Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Touch 3

Fatal Touch
Kabanata 3.

Two days later•

Devin

Mabilis akong napaalis mula sa pagkakahiga sa kama nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at saka agad kong isinuot ang aking itim na gwantes. Nakasuot ako ng mahabang long sleeve na pantulog. Ikinuha ko mula sa pagkakasabit sa kabinet ang cloak ko. Agad kong isinuot din ang hood upang matakpan ang aking mukha.

"Tao po!"

Narinig ko muli ang 'di pamilyar na boses. Pinaramdaman ko ang presensya ng nasa labas. Kung hindi ako nagkakamali, mayroong anim na tao.

Naglakad ako papunta sa pinto at saka pinihit ang sendura. Binuksan ko ang pinto ngunit maliliit lamang ang siwang.

"Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa tapat ng bahay ko?" malamig na tono ang ginamit ko. Alas tres pa lang ng madaling araw!

"Hindi mo ba kami papasukin?" aniya ng matandang nakasuot din ng cloak.

Sinuri ko muna sila. May tatlong nakasuot ng uniporme na katulad ng Getorian knights. May dala-dala silang lampara ngunit hindi pa rin nawala sa kanila ang matutulis na sandata. Nakita ko naman ang mukha ng dalawa pa niyang kasama. Isang babae at lalake.

"Sino kayo at bakit ko naman kayo papasukin?" matigas na saad ko.

"Can you just let us to your ugly house?!" sabat ng babae.

Matalim na tumingin ako sa kanya at saka agad na isinara ko ang pinto. Narinig ko ang pagtatalo ng lalake at babae. Napahinga ako ng malalim nang narinig ko muli ang sunod-sunod na pagkatok.

Binuksan ko muna ang ilaw ng bahay at saka binuksan ng maluwag ang pinto.

"Aalis kayo o gusto niyong itusok ko sa inyong lalamunan ang aking palaso," babala ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pana. Nakatutok iyon sa kanila at hindi ako nagparamdam ng takot.

Nakita kong naging alerto ang mga kawal ngunit tinaas ng matanda ang kanyang kanang kamay kaya tila kumalma sila.

Psh.

"We are here to discuss something with you, miss." aniya ng lalakeng kasama nila.

"At ano naman?! Sino ba kayo at bakit kayo pumunta sa teritoryo ko?!" sigaw ko.

Nakita ko ang pagkagulat ng babae. "Ano ang sinabi mo? How dare you to not respect us?! Sino ka at bakit naman hindi mo kami nakikilala?!" inis na saad ng babae. Naririndi na ako sa matinis niyang boses.

"Ako dapat ang magsabi niyan," inis na ani ko.

"Stop." usal ng matandang kasama nila. "Sorry for inconvinence, miss but we are from Pumor Vel Academy. I am Professor Taos. I have something to discuss with you. Can you please let us in?"

Tinitigan ko muna ang kanyang mukha. Pamilyar ang pangalan ng akademyang sinabi niya at ang kanyang pangalan. Saan ko ba narinig iyon?

Nilakihan ko ang bukas ng pinto ko. Naglakad ako patalikod at nanatiling alerto.

"Pasok."

Agad na pumasok ang tatlo at naiwan naman sa labas ang mga Getorian knights na kasama nila. Isinara nila ang kanilang pinto.

Sabay-sabay na tinanggal nila ang hood ng kanilang cloak na dahilan kaya mas nakita ko ang mukha nila.

The girl that looked pissed was beautiful. She has a long straight gray hair that is perfect for her white porcelain skin complexion. Bumagay sa mukha niya ang inosenteng kulay itim nitong mga mata. She also has a pointed nose and pouty red lips.

Beside her was a man with a clean cut black hair. He has a pair of emerald eyes, pointed nose, natural red lips, and a perfect jawline. Moreno ang bagay na itawag sa kanya. He also has a broad shoulders and tone body.

The middle aged man who introduced himself as Professor Taos has a pair of wide set eyes. Kulay itim ang buhok niya at may kaunting kulubot na rin na makikita sa kanyang mukha.

"Introduce yourself, kids." aniya ni Professor Taos.

"I am Elora Mei Kronia from Legends. Daughter of the greatest council of the Grogarin region," mataray na saad ng babae.

Mas iniyuko ko pa ang hood para hindi nila makita ang aking mukha.

"I'm Tauriel Elvis from Legends," nakangiting pagpapakilala naman ng lalake. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at naglahad ng kanyang kamay. Mabilis akong lumayo sa kanya.

"Don't you dare come near me," babala ko.

"Okay?" natatawang saad ng lalake.

"I don't care who you are. Go straight to the point," malamig na saad ko.

Nakita ko kung paano tumingin iyong Professor Taos sa pana na hawak ko ngunit bumaling muli siya ng tingin sa akin.

"You are invited to enter the Pumor Vel Academy," agad na saad nito.

"What?" taka na tanong ko.

"The headmistress wanted you to enter the academy. All of your expenses will be free," ani nito.

"How come? Hindi ko kilala ang headmistress na sinasabi mo," sabi ko.

"Naalala mo pa ba ang kaguluhan na nangyari sa Alnwick City? The cyclops thing and the lighting ball?" tanong nung lalake na si Tauriel.

Napatigil ako saglit. Naalala ko. Iyong araw na pinatamaan ko ng aking palaso ang bola ng kidlat. Dalawang araw nang nakakaraan iyon. Kaya pala pamilyar ang ngalan ni Professor Taos at ang akademya.

Hindi ako nagsalita at tumitig na lamang sa tatlo. Paanong natuklasan nilang ako iyon?

"Your skill was excellent. Kakaiba. Ngayon lang din ako nakakita ng ganoon. We want you---"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Professor Taos. Agad akong sumabat. "Wala akong balak na sumama at mag-aral diyan sa akademya na sinasabi niyo kung iyan ang pinupunto mo," wika ko.

"It's not a choice, miss. Alam mo ba ang batas? Once the academy choose you, you can't say no."

"Ang sinasabi mo ba Professor Taos na hawak niyo ang desisyon ko? This is my life and I'm the only one who can rule it," matigas na saad ko. "...umalis na kayo!"

"Hindi kami aalis hangga't hindi ka kasama. Alam mo ba ang mangyayari kapag hindi ka sumunod? You might be put in jail because of rebellion and also this house might burn into ashes," nakangising saad ni Elora.

Nandilim ang mga mata ko. Agad na inaksyunan kong papanain ko sila. "Rebellion?! Nagpapatawa ka ba?! You can't do that!" galit na sigaw ko.

Nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto.

"Professor Taos, papasok ba po kami?" rinig kong saad nung nasa labas.

"Huwag. Manatili kayo riyan," aniya. Lumambot ang tingin ni Professor Taos sa akin. "Huminahon ka, binibini."

Naramdaman ko ang paglakas ng hangin dala na rin sa nakabukas kong bintana malapit sa aking kama. Naihawi niyon ang hood na suot ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila nang makita ang aking mga mata. Agad naman iyong nawala nang matalim ko silang tinignan. Hindi na ako nag-abala na ibalik ang pagkakasuot ng hood ko.

"Ano ang gusto niyong gawin ko?" nangingitngit na saad ko.

Huminahon din ako. Walang papatunguhan ang usapang ito kung uunahin ko ang bugso ng aking damdamin.

"Sumama ka sa amin at mag-aral sa akademya."

❄❄❄

Nakaupo ako ngayon sa loob ng kalesa. Ako lang mag-isa sa mahabang upuan habang ang tatlo ay magkadikit na nakaupo sa tapat ko. Iyan ang hiniling ko sa kanila. Kahit nakabalot ako, hindi ako maaring tumabi pa rin. Mas maganda kung segurado. Ayokong maulit muli ang aksidente kung saan namatay si Lolo.

Oo. Pumayag na ako sa gusto nila. Wala rin naman akong magagawa ngunit hindi pa rin ako mapakali kung ano ang pwedeng mangyari sa akin doon. Paano ba nilang nalaman na ako ang tao sa likod ng palasong iyon? Sintiente!

Bumuntong-hininga ako.

"Binibini."

Napaangat ako ng tingin nang narinig ko na tinawag ako ni Professor Taos.

"Bakit?" malamig na tanong ko. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanila at sa akademya. Hindi ko kagustuhan ito.

"Mukhang mahaba-haba pa ang ating paglalakbay. Bakit hindi mo ipakilala ang iyong sarili?" usal nito.

Oo nga pala. Hindi nila alam ang pangalan ko. Nalaman ko rin kanina na dahil sa magical pet ng isang propesor na si Professor Fern kaya ako nahanap. Isa iyong demiguise. It resembles an ape with large black eyes and long silky hair. Kaya nitong maging invisible.

"Devin. Devin Seymour ang pangalan ko," mahinang saad ko.

"Devin... Ilang taon ka na, Miss Seymour?" muling tanong ng propesor.

"Labing-anim." tipid kong sagot.

Ngumiti siya sa akin. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Elora.

"Why did you cover your skin? At saka ano ang gero mo?" mataray na saad nito.

Inangat ko ang aking tingin at saka ngumisi sa kanya. "Huwag mo nang alamin. Kung tapos na kayo magtanong, maari na bang matulog ako?"

Tumango naman si Professor Taos sa akin. Napabaling ang tingin ko saglit sa labas ng bintana. Nasa itaas kami ngayon ng himpapawid. Kung nagtataka kayo kung bakit dahil iyon sa balesune na nakaugnay sa kalesang sinasakyan namin. Balesune ang tawag namin sa kabayong may mukha ng isang leon at may pakpak ng isang agila.

Iniyuko ko ang aking ulo at saka hinayaan kong lamunin ako ng kadiliman.

⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️

Professor Taos

Nakatingin lamang ako kay Devin na nakayuko at nakasandal ang ulo sa kamay ng upuan. Puno ng misteryo ang nakabalot sa kanya.

Naalala ko nang hindi sadyang natanggal ang hood niya. Kay gandang bata ngunit nakakapagtaka kung bakit niya tinatago iyon at ang kanyang balat? Hindi rin pa legal ang kanyang edad kung kaya't nasaan ang mga magulang o pamilya nito?

Nakakapagtaka rin na walang maramdaman akong lakas mula sa kanyang gero. Ilang araw pa ang lumipas nang mahanap namin siya. Hindi ko rin matukoy kung anong gero niya. Tila may isang harang na pumipigil para hindi ko matuklasan iyon o baka magaling lang siya magtago ng awra.

Hindi kaya...? Hindi! Isang alamat lamang ang abilidad na iyon. Wala pang nakakapatunay na iyon ay tunay.

"She is something," narinig kong usal ni Miss Kronia. Kilala ko ang batang ito simula pa lang siya isinilang. Hindi siya madalas umaakto nang ganoon pwera na lang kung interesado siya.

Gumuhit ang ngisi sa aking mga labi. Sino ka nga ba Devin Seymour? Mukhang magiging interesado ang taon ngayon.

****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro