Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10: Confession

MAGAAN ang pakiramdam ni Megan habang papalapit sa kinauupuan ni Ethan.

"Sorry late ako."

"Okay lang, sakto lang naman ang dating mo. Ako lang talaga ang maagang dumating."

Excited kaya itong makita at makasama siya? Napangiti siya sa isipang iyon.

"Dala ko pala itong mga librong kakailanganin natin," sabi niya.

Tumango lang ito saka ngumiti sa kanya. Natunaw naman siya rito kaya agad nag-init ang pisngi niya. Umupo siya tabi nito kaya naamoy niya ang pabango nito. Hindi na nga yata niya naiintindihan ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito dahil nakatitig lang siya sa mukha nito.

Nagulat na lang siya nang matigil sa pagsasalita ang lalaki. Lumingon siya sa direksyon nito at nakita si Jairus na nakangisi.

"Mukhang ang ganda yata ng araw ng Babe ko ah."

Napabuntung-hininga naman siya. "Oo, masaya ako kaso dumating ka, so wala na."

Lalo lamang itong ngumisi. "Ang sabihin mo mas sumaya ang araw mo kasi nandito ako."

Umirap lang siya rito.

"Bakit ba palagi kayong nag-aaway dalawa? Parang mga aso't pusang hindi magkasundo," umiiling-iling na sabi ni Ethan.

"Hindi naman kasi kami-" Naputol ang sasabihin niya nang makitang nakatitig si Jairus sa kanya.

Kumunot ang noo ni Ethan. "Anong hindi kayo?"

"H-Hindi kasi kami 'yong puro kilig lang, away-away din paminsan-minsan."

Napahagalpak naman ng tawa si Ethan. "Kakaiba ka nga talaga," sabi nito habang nakangiti.

Ngumuso naman siya dito. "Talaga?" sabi niya sa mahinhin na boses.

Napamulagat ang mata niya sa gulat nang hampasin ni Jairus ang lamesa. "Huwag ka ngang nagpapa-cute sa ibang lalaki! Kahit sa bestfriend ko!" pasigaw na sabi nito.

Napaawang ang labi niya sa naging reaksyon nito. Isang pagpapanggap lang naman ang pagiging nobyo't nobya nila.

"I think someone is jealous. Bakit ba kasi sa akin ka pa nagpapatulong sa mga lessons niyo? Nandiyan naman si Jairus ah. He can help you since he's your boyfriend," ani Ethan.

"Hindi naman 'yan scholar sa Academy gaya mo saka hindi rin naman matalino 'yan kaya hindi niya ako matutulungan," bulong niya.

Mahinang tawa ni Ethan ang tanging maririnig.

"Magpasalamat ka nga diyan, niligtas kita eh," sabat ni Jairus.

"Sinabi ko bang iligtas mo 'ko? Isa pa, tsumamba ka lang," matigas na sabi niya.

"Hindi 'yon chamba. Nag-aral talaga ako ng mga lessons."

"Teka." Napatigil si Ethan. "The said recitation was announced?" Nakakunot ang noo nito saka tumingin kay Jairus.

Tumango si Jairus samantalang napakagat-labi naman siya.

Nalipat ang tingin ni Ethan sa kanya gamit ang mga matang nagsusuri. "Kung gano'n naman pala, bakit hindi ka nakapaghanda?

"Nakalimutan ko kasi..." Bumuntung-hininga muna siya bago itinuloy ang sasabihin. "K-kasi magkausap tayo no'ng gabing 'yon. Ayoko namang mag-paalam agad saka nag-enjoy ako na kausap ka." Pansin ang pamumula ng pisngi niya.

Sa kabilang banda, tahimik na nagmamasid lang si Jairus sa magiging takbo ng usapan. Hindi niya mapigilang ngumisi sa naririnig.

Kumunot ang noo ni Ethan at umaktong nag-iisip at may inaalala. "Sorry but I don't remember anything about our conversation the other night. Are you sure that I'm the one you're talking with?"

Tumango naman si Megan sa tanong nito na parang siguradong-sigurado ito. "Of course. Hindi ako sinungaling saka I searched your facebook account. You have a lot of friends from Marydale Academy."

Napaawang ang labi ni Ethan sa tugon nito. "Baka naman poser lang 'yon, Megan at kung ako man ang nakausap mo no'ng gabing 'yon, sana naalala ko."

Napasinghap sa gulat si Megan. Matalim na titig ang ipinukol nito sa kanya.

***

"ANO na naman bang ikinagagalit mo kung ako nga ang ka-chat mo no'n?"

Kanina pa iniiwasan ni Megan si Jairus. Batid niyang nagagalit ang babae sa kanya kaya gusto niya itong makausap ng sarilinan.

Lumingon ito sa kanya na nag-aapoy pa rin ang mga mata at hindi kumakalma. "Syempre magagalit ako! Akala ko si Ethan ang kausap ko 'yon pala ikaw? Anong gusto mo matuwa ako?"

"Sorry, okay? I only does that because you're always ignoring me. Lahat ng message ko sa'yo puro seen. Seenzoned na lang ba ako palagi?"

"I don't have much time," maikling tugon nito.

"Wala kang oras pero kahit alam mong may recitation the other day, nagbabad ka sa pakikipag-chat sa'kin knowing na ako si Ethan? Gano'n ba?"

Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Tumikhim siya. "It's not the time, it's the person. I know you hates me a lot but can you please give me a chance? Hayaan mo sana akong makilala ka," aniya, paos na ang boses dahil sa pagod.

"First impression last, Jairus."

"No. I don't believe that because the first time I laid my eyes on you, I thought you're easily provoked and has a fiery temper, a hotheaded one but knowing your past, I understood all your comings but the feelings are still the same."

Naningkit ang mga mata nito. "What do you mean?"

Nagpakawala siya ng buntung-hininga. "You don't have to know."

"No. Tell me." Desidido nitong sambit.

Hindi na siya makahinga at sobrang
bilis na rin ng tibok ng puso niya pero kailangan niyang kontrolin ang sarili.

"Forget it, Megan."

"Bakit ba hindi mo na lang ako diretsu-"

"I like you!" Napalunok siya dahil sa bilis ng pangyayari. He should not tell it but how can he stop his heart from beating fast shouting her name? "I like you a lot so please don't entertain boys when I'm around and Ethan is not an exception," mariin na pagkakasabi niya.

Matagal silang nasa ganoong posisyon. Walang naglakas-loob na magsalita sa kanila. Nabigla siya sa nasabi niya ganoon din ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro