Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

"TOTOO ba? Kayo ang may pakana ng lahat ng tsismis na kumakalat sa akin?"

Huminga nang malalim si Megan habang pilit na tinatatagan ang dibdib sa maririnig mula sa kaniyang itinuring na mga kaibigan. Kailangan niyang makompirma ang katotohanan.

Matagal silang nagkakatitigang tatlo bago ito tumikhim saka sumimangot. Naghari ang katahimikan hanggang sa tatlong palakpak ang narinig niya mula kay Samantha.

"Buti naman at na-gets mo rin ang mga nangyayari. Akala ko kasi habambuhay ka ng walang alam, e." Tumawa ito na animo'y isang bruha saka inilabas ang ngiting mapangasar.

Napakunot ang kilay niya sa narinig. "P-Paano mo 'to nagawa sa akin? I thought we're friends," naguguluhan niyang tanong.

"Well, the truth is we never treated you as a friend. Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla na lang kami nakipagkaibigan sa'yo? Ang dali mo ngang nauto, e. Pumayag ka kaagad without knowing na pera at kasikatan mo lang naman ang habol namin sa'yo," sagot naman ng isa pa niyang kaibigan na si Nicole.

Napaawang ang bibig niya sa narinig. Masakit para sa kaniya ang tunay na motibo ng mga ito kung bakit sila nakipagkaibigan sa kaniya pero mas namumutawi ang galit na nararamdaman niya ngayon.

Pakiramdam niya buhat niya ang buong mundo sa sobrang bigat ng kaniyang dinadala. Kung sino pa ang pinakapinagkakatiwalaan niya, siya pa ang gagawa ng ikasisira ng pagkatao niya. Kung sino pa ang mga itinuturing niyang malalapit na kaibigan ang siyang unang-unang mananakit sa kaniya.

"Hoy! Malandi ka talaga, e 'no?! Bakit ba lapit ka ng lapit sa boyfriend ko! Ganun na ba talaga kakati yang ano mo?"

"Ang ganda mo sana kaso mang-aagaw ka! Ang dami dami namang lalaki d'yan, bakit boyfriend ko pa!"

"I thought you're an angel but I was wrong. Bitch!"

Masakit marinig na harap harapan siyang sinasabihan ng mga masasakit na salita na wala namang basehan, pero mas masakit pala kapag ang taong pinagkukuhanan niya ng natitirang lakas para magpatuloy ang susuko sa kaniya.

"Megan, ayoko na. Tapusin na natin 'to."

"Anong ibig mong sabihin? Are you breaking up with me?"

"I'm sorry but I think it's not right for us to be in a relationship. Masyadong magulo. Madami na akong naririnig tungkol sa'yo na nang-agaw ka ng boyfriend and it hurts my ego na parang hindi ako sapat sa'yo at nagawa mo pang maghanap ng iba."

Isang malutong na sampal ang pinakawalan niya.

Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Para saan 'yun?" anito habang hawak ang namumulang pisngi.

"Pati ba naman ikaw? Girlfriend mo 'ko pero mas naniniwala ka sa mga sabi-sabi lang? Sa tingin mo ba magagawa ko ang mga ibinibintang nila sa akin, ha?" aniya, nakasalubong ang dalawang kilay at may bahid ng galit ang mga mata.

"Hindi ko na alam, Megan. Mas mabuti na siguro 'to para sa'ting dalawa." Nakayuko ito at iniiwasan ang tingin niya.

"Ganun na lang 'yon? Wala na? Dahil lang sa mga narinig mo,makikipaghi
walay ka? Paano naman ako? Lahat na nawala sa akin, Zach," wika niya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi niya.

Pero hindi ito nakinig. Iniwan pa rin siya nitong luhaan.

***

MAKALIPAS ang isang linggo, mula nang malaman niya ang katotohanan sa likod ng mga kumakalat na tsismis tungkol sa kaniya at ang pakikipaghiwalay ng nobyo niya, wala ng mga taong kumakausap sa kaniya.

Lahat ay lumalayo sa kaniya na parang mayroon siyang nakakahawang sakit. Sinarili niya ang problema dahil wala naman siyang mapagsasabihan ng mga ito, kahit ang mga magulang niya.

Maging ang mga tagahanga niya sa Academy ay masama na rin ang tingin sa kaniya. Wala na siyang kakampi. Wala na siyang masasandalan. Wala na siyang makakapitan.

Akala niya, wala ng mas isasakit pa ang mga ipinaranas sa kaniya sa paaralang ito pero hindi pala dahil kitang-kita ng kaniyang dalawang mata ang boyfriend niya at ang peke niyang kaibigan na naghahalikan na parang wala ng bukas.

Nagngitngit siya ng husto at sinugod ang mga ito.

“Walang hiya kang babae ka! Hindi pa ba sapat ang mga ginawa mo sa'kin para agawin mo ang boyfriend ko! Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Ako pa ang sasabihin mong malandi gayong ikaw naman ang pumapatol sa may girlfriend na!” sigaw niya rito habang hawak pa rin nang madiin ang buhok nito.

"Bakit, Megan? Hindi mo pa rin ba matanggap na hiniwalayan ka ni Zach dahil nakakita siya ng mas maganda at mas sexy kaysa sa'yo? Nakakaawa ka naman," anito na puno ng pang-aasar.

“You bitch! Wala kang karap-”

“Tama na Megan. Wala ng tayo kaya please 'wag ka ng gumawa ng gulo.”

Tumingin siya sa malamig na mga mata nito at walang emosyong mukha. Tila wala itong pakialam kung nasasaktan man siya. Ang mga mata nitong minsan niyang nakitang masaya sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay parang yelo na unti-unting tumutunaw sa puso niya.

Pinilit niyang ibuka ang bibig ngunit walang salitang lumalabas sa kanya. Natatakot siya na magbato ng panibagong tanong na dudurog na naman ng puso niya pero kailangan niyang malaman ang katotohanan mula sa bibig nito.

Sawang-sawa na siya sa mga kasinungalingan.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo Zach, kailan pa naging kayo? Kailan niyo pa ako niloloko?” Lumingon siya sa lalaki at pinandilatan ito ng mata.

Saglit na natigilan ang lalaki. Hindi siguro nito inakalang tatanungin niya ito tungkol sa bagay na iyon.

“Hindi kita niloko, Megan. Na-realize ko lang na hindi na ako masaya sa relasyon na meron tayo. You're too plain, boring at ayoko sa gano'ng relasyon,” anito habang diretsong nakatingin sa kaniya.

Nagpantig ang tenga niya sa narinig. Nanghihina rin ang mga tuhod niya. Hindi ba dapat natutuwa siya? Na sa wakas, malaya na siya sa lalaking hindi naman tunay ang pagmamahal na ipinaramdam sa kaniya. Pero bakit parang may itinarak na kutsilyo sa puso niya? Bakit parang hindi yata siya makahinga?

Napakagat siya ng labi. Hindi niya dapat ipakita sa mga ito na mahina siya at talunan, pero traydor ang mga mata niya dahil ang kanina pa niyang pinipigilang luha ay sunod-sunod na nagpakawala mula sa kanyang nagtutubig na mga mata.

Walang tigil. Walang preno. Tuluy-tuloy.

Siguro masaya na sila ngayon. Masaya silang nakikita siyang sinasaktan o mas tamang sabihing pinapatay nang dahan-dahan.

"You're really an asshole! Bagay kayo, mga manloloko!" She shouted back in between her sobs.

Nag-iwan ito ng lamat sa puso niya. Hinding hindi na siya magtitiwala nang ganun kadali.

***

“MA'AM, kakain na po. Bumaba na po kayo bago umalis sina Madam at Sir,” anang Yaya Fely habang kumakatok sa pinto ng kuwarto niya.

“Pakisabi na lang po, mamaya na ako kakain,” sagot niya.

“Okay po, Ma'am.”

All her life, her parents were always busy and don't give much time on her. Papasok ang mga ito ng maaga at uuwi ng gabi kung kailan tulog na siya, kaya nga wala silang alam kapag may problema siyang hinaharap tulad na lang ngayon.

Napagisip-isip niya na hindi karangyaan ang tunay na basehan ng kasiyahan ng isang tao. Mayaman ka nga at nabibili ang gusto mo pero kung kulang ka sa atensiyon at walang oras ang mga magulang mo sa'yo, wala pa rin.

Kaya heto siya ngayon, hindi alam ang gagawin kung paano sasabihin sa mga ito ang mga nangyari sa Academy, tatlong araw na ang nakalilipas.

Mayroon siyang tatlong araw na palugit para papuntahin ang mga magulang niya sa Marydale Academy upang makausap ng mga ito tungkol sa mga pambubully sa kaniya pati na rin sa gulong kinasangkutan niya.

Mataas ang self-control niya. Alam niya 'yun. Pero, masiyado na siyang napuno at hindi na niya napigilan ang sarili niya.

"Now that you hear all the truth from Zach, your beloved ex-boyfriend, can you please excuse us?" Nakataas ang isang kilay nito at nakangisi.

Wala siyang naging tugon at nanatiling nakakuyom ang palad niya.

Isa. Dalawa. Tatlong hakbang.

“Wait.”

Kasunod nito ang paghinto ng hakbang.

Lumingon siya sa gawi nito at saka humakbang papalapit.

“May nakalimutan pala 'kong gawin.”

Napataas ang kilay nito sa kaniya.

Isang matunog na sampal ang pinakawalan niya sa kaliwa nitong pisngi. Lalo namang lumakas ang bulung-bulungan sa paligid.

“Para 'yan sa pagsisinungaling mo sa'kin, fake friend.”

Isang sampal muli ang tumama sa kanang pisngi nito. May naramdaman siyang aatake sa gilid niya nang pigilan ito ng babaeng nakatingin sa kaniya ngayon nang matalim.

“Para naman 'yan sa pang-aagaw mo sa boyfriend ko!”

Wala na siyang pinalampas na oras nang muli niya itong sampalin.

“Para 'yan sa pagkakalat mo ng tsismis tungkol sa'kin!”

Ramdam niya ang tensyon at titig ng mga tao sa paligid. Wala na siyang pakialam sa kung ano man ang tingin ng mga ito sa kaniya ngayon.

"Talaga namang ginagalit mo 'ko-"

Agad niyang hinarang ang paparating na sampal nito sa kaniya.

"Subukan mo! Hindi na 'ko papayag na masaktan mo. Kilala mo 'ko Samantha maganda akong maging kaibigan pero mas masama akong maging kaaway." May diin sa bawat salita niya.

“As if naman, natatakot ako sa talunang katulad mo!”

Umalis na ito sa harapan niya maging ang mga ibang tao sa paligid niya.

“I'm so sorry Megan but I need to talk to your parents about this, Samantha's parents were mad the other day because of what happen to their daughter.”

Ngayon ang huling araw para kausapin niya ang mga magulang niya tungkol sa kanya. Gumising siya ng maaga para maabutan ang mga ito pero kahit yata sa umaga, bad timing siya.

"Ma, can I talk to you?"

"Sure anak. Ano ba 'yon?"

"Kasi po ahm-"

Naputol ang sasabihin niya nang tumunog ang phone nito.

"Wait anak. I just need to answer this call."

Sinubukan niyang lumapit sa Papa niya na kasaluluyang nakaharap sa laptop nito at nagtitipa.

"Pa, I need to tell you something."

"Sure, anak."

"You and Mom need to go-"

"Hold on, sweetie."

Tulad ng Mama niya, hindi rin niya ito nakausap. Masiyadong abala ang mga ito sa trabaho para pakinggan siya na mukhang mas mahalaga pa sa kaniya.

Niyakap niya na lamang ang sarili kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi.

Napapikit na lamang siya at tumawa nang mapakla habang inaalala ang mga nangyari sa kaniya.

Those things that happened 4 years ago.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro