Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6: Feelings

ISANG simple at magandang babae ang nasa harap ni Jairus ngayon. Malaki ang pagkakahawig nito kay Megan. Walang duda, mama niya ang magandang babae. Mata pa lamang nila malalaman mo na.

"Ikaw ba si Jairus? Ang classmate ng anak ko?" tanong ng babae.

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti siya nang malapad sa Ginang. "Opo, ako nga po. Dito raw po namin gagawin yung Art Project?" magalang na tugon niya rito.

"Oh siya, pasok ka sa loob. Tatawagin ko lang si Megan at nang masimulan nyo na ang project niyo."

Hindi talaga siya nagkamali dahil hindi lang mukhang anghel ang Mama ni Megan. Mabait talaga ang ginang.

Nang siya na lamang ang naiwan sa loob, may iilan siyang nakitang photo albums. May mga family pictures, mayroon ding litrato ng Mama nito noong ipinagbubuntis pa ito pero ang nakakuha ng kaniyang pansin ay ang litrato ng cute na bata na punong-puno ng pagkain ang bibig.

"Ang cute niya talaga," mahina niyang sambit.

"Jairus, tara na sa taas para masimulan na natin at ng matapos ng maaga," tawag sa kaniya ni Megan.

"Goodluck sa inyo, hijo. Pagbutihin nyo at pagandahin ang project nyo ah," paalala pa ng Mama nito.

***

KASALUKUYANG gumagawa ng Art project sina Megan at Jairus nang aksidenteng malagyan ng pintura sa pisngi si Megan. Nagsalubong ang dalawang kilay niya at ngumisi nang nakakaloko kay Jairus.

"Aba kunyari pang inosente ang isang 'to," sabi ng isip niya.

Bilang ganti, kumuha siya ng pintura at ipinahid sa mukha nito.

"Akala mo, ha," natutuwang sabi niya sa sarili.

Sa kabilang banda, hindi inakala ni Jairus ang pinturang ipapahid sa mukha niya. Nanlalaki ang mata niyang tumingin sa nakangising mukha ni Megan. Akala siguro nito ay hahayaan niya na lang iyon. Kumuha rin siya ng pinturang kulay pula at saka ipinahid sa magkabilang dulo ng labi ni Megan na parang si Joker.

At gaya nga ng inaasahan niya, kumuha rin ito ng pintura ngunit kulay itim at ipinahid sa nakapikit niyang mga mata na parang may black eye siya. Naging kawangis niya tuloy si Panda. Hanggang sa naubos na nga yata ang pintura na ngayon ay nasa mukha na nilang dalawa.

Tawa sila nang tawa sa kabaliwan nila nang mapansin nilang dalawa kung gaano ka kalat sa kuwarto. Mukha silang mga batang dugyot.

Ang pagkislap ng dalawang bilugan na mga mata ng babae na sinabayan pa ng matamis na ngiti ang lalong nagpasaya ng araw niya.  Napagtanto niyang mali ang paraan ng pagpapapansin niya sa babae. Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang pagtikhim nito at pagkawala ng ngiti sa labi.

"May sasabihin ka ba?"

"You are indeed beautiful and amazing." Ngumiti siya sa babae pagkatapos.

Lalong sumeryoso ang mukha nito. Tumaas din ang isa nitong kilay. Mukhang hindi maganda ang epekto ng ginawa niyang pagpuri dito.

"Ikaw ba Jairus, may saltik sa ulo?" Mahina itong tumawa. "Nagpapatawa ka ba?"

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya dahil nagsasabi lamang siya ng katotohanan sa dalaga. Walang halong biro.

Patuloy pa rin sa pagtawa ang babae sa kaniya na tila ba hindi alintana ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

"I am serious, Megan."

Naningkit ang mga mata nito. "Nasinghot mo ba 'yung pintura? Sabi ko na nga ba't nakakasama talaga sa pag-iisip ang pintura ni Mama, e," sabi nito habang umiiling-iling.

"Megan, listen to me. I know, medyo weird sa part ko na purihin ka matapos ang lahat ng ginawa ko sa'yo but believe me, it's not what you really think. I mean, I admire how brave you are. Kung sino man ang lalaking nanakit sa'yo noon, he's a complete jerk to let you go." Napakamot siya sa ulo. "Don't misinterpret what I'm saying but-"

"Hep, hep. Wait lang nga. Bakit mo sinasabi lahat sa'kin 'to? Saan mo naman napulot 'yang bagay na yan, ha?" Nakakunot ang noo nito at may bahid na rin ng inis ang tono ng pananalita nito sa kanya. "Never akong nagbahagi ng tungkol sa nakaraan ko, not even you, Jairus. We're not even close."

Napaawang ang labi niya sa narinig mula sa babae. May punto naman ito sa sinabi niya pero hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa pagiging duwag niya na aminin na malaki ang paghanga niya sa babae at nadagdagan pa 'yon nang marinig ang pinagdaanan nito noon.

She is different and that makes her more attractive not only in the eyes but also in the heart.

"Mabuti pa siguro umuwi ka na. Sumasakit ang ulo ko sa'yo, e." Nakahawak ang daliri nito sa sentido at umaaktong nahihilo.

"Okay, fine, pero hindi ba pwedeng kumain muna ako? Your partner is hungry. Sige ka kapag nalipasan ako ng gutom, konsensiya mo rin," sabi niya habang lumilinga-linga sa paligid.

She rolled her eyes. "Ano pa nga bang magagawa ko 'di ba?"

Ngumiti siya nang malapad dahil napapayag niya rin ito.

***

"HIJO, hindi mo man lang sinabi na ikaw pala ang nag-iisang tagapagmana ng Miller Corporation," sabi ng Mama ni Megan habang hinihiwa ang beef steak na niluto nito.

Kasalukuyan silang nasa hapag ng round-table na mesa. As usual, nagluto na naman ang mama niya ng pagkarami-raming putahe na tiyak na masarap.

Napansin niya pa ang paglunok ni Jairus bago sumagot. "Yes po, Ma'am."

"Drop the formalities. From now on, you can call me Tita Loida."

"T-Tita Loida. Okay po, Tita Loida," anito ng nakangiti.

Anong nginingiti-ngiti nito? Ang feeling talaga!

Naghari ang katahimikan. Ang tanging maririnig lang ay ang mga kutsara't tinidor na kumikiskis sa plato.

Nang biglang nalipat ang tingin sa kanya ng Mama niya. "Oh, anak bakit hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo? Ayaw mo ba ng lasa?"

"Hindi po, Ma," pagtanggi niya. "Nakakawala lang po ng gana." Yumuko siya.

"Kailan ka pa nawalan ng gana sa pagkain, aber?" Tumikhim ito.

Bago pa siya makasagot, nagsalita na ang lalaking naging dahilan ng pagkatamlay niya sa mga pagkain.

"Naku, Tita para po sa akin, panalong-panalo ang lasa ng mga niluto niyo pero baka po may malalim na dahilan si Megan kaya ayaw niyang kumain." Tumikhim ito saka tumingin sa kanya. "Baka po nag-di-diet kaya iniiwasan ang carbs," banggit nito habang nakangisi.

Kumuyom ang kamao niya. Konti na lang talaga at masasakal niya na ito.
"Huwag po kayong mani-"

Hindi na siya pinatapos ng Mama niya. "Totoo ba anak? You're on a diet? Kaya ba ayaw mong kumain?" sabi nito sa nagtatampong tono.

Tumingin muna siya nang masama kay Jairus na kanina pa pala nakatingin sa kanya. Agad niyang inilipat ang tingin sa Mama niya.

"Mama naman. Alam mo namang paborito ko lahat ng niluluto mo 'di ba? Kanino ka po ba maniniwala?" sambit niya gamit ang kaniyang maamong mata.

Ngunit mukhang wala itong talab dahil mas naniniwala na ito kay Jairus kaysa sa kaniya. "Hindi kaya..." Napamalugat ang mga mata nito at napatakip sa nakabukang bibig. "Hindi kaya may pinapagandahan ka kaya gusto mong magpapayat?" dugtong nito sa naunang sinabi niya.

"No'ng mga nakaraang araw din, napapansin namin ng Papa mo na madalas kang nakatulala at ngingiti na lang bigla. Ikaw ba'y in love na?"

Siya naman ngayon ang nahigit ang hininga dahil sa hindi kapani-paniwalang bagay na kaniyang narinig mula sa Mama niya. Tumingin siya sa lalaki ngunit nakatuon lang ito sa plato nito at tahimik na kumakain. Hindi niya alam kung paano tutugon sa mga sinabi ng mama niya.

Nag-init tuloy ang mga pisngi niya dahil ngayon niya lang din nalaman na halatang-halata pala ang pagiging masaya niya dahil sa labis na paghanga kay Ethan.

Hinawakan niya ang dalawang magkabilang pisngi dahil sa pamumula nito. Napadako ang tingin niya sa lalaking kasama nilang kumakain. Masama ang titig nito sa kanya at nakasalubong ang dalawang kilay. Agad siyang naging conscious sa mukha niya kaya nag-iwas siya ng tingin.

May alam din kaya ito sa nararamdaman niya para kay Ethan?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro