. Ito na nga.
Kumatok si Professor Taos ng tatlong beses. Kusang bumukas ang pinto. Sinenyasan naman kami ni Professor Taos na sumunod kami.
Tumingin ako sa paligid nang makapasok kami. The walls were painted white and black. May mga nakasabit na paintings din. Bumaba ang tingin ko.
Napalunok ako ng makita ang babaeng sinasabi nilang headmistress. Seryoso at malamig ang ekspresyon na pinapakita nito. Mukhang nasa thirties pa siya. She was wearing a reading glass that really suits her. Napatingin ako sa parang glass na display na nakapatong sa table niya.
"Headmistress Olya Artem Preis." mahinang basa ko sa sarili.
Narinig kong pumeke ito ng ubo. Napaayos ako ng tindig.
"Have a sit." Kagaya sa ekspresyon nito, malamig ang boses niya at puno ng awtoridad. Mapanganib. Iyan ang bagay na ilarawan sa kanya.
Sinunod namin siya. Umupo kami. Tumingin ako sa mga mata niya. Kulay pilak ang kulay. Napakaganda...
"Thank you for your compliment, Miss Seymour." biglang saad nito.
Mind reading? Paano niya nalaman pangalan ko.
"Yes, Miss Seymour. And Professor Taos introduced you awhile ago. Tila wala ka sa sarili mo." lintanya nito.
"S-sorry." mahinang usal ko.
"Don't say sorry. Alam kong napilitan ka lamang." Gumuhit sa mukha niya ang maliit na ngiti. Nakahinga ako ng maluwag. "...and we were sorry for that but thank you that you still come."
Of course, they blackmailed me. Napangiwi ako nang maalala na nababasa niya pala ang isip ko.
"Later will be your first day of class. Your uniform, schedule, school map, and other necessities were already in your room." aniya.
Napatango na lamang ako.
"Kung tinatanong mo ang ibang scholars na nakapasok, they already started yesterday. Don't worry. You can catch up."
"Thank you." saad ko.
Bumaling siya ng tingin kay Professor Taos. Tila nakuha naman nito ang gustong sabihin ni Headmistress.
"Ah! You're not allowed to wear that cloak inside the campus. Proper uniform is a must." ani ni Professsor Taos.
"What?" Nangunot ang noo ko. Bumalik ang tingin ko kay Headmistress.
"Gawin mo na lang."
Again, narinig ko na naman si Elora. Napamura ako. Bakit pa?
"Fine." suko ko.
Napabuntong-hininga ako.
"Miss Seymour, sa Epic Class ka muna ipapasok pansamantala. Wala pa ang ranking kaya hindi pa natin alam kung saan ka nabibilang." muling nagsalita si Headmistress.
Tumango na lang muli ako at hindi umimik.
"Professor Taos will bring you to your dorm. So, you can go now," usal nito. "Miss Kronia and Mister Elvis, stay here."
Tumayo ako. "Thank you."
"Welcome to Pumor Vel Academy, Miss Seymour!" bati ni Headmistress.
Aalis na sana ako nang narinig ko na nagsalita muli si Headmistress.
"By the way, Miss Seymour. What is your gero?" I heard her asked me.
Hindi ko siya sinagot. Yumuko na lamang ako bilang paggalang at sinundan si Professor Taos na lumabas na rin.
Pagkalabas ko, hinawakan ako ni Professor Taos sa braso. I flinched. Buti nakasuot ako ng cloak.
"Don't worry, Miss Seymour. I will just teleport you to your room." aniya.
Tumango ako. Nagulat ako na may naramdaman akong tila nahigop ako. Isang kurap, nakita ko ang aking sarili na nakatayo sa isang pinto. Naramdaman kong binitiwan ni Professor Taos ang pagkakahawak sa braso ko.
"This is your dorm room. Room 148," ani niya. "You have a roommate. Si Miss Carmilla Mossspire."
Napatango ako. May inabot siyang susi kaya kinuha ko.
"That is your room key."
"Thank you."
Bigla na lang nawala si Professor Taos sa tabi ko. Napabuntong hininga ako.
Binuksan ko ang pinto gamit ang susi na binigay sa akin. Pagkabukas ko, agad akong pumasok.
Bumungad sa akin ang malawak na silid. Sa labas kung titignan mo aakalain mong maliit ang espasyo sa loob ngunit hindi pala.
Ibinaba ko ang bagaheng kanina ko pa dala. Inilibot ko ang aking paningin. Mayroong mahabang kulay pula na sofa sa bungad. May flatscreen din na nakalagay sa dingding. Sa bandang kaliwa, naroon ang kusina. Nakita ko ang maliit na mesa na may apat na upuan lamang. Kumpleto ang kagamitan na nasa kusina. May refrigerator din doon. Inilihis ko ang aking tingin, mayroong tatlong pinto doon. Siguro ang dalawa ay para sa kwarto na tulugan at ang isa ay palikuran.
Malaki. Mayaman nga siguro ang may-ari ng akademyang ito. Scholar lang naman din ako ngunit ang mamahal na kagamitan.
Binuhat ko muli ang aking bagahe at saka naglakad palapit sa sofa. Dito muna siguro ako magpapahinga. Hindi ko alam kung saang pinto ako papasok. Ibinaba ko ang bagahe ko sa tabi at saka umupo ako sa sofa.
"Ang bilis ng pangyayari. Lolo, ano na gagawin ko? Ako nga ay pilit lumalayo sa mga tao at nagtatago sa dilim pero pinapalapit naman ako ng tadhana. Ayokong may mamatay nang dahil sa abilidad ko ulit." Hindi ko mapigilang mapaluha sa iniisip. Kanina pa ako nagpipigil simula pa lang nakaalis ako sa bahay.
Tama. Gagawin ko ang lahat para makontrol ito nang hindi ako makasakit muli.
Humiga na ako sa mahabang sofa at unti-unting ipinikit ang mga mata. Hindi naglaon, kinain na ako ng kadiliman.
❄❄❄
"Oh my gracious! May kulto!"
Mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga nang nakarinig ako ng 'di pamilyar na tinig. Ikisuot ko ang aking mga mata.
Umangat ang tingin ko. Nakita ko ang isang babae na nakaangat ang kamay at nakaturo siya sa akin. Nakanganga ito at namumutla. Anong mayroon? Nasaan nga pala ako?
Tumayo ako at napaatras naman ang babae. Inikot ko ang aking tingin. Oo nga pala! Napasok na ako sa akademya at nasa dorm ako.
Itinanggal ko ang hood ng aking cloak nang nakaramdam ako ng init. Lumandas sa mukha ng babae ang muling pagkagulat.
Napasuri ako sa itsura niya. Mayroon siyang kulay tsokolate na buhok na hindi lalagpas sa balikat niya ang haba. May singkit siyang mga mata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Matangkad din siya at may balingkitan na katawan. Nakasuot lang siya ng kulay asul na sando at shorts na kulay itim.
Nakatingin siya sa mukha ko.
"Hala ka! Diyosa!" muli kong narinig sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin habang nanlalaki ang mga mata na dahilan kaya napahakbang ako paatras. Akmang tutusukin niya gamit ang kanyang hihintuturo ang aking pisngi nang saluhin ko iyon gamit ang aking kamay.
"Totoo ka nga!"
Pabagsak kong binitawan ang kanyang kamay. Mas lumayo ako sa kanya.
"Isang metro." bulalas ko.
Napa-huh naman siya.
"Ayoko na lumagpas ka ng isang metro mula sa akin." malamig na saad ko.
Imbes na mainis siya sa sinambit ko, nagulat ako nang ngumiti siya ng pagkalaki at saka tumango.
"Ayos lang!" sambit pa niya.
Weird. Kagaya siguro siya sa mga nababasa kong libro na masayahin ang pag-uugali.
"Ako ang bagong ka-roommate mo." pagbibigay ko ng kaalaman.
"Ikaw nga! Akala ko kanina kulto ka dahil sa suot-suot mong cloak. Sorry about that. My name is Carmilla Mossspire from Westray, Lenobia. You can call me Milla!" masiglang saad nito.
Inilahad niya ang kanan niyang kamay ngunit tinitigan ko lamang iyon. Ibinaba naman niya agad ang kanyang kamay.
"Devin. Devin Seymour ang pangalan ko. Sa Zitera ako nakatira. Sixteen years old."
Nanlaki na naman ang singkit niyang mga mata. "Ang puti mo pero sa Zitera ka nakatira! Wow! You are really unique! Ang ganda pa ng mga mata mo!" aniya. "Parehas pala ang edad natin!" Masyado naman siyang energetic.
"Anong oras na nga pala?" tanong ko.
"Seven o'clock!" sagot niya.
"Maliligo lamang muna ako. Nasaan pala ang silid ko?" tanong ko muli.
"I almost forgot about it! First door- iyon ang kwarto mo," aniya. "Maghahanda muna ako ng almusal natin. Ligo ka muna tapos deretso ka sa kusina, ha? Let's chat later!"
Napangiti naman ako sa inasal niya. "Salamat."
Umalis siya at dumiretso sa kusina. Lumapit muna ako sa tabi ng sofa at kinuha ang aking bagahe.
Naglakad ako papunta sa unang pinto na sinasabi ni Milla. Pumasok ako agad. Bumungad sa akin ang kwarto na kulay puti at itim ang dingding. Mayroong malaking kama doon at sa tabi ay may maliit na mesa. Nakapatong doon ang isang lampshade. Sa bandang kaliwa, mayroong katamtamang laki na kabinet. May half body mirror din na nakasabit sa pader. Sa may panibagong mesa, may mga nakalagay roon na sa tingin ko ay mga personal na gamit. Sakto lamang sa akin ang laki ng kwarto. Pasok din sa panlasa ko. Simple ngunit maganda.
Naglakad ako palapit sa kabinet pagkatapos kong maisara ang pinto. Nang buksan ko iyon, nakita ko ang tatlong set ng uniporme. Dalawang klase na uniporme. Ipinilig ko ang ulo ko. Nakita kong may kulay pula na towel kaya agad ko naman iyon kinuha. Napayuko naman ako at binuksan ang laman ng bagahe ko. Kumuha ako ng undergarments.
Lumabas na agad ako sa kwarto at saka pumasok sa pangalawang pinto. Hindi naman ako nagkamali. Palikuran nga iyon. Agad akong pumasok doon para maligo.
Makalipas ang dalawampung minuto, natapos na ako sa pagligo. Lumabas ako sa palikuran nang nakatapis lang ng tuwalya. Mabilis akong pumasok muli sa aking kwarto.
Itinanggal ko ang tapis ng tuwalya. Nakasuot naman ako ng undergarments kaya walang problema. Lumapit muli ako sa aking bagahe. Kinuha ko ang panibago kong gwantes at saka isinara muli ang bagahe. Kumuha ako ng isang set ng uniporme. Isinara ko rin ang kabinet. Agad akong dumiretso sa kama.
"Devin, tapos ka na ba?!"
Narinig ko ang sigaw ni Milla sa labas ng kwarto ko.
"Saglit lang!"
Mabilis kong isinuot ang uniporme. Napangiwi ako nang maisuot ko ang palda. Above the knee kasi iyon. Kulay itim ang palda, puti naman ang longsleeve at ang coat na may black na outline. May necktie rin iyon na kulay itim. Isinuot ko ang high socks na itim at sapatos na itim din. Mabilis ko rin isinuot sa kamay ang itim kong gwantes. Bago ko pa makalimutan, idinikit ko ang kulay asul na badge sa may coat.
Tumingin ako sa backpack na nakapatong sa kama ko. Siguro ito ang sinasabi na inihanda ng headmistress. Binuksan ko iyon. May nakalagay na tatlong maninipis na libro at isang kwaderno na makapal. Nakita ko rin ang tatlong itim na pen. Muli ko iyon isinara.
Sa tabi ng bag, may nakalagay na plastic envelope. Nang tignan ko, naroon ang class schedule at ang mapa ng buong akademya. Nabasa ko rin na ang unang klase ko ay History. Inilagay ko agad iyon sa bag ko.
Isinukblit ko ang bag at saka lumapit sa salamin. Kinuha ko ang suklay sa mesa na naroon. Isinuklay ko ang mahaba kong buhok.
Matapos, lumabas na agad ako sa kwarto. Naglakad ako ng mabilis papunta kusina. Nakita ko din na nakasuot na ng uniporme kagaya sa akin si Milla.
"Sorry," usal ko bago umupo sa tapat niya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Let's eat."
Nilagyan ko muna ng strawberry syrup ang hinanda niyang pancake bago ko iyon kinain.
"Nga pala, Devin. Anong klase ka?"
Napatigil ako sa pagnguya at inangat ang tingin. "Epic Class." tipid kong sagot.
Ininom ko ang gatas na nasa tabi ng plato ko. Nakita kong lumawak ang ngiti niya.
"Great! Same class!" masaya niyang sambit.
"Milla, are you a scholar too?" tanong ko.
"Yup! Pero, last year lang ako nakapasok!" sagot niya. "Nga pala, usap-usapan sa campus ang pagdating mo."
Napatigil ako saglit bago nagsalita. "Ha? Bakit?" Napakunot ang noo ko.
"Ikaw ang pinakahuling dumating at isama pa na sinundo ka mismo ni Professor Taos!" nakangiting sagot niya sa akin.
Is it really big deal to them? Tumango na lamang ako at pinanatili ang blangkong ekspresyon.
"Milla. I have two rules to set between us." seryosong sambit ko.
"Ano?" tanong niya.
"Kapag kasama mo ko, maari bang isang metro ang layo mo sa akin o hangga't maari lumayo ka sa akin? At pangalawa, huwag na huwag mo kong hahawakan." maawtoridad ang tono ko.
Kumunot ang noo niya. "Akala ko biro lamang ang sinabi mo kanina? Bakit bawal kang hawakan o lapitan?"
"Gawin mo na lamang. Kung hindi mo kaya, ako na lang ang—," napatigil ako sa pagsasalita nang sumingit siya.
"Okay! Gagawin ko basta magkaibigan na tayo ha?!" malakas na sigaw niya. She's too loud and nosy.
"Kaibigan? Hindi ko kailangan ang isang kaibigan." malamig na saad ko.
Humalikipkip siya. "Hindi pwede! Hindi ko gagawin ang kahilingan mo kung hindi ka papayag!" determinadong ani niya.
Napatingin ako sa mga mata niya. Hindi na lamang ako sumagot.
"Silence means yes, ha?!"
Napakunot ang noo ko sa ekspresyon niya. Bakit ang saya niya? There is no reason to be happy.
"Nga pala, my ability is illusion manipulation. What's yours?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. Tumayo na lamang ako.
"Mauuna na ako," paalam ko kahit hindi ko naman alam kung saan ang ako pupunta.
Naglakad ako na ako palapit sa pinto.
"Wait a minute! Tapos na ako!" sigaw niya.
Napailing na lamang ako at saka pinihit ang sendura ng pintuan. Lumabas agad ako. Naramdaman ko namang sumunod agad si Milla.
"Isang metro. Isang metro," bulong niya na dahilan kaya napatingin ako sa kanya.
Bumungisngis siya ng tawa. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko.
"Wala. Wala. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit mo ayaw kang lapitan o hawakan? Anti-social ka ba? May takot ka sa tao?" usal niya. Hindi naman ako kumibo. "Nga pala, walang hagdanan o elevator dito sa dormitory. Sasakay ka ng magical carpet para bumaba o umakyat sa dorm. Also, it was used also as transportation papunta sa mga building."
Napatango ako sa sinabi niya. "Paano magkakaroon ng carpet?" tanong ko.
"Just whistle!" Sumipol naman siya.
Pagkasipol niya, agad na may lumabas sa tapat namin na kulay asul na carpet. Mabilis siyang umupo doon.
"Tara na!" yaya niya.
Hindi na ako sumagot. Maingat na lumapit lamang ako sa carpet at umupo. Narinig ko ang pagtawa ni Milla.
"Ano ang unang klase mo ba, Devin?" tanong niya.
"History," sagot ko.
"Great! Same first class tayo!" usal niya. "Second building, third floor."
Nagulat ako nang biglang lumipad ng katamtaman ang carpet. Nahigit ang hininga ko. Nang napatingin ako sa ibaba, nalula ako ngunit agad din iyon nawala. Nang tumingin ako sa paligid, nakita ko na may mga estudyanteng nakasakay din sa carpet ngunit may ibang mga kulay.
"Siguro nagtataka ka 'no?"
Napatingin naman ako sa kanya. Tumango ako sa kanya.
"May apat na class, right? Warrior, Epic, Master, at Legend ang apat na iyon. Warrior served as the lowest class. Ito iyong mga mababang level. Ang mga level na pagitan dito ay level 1 to 20. Next class ay ang Epic. We are also second to the lowest class. Nasa level 21 to 40 ang narito. Next naman ay ang Master. I really hate students from this class. Akala mo mga magagaling sobra! Kadalasan sila ang nambubully sa Warrior at Epic. But they indeed strong. Level 41 to 60 ang pwedeng makapasok dito. Next naman ay ang Legends!" Tumigil saglit siya sa pagsasalita at huminga.
"Legends! Sila iyong pinakasikat at pinakamalakas na estudyante rito sa akademya. Level 70- 80 ang dapat na rank mo kung papasok ka sa Legend Class. Sila ang binibigyan ng class A at C na mission. Lahat ng council sons and daughters ay narito pati si Prince Septimus!"
Nangunot ang noo ko. So the prince belongs that class. Sa totoo lang, hindi ko kilala ang mga anak ng councilor except Elora. Hindi ko pa nga nakikita ang mga itsura nila.
"What about the carpets?" tanong ko.
"Sa carpets din makikita kung anong class ka. Warrior has a white carpet. Sa Epic, kagaya nito, kulay asul. Silver naman sa Master at kulay gold kapag Legend." sagot niya.
Huminto ang carpet sa isang pasilyo. Bumaba naman kami agad. Nagsimula muli kami naglakad ngunit kagaya sa hiling ko, dalawang metro pa rin ang layo niya sa akin.
"Alam mo Devin, dito magkakaiba ang schedule natin. Halo-halo dito. Minsan nagkakasama ang mga rank class. The disadvantage for that is nabubully ang mga lower class like us ng mga nasa Master. Buti nga kaklase kita sa unang klase, eh. Well, except the Legends," kwento nito. "They are separated from us."
"What is your second class?" tanong ko.
"Iyong kay Professor Kern. Physical combat. Halimaw pa naman iyon sa training. Ikaw?" maktol nito.
"Vacant. Three hours sa History, tama?" ani ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Ano?! Ang dayaaaaaa! Vacant?!" bumusangot siya.
Hindi na kami nagsalita at naglakad na lamang sa mahabang pasilyo. Napatingin ako sa mga estudyante na dumadaan at nakatambay. Some students looked at me.
"Another transferee?"
"Siya ata iyong sinundo ni Professor Taos!"
"Look at her. She is ugly and weird."
"Another peasant."
Naririnig ko pa ang mga bulungan ng nadadaraanan naming estudyante. Napatingin ako sa kanila ngunit agad silang umiwas ng tingin at saka naglakad palayo.
"Don't mind them. May iba lang talaga na masyadong INSECURE." Nilakasan at diniinan niya ang huling salita.
Wala naman akong pakialam sa sinasabi nila. Basta kung alam kong tama ako, ayos na iyon. I'm not here to please them. I am supposed to avoid them.
Hindi nagtagal tumigil si Milla sa tapat ng isang room. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Sumunod naman ako.
This is it, Devin. There's no turning back.
-
Sooo... 'Yung mga name ng class rank nila ay inspired from *drum rolls* mobile legends. HAHAHAHAHA ml player to mga par kaso nagbagong buhay akes. HAHAHAHAHA! Credits na lang puh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro