Magical chapter #1
1.) WELCOME TO FARAMIR
KURT's POV:
Flashback:
"Hindi na tayo ligtas dito kuya Kurt" naiiyak na wika ni Mikhael. "Inubos na nila lahat ng pamilya natin, at ngayon nasa kamay pa nila si Veronica." Tila nawawalang pag asang dagdag niya pa.
Naramdaman ko na lamang na tumutulo ang luha mula sa mga mata ko.
Hanggang ngayon, nakatulala lamang ako sa bangkay ng aking mga magulang..
Nakahandusay si Mama at si Papa, pareho silang naliligo sa sariling dugo. Ganun din ang dalawa naming kasambahay.
Ngayon, dalawa na lamang kami ng kapatid kong si Mikhael ang natitira.
"Igaganti ko sila.." humahagulgol pa ding wika ni Mikhael. "Pagbabayarin ko sila sa lahat ng ginawa nila" at sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha..
Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Dahil kahit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.. "Si Veronica... kuya iligtas natin siya" nag aalalang sabi niya sa akin..
Si Veronica ang bunso naming kapatid.. subalit walang nakakaalam kung nasaan siya.. dahil kinuha din siya ng mga pumatay sa magulang namin.
At ngayon hindi ko na mapigilan sa pagwawala si Mikhael dahil nagsisisigaw na siya. "Pupuntahan ko sila! Magbabayad silaa!!" Buong pwersang sigaw ni Mikhael dahilan upang kumawala ang kapangyarihan niya. "Ahhhhhhhh" sigaw niya..
napatalsik ako ng dahil sa ginawa niya. "Maghunustili ka Mikhael" pagpapakalma ko. "Nawawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan mo.. ano ba? Umayos ka nga"
Sobrang hangin dito sa loob ng bahay, at ang hangin na iyon ay nagmumula kay Mikhael.
pinagalaw niya ang kanyang kapangyarihan dahilan upang lumutang ang mga bangkay ng aming magulang.
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.. at ganun din si Mikhael.
"Susugod ako mamayang gabi. At magbabayad silang lahat" wala sa sariling wika niya. "Hinding hindi ko palalampasin ang ginawa nila sa pamilya natin" sabay kuyom niya ng kanyang kamao..
Agad ko siyang nilapitan at tinapik tapik bilang pagpapakalma.
"Masyado pa tayong mahina at walang kontrol sa ating kapangyarihan Mikhael, hindi ako papayag na gawin mo yan" nag aalaang sambit ko.
Ngunit sa halip na makinig ay tinabig niya lamang ang kamay ko at nanlilisik ang matang ibinaling nito ang atensyon sa akin.
"Paano ako kakalma kuya! Ha?! Sabihin mo! Anong gagawin ko? Kailangan nating mabawi si Veronica! Kuya baka patayin din siya ng mga Demonyong yon!" Nawiwindang na pakiusap ni Mikhael.
sa halip na sagutin siya o makipagtalo sa kanya ay isang plano ang pumasok sa akin isipan. Hangga't maaari ayaw kong maging padalos dalos.
"Maghihiganti tayo Mikhael, at kailangan nating paghandaan iyon. Kailangan nating mabawi si Veronica.. pero hindi sa padalos-dalos na paraan..." mahinahong sambit ko "Wala tayong kalaban laban sa kanila"
"Kahit anong paraan kuya, handa akong ipaghiganti sila" sinserong pagsang ayon niya.
"Pagkatapos ng libing, mag iimpake ka" maawtoridad na utos ko sa kanya. "Hindi pa huli ang lahat Mikhael, nandito pa ang kuya.. nandito pa si Veronica.... "Makakaya pa natin ito, makakapagsimula pa tayong muli"
Agad naman siyang tumango at yumakap sa akin. "Anong plano natin kuya? Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Mikhael na tila isang batang inagawan ng laruan.. sa postura at sitwasyon niya ngayon ay ayaw ko ng dumagdag sa pighating nararamdaman niya...
Bilang panganay.. kailangan kong maging matatag. Wala na siyang masasandigan kung pati ako ay magpapakitang mahina...
"Kailangan nating maging malakas. At isa lang ang nakikita kong solusyon" pag amin ko sa kanya. "At sa tingin ko, alam mo ang iniisip ko" paliwanag ko.
Tila nabuhayan naman siya ng loob ng maisip ang sinabi ko. Ngunit may halong pag aalinlangan. "Pero.. pag pumasok tayo dun kuya, hindi hindi na tayo maaaring bumalik pa dito" nag aalalang sambit niya."Hindi ba mahigpit na habilin ni inay nawag tayong pupunta don"
"Wala na tayong babalikan pa Kurt" dire-diretsong sabi ko sa kanya. "Tayong dalawa na lamang ang natitira kaya wala na tayong babalikan pa... at siguro senyales na din ang pangyayaring ito para ipamuka sa atin na hindi tayo nababagay sa normal na mundo" taimtim kong paliwanag sa kanya. "At isa pa sinabi nga satin ni inay na bawal tayo don, Pero ang sabi nya dadating ang tamang panahon at baka ito na yon".
Ikinuyom niya lang ang kamao niya at tumango. "Sumasang ayon na ko sa plano mo kuya"
Nginitian ko sya at pinakalma.. bago ako magsalita muli..."kung ganon maghanda ka na..
End of flashback.
----------------
A F T E R 3 months...
Napangiti na lamang ako ng sumalubong sa amin ang naglalakihang pasilyo ng isa sa eskwelahan na magsasakatuparan ng plano naming makapaghiganti...
Ang Faramir Academy.
Malapad at sadyang napakalaki ng Faramir, napalilibutan ito ng majika at ibat-ibang uri ng nagtataasang haligi. Sobrang ganda, napakaganda. Ayan na lang siguro ang salitang kaya kong sabihin.
"Welcome to Faramir Academy, Mikhael Mortez, Kurt Mortez at Ms. Alyana Garcia" iyan ang salitang narinig ko na nagpaanting ng puso ko.
Sinulyapan ko si Mikhael at lihim din siyang napangiti. Kasama din namin si Alyana. Ang anak ng aming kasambahay.. nais niya din mag aral dito kaya siya sumabay sa amin..
At katulad namin, iisa lang din ang kanyang dahilan.
Ang MAGHIGANTI.
"TSK TSK.. TSK.. Mukang mapait nga ang pinagdaanan ninyo" sambit ng may ari ng eskwelahan.
Kahit na nagtataka ay hinarap namin siya at agad kaming tumango. Kung di ako nagkakamali, siya si Mr. Leo Faramir.
"Ganun na nga ho" nakatungong sambit ko.
Subalit nginitian niya lamang kami at tila mayroong lungkot sa kanyang mga mata.
"Masyado pa kayong bata para sa pangyayaring iyon.. kaya Huwag sana kayong kainin ng galit at poot" makahulugang sambit niya na ikinakunot ng noo namin.
Nagkatinginan kami ni Mikhael pero katulad ko, naguguluhan din siya.
Tss. Kung makapagsalita naman tong si Tanda, kala mo alam niya ang pinagdaanan namin. Ewan ko kung nakapag research sya tungkol sa amin o baka naman hula niya lamang iyon base sa aming mga itsura.
"Hahaha. Alam ko talaga ang pinagdaanan ninyo, at alam ko din na naririto kayo upang ipaghiganti ang kalunos lunos na sinapit ng magulang ninyo." Tuloy tuloy niyang sambit. T-teka? Ano ba to? Nababasa ni Tanda ang iniisip ko? Mind reader ba sya. "Hahahaha." Tawa muli ni Tanda, este ni Mr. faramir. Nag dodroga yata to eh. "Yes. I'm a mind reader, and let me remind you 50 years old pa lamang ako.. hindi pa ako matanda.. at tsaka never pa ko nag droga" sambit niya sa akin.
Namula naman ako sa kinauupuan ko dahil syempre, NAKAKAHIYA. Wtf? Uggh. Mukang hindi maganda ang pasok ko dito.. kung ano-ano kasing iniisip ko! Ugggh.
Tinitigan naman ako ni Mikhael at Alyana. Yung titig na nagsasabing "what-the-hell-is-happening-here look"
Nagkibit balikat lamang ako at tumayo na."nandito na din ho lahat ng kailangan namin, maraming salamat ho. Mauuna na ho kami" at iniabot ko na ang schedule namin.
Kumpleto na din naman lahat, may dorm na kami, may uniform na din na dadating, stocks of foods at mga gamit na kakailanganin namin.
"Paalam ho salamat" magalang na sambit ni Alyana.
"Salamat ho" sambit naman ni Mikhael.
"Hera is the section that will surely fits all of your personality... doon ko na kayo inilagay sapagkat alam kong ang section na iyon ang nababagay sa inyo"Nginitian lamang kami ni Mr. leo at tuluyan na naming nilisan ang opisina niya. "Good luck for your first day." Pahabol niya pa.
Naglalakad kami ngayon at palinga-linga sa paligid..
Hindi maikakaila na napakalaki ng eskwelahang ito. Madaming estudyante ang nakasalubong namin habang hinahanap ang room namin.
Yung iba pinaglalaruan ang mga kapangyarihan nila... may makikita kang flexible, lumilipad, nag aayos ng mga sirang kagamitan at mga nag tatransform na parang hayop..
"Woah" namamanghang sambit ni Alyanna.
Hindi naman maikakaila na pinagtitinginan kami ng ibang estudyante dito..
syempre mahahalata talaga na mga trasferee kami. Dahil, nakapang sibilyan pa kami. Hindi pa kami nagsuot ng uniform, kase ang sabi mamayang hapon pa ipapadala ang uniform namin sa aming dorm.
Tipikal na eskwelahan ang makikita mo dito subalit may ibang disenyo at napakalaki.
May mga nagkalat na kumukutu kutitap sa itaas, sa tingin ko ay CCTV kaso nga lang, magic ang ginamit. Kakaiba din ang kanilang mga pinto dahil kakulay iyon ng ginto.
At may mga classroom akong nakikita na napapalibutan ng mga ibat ibang kulay ng chain, parang protekta.
Yung iba naman, may mga nakaharang na parang laser. NAPAKAGANDA.
hinahanap pa din namain ang room namin "Hera 01, Zeus bldg"
Pero habang naglalakad at nagmamasid ay bigla kaming napahinto ng huminto si Alyana.
"Ito na siguro yon" sabay turo ni Alyana sa isang silid na may napakataas na malagintong Pintuan at may red carpet. Kumpara sa ibang rooms na nadaanan namin, ito ang masasabi kong mas maganda.
Akmang pipihitin na ni Mikhael ang door knob subalit napatigil siya ng isang estudyant ang biglang sumulpot sa harapan niya.. Nagulat kaming tatlo at nagtaka sa presensiya nito.
"Woah. Ginulat mo ko dun ah" sabay hawak ni Mikhael sa dibdib niya.
"Bakit ba bigla bigla ka na lang sumusulpot ms?" Takang tanong ko.
Bumungisngis lamang sya at hinarap kami. "Hehe. Ayun kasi power ko, sinasanay ko lang. kaya kong maging invisible, pero yun nga lang may time limit kaya yan nakita nyo ko agad. Sorry talaga, hindi ko sinasadyang gulatin kayo.. nagkataon lang na nawalan ng bisa ang power ko" nakangisngis pa din niyang sambit. "Ako nga pala si Jovi Martines, Senior high school student, Hera din ang section ko kaya magiging kaklase ko na kayo." Taka naman kaming tumingin sa kanya. "Dito kasi kayo nakatingin at narinig ko ang pinag uusapan nyo kanina kaya alam ko hehe." nakangiti niyang pagpapakilala at paliwanag.
Nilahad naman ni Mikhael ang kamay niya kay Jovi at ganun din kami. Mgsasalita na sana si Alyana upang magpakilala pero pinigilan ito ni Jovi
"Mamaya na kayo magpakilala, may introduce yourself naman mamaya eh" natatawang sambit niya at sinama kami papasok ng classroom. "Masaya ako dahil magkakaroon kami ng bagong classmate" sambit muli ni jovi.
Nang makapasok kami ay pinagtinginan kami ng mga estudyante.
Or should I say, ang mga magiging kaklase ko.
'New students' rinig kong bulong ng isa.
''Wow tatlo ang trasferee'
'Tss. Sana hindi sila week'
'Woah, ang gwapo ng dalawa'
'Eww. Mukang hampas lupa yung girl'
mukang narinig din yata nila ang sinabi nung babae at akmang lalapitan na sana ni Mikhael ang nagsalita subalit pinigilan siya ni Alyana.
"Hayaan mo na" kalmadong sambit ni Alyana. "Tara dun na tayo maupo." Sabay turo ni Alyana sa apat na bakante sa likod na upuan.
Agad umupo si Mikhael sa pinakadulo at umupo naman si Alyana sa tabi niya. Uupo sana ako sa pinakagilid subalit pinigilan ako ni Jovi.
"Ooops. Upuan mo na lahat wag lang yan" maawtoridad na sambit ni Jovi kaya khit na nguguluhan ay sinunod ko na lamang siya. at umupo na lamang ako sa tabi ni Alyana.
"Okay"
Magtatanong pa sana ako kay Jovi kung bakit pero agad napukaw ang atensyon ko sa pumasok na guro.
"Goodmorning class!" Bati nito. At nagsitayuan naman kaming lahat at bumati.
Isa siyang babae at mukang nasa 25 and above pa lamang. Batang bata. Kulot ang itim na buhok nito at mapupungay ang pilikmata. Balingkinitan ang katawan at masasabi kong napakaamo ng kanyang muka.
But behind that image, nararamdaman ko ang malakas na presensya niya.
"For those who did not know me, let me formally introduce myself. I am Allyra Reyes but you can call me Ms. Ally " at tsaka siya ngumiti sa amin. "And I will be your advicer this school year... my power is strength and agililty.. that's why I will also be your Defense technique teacher.. "at narinig ko namang naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Woah"
"Ang ganda ng advicer natin"
"Chixx pare"
Narinig kong hiyawan ng mga kaklase namin subalit agad iyong napawi ng may nagbagsak ng kamay sa lamesa.
"Tahimik! Will you guys please shut the fck up!" maawtoridad na sambit ng lalaking medyo may kaputian, salubong ang kilay, kulay asul ang mga mata at masasabi kong gwapo din naman.
Seryoso ang muka niya dahilan upang mapatahimik ang mga kaklase namin.
Isa talaga sa nakatawag ng pansin ko at ang Kulay asul na mata nitong halos maikumpara mo sa dagat at tila kumikislap.
"Avoid him okay? Kung maaari wag nyo syang kakalabanin. He is Kiro Farimir, anak ni Mr. Leo and he is a Water Controller" pakilala ni Jovi.
Tinitigan lamang namin ang lalaki at agad kaming tumango kay Jovi.
"Since it is our first meeting. Sympre, mawawala pa ba ang introduce yourself? Bago pa lamang ako dito kaya gusto ko sanang makilala kayo isa isa" sambit ni Ms. ally at agad tinuro ang kaklase ko sa unahan.
Senyas na magsisimula na syang magpakilala.
"So let's start?" Tanong ng teacher namin at agad naman kaming tumango.
Inilibot ko ang aking mata at kung iisipin nasa 19 or 20 lang siguro kami. Ang konti yata namin.
"This section is special among the others, kaya tayo ang pinaka konti. Bibihira kasi kaming madagdagan.. kaya masaya ako dahil sa last yr namin bilang senior high school ay nadagdagan kami ng tatlong transferee" sambit muli ni Jovi kaya tumango lamang kaming tatlo ni Mikhael at Alyana. "Maiintindihan nyo din ang sinasabi ko someday" at ngumiti ito sa amin.
Buti na lang talaga at nakilala namin si Jovi, kaya unti-unti kaming naliliwanagan.
Ibinaling ko na ang paningin ko sa unahan ng nagsasalita naming kaklase at nagsimula akong makinig sa knila.
Kasalukuyang nakatayo ang babaeng maputi, maiksi ang buhok at maganda. "Hi, I'm barbie Chen 18 years old, and my power is body switching" pagpapakilala niya.
Wow. Body switching? Medyo creepy sya ah.
Nabaling naman ang paningin ko sa sunod na nagsalita. Hmm, ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob.
"I am Kiro Farimir, 19 years old. Son of Mr Leo Farimir. I will be your class president this school year. Rank 2 in Faramir Academy, And I am a Water controller" pagpapakilala niya at diri-diretsong umupo na tila walang nangyari...
Suminghal pa ito at nag smirk dahilan upang kiligin ang nga babae.
Tss. Yabang.
"He's hot" alyanna giggled.
"Hot eh mukang kalabaw yan" inis na sambit ni Mikhael dahilan upang palihim akong mapatawa.
May attitude tong lalaking to eh, nakakainis.
"Hello!" Masayang bungad ng nerd na lalaki. "I am Luis Vasques 18 years old. and I have photographic memory"
Photographic memory. Amazing, pwede syang mandaya during exam. Haha
Sunod namang tumayo ang babaeng masasabi kong maganda at balingkinitan ang katawan. Hapit na hapit sa katawan niya ang kanyang suot na uniform. Dahilan upang tumambad ang hubog ng katawan nito. Isa pang nakatawag pansin ko at ang mata nitong kulay gray.
"The campus bitch"rinig kong bulong ni Jovi.
"Ayan yung nagsabi na mukang hampas lupa daw ako" nakasimangot na sambit ni Alyanna. "Tss. Ang sama ng ugali" sabay pout nya pa kaya natawa na lang ako.
"Hello guys" maarteng pagpapakilala nito. "I am Lian Ortiz, 18 years old. Rank 14 in Faramir Academy. and I am an Ice controller" sabay pamewang nito at mataray na umupo.
Tama nga si Jovi, may pagka bitchesa ang babaeng yun. Subalit ang hindi ko maintindihan, ang binabanggit nilang Rank.
Hindi na makatiis pa si Mikhael kaya kinalabit nito si Jovi at nagtanong. "Ano yung rank na sinasabi nila?" Takang tanong nito.
Humarap naman si Jovi at nginisihan kami. "Ang mga ranks ang tanda kung gaano ka kalakas. Hindi lang by section ang sukatan. Kundi pang buong campus isama mo na din ang college" nagmamalaking paliwanag nito sa amin.
Wow. Just Wow.
"Pati college?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Yeah. Kaya hindi biro ang makasama sa Rank 20" sagot niya. "Kapag nakasama ka sa rank 20, gagalangin at katatakutan ka ng lahat... at higit sa lahat magagawa mo ang gusto mo" pahabol pa nito habang malawak na nakangiti sa amin:
"What do you mean na magagawa mo ang gusto mo?" Takang tanong ni Alyana habang nakakunot ang noo.
"Magagawa mo ang gusto mo like magrequest ng bagong rules, pwede kang maging coach, magpaka bossing at higit sa lahat ang lumabas ng campus!"masiglang sambit ni Jovi.
Huh? Pwedeng maging coach? Tsaka panibagong rules? Wowwww.
"Akala ko ba hindi pwede makalabas ng Academy?" Takang tanong ko. "Madaming bad creatures daw ang nasa labas at pwede ka ding mapag tripan ng mga seniors kaya ipinagbabawal ang paglabas ng academy hindi ba?" Tanong kong muli.
Isa kasi yon sa nabasa kong rules kanina. May dorm kami dito kaya wlang dahilan para lumabas pa kami. At nasisiguro kong mahigpit ang seguridad sa labas.
"Hmmm. Actually tama yung nabasa mong rules" sabay ngiti niya. "That's the reason why being in Rank 20 is special... Hindi kasi biro ang Makapasok sa Rank, kapag may rank ka ibig sabihin isa ka sa pinakamalakas, kaya kayang kaya mong protektahan ang sarili mo kahit nasa labas ka pa ng academy.. It simply means na kayang kaya mong labanan ang tinatawag nilang bad creatures... at wala ka ding problema sa mga seniors kasi kapag nasa rank ka, gagalangin ka din nila" paliwanag niyang muli..
natigil kami sa pagkekwentuhan ng tumayo ang mga ka row ni Jovi.
Wow, so ganun pala kalalakas ang nga nasa Rank? Kaya nilang protektahan ang sarili nila?
Siguro kailangan ko ding mapabilang sa rank... para naman may ibubuga ako kapag nagkataon.
Malapit na pala kami.
"I'm Sam Walter 17 years old, and I have healing power" at umupo na ito.
"I am Jane Walter, 18 years old, Sam's older sister. I am a Fortune Teller" at sabay upo nito.
Sumunod naman ang katabi ni Jovi.
"I am Lloyd Aguas, 18 years old and I am an illusionist" at bahagya din itong umupo.
Ang weird ng mga kapangyarihan nila, pero alam kong hindi basta basta.
Sumunod na si Jovi at magiliw na tumayo. "I am Jovi Martines, 18 years old. Vice president of Faramir Academy. Kaya kong maging invisible and I am also a War strategy planner. at kasalukuyan akong nasa Rank 11" pagpapakilala nito at sabay upo.
Wow. Rank 11 sya?
Madami pang sumunod na nagpakilala.
"Darren Salazar, 18. Speed Ability" sambit ng lalaking may maamong muka.
"Mina Samonte, 19. Kaya kong mag teleport" tipid na pagpapakilala ng babaeng may pagka bitchesa din.. kasama siya ni Lian kung di ako nagkakamali..
"Ruffa Lyn Firera, 18. and I can float in the air and I can fly highhhhh!!" nakangising sambit ng kulot na babae.
Sunod namang tumayo ang babaeng naka all black.. naka uniform sya pero may black na earings, eye shadow, black hair, balck nail polish.. ohh She gives me creeps. Even her lipstick is color black.. she's also wearing cardigan which is color black. "I'm Shakira Dela fuerte, 18. Puppet controller. Rank 20" at tsaka siya umupo..
"Creepy" bulong ni Mikhael.
"Mabait siya. Hehe. Masasanay din kayo sa kanya" pagpapakalma sa amin ni Jovi.
"Fransis Meneses, 19. Hmm, I can disguise as an animal" sambit niya sabay ngiti..
"Xander Lavesque, 18. Shadow Trickster. Rank 17" sabay upo nito.
"Lindon Cruz, 18. Technology geek.. Rank 8" pagpapakilala ng lalaking may makapal na salamin subalit matipuno ang pangangatawan at masasabi kong may ibubuga..
Maya maya lamang ay agad na tumayo si Mikhael. Kami na pala ang susunod.,
"Everyone, I'm Mikhael Mortez, 18 years old. I am a transferre student and I am an air controller" seryosong pagpapakilala niya dahilan upang kiligin ang ibang babae.
Ang iba naman ay namangha. Iba talaga karisma ng kapatid ko. Mana sa kuya eh. ^_^
"Wow. Gwapo nya" sambit ni Lian with matching kindat pa.
"Grabe, may air controller na tayo" natutuwang sambit naman ni Luis.
"Wow. 2 of my students are elemental power users. Water and Air. Amazing" at bahagya pang pumapakpak si Ms. Ally
"Tss" sambit ni Kiro ang water controller at tumalukbong sa kanyang arm chair.
Yabang talaga.
Sunod namang tumayo si Alyanna.
"Hello, I am Alyana Garcia. 17 years old. I am also a transferee student. My power is telepathy" sambit ni Alyana dahilan upang magtanong ang isa naming kaklase.
"What's telepathy?" Tanong ni Sam.
Akmang magsasalita si Alyana subalit si Ms. Ally ang sumagot.
"Telepathy is a rare power, kaya nyang makipag communicate sa inyo gamit lamang ang kanyang utak o pag iisip ng hindi nalalaman ng iba" paliwanag ni Ms Ally dahilan upang mamangha ang mga kaklase namin.
Ohhhh
"It's your turn Mr." baling sa akin ni Ms Ally.
At agad agad naman akong tumango at tumayo.
"Hi everyone, I am Kurt Mortez, older brother of Mikhael Mortez. I am also a transferee student together with Alyana and Mikhael. I am 19 years old ang my power is..." hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto.
At iniluwa nito ang isang babaeng may mala anghel na itsura.
Nakabusangot ang muka nito ng pumasok at madaming bitbit. Napansin ko din ang kakaibang eyeglasses na suot nya. May pindutan kasi ito sa gilid at medyo may kalapadan. Pero hindi iyon dahilan upang mabawasan ang ganda niya...
Sobrang ganda niya.. maputi, wavy hair with red dazzling eyes. Woaaah. Ngayon lang yata ako nakakita ng anghel na nakasimangot.
"She's beautiful" bulong ni Mikhael.
"i'm late" sambit niya ng makapasok siya.
"Why you're late?" Takang tanong ni Ms Ally. "First day of class pa naman, at halos matatapos na ang pagpapakilala ng mga kaklase mo" malumanay na sambit ni Ms. Ally.
"Sorry about that. Madami lang akong inasikaso sa Athena office (opisina ng mga school student government) besides, I already know my classmates" kampanteng sagot nito...
"Huy. Kanina ka pa nakanganga" sambit ni Jovi dahilan upang matauhan ako.
"Alam ko maganda siya, pero wag mo namang ipahiya lahi natin kuya" pang aasar sa akin ni Mikhael kaya tinitigan ko na lamang sya ng masama.
Nakanganga ba ko kanina? Uggh nakakahiya.
"Okay you may sitdown" sambit ni Ms ally sa babae at dire diretso naman itong naglakad sa direksyon namin at tila nagtaka ng makita kami.
"Pwesto ko ang buong Row na yan" sambit ng babae sa amin.
Subalit agad namang sumingit si Jovi..
"Ahhh, Transferee kasi sila tsaka ayan na lang yung vacant seat kaya jan ko sila pinaupo" pagdadahilan ni Jovi..
Sasagot pa sana kami kaso biglang nagsalita si Maam Ally.
"Continue your self introduction kurt" wala ng nagawa ang babae kundi umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hayys.
"I'm Kurt Mortez and I am a lightning controller." Sambit ko na ikinamangha din nila.
"Really? Lightning?" Maarteng tanong ni Lian.
"Yes." Sagot ko sabay upo.
"Wow, amazing power." Sambit ni Ms Ally. "Okay last, please introduce yourself ms Late" sambit ni Ms Ally.
Sinulyapan ko naman ang katabi kong si Ms, Late at nakabusangot ang muka nito.
Mukang nainis yata sa sinabi ni Ms Ally.
"Don't call me like that" naiinis na sambit ng katabi ko.
Napansin ko naman tumahimik ang klase at tinitigan si Ms Ally. Yung tingin na nagsasabing bawiin-mo-sinabi-mo-teh.
Beastmode na katabi ko eh.
"I'm sorry, please introduce yourself Ms" sambit ni Ms Ally dahilan upang umayos ang muka ng babaeng katabi ko.
Pansin ko pa din ang kakaiba niyang eyeglasses .. May pindutan kasi yon sa gilid.
Tumayo ang katabi ko at nakapamewang.
"I'm Fira Laceny." Tipid nitong sambit.
"Please complete your self introduction" sambit muli ni ms ally na tila nauubusan na ng pasensya.
Fira just rolled her eyes and started to speak "I'm Fira Laceny, 18. President of SSG in Faramir Academy." Huminga muna ito ng malalim bago magpatuloy. "I am a fire controller. Rank 1" sambit nito na nagpatayo ngcmga balahibo ko.
Wooowww.
Rank 1?
Seriously? Gaano ba sya kalakas.
"Amazing." Sambit ni Ms Ally at tinuon ang pangingin sa kanyang lesson plan. "Isa din pala sa estudyante ko ang Rank 1." Sabay palakpak nito.
Grabe, Rank 1 yung katabi ko.. tapos fire controller pa.. di pa din ako makapaniwala..
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya nakatingin pa din ako kay Fira na katabi ko.
Nakatuon ang paningin niya sa unahan at tila walang pakialam sa paligid.
"Stop staring" nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Huh?" Nahihiyang tanong ko. Tinitigan naman ako ni Mikhael at Alyana.
Subalit nakatingin pa din ako kay Fira.
"I said stop staring or else.." naiinis na sambit ni Fira dahilan upang sikuhin ako ni Mikhael at alyanna.
"Or else what?" Parang tangang tanong ko at agad naman akong hinarap ni Fira.
Ngayon malaya kong nakikita ang pula niyang mata.
Wowww. Her eyes looks so beautiful...
"Or else I'll burn you to death" seryosong sambit niya dahilan upang mapalunok ako at ibinaling ko ang atensyon ko sa blackboard.
"Tsk tsk tsk.. Kuya kurt sa susunod wag kang shunga ha? Masarap pa naman kumain ng barbeque.. mahirap na baka ikaw maging pulutan mamaya" pang aasar ni Alyanna gamit ang kanyang Telepathy.
Nang matapos ang klase namin kay Ms. Ally, sunod namang pumalit ay si Ms Diana. She will be our Power controll teacher.. and her special ability is Emotion control.. kaya niyang paglaruan ang emosyon mo, kaya nya ding basahin ang emosyon o nararamdaman mo..
Wala naman kaming masyadong ginawa dahil katulad din ng sinabi ni Ms. Ally, wala pa naman daw ang regular class..
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro