Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Touch 1

Fatal Touch
Kabanata 1.

geminigraphics
✴️✴️✴️

Devin

Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Napaupo ako at saka niyakap aking mga binti. Isinubsob ko ang aking mukha sa tuhod. Naalala ko na naman ang panahon kung kailan si Lolo Maru nawala. Nawala ang tanging tao sa buhay ko.

Nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak. Naalala ko muli nang umulan kagabi. Kung dati'y natutuwa ako sa ulan, ngayon hindi na. Sakit at hinagpis dahil sa alaalang iniwan nito sa akin.

"B-bakit sa akin pa binigay ang abilidad na ito?" iyak ko. Paulit-ulit ko na lang tinatanong ito sa sarili.

Moving on is the solution to forget the pain, they said. But how can I move on if I don't want to forget?

Inalis ko ang aking mukha mula sa pagkakasubsob. Itinaas ko ang aking dalawang kamay. May nakasuot doon na isang pares na itim na gwantes. Mayroon akong suot na isang kulay pula na mahabang bestida na umaabot sa paanan ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha. Ang tagal akong nakatulog. Sigurado akong hapon na.

"Ate? Tao po!"

Ayan na naman siya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya. Alam ko namang 'di siya makikinig, eh.

"Ate, kumain na po kayo ha?! Iniwan ko po iyong pagkain sa tapat ng pinto niyo! Kunin niyo bago po makuha ng iba!" Narinig ko ang tunog ng pagkalapag niya ng pagkain.

"Aalis na po ko. Paalam!" rinig kong sigaw nito. Maya-maya pa, tuluyang nawala ang presensya niya.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginagawa. Noong sumilip ako sa siwang ng pinto, nakita ko ang mukha ng taong laging naghahatid ng makakain ko. Isa siyang batang lalake na sa tingin ko ang edad niya ay nasa walo hanggang sampu.

Malayo ang bahay ko sa bayan. Hindi ko nga alam kung paano niya iyon natuklasan. Basta. Nagulat na lang akong binibigyan niya ako ng pagkain simula noong anim na buwan nang nakakaraan. Ang mga panahong nagluluksa pa ako sa pagkamatay niya.

Muli kong pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa aking noo.

Ang tahanan ko ay labingdalawa na kilometro ang layo mula sa Alnwick City. Ang Alnwick ay parte ng bansang Zitera, ang pinakamainit na parte ng planetang Getora. Gayunpaman, kahit mainit ang klima ng tinitirhan ko aking kutis ay nanatiling kulay nyebe.

Ang bahay ko ay matatagpuan sa bungad ng Goldwood Forest. Walang may gusto lumapit dito dahil daw sa kakaibang mga nilalang na nakatira sa loob ng gubat at pinapangalagaan daw ito ng isang dyosa na nagngangalang Serafina.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ako patungo sa pintuan. Naramdaman ko ang malamig na sahig sa kadahilanang nakayapak lamang ako. Sumilip muna ako sa siwang kung may tao ba o wala. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapansin kong wala. Binuksan ko agad ang aking pinto at sabay dampot ng supot na nasa tapat. Dali-dali kong isinara iyon. Kinapa ko ang katabing pader na iyon, agad kong binuksan ang ilaw.

Maliit lang ang bahay ko ngunit sakto lang para sa akin. May maliit na upuan, lamesa, maliit na electric fan, kama, kabinet, at banyo. Tama lang para sa akin.

Umupo ako sa sa upuan at saka nilabas ang laban ng supot. Mayroon akong nakitang mga prutas at mga kakanin. Agad akong nakaramdam ng gutom. Napatingin ako sa itaas na parte ng pader kung saan nakasabit ang luma kong orasan. Alas-tres na pala ng hapon. Hindi pa ako nakakain simula kagabi. Agad kong nilantakan ang mga nakahain na pagkain.

Tuwing hapon ang batang iyon na dumadating at binibigyan ako ng pagkain. Ipinagpapasalamat ko na lang iyon sa aming dalawang tagalikha. Paano ako nakakain kapag wala siya? Nangangaso ako sa loob ng Goldwood Forest. Saka, hindi naman ako umaasa lamang sa limos niya.

Wala na akong nakasama sa buhay simula nang mamatay ang lolo ko. Isang taon nang lumipas ngunit nanatiling sinisi ko ang aking sarili at ang gero ko.

Kung hindi ko lamang tinanggal ang suot kong gwantes.

Ang edad ko'y nasa labing-anim. Nagsimulang lumabas ang aking abilidad noong ako'y nasa edad na labing-apat. Ang akala ko nga nung una'y isa ako sa mga ordanés. Ordanés ang tawag sa mga Getorians na walang gero o abilidad. Nagsimula rin akong tumira rito noong lumabas iyon kasama ang aking lolo. Hindi rin ako nakakasalimuha sa iba. Hindi pwede... Delikado.

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Kung tinatanong niyo kung nasaan ang aking mga magulang, wala na sila. Noong anim na taong gulang pa lang ako nang pumanaw sila.

Iniligpit ko ang aking mga kalat. Muli akong sumilip sa orasan. Ang bilis ng oras. Malapit nang mag-alas kwatro.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka itinapon ko ang supot ng aking mga kalat sa basurahan.

Agad akong lumapit sa kabinet at saka iyon binuksan. Kinuha ko ang mahabang cloak na kulay itim. Isinara ko muli ang kabinet matapos kong makuha ang aking gusto.

Lumapit naman ako sa salamin. Tinignan ko aking mukha. I had perfect eyebrows and my long eyelashes swept across my cheeks as I closed my eyes. I also had a pointed nose and puffy heart shaped red lips. I had pale white skin complexion that is much more different from the Getorians who live here. My curly crimson waist lenght hair was tied up. I looked at my eyes. It had different colors. My left eye was colored aquamarine while my other eye was colored gold. Yeah. I looked weird---no, I am freaking weird. In the history of Getoria, no one had an eyes like mine.

Napangiti ako ng mapait. Iniwas ko ang aking tingin sa salamin. Mabilis ko na sinuot ang cloak. Naglakad ako palapit sa kama at saka kinuha ang pana na nakapatong doon. Wala iyong palaso dahil hindi iyon kailangan. Espesyal ang panang ito. Well, magic works.

Kinuha ko ang itim kong boots at saka isinuot iyon sa aking mga paa. Isinuot ko na rin ang hood ng cloak bago ako lumabas ng bahay. Kailangan ko magmadali bago pa man ako maabutan ng dilim.

Naramdaman ko ang mainit na simoy ng hangin na tumagod mula sa aking suot na cloak. Hindi pa rin talaga ako nasanay sa mainit na klima.

Inangat ko ang aking tingin sa mataas na puno sa bungad ng Goldwood Forest. Sa tuwing tumatama ang sinag ng araw sa mga dahon ng bawat puno, nag-iiba ang kulay ng mga ito. Nagiging kulay ginto dahilan kaya tinawag na Goldwood Forest.

Mabilis na naglakad ako papasok sa loob ng gubat. Agad kong naramdaman ang malamig na hangin. Sa limang kaharian, ang Zitera ay ang may kakaibang lugar. Bukod sa mainit na klima na mayroon ang Zitera, may isang parte rito ang natatangi-ang Goldwood Forest. Kilala ito hindi lamang sa mga kakaibang mga nilalang na naririto kundi dahil din sa malamig na klima ang mayroon sa loob. Umuulan dito ng mga nyebe na tila nasa loob ka ng kahariang Grogarin.

Naririnig ko ang mga huni ng ibon. Napangiti ako. Hindi ko itatanggi na gustong gusto ko ang malamig na klima sa loob ng Goldwood Forest. Nagsimula na akong maglakad.

Nang medyo nakakalayo na ako mula sa bungad na parte ng gubat, agad akong nakakita ng usa. Napangiti ako ng malawak. Kung makukuha ko siya, hindi ako makakangaso sa loob ng tatlong araw.

Agad kong inihanda ang aking pana. Itinutok ko iyon sa direksiyon ng usa. Akmang bibitawan ko ang lubid ng pana nang bigla na lamang tumakbo ang aking target. Kasabay rin noon ay nakarinig ako ng mga yapak ng mga paa. Mabilis akong nagtago mula sa matataas na puno.

"Bakit hindi na lang ang mga Getorian knights ang pinapunta nila rito? This mission sucks."

"Huwag kang maarte Katniss baka masungalngal ko sa mabahong mong bibig itong yelo ko."

"My mouth is not mabaho! You ugly huntress!"

"Stop."

Mas sumandal ako sa puno na tinataguan ko nang naramdaman kong tumigil sila sa paglalakad.

"Bakit mo kami pinatigil, Kohen?"

"Shhh..."

"What's the problem?"

"I smelled someone's scent."

"Pinapaandar mo na naman ang pagiging bampira mo, General!"

"Who is it, babe?"

"Yuck!"

"Shut up. May ibang kasama tayo rito. Don't let your guard down."

Napalunok ako ng ilang beses. Bakit ba may mga tao rito? Akala ko ba nilalayuan nila ang gubat na ito?

Dahan-dahan akong sumilip nang palihim sa dulo. Hindi ko masyadong makita sila dahil malayo ang distansya namin ngunit nakakasigurado ako na apat sila. Napatago ako muli nang napansin kong napalingon ang isa. Lagot!

Napapikit ako ng mariin nang nakaramdam ako ng mabigat na awra. Agad akong dumilat at tinutok ang aking pana sa kaliwang direksyon.

"Naroon siya!"

Napatigil ako saglit ngunit bumalik ako sa konsentrasyon. Agad kong binitawan ang lubid sa pana. Agad na may bumuo na kulay gintong palaso. Napangisi ako nang nakita kong natamaan iyon sa bandang puso.

I killed the demon.

"Shit! There's a demon! Get ready yourself!"

Bago pa man nila ako muling mabigyan ng pansin, mabilis akong tumakbo paalis sa lugar. Malas. Wala akong makakain ngayong gabi.

⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️ ⚫️

Third Person.

"How the hell they enter this part?" aniya ng babaeng may kulay brown na lagpas balikat ang buhok.

"Time for bloody battle, eh?" gumuhit ang mapaglarong ngisi ng lalakeng may kulay itim na buhok.

Hindi na pinatagal ng apat ang laban at agad sinugod ang pitong demon. Sabay-sabay na sumugod sila.

Nanatiling nakatayo ang babaeng may kulay brown ang buhok. Tinitignan niya ang demonyong nasa harap niya na dapat sanang susugod sa kanya. Napapaluhod ito sa sakit at pilit kumukuha ng hangin para sa kanya. A smirk formed on her lips as she looked at the demon slowly dying from pain. Hindi nagtagal, namatay ang demonyo at unti-unting naging abo.

On the right side, a guy with a clean cut black hair was creating a massive rock that goes to the direction of the two demons whose approaching him. Nagbato ang isang demonyo ng bolang apoy na agad naman niyang naiwasan. Nabagsakan ng malaking bato ang isang demonyo na dahilan kaya ito namatay.

"One more to go." aniya.

Gumawa siya ng kamao na pinaghalong lupa at mga bato at saka isuntok iyon sa demonyong aatake sana ulit sa kanya.

"Bang! K.O!" he shouted. The demon he attack slowly vanishing in the air.

On the left part, a girl with a long wavy brown hair looked at the demon disgustingly.

"Yuck! You are so ugly!" Lalo siyang nandiri nang tumulo ang kulay berdeng laway ng demonyo.

Hindi na niya pinatagal. She looked at the demon and slowly controlling him.

"Jump." she commanded.

The demon jumped like a mad man. She smirked. "Punch yourself nonstop."

Sinuntok naman ng demonyo ang kanyang sarili ng madaming beses gaya ng utos niya. Nahilo ito dahil sa suntok.

"Now, stab yourself until you die." Ngumisi siya nang makita ang ginawa ng demonyo.

The other guy with a white messy hair created a dark deadly smoke that slowly consuming the other two demons. Wala pang isang minuto, namatay at naglaho ang dalawang demonyo. Naglakad naman siya patungo sa tatlo.

"Let's go, now." he said to his four members.

"Tapos ka na Kohen? Hindi man lang kami nakanood!" maktol ng babaeng may kulay gray na buhok.

"Kailangan na nating ipaalam ito kay Headmaster." saad niya.

"Uuwi na tayo? Yes!" natutuwa na saad ng isang lalake.

"Hindi pa. We are going to the palace after we report it to the academy."

He created a portal in front of them. Agad na nagsipasok ang mga kasama niya. Bago pa siya pumasok din, tumingin muli siya sa puno kung saan niya naamoy ang babae. Naalala niya ang pagpana nito sa isang demonyo.

A smirked slowly formed on his lips. "I'll see you soon, woman."

At pumasok na siya sa loob ng portal papunta sa akademya.

****

-

WAAAAAH! I know it's kinda lame yung fight scene but mapapagtyagaan naman HAHAHAHAHAHA... First time kong gumawa ng fight scene na ganiteeey but I will try to be more specific and use perfect terms. I really really loveeee fantasy genre. Pinost ko na talaga ito dahil eksayted es meh. HIHIHI... Madami-dami na rin naman akong naisulat na chaps. Hope you like this chapter at least. Thank you and I love to read your feedback. Keep reading and loving this storyyyyy. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro