Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5: Partner

INIISIP pa rin ni Megan kung paano niya sasabihin sa Art Professor nila ang tungkol sa plano niyang mag-solo na lang sa proyektong ipinapagawa nito. Mahirap man, pero wala naman siyang ibang choice. Mukhang lahat ng mga classmates niya ay may kapares na at siya na lang ang wala.

Kakayanin niya naman siguro ito.

'Tama, ganyan nga Megan kumbinsihin mo pa ang sarili mo,' sabi ng isip niya.

Naiinis talaga siya kung bakit by pair pa ang paggawa ng nasabing proyekto at kung bakit ba hindi sila naging magkaklase ni Ethan.

"Guys, listen. Sino pa sa inyo ang walang kapares sa art project?"

Naputol ang pagkausap niya sa sarili dahil sa narinig. Napalingon siya sa direksyon na pinanggagalingan nito saka nakita si Clark na nakangiti habang nagkakamayaw ang ibang babae sa lalaki.

Alam niyang hindi siya close kay Clark pero kung mapapadali nito ang gawain niya, siguro mas maganda na rin kung may makakasama siya sa paggawa.

"Megan, may ka partner ka na ba sa Art Project?" Masiyado yata siyang mag-space out kaya hindi niya napansin ang biglang pagsulpot ni Clark sa harap niya.

"Ha?"

"It looks like you don't."

"What?"

"Jairus is single by the way-"

"What!" Medyo napataas yata ang boses niya kaya naman napatawa nang malakas ang lalaki.

"I'm just kidding, okay? I just want to help the both of you since you two will do the project individually."

Nabigla siya sa nalaman, pero pinanatili lang niyang wala siyang pakialam. "No. You're mistaken. I have a partner actually."

"Really?" Kunot-noong tanong ng lalaki.

"Of course."

Halata mang hindi kumbinsido ang lalaki ay hindi siya nagpatinag hanggang sa dumating na nga ang professor nila.

Sinundan niya pa ng tingin si Clark nang mapansing dumiretso ito sa kinauupuan niya at may sinabi kay Jairus. Lumamlam naman ang mga mata ni Jairus kaya't tinapik siya sa likod ni Clark. Napatingin ito sa kaniya kaya naman dali-dali siyang nag-iwas ng tingin.

Why does his stares are full of sadness and pain? She doesn't get it at all.

O baka naman dahil pumalpak ito sa plano na mapagtrip-an siya? Kung ano man ang dahilan, minabuti niya na lang na ialis ito sa kaniyang isipan.

"Okay class, siguro naman lahat ay may kapares na for the art project na ipapasa niyo next week?"

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Paano niya ba sasabihin sa Sir nila na wala siyang pair?

"Just raise your hand if wala pa kayong pair."

Walang nagtataas ng kamay. For sure lahat nga ay mayroon ng kapares at siya nalang ang wala pa. Pero bakit siya lang? Sino naman ang isa pa?

"So I guess, lahat ay meron ng pair. Tama ba?"

"Sir! Wala pa po akong pair sa Art Project," tinig 'yon ni Jairus.

So totoo? Wala talaga itong kapares? Hindi ito nagloloko kanina?

"Kung ganoon Mr. Miller, bakit ikaw lang? Sino ang isa pang walang pair sa Art Project?"

"Si Megan Sir! Mukhang magsosolo po yata siya sa paggawa ng project," biglaang sabat ni Clark.

"Totoo ba 'yon, Ms. Salvador?"

Biglang umurong ang dila niya. "Ahm...ano kasi Sir a-ano po kasi-

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Jairus.

"Hindi po 'yun totoo Sir. Tinanong ko po si Megan kanina at sabi niya, may kapares na siya."

"Hindi po Sir. Ang totoo po niyan ay pair ko pa sa Art Project si Jairus."

Nakakunot ang kilay ng guro na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Niloloko nyo ba ako class? Ano ba talaga ang totoo?"

Agad siyang tumingin kay Jairus at kinukumbinsi itong sumakay na lang sa mga sinabi niya.

"Pasensiya na po Sir. Nakalimutan ko pong kapares ko po pala si Megan sa Art Project. Sorry po talaga," sabi nito at saka yumuko.

"Ang bata mo pa at nagiging makakalimutin ka na?" natatawang sagot ng guro.

Nagtawanan na rin ang buong klase. Napakamot naman sa ulo si Jairus. Tumawa na rin siya dahil hindi nagalit ang Sir nila.

Napatingin siya kay Jairus na tumatawa na rin. Bigla naman itong tumingin sa kaniya dahilan para mapalunok siya at mag-iwas ng tingin.

***
NAG-IWAN ng mensahe si Jairus kay Megan sa facebook account nito tungkol sa plano nila sa gagawing Art Project. Tinanong niya rin kung may napili na ba ito sa tatlong Art ideas na maaari nilang gawin. Makalipas ang ilang minuto, nagreply na rin ito.

8:24 am
Megan: Wala pa akong napipili sa tatlo. Wala naman kasi akong talent pagdating sa Art.

Mukhang malaking problema nga ito dahil maging siya ay walang talent sa pagpinta or anything na may kinalaman sa Art. Stick na drawing nga lang yata ang kaya niya, e.

8:25 am
Me: Kung ganoon, kailan tayo gagawa para mapag-usapan na rin natin?

8:30 am
Megan: Kung ayos lang sayo, pwede bang mamayang 2pm natin pag-usapan? Kung pwede ring dito nalang natin sa bahay namin gagawin.

8:31 am
Me: No problem. Anong pwede kong dalhin dyan na gagamitin natin?

Halo halong emosyon ang nararamdaman niya Kinakabahan kasi finally ma-me-meet niya na rin ang parents ni Megan and at the same time, sobrang excited rin. Sana lang talaga maging maganda ang kakalabasan ng Art Project nila.

Mayamaya pa nga, narinig niya ang pagtunog ng telepono niya at paglabas ng mensahe ng babae. Agad niya itong binasa.

8:35 am
Megan: Hindi mo na kailangang magdala ng Art materials. Meron na sa bahay. Don't worry, hindi naman ako gumastos. Mayroon na talagang art materials si Mama.

He knows the exact location of Salvador's Residence. Ilang beses na siyang nagpapabalik-balik doon para masilayan ang mala-anghel na mukha ni Megan, pero syempre, iba pa rin ang excitement na makakapasok siya sa loob ng bahay nito. Tinanong niya pa rin ang tirahan nito para hindi magmukhang obvious.

8:37 am
Me: Okay. Saan nga pala ang bahay niyo?

8:39 am
Megan: I will just send you the address of our house.

8:40 am
Me: See you later!

Bigla na naman siyang napangiti. He needs to look presentable sa harap ng parents ni Megan. He needs to impress them. Wait! Hindi naman siya aakyat ng ligaw pero mas maganda pa rin na presentable siya. Pupunta kasi siya sa bahay ng babaeng gusto niya.

***

SUOT ang simpleng puting t-shirt, itim na cargo shorts at puting sneakers, lumabas ng kuwarto si Megan upang salubungin ang kaniyang Ina.

"Ma, magpapaalam lang po sana ako kung pwedeng lumabas po ako para bumili ng art materials?"

Iyan ang tanong ni Megan sa Mama niya. Hindi pa kasi alam ni Megan kung papayag ba ito lalo pa na naka day off ang driver nila na si Mang Jun. Hindi kasi siya marunong mag-drive so it means magko-commute siya.

"Para saan naman 'yan?" nakakunot-noo na tanong ng Mama niya.

"Project po Ma. By pair naman po itong gagawin so-

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito.

"By pair? So it means may classmate ka na pupunta rito?"

"Hindi po. Hindi pa naman po namin napag-uusapan kung saan namin gagawin," pagtanggi niya.

Nagsasabi naman talaga ng totoo si Megan. Hindi niya pa alam kung saan sila gagawa ni Jairus ng proyekto. Kung siya ang masusunod, sa bahay na lang nila dahil tinatamad din talaga siyang mag-commute saka di niya rin alam kung saan nakatira ang lalaki.

"Kung 'yun ang pinoproblema mo ng kaklase mo, why not here? It will be the best option if dito kayo gagawa. Marami kasi akong mga naitagong pintura dahil nagpipinta ako noon."

Napaawang ang labi ni Megan dahil ngayon niya lamang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Habang nag-uusap sila ng Mama niya, marami pa siyang natuklasan dito na ikinamangha niya.

"I love Arts. I even joined a poster making contest when I was in highschool and I won first place. Nagtuluy-tuloy pa 'yun ng inilaban ako sa iba't ibang school as representative ng school namin."

Bakit nga ba hindi niya namana ang talent ng Mama niya pagdating sa Arts?

"Mabuti pa, sabihin mo na diyan sa classmate mo na rito na kayo gumawa. Huwag mo na rin siya padalhin ng art materials dahil kumpleto na kayo."

Napakasinop talaga ng Mama niya dahil kumpleto pa rin ang mga pintura nito at parang hindi man lang nagamit dahil sa sobrang linis. Mayamaya pa, isang mensahe mula kay Jairus ang natanggap niya. Nang matapos niyang basahin at magtitipa na ng reply dito ay biglang-

"Jairus? 'Yan ba ang kaklase na kasama mo sa paggawa ng Art project niyo?"

"Ma, naman." Napahawak sa dibdib si Megan sa gulat.

"Pasensiya na. Hindi ko kasi alam na lalaki pala ang kasama mong gumawa ng proyekto. Iniisip ko lang kung may balak ka bang sabihin ito sa akin," tumaas ang isang kilay nito na tila iniinspeksiyon siya.

"Oo naman po, Ma. Nakalimutan ko lang po sabihin dahil sa dami ng nalaman ko sa inyo ngayon," matapat na sabi niya.

Tumikhim ito,"Kaya ba ayaw mong gawin dito ang proyekto niyo dahil may itinatago ka sa amin ng Papa mo?"

Ano namang itinatago niya sa mga ito?

"Po?"

"Nag-aalala lamang ako na baka may sikreto ka sa amin ng Papa mo. Malay ba namin kung may boyfriend ka na pala at hindi mo sinasabi sa amin-

"Mama naman. Hindi ko na po gagawin iyon. Hindi na ako papasok sa isang relasyong wala namang kasiguraduhan lalo na po kung hindi ipinapaalam sa inyo," pagputol niya sa sasabihin nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

Iyan naman ang motto in life ni Megan. Hinding hindi na siya papasok sa isang relasyon dahil nasira na ang tiwala niya. Sa madaling sabi, ayaw niya ng umibig pang muli, dahil natatakot na siyang sumugal sa maling tao.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro