CHAPTER 8: Coffee
NAPAHIKAB si Megan dala ng antok. Alas-diyes na ng gabi pero gising pa rin siya dahil sa tinapos niyang homeworks para bukas. Nakahiga siya sa malambot niyang kama habang malalim pa ring nag-iisip. Masiyado siyang natakot sa gagawin ni Jairus kaya sa huli'y napapayag din siyang maging fake girlfriend nito na sobrang pinagsisisihan niya ngayon. Naputol lang ang pag-iisip niya nang tumunog ang telepono niya.
Wala siyang inaasahang tao na tatawag sa kanya. Wala ring nakakaalam ng numero niya bukod sa Mama at Papa niya.
"Hello?" panimulang tugon niya dito.
"Hello? Who's this?" tanong niya ulit nang walang natanggap na sagot mula sa kabilang linya.
Nang papatayin niya na ang call ay isang boses ng lalaki ang narinig niya. "Hello, Babe."
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Pasensiya na pero mukhang wrong number po kayo. Hindi po Babe ang pangalan ko."
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kausap niya sa telepono. "Ang galang naman ng Babe ko, kaya mahal na mahal kita eh."
"Sino ka ba?" tumaas ang boses niya dahil na rin sa inis.
"Grabe naman. Nakalimutan mo na agad ang boyfriend mo?" anito na parang nagtatampo sa kanya.
Napabalikwas siya ng bangon. "Jairus!" Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. Ang tawa nitong mapang-asar. "Paano mo nalaman ang number ko?" Wala ulit itong sinagot kundi ang nakakaloko nitong tawa. "Puro ka na lang ba tawa diyan? Hindi mo talaga sasagutin ang tanong ko?"
"Okay, fine. Wala namang masama kung tatawagan ko ang girlfriend ko 'di ba?"
"Anong wala? Hindi naman kita tunay na boyfriend ah!" Napalakas ang sigaw niya rito dala ng inis sa lalaki.
Tawa lang ang iginanti nito na parang nagbibiro lamang siya. "Soon to be your boyfriend. Not a fake one."
Nanggigigil na sinigawan niya ito. "Asa ka pa! Hindi kita type 'no! Manigas ka!"
Sa halip na mainis ito ay lalo pang lumakas ang tawa nito. "Be ready for tomorrow. Susunduin kita sa inyo."
"Ano? Teka nga? Bakit ba nagdedesisyon ka na lang agad without asking me? Hoy-"
"Bye!" After that, he ended the call.
Paano na siya makakatulog niyan ngayon?
***
NAG-INAT si Megan kahit na dalawang oras lamang ang tulog niya. Buwisit talaga ang lalaking 'yon! Hindi siya pinatulog kakaisip sa mga mangyayari ngayong umaga. Nakatulog lang siya ng alas-kuwatro ng madaling araw dahil nakinig siya ng kantang, With a smile. Iyon kasi ang palaging kinakanta ng papa niya sa tuwing malungkot siya at hindi makatulog. Effective pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing hindi siya dinadalaw ng antok.
It's already 6 o'clock in the morning. Aligaga siyang bumaba ng hagdan patungong kusina upang maghanda ng makakain dahil nga masiyadong maaga ang pagpasok niya ngayon dahil sa lalaking 'yon. Wala silang cook dahil ang Mama niya ang nagluluto ng makakain niya bago pumasok sa paaralan.
Magtitiis na lang siguro siya ngayon. Marunong naman siyang magprito ng itlog at hotdog. Dahan-dahan lang ang bawat galaw niya dahil tiyak na magigising ang mama niya kung makalilikha siya ng kaluskos, pero nasayang lang ang pagod niya. Bumungad sa kanya ang mama niyang naghahanda ng makakain nila para sana mamaya.
"Oh, anak. Ang aga mo naman yatang nagising."
Pero hindi 'yon ang napansin niya kundi ang tumutulong dito sa paghahanda ng makakain nila.
"Good morning."
Napako ang tingin niya sa lalaki. Kung hindi pa ito ngumiti ay hindi siya mahihimasmasan. Habang abala ang mama niya sa paghahanda sa kusina ay hinatak niya ang lalaki malayo sa hapagkainan. "Nahihibang ka na ba talaga? Bakit kailangan mo pang guluhin ang buhay ko?" nanggigigil na sabi niya.
"Wala naman akong masamang ginagawa ah. Sinusundo lang kita kasi girlfriend kita," walang prenong tugon nito.
Tinakpan niya ang bibig nito dahil baka marinig ito ng mama niya. "Wag na wag mong babanggitin 'yan dito."
"Oh anak, Jairus kain na," pag-aalok sa kanila ng mama niya.
"Okay po Ma," sambit niya saka tinitigan ng masama si Jairus. "Kakain ka lang. Hindi mo kailangang dumaldal tungkol sa kahit anong bagay na may kinalaman sa'tin. Mangako ka."
"Opo. Wala po akong sasabihin o gagawin na ikakagalit mo."
Nang matapos siyang kumain ay agad siyang nagmadaling umalis pero mukhang hindi talaga sang-ayon ang tadhana dahil wala si Mang Jun, ang personal driver ng pamilya niya.
"Ma, where's Mang Jun?" tanong niya sa Mama niyang paakyat na ng hagdan.
"Nagkaroon ng emergency kanina, anak. Kailangan niyang umuwi muna sa kanila. Magpasalamat ka diyan sa kaklase mo, binigyan niya ng pera si Jun para makauwi sa probinsya nila," mahabang paliwanag sa kanya ng mama niya.
"Paano po kayo? 'Di po ba may pasok din kayo?"
Napangiti naman ito. "Nagpresinta na si Jairus na siya ang maghahatid sa akin sa trabaho dahil iisang daan lang naman ang school niyo at ang company natin."
Napakunot ang kanyang noo. "Pumayag po kayo?" tanong niya.
Tumango lamang ito bilang tugon kaya nadagdagan ang inis niya. "Bakit po kayo pumayag?"
"Bakit hindi?"
Hindi siya nakaimik dahil hindi niya rin alam ang isasagot. Ang alam niya lang ay ayaw niya sa lalaki. Sa tuwing nakakasama at nakikitang malapit ang lalaki sa kanya, kumukulo ang dugo niya.
***
TULALA si Megan dahil sa tagal ng biyahe nila ni Jairus. Kapag kasama niya kasi ito, bumabagal ang oras.
"Babe, you want some coffee? You look sleepy." Tinitigan siya nito na parang pinag-aaralan ang bawat detalye ng mukha niya.
"Ayoko, saka pwede ba huwag mo 'kong matawag-tawag na babe. Nakakarindi sa pandinig saka wala naman tayo sa Academy kaya 'di na kailangan magtawagan ng ganyan. Bilisan mo na lang magmaneho," masungit na sabi niya rito pero sa halip na sundin siya ay inihinto nito ang kotse sa tapat ng coffee shop.
"I'll buy you a coffee," nakangiting sabi nito.
Pumasok ito sa isang simple ngunit eleganteng coffee shop. Nang makapasok ito, natanaw niya mula sa pwesto ang paglapit ng isang babaeng nakasuot ng sobrang ikling shorts at naka-spaghetti strap. Ang nakakainis pa umakto itong parang linta na dikit na dikit sa katawan ni Jairus. Wala naman siyang pakialam kung ano mang gawin ng lalaki.
Bahala ka sa buhay mo.
Itinuon niya na lamang ang atensyon sa kanyang phone at hinanap ang kantang "With a Smile" saka inilapat ang ear phones sa magkabilang tainga niya.
Hindi niya na lang namalayan na nakatulog na pala siya. Agad niyang hinahanap ang lalaki na wala na sa tabi niya. Nang igala niya ang paningin ay napagtanto niyang nasa harapan na siya ng Marydale Academy. Teka, iniwan ba siya dito ni Jairus? Hindi man lang siya ginising?
Nagkibit-balikat na lamang siya at bumaba ng kotse pero bago pa niya magawa 'yon, ang kapeng ibinili nito para sa kanya ay nakita niyang nakalapag sa pagitan niya at ng driver's seat. Kinuha niya ito dahil sayang naman kung lumamig lang ito kahit pa bigay ito ng lalaking 'yon. Marunong naman siyang mag-appreciate ng ibinibigay sa kanya.
Nang makababa sa kotse, nakita niya ang lalaking naghihintay lang pala sa kanya sa labas pero ang mas nakakahiya ay ang mga mag-aaral na nakita siyang bumaba sa kotse nito.
"Bakit hindi mo 'ko ginising?"
"Mukhang masarap ang tulog mo. Ayoko namang makaistorbo saka maaga pa naman kaya ayos lang kung makatulog ka."
"Anong ayos? Nakakahiya kaya."
"Bakit ka naman mahihiya? Girlfriend kita remember?" Ngumiti ito sa kanya.
"Ayoko na. Itigil na natin 'tong pagpapanggap na 'to."
"Hindi pwede," pagtanggi nito sa suhestiyon niya. "Kailangan nating magpanggap para hindi ka na gambalain ni Josh. Ito na lang ang naiisip kong paraan para tumigil na 'yon. Malaki ang galit niya sa'yo Megan at hindi siya titigil hangga't hindi ka nasasaktan."
"Bakit mo 'ko tinutulungan? Hindi ba kakampi ka ni Josh?" nag-aalinlangan nitong tanong.
"No. I'm not. Mapang-asar lang ako pero hindi ako gan'on ka-sama para manakit ng babae lalong-lalo ka na," sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Nakita niya sa mata nito ang pag-aalala. Kadalasan kasi nakangisi ito pero ngayon seryoso ang mukha nito. Seryoso itong tulungan siya?
Isang malakas na tikhim ang naulinigan nilang dalawa. Si Josh.
"Kumusta naman ang dalawang nag-iibigan?" sambit nito habang nakangisi. Tingin pa lang alam mo ng hindi gagawa ng tama.
Biglang umakyat ang dugo sa utak niya na parang sasabog anytime. Nakaramdam yata si Jairus kaya inakbayan siya nito palapit na parang pinoprotektahan siya mula sa lalaki.
"Masaya kami at mahal namin ang isa't isa. Right, Babe?" Nakatutunaw na tingin ang ibinigay nito sa kanya.
Tumingin din siya dito gamit ang nangungusap na mga mata. "Of course, Babe." Muntikan na siyang masuka at mahimatay sa itinugon niya sa lalaki. Hindi niya inakalang gagawin niya 'yon sa tanang buhay niya. Hindi kasi siya expressive sa mga thoughts and feelings niya simula ng traydurin siya ng mga taong malalapit at pinagkakatiwalaan niya.
Tumaas ang isang kilay ni Josh at pinasadahan siya at ni Jairus ng tingin. "Perfect match." Huminga siya ng maluwag nang magmartsa na ito paalis.
Agad niyang pinalis ang kamay nitong nakaakbay pero parang nakadikit ito sa braso niya. "Tanggalin mo na, wala na siya," mariing sabi niya.
Umalis din naman ito at saka ngumiti ng malapad. "Sabay na tayo," pang-aalok nito.
"Hindi na, mauna ka na."
Hindi naman na ito nagsalita pa at nagmartsa na paalis ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay lumingon ito sa kanya at naglakad patalikod. "By the way, I like your coffee, Babe. It's great to seize the day."
Kumunot ang noo niya at pilit na ngumiti. Tinignan niya ang kapeng hawak-hawak at saka binasa ang note na nakadikit.
"I love you my sleeping beauty." -YourHandsomeBoyfie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro