Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26 | Behind His Parents' Death

Bagsak na bagsak ang mga balikat naming dalawa ni Hecate nang lumabas kami ng classroom. Sina Lupus at Ry naman ay tila ang kalma nang makalabas. Pareho pang ibinulsa ang kanilang mga kamay. At taas noong naglalakad. Tila ba'y kampante sila sa naging sagot nila sa fifty items exam namin sa programming 1 at saka multimedia.

The other half of the exam was based on our performance. Nag-encode naman kami sa programming 1. At photo editing naman sa multimedia. Hindi rin ako kampante sa mga naging resulta sa performance na 'yon.

I quickly averted my gaze when Ry caught me staring at him. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa. Ry's my first time. At tama nga ang sabi nila na ang hirap iwala sa isipan ang mga bagay na first time natin maranasan.

"Kai, confident ka ba sa sagot mo?" tanong sa akin ni Hecate. Habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. Lunch time na rin kasi. "Feeling ko ang dami kong mali," she added. Sumunod pa ang kaniyang malalim na buntonghininga.

I looked at her in disbelief. "Maging ako nga hindi sigurado if tama ba pinaggagawa ko sa performance kanina." Dumiretso na lamang ang aking tingin sa kahabaan ng hallway na 'to. "Gusto ko na lang kumain dahil gutom na gutom na ako," I commented.

Out of the corner of my eyes, I saw Hecate nodded as an agreement. Pero hanggang dumating kami sa cafeteria ay kinakausap niya pa rin ang sarili niya. When we entered the cafeteria, we went straight to our usual spot. The table located on the right edge of the cafeteria, near the glass wall.

Nang mailagay nina Hecate at Lupus ang kanilang bag ay dumiretso na sila sa counter upang um-order. Kaya kaming dalawa na lamang ni Ry ang naiwan. He is a vampire, and I am part vampire, therefore, we only drink blood to survive.

Pero dala-dala ko pa rin ang lunchbox ko. Lunchbox na walang laman. Para kunwari kumakain ako, so that the people around us won't lose their head if they found out I am a vampire. Well, just a precautions. Hindi ako makatingin nang diretso kay Ry kaya tumikhim na lamang ako para basagin ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

I also heard him cleared his throat. Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil kanina ko pa nararamdaman ang mga mata niya. Kinuha ko na lamang ang aking cellphone sa bag at napagdesisyunang manood na lamang ng mga random videos sa internet.

Kaagad kong pinindot ang pause button sa video nang ilapag nina Hecate at Lupus ang dala-dala nilang tray na may lamang in-order nila. In-order naman ni Hecate ay isang cup of rice, ginisang sitaw, at saka isang fresh buko juice. Lupus, on the other hand, ordered two cup of rice, one bowl of chicken adobo, and one can of soda.

"Lupus," I called him by his name. Kaagad naman siyang tumingin sa akin. "I am just wondering, can werewolf eat normal foods? Or you just pretended to eat them?" I asked him.

Narinig ko naman siyang tumawa nang marahan. "Werewolves can eat normal foods, Kai. Unlike vampires . . ." When he mentioned the word vampires, he looked at Ry intensely. "We can eat them in human form, but in our true form, we eat hearts of any kind of animal," he added.

Napatango naman ako sa naging sagot niya. I am still part werewolf but why I can't eat normal foods like the other werewolves? Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil sa random thoughts ko. Inilabas ko na lamang ang aking tumbler na may lamang dugo at sumipsip doon. Nakita ko ring ganoon din ang ginawa ni Ry.

"Sinubukan mo bang kainin lahat ng klaseng pagkain, Kai?" I heard Lupus asked. I shook my head as a response. "I see. Subukan mo, baka may mga piling pagkain na kaya mong ma-digest. Or perhaps, hybrids' survival was the same as vampires?"

Isang tango ulit ang aking itinugon. Silence immediately took over the ambiance between the four of us. Ako naman ay gamit-gamit ang cellphone habang sumisipsip ng dugo sa tumbler ko. Up until now, nasa akin pa rin ang mga mata ni Ry.

"So Ry, how old are you na nga ba?" Hecate suddenly spoke in the middle of eating. "You are not the type who loves to share, kaya tatanungin na lang kita. It's okay naman siguro magtanong, right? Tayo-tayo lang naman din magkasama araw-araw," Hecate nervously added.

Nakita kong umayos ng upo si Ry. "I'm 1,016 years old," he sparingly answered.

Napahawak kaagad si Hecate sa dibdib niya nang masamid siya dahil sa sinagot ni Ry. Maging ako ay halos na rin masamid sa iniinom. I mean, I know he's old. I've only guess that he's four to five hundred years old. Hindi ko inakalang umabot na pala siya ng thousand.

"What the hell?" bulalas na sabi ni Hecate matapos niyang makainom ng in-order niyang buko juice. "So you literally witness the world rise and fall from its ashes," she added.

"Yup," matipid na sagot ulit ni Ry. "I was born in October 29, 1016," he shared.

Napatingin sa akin si Hecate. "Same pala kayo ng birthday ni Kai." Sumilay naman ang nang-aasar na ngiti sa labi niya.

I saw Ry smiled. "Yeah, I know," he responded.

Nakita ko namang sumandok si Hecate sa plato niyang may laman at isinubo kaagad ito sa malaki niyang bunganga. Habang hindi pa rin siya makapaniwalang ang tanda na ni Ry.

"Dang, may Lolo pala tayong kasama," I heard Hecate commented.

Lupus and I both restrained ourselves from bursting into laughter. Ry, on the other hand, made a sour face. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Hecate. Hecate just awkwardly smiled when she saw Ry's reaction and raised her index and middle finger to make a peace sign.

Dumaan ang ilang mga minuto, hindi pa rin tinatantanan ni Hecate na tanungin si Ry. Talagang kinikilala niya ito. She even asked how many his siblings are. Tinanong din siya nito na taga Luna Roja ba talaga sila.

"Help me." I heard him whisper.

Dahilan para mapatingin ako sa kaniya. I secretly laugh when I saw how exhausted he is. His forehead furrowed when he saw my reaction. And looked at me with his warning look that made me shut my mouth. Napalingon ako sa aking tabi nang maramdaman ko ang mga titig niya.

Sumalubong sa akin ang nagtatanong na tingin ni Lupus na palipat-lipat sa aming dalawa. He even consecutively sniffing. Tila ba'y inaamoy-amoy niya ako. Pagkatapos ay kumunot ang kaniyang noo. Sumunod naman ang pagtagis ng kaniyang bagang.

"I will let you pay for ignoring me, Gehenna." My eyes grew wider when I heard Ry once again whisper into thin air. Napalunok ako ng aking laway dahil sa pagbabantang 'yon.

I ignored him. At naglakad nang mabilis para maabutan ko si Hecate na nauna na. Papunta na kami ngayon sa designated classroom namin para sa Readings of Luna Roja's History subject.

But out of the corner of my eyes, I saw the former crescent werewolf who helped me get up the other day was hanging out with Akihiro and Kiara. Tinignan ko ang tatlo kong kasama. They didn't noticed them from the field.

"Punta lang ako sa toilet room sandali," I told them. "Mauna na kayo," I added. Nakita ko namang tumango sila.

Nang mawala silang tatlo sa paningin ko, tinignan ko muli ang kinaroroonan nina Akihiro, Kiara at sa lalaking omega werewolf. My forehead impetuously furrowed when I realized they are talking. And their conversation seemed serious base on their face expression. I quickly activated my ability of unnatural senses.

". . . Ares and Aphrodite Gehenna, Cedric Montalban."

Lumilipad pa rin hanggang ngayon ang utak ko dahil sa narinig ko kanina sa binanggit na mga pangalan ni Kiara. Ares and Aphrodite are my parents. Cedric Montalban, I assumed 'yan ang pangalan ng lalaking tumulong sa akin noong isang araw.

A guy who was a former crescent beta werewolf. At timing na timing na narinig ko ang mga pangalan sa huling pinag-uusapan nila bago sila maghiwalay ng landas.

"Lupus, did you know a guy named Cedric Montalban?" Nakita ko siyang napatigil sa paglalakad.

It seemed like by just mentioning the name, I could tell that he knew. I saw him gulp twice and quickly averted his gaze. Tila ba'y parang umatras ang dila niya kahit na gusto niyang sumagot. 'Yong pakiramdam na parang wala siya sa posisyong sabihin ito sa akin.

"Cedric Montalban ba kamo, Kai?" narinig kong paglilinaw ni Hecate.

I nodded as a response. Habang ang tingin ko kay Lupus ay nasa kaniya pa rin. My eyes grew wider when Hecate started to tell me a story on how the Valenzuela witches lost their magic. Halos lumuwa na rin ang mata ko nang banggitin niya ang pangalang Meira Durano.

Meira Durano, a witch who warned me the other day, was actually from a Mist Coven where Hecate's family a former members. Hindi ako makapaniwala sa ikinuwento sa akin ni Hecate. Cedric Montalban, a werewolf who asked helped from Meira Durano to brew a love potion and give it to Hecate's mother.

Natapos ang kuwento ni Hecate nang makalabas kami ng gate. Hindi ko na rin kinulit pa si Lupus dahil tila wala siyang planong sagutin ang tanong ko. Nagpaalam kami ni Hecate sa dalawa nang makasakay na kami ng jeep.

Dumating ako sa bahay nang ilang minuto ang lumipas. Habang naglalakad ay ang isipan ko'y lumilipad pa rin. Of course, Cedric Montalban knows my parents. Because he is a former crescent. Pero bakit pakiramdam ko may mga bagay pa akong dapat malaman?

"Lola, may itatanong sana ako," kaagad kong sabi nang matapos akong magbihis at pumunta rito sa sala ng bahay. Umupo ako sa tabi ni Lola. Ang mata niya'y nasa T.V namin. She just hummed as a response. "Kilala niyo po ba si Cedric Montalban?"

Nabaling ang tingin niya sa akin nang marinig niya ang tinanong ko. Her eyes quickly averted. Napakuyom ako sa aking palad. This was the same reaction as Lupus. I saw fear instantaneously took over upon her face. Hinawakan ko ang mga kamay ni Lola.

"Lola, kung may alam kayo sabihin niyo naman sa akin," I pleaded. "Paano ko po-protektahan ang sarili ko kung may mga bagay akong hindi pa nalalaman?" I added.

I heard her heaved a sigh. Muli siyang tumingin sa akin. Tila naiiyak na rin siya. Pabalik niyang hinawakan ang kamay ko. Humarap siya sa akin. At pinisil-pisil ang aking mga palad. Muli na naman siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago magsalita.

"Si Cedric ay anak ng kababata ko. Apat kaming magkakaibigan, apo. Si Lola Kariya mo, ama ni Cedric, at ang Lola ng kaibigan mong si Hecate," she started to tell me a story. "But Cedric's father was secretly working with Durano witches," her voice starting to crack.

And my eyes grew wider in surprise. "He was secretly working with them and in return, he asked them to resurrect his wife, Cedric's mother. And we are his bargain." I could easily notice the disappointment in Lola's voice.

"Hindi tanggap ni Wendel na namatay ang asawa niya dahilan para magawa niyang traydurin ang pack natin." Ang pagkadismaya ni Lola kanina ay napalitan naman ng lungkot. "Little did Wendel know, the Durano witches used him for their personal gain. They asked him to kill us. Most especially the bloodline of Lowell." Muli na naman akong nagulat sa mga nalaman.

Kaagad kong pinunasan ang luha ni Lola nang bigla itong tumulo sa mga mata niya.

"When Wendel know he was being used, bumalik siya sa atin na may pagsisisi sa puso. Kaagad siyang lumapit sa akin, nagmamakaawang patayin ko siya bilang parusa. Tumanggi ako. Siyempre tatanggi ako." At tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha sa mata ni Lola.

Habang ako naman ay hindi rin mapigilang maiyak. "Subalit, muli na naman siyang nagmakaawa sa akin. Gusto niya raw mamatay sa kamay ng pamilya niya, kaysa sa kamay ng mga witches na ginamit ang kahinaan niya." Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Lola.

"Kahit na labag man sa kalooban ko, wala akong nagawa. That was his last request. He won't stop begging. Sabi niya, ito raw ang kabayaran ng pag-traydor niya at kahit papaano ay makasama na raw niya ang asawa niya," Lola said under her tears.

Lola stopped for a while. Humahagulgol siya ng iyak. "I killed him with my bare hands, Kai," bumibiyak ang boses niyang sabi sa akin. Kaagad kong niyakap si Lola. She hugged me back.

"Hindi namin alam, nakita ni Cedric ang huling sandali ng kaniyang ama," pagpapatuloy ni Lola sa pagku-kuwento. "Ang akala ni Cedric ay ang ama niya ang sumalo sa mga kasalanan niya."

Kaagad akong napatango sa huling sinabi ni Lola. Naiintindihan ko. Ang akala ni Cedric ay ang ama niya ang sumalo sa kasalanan niya sa pamilyang Valenzuela.

"Cedric blamed himself for what happened to his father. We never told him the truth, dahil 'yon ang hiling ni Wendel sa akin. Hanggang sa dumating ang araw, umalis siya sa pack nang kusa. We stopped him, pero hindi siya nagpatinag." Muli ko na namang naramdaman ang pagkadismaya ni Lola.

Sa pagkakataong 'to, dismaya siya sa kaniyang sarili.

"Nabalitaan na lamang namin na sumali si Cedric sa Holial Pack, our rival," Lola said. When she mentioned the Holial Pack, ramdam na ramdam ko ang galit niya. "Ang Holial Pack ang pumatay sa mga magulang mo, Kai."

My eyes grew wider once again. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na ito, pero kaagad kong naramdaman ang galit na natutulog sa puso ko. Hindi ako makapagsalita. Nagtagis ang aking bagang. Napakuyom ng palad at napatayo sa pagkakaupo.

"They died protecting you," Lola said. I looked at her in disbelief. For two years, she hide this from me. Hinawakan naman ako sa kamay ni Lola't inalalayan akong umupo. "I am sorry for hiding this from you, Kai. Just know na hindi namin ito itinago nang walang dahilan."

"Does Ry know this as well?"

I heard her heaved a sigh once again. "Yes," she sparingly responded. "The Holial Pack isn't our main concern, apo." I looked at her. Kumunot ang aking noo sa pagtataka. "The Durano Witches is our main concern. Nang ipinanganak ka ay nalaman naming ikaw ang pakay nila. Hindi namin alam kung bakit," she added.

I gritted my teeth. And balled my palm in anger. All along my parents didn't just died in a car accident. Namatay sila sa mga kamay ng mga nilalang na walang ibang iniisip kundi ang pansarili lamang.

"So 'yan ang dahilan kung bakit napunta kami sa Las Plovis," dugtong ko. I saw Lola nodded as a response. "To hide me from everyone," I concluded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro