Fatal Touch
Kabanata 2.
Devin
Napahikab ako muli at saka inayos ang pagkakatakip ng mukha ko. Nakasuot ako ngayon ng pantalon at maluwag na itim na tshirt. Binagayan ko iyon ng aking boots. Nakasuot nga pala rin ako ng cloak gaya kahapon. Dala ko rin ang aking pana.
Napatingin ako sa paligid at pinagmasdan sila. May mga batang naglalaro gamit ang kanilang gero. Ang ilang mga lalake naman ay may kanya-kanyang buhat na mabibigat na sako at ang ilang tao ay namimili. Ibinalik ko muli ang aking tingin sa daan. Nararamdaman ko ang mga titig nila sa akin. Siguro dahil sa pananamit ko. Ngayon lang muli ako pumasok sa bayan matapos ang dalawang linggo. Kailangan ko mamili ng personal na gamit.
Mas ibinaba ko aking hood na suot. Naramdaman ko kasi ang sinag ng araw.
Tumigil ako sa isang tindahan ng mga libro. Nakita kong may dalawang babae na lumabas mula roon.
"Excited na ako para mamaya. Ilang oras na lang magsisimula na ang pagsusulit."
"Sana makapasok tayo bilang iskolar sa Pumor Vel Academy."
Narinig ko ang usapan ng dalawa. Gumilid ako upang hindi nila ako mabangga. Nangunot ang aking noo. Pumor Vel Academy? Masyado na ba akong nagtago sa bahay upang hindi malaman kung ano iyon? Alam kong na kung alam man ko iyon dati, sigurado na aking nakalimutan na 'yon dahil sa tagal ng panahon na ang lumipas. Isa pa, wala na akong pakialam doon. Hindi naman ako pumapasok sa isang akademya at wala akong balak na pumasok.
Naglakad na ako papasok sa tindahan. Narinig ko ang mahinang tunog ng bell likha nang pagpasok ko sa pinto.
"Magandang tanghali sa iyo, binibini." bati ng lalake sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Naglakad na lamang ako papunta sa seksyon ng mga libro.
Naubos na ang mga librong itinatago ng aking ina. Mahilig akong magbasa ng mga libro. Doon ko rin nalalaman kung anong klase na mga tao ang nabubuhay rito. Lagi kasi akong nakakulong sa bahay simula ko ngang malaman ang aking abilidad. Malayo rin kami sa kabihasnan. Mas mabuti rin iyon.
Napatigil ako sa isang seksyon ng mga libro. May isang libro roon na tila lumiliwanag. Nakuha nito ang aking pansin. Naglakad ako palapit doon. Nang makalapit ako, agad ko iyon kinuha at saka iyon binasa. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong sinaunang mga letra—ang Getorium. Saan ko ito nalaman? Dahil iyon sa mga librong nakita ko noon sa attic ng luma naming bahay sa lungsod.
Binasa ko ang nakasulat. "World of Getora," mahinang bulong ko.
Nang sinubukan kong buklatin, walang mga salitang nakasulat doon. Nilipat ko sa ibang pahina ngunit wala pa rin. Napangiwi ako.
"Sino ba ang nagsulat nito? Ano ba mayroon dito? Bakit walang laman?" tanong ko.
Nagitla ako nang bigla na lamang iyon lumiwanag. Ikinalaki ng aking mga mata nang kusang lumipat ng mga pahina ang libro na tila may mahika na nakapaloob doon.
Napanganga ako ng may isang ulo ng matandang lalake ang lumabas mula sa libro.
"Ako ay si Epharium, ang may akda ng libro. Dito nakasulat ang lahat ng mga bagay na mayroon ang Getora," usal nito.
Dahil sa gulat ko, isinara ko ang libro. Nawala ang matandang lalake at ang liwanag. What just happened?
Nang makabawi ako mula sa pagkagulat, agad kong tinungo ang counter. Kakaiba ang libro. Gusto ko ito masubukan.
"Magkano ang librong ito?" tanong ko. Nakita ko ang bakas ng pagkagulat niya nang nakita niya ang aking mga mata. Agad kong inayos ang pagkakasuot ng hood sa akin.
"Apat na pilak lamang."
Agad kong binigay ang bayad at kinuha ang libro. Mabilis akong lumabas sa tindahan.
Naglakad muli ako para pumunta sa palengke. Ang malawak na kalsada ay halos mapuno ng mga Getorian— bata man o matanda.
Anong mayroon?
Pilit akong naglalakad nang hindi ko natatamaan ang mga tao na naglalakad. Pinagmasdan ko ang ilan sa kanila. May ibang tila nagdadasal. Ang ilan naman ay naninyerbos at namumutla ngumit karamihan ay masayang nag-uusap.
Napabuntong-hininga ako. Kung ordinaryong gero kaya nakuha ko? Ano kaya mangyayari? Wala na ba akong ipag-aalala? Magkakaroon ba ako ng mga kaibigan gaya ng sa kanila? Kaibigan. Napatawa ako ng mapait. Buong buhay akong nakatago sa dilim, hindi ko na kailangan ang mga iyon.
Napatigil ako sa paglalakad. Napatitig ako sa kumpulan ng mga tao sa harap. Nakita kong pumasok ang iilan na mga tao sa loob. Umupo ang ilan sa kanila. Sa harap din ay may mataas na entablado.
"Anong mayr'on?" bulong ko sa aking sarili.
Lumingon ako sa katabing mga tindahan na kung saan ako pupunta. Sarado ang mga iyon. Sa pagkakaalam ko ay hindi holiday ngayon. Bukas na lang ako babalik.
Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad muli nang narinig ko ang isang boses sa may entablado. Muli akong napaharap.
"Good afternoon, Getorians!" masiglang bati ng babae na mukhang nasa edad kwarenta.
"Wooooooh!" sabay-sabay na sigaw ng lahat. Nagpalakpakan pa ang iba.
Hindi ako tuluyang umalis at nagtago na lamang sa isang mataas na puno. Umakyat ako roon at saka umupo sa matibay na mga sanga. Wala naman sigurong masama kung manonood ako saglit.
"I am Professor Merle from Pumor Vel Academy," pakilala nito sa sarili.
Ipinilig ko ang aking ulo. Ah! Ito ba ang pinag-uusapan ng mga babae kanina?
"...alam niyo naman ang lahat kung bakit kami narito? We were going to choose five scholars. Kasama ko ang dalawang iba pang propesor sa academy- sina Professor Kern at Professor Taos. Also, one of the strongest student of our academy was here to judge all of you. Walang iba kundi ang mahal na prinsipe, Prince Septimus Gaige Ziseles!"
Nakita kong tumayo at kumaway ang tatlo nang tinawag ang kanilang pangalan. Nakita ko ang pagkabigla at tuwa ng mga kasama sa pagpipilian. Hindi ko makita ang mukha ng sinasabi nilang prinsipe dahil nakatalikod iyon sa direksyon ko.
"Simple lamang ang iyong gagawin. Magpapakitang gilas kayo gamit ang inyong mga abilidad. Dito namin susuriin ng mabuti kung maari kayong makapasok," aniya nito.
Tumahimik ang paligid. "Ngayon. Tayo'y magsimula na!"
Tumunog ang isang malakas na bell at narinig ko ang mga malakas na hiyawan at palakpakan nila.
Umalis ang babaeng nagpakilala bilang Professor Merle sa ibabaw ng entablado.
⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️
Third Person
Lumapit si Professor Merle sa apat nang makababa siya sa entablado. Umupo agad siya sa tabi ni Professor Taos.
"What do you feel, Professor Taos?" tanong na bungad agad ni Professor Merle. Napatingin naman ang iba pang dalawa sa kanila.
"I felt so strange. Naramdaman ko naman sa iba na malakas ang abilidad na mayroon sila but," seryosong saad ni Professor Taos.
"But what, professor?" hindi mapigilang tanong ni Septimus.
Professor Taos has an ability to recognize and detect ability within a user. Also, he can restrain someone to use its ability. Hindi niya mapigilang magtaka at mangamba sa kanyang nararamdaman.
"There is someone who has a strong aura. Mabigat at malakas ang kanyang abilidad kung hindi ako nagkakamali. He or she must be strong," agad niyang sagot. "Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko matukoy kung anong gero mayroon siya." dagdag pa nito.
"What? Kung tama ang iyong sinambit, we have to get her or him." usal naman ni Professor Kern.
"Hindi ko alam ngunit nakakasiguro akong hindi siya kasama sa mga susubok na pumasok sa akademya," pagbibigay kaalaman naman ni Professor Taos.
Napatigil lang sila sa pag-uusap nang umakyat na ang unang Getorian. Agad na tumahimik sila at itinuon ang pansin sa babae.
•••
"Berryl Swangold," tawag sa ikapitong susubok.
Matangkad ang babae. Mayroon itong maiksing kulay uling na buhok at may kayumanggi na kulay. Hindi mo maiitanggi na maganda ang dalaga dahil sa matangos nitong ilong, mapupulang labi, at ang nakakalunod na kulay asul nitong mga mata.
Hindi mapapagkailang kinakabahan si Berryl. Halos nanlalambot ang tuhod niyang umakyat sa entablado. Sino ba naman hindi kakabahan kung madaming nanonood sa iyo at nasa harap mo pa ang magiting na prinsipe at ang mga propesor ng akademya.
"Her ability must be strong but I think she can't control it enough," komento ni Professor Taos.
"Kailangan ba nating maglagay ng barrier? She might lost control," nag-aalalang tanong ni Professor Merle.
"Huwag na. Kayang papigilin ni Taos ang paglabas ng gero at isa pa sa tingin ko naman ay hindi siya papalpak," singit ni Professor Kern.
Tumunog ang bell na hudyat na simula na.
Berryl sighed before she swayed her hand to made a large volt of lighting. Bakas sa mga mukha ng mga tao ang pagkamangha. Umapak siya sa kidlat na kanyang ginawa. Lumutang iyon at saka lumipad siya na paikot-ikot sa ere.
"Fantastic," komento ni Professor Kern.
Tumigil si Berryl sa pag-ikot. Gumawa muli siya ng kidlat- bola ng kidlat. Within ten seconds, nakabuo siya agad ng dalawang bola ng kidlat. Binato niya ang isa at saka sinalo. Pasalit-salit habang nakatapak sa lighting stairs. Nakakamangha.
Ngumiti siya ng malawak ng makita ang reaksyon ng mga manonood.
Madami pa siyang ginawa na tricks ngunit may hindi inaasahan ang sumunod na nangyari.
"Uwaaaaaaaaah!" iyak ng isang bata.
Nagkagulo bigla ang lahat. Nawalan ng konsentrasyon si Berryl. She lost control with the ball of lighting she's playing.
"Cycloooooops!" mga sigawan ng mga Getorians.
Nagkagulo ang lahat. Agad naman sumugod ang mga Getorian knights upang pigilan ang nagwawalang cyclops. Napatayo na rin ang apat na hurado. Susugod na sana si Septimus ngunit pinigilan siya ni Professor Taos.
"Hindi na kailangan, mahal na prinsipe. Responsibilidad na iyan ng mga Getorian knights," pigil nito.
"MAMA!"
Napalingon sila. Nakita nilang nakasalampak na si Berryl sa semento. Alam nilang nawalan ito ng kontrol dahil sa kaguluhan. Pero mas nanlaki ang mga mata nilang nakita na ang isnag bola ng kidlat ay patungo sa batang umiiyak sa gilid ng kalsada. Malapit na ito sa kinaroroonan ng bata.
"Mahal na bathala!" gulat na usal ni Professor Merle.
Ngunit, may mas hindi sila inaasahan na nangyari. Bago pa man makapagbigkas si Professor Kern ng spell para mawala ang bolang kidlat, may isang gintong palaso ang tumusok roon na dahilan kaya sumabog at tuluyang nawala iyon.
"What the hell just happened?" gulat na saad ng prinsipe.
Nang lumingon si Septimus sa direksyon kung saan nanggaling ang palaso, nakita niya ang isang pigura ng tao na nakasuot ng kulay itim na cloak. Tumalon ito mula sa puno. Ngunit hindi nasasadyang natanggal ang hood na dahilan kaya lumabas ang mahabang nitong buhok. Septimus saw her crimson curly hair. He was stunned.
"Sino naman ang gumawa niyon? Palaso ang kanyang ginamit tama ba?" Nabalik ang kanyang diwa nang marinig niyang nagsalita si Professor Kern.
"Tunay nga. Siya siguro ang nararamdaman kong presensya kanina," usal naman ni Professor Taos.
"I think I just saw her professors," singit ni Septimus.
"What?"
-
Uhm... So, don't be confused with some unknown words I used. Walang saysay kung isi-search niyo, mga par. Mga gawa-gawa ko lang kasi ang mga ibang salita na ginamit diyan. HAHAHAHAHA! Please comment kung may mga typos o grammatical errors na nangyari. Pagdating sa mga susunod na mga chapters, mas dadami ang salitang Ingles. Nanonosebleed na rin ako sa paggamit ng Tagalog HAHAHAHAHA. And sorry if this is boring for you. You can leave and find more interesting story HAHAHAHAHA. Yun lang.
Ciao.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro