Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: Encounter

NAPABUNTUNG-HININGA na lamang si Megan habang umiiling-iling dahil sa mga kagamitang bitbit niya ngayon.

"Napakarami kong ka-grupo pero ako lang ang pinagdala nila ng mga 'to. Mga walang kwenta talaga! Abuso pa."

Kasalukuyan siyang naglalakad papuntang classroom nang biglang bumangga siya sa isang matangkad na lalaki. Naglaglagan tuloy ang mga gamit na hawak niya.

Pumalataktak siya. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.

Nakatayo lang ito sa harapan niya na parang siya pa ang may kasalanan. Sumama ang tingin nito sa kanya.

Ano bang hinihintay niya diyan? Ang humingi siya ng tawad? Kung tutuosin siya pa nga ang may kasalanan, e.

"Hoy babae! Anong tinitingin-tingin mo? Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo?"

Ang yabang.

Talaga bang tinatanong nito sa kaniya kung sino ito? Nakikipaglokohan ba ito sa kanya?

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan nang matagal ang mga mata ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Since, you asked me. I will tell you this. You are Josh, a close friend of Zach who cheated on me with my fake bestfriend. You confessed that you like me and you even courted me. Don't you remember that you helped me to move-on?" Naningkit ang mga mata niya at umaktong nag-iisip. "You even tell me, bakit kasi hindi na lang ako?" she mimicked his voice.

Ngumisi ito saka tumawa nang pagak.
"Ang lakas naman talaga ng self-confidence mo 'no. Matagal na 'yon, babae. Maging ang pangalan mo nga nakalimutan ko na, e."

Siya naman ngayon ang napataas ang kilay. Sinungaling! Mga lalaki nga naman, o.

"Imposible ang sinasabi mo. Ilang taon mo nga ulit akong niligawan?"

"Shut up! Ayoko ng makarinig ng kahit ano mula sa'yo! Hindi ka pa rin nagbabago. Mataas pa rin ang tingin mo sa sarili mo kaya madali para sa ibang bilugin ang ulo mo," mariin na pagkakasabi nito sa huling salita.

Natigil ang sistema niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan umurong ang dila niya. Tila ba napipi siya.

Ang mga salitang binanggit nito ay bahagi ng nakaraan niya. Hindi niya na hahayaang maulit pa ito.

Pinigilan niya ang paglabas ng namumuong galit sa dibdib niya. "Iyon lang ba ang sasabihin mo? Dahil kung wala na, umalis ka na sa harapan ko." Matigas pa sa batong pagkakasabi niya.

"Bakit ako aalis? Hindi ka pa nga humihingi ng tawad 'di ba?" Malakas ang boses nito at batid niyang pinagtitinginan na rin siya ng mga tao.

"Ano ka sinuswerte? Kung ayaw mong umalis at gusto mong gumawa ng eksena, 'wag dito."

Ngumisi ito na parang aso. "Hindi ka ba sanay sa mga ganitong senaryo, ha baby?" sabi nito sa paos na boses na parang nang-aakit.

Magkalapit na sila ngayon na kung titingnan ay parang magkasintahan. Hindi niya mapigilang masuka sa isipang iyon. Hindi niya na pinalampas ang sitwasyon at tinadyakan ang ibaba nito. Sapul sa gitna nito.

Buti nga sa kaniya!

Humiyaw ito sa sakit. Sa isang iglap, nakarinig siya ng bulung-bulungan. Malamang sa malamang siya na naman ang mapagbubuntunan ng galit ng mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking ito.

Tss. Hindi naman gwapo.

"Megan! Bumalik ka rito!" sigaw nito ngunit halata pa rin ang pananakit ng ano nito.

Lumingon siya dito saka binigyan ng nakakalokong ngiti. "Akala ko ba nalimutan mo na ang pangalan ko?" sarkastikong banggit niya.

Habang pinupulot ang mga gamit na nabitawan niya kanina. May dalawang paa ang nakatayo sa harapan niya, pinagtatapak-tapakan ang mga gamit niya at sinugurong wala ng mapapakinabangan na kahit isa sa mga ito.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Josh. Mukhang kakampi niya ang isang 'to.

Nasayang lang lahat ng perang ginastos niya para mabili ang mga ito tapos sisirain lang nito nang ganun-ganun lang.

"Talaga bang iniinis mo 'ko?" Iniangat niya ang kaniyang ulo at mas lalo lamang itong nag-init nang makita ang nakakunot-noo ni Jairus na agad ding napalitan ng ngisi. Ang lalaking ilang beses ng gumugulo sa kanya.

"Bakit ba ang tapang-tapang mo? Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko."

Mahina lamang iyon ngunit malinaw ang ipinapahiwatig noon sa kanya.

Nasisiraan na ng ulo ang lalaki.

"Baliw ka ba? Magkakilala ba kayong dalawa no'ng Josh na 'yon?"

Ngumisi ito saka inilabas ang ngiting pinagtitilian ng mga babae. Kung hindi niya lang narinig 'yon baka iisipin niyang silang dalawa lamang ang nandirito ngayon.

Napatunayan nga niya talagang may sayad ito. Takas ba 'to sa mental?

"Jairus! Ano na? Gawin mo na!" Tumingin siya sa likuran nito at nakita si Josh na iika-ikang tumayo at iniinda pa rin ang sinipa niya dito.

Inilipat niya ang tingin sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Nakangisi pa rin ito pero mukhang nanginginig ang mga kamay.

Namumula rin ang tainga nito at ilang beses nang napakurap. Masiyado yata siyang nagmasid sa bawat kilos nito.

Aalis na sana siya dahil wala naman siyang mapapala dito pero isang tapak pa lang niya ay dumulas ang paa niya. Bago niya pa maramdaman ang sahig, isang kamay ang umalalay sa likod niya, dahilan upang hindi siya tuluyang bumagsak.

Nagtama ang mga mata nila. Ngayon niya lang din nakita nang malapitan ang mukha nito. Nakita niya ang nakakunot pa rin nitong noo at may bahid ng pag-aalala sa mga mata nito pero agad din iyong naputol nang tumama ang likod niya sa sahig.

Napadaing siya dahil doon. Masakit ang pagkakabagsak niya na mukhang pinlano ng lalaking ito. Tumingin siya rito at nakitang nakamulagat ang mga mata nito at nakaawang ang labi.

Sumama ang tingin niya sa lalaki na parang anytime ay sasabog siya sa galit ng ginawa nito.

Anong gusto mo? Magtitigan lang kayo? sabat ng kabilang bahagi ng isip niya.

Hindi niya na lang ito pinansin. Nalipat ang tingin niya kay Josh na humahagalpak sa tawa habang papalapit sa lalaking naging dahilan ng pagbagsak niya.

"Ang galing mo talaga, Pare. Hindi talaga ako nagkamaling isama ka sa grupo namin. Magagamit kita para makaganti sa babaeng 'yan." Dinuro siya ng lalaking matalim ang tingin sa kanya.

Tumawa siya nang mapakla. "Manggagamit ka na rin pala, Josh. Sinama mo pa ang lalaking 'yan para lang makaganti sa akin?"

Wala siyang nakuhang sagot mula rito. Ngumisi lang ito na parang siya ang nanalo sa kanilang dalawa dahil sa pakialamerong lalaking ito.

Agad siyang tumayo kahit na masakit pa rin ang likod niya. Tumingin pa siya kay Jairus habang nanliliit ang mga mata, saka ginawa ang bagay na dapat ay kanina niya pa ginawa. Ibinato niya rito ang mga gamit na sinira nito.

"Hindi libre ang mga gamit na 'yan. Wala ka ring karapatan para sirain 'yan. Sisingilin pa kita!" sigaw niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro