21 | Hybrid's Throne
Naglakad ito papalapit sa aming dalawa ni Ry. At dahil dito pareho kaming napaalerto sa kinatatayuan. Ry and I both exchanged looks while our forehead furrowed in confusion when she suddenly laugh. Pareho namin siyang tinignan hanggang sa matapos siya sa katatawa. Pero kalaunan ay huminto siya't tinapunan kami ng seryosong tingin.
"The witches―" she looked at me empty, "consider you the abomination of nature, hybrid." May diin niyang sabi sa akin.
Me, on the other hand, my world stopped when I heard what she says. The witches considered me as the abomination of nature? That doesn't feel good. That only makes me feel worse.
"Huwag mong pakinggan ang sinabi niya, Kai." Hindi nag-sink in ang sinabi ni Ry sa akin dahil feeling ko tama ang sinabi niya.
Suddenly it feels like I am indeed the abomination of nature. I heard this girl named Meira scoff sarcastically. Habang si Ry naman ay napansin ko ang masasamang titig niya sa babae.
"Oh, please, Del Grosso. Are you planning to hinder the truth?" Hindi makapaniwalang tanong nito kay Ry. "The people around him rubbed the truth from him. He was kept away from the world he really belongs to," she added.
Nanatiling tahimik si Ry. Naramdaman ko kaagad ang tingin niya sa akin. Dahilan para mapaiwas ako. I bit my lower lip. Now that I am glad I finally understands my identity, saka naman ito naglaho nang parang bula. Sa mga oras na 'to, mukhang mas gusto ko tuloy ibalik ang oras na hindi ko pa nalaman ang totoo.
"The hybrid has an uncontrollable temperament. Powers that are greater than nature. Your existence will put the balance on the line," pagpapatuloy ni Meira. "We witches are the servants of nature. Our task is to maintain the balance within the natural world."
Naglakad siya papalapit sa edge ng rooftop. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. Habang ang mga mata namin ni Ry ay nakasunod lang sa kaniya. She looked at me with sadness on her eyes. It's as if I am unfortunate to exist in this world.
"The Balance of Nature is intimately tied to one's spiritual relationship with the Earth, and the idea that all living things are considered sacred, as they are all different aspects of nature," she explained.
This time, it was Ry who chuckled sarcastically. "If you, witches, consider all living things sacred. Why are you all coming for him?" may inis sa boses niyang tanong.
Bumagsak ang mga balikat ni Meira. She once again look at me with sadness on her eyes.
"Unfortunately, hybrids aren't included." After Ry heard Meira's response, he snarled in anger. "A hybrid can cause the deaths of every supernatural creature. On that note, vampires, werewolves, and witches will cease to exist."
Para akong pinagbagsakan ng malalaking bato dahil sa narinig ko. Hindi ako makagalaw. Tila ba'y pinako ang mga paa ko sa sahig. Nagbabadya ang naubos kong luha. Guilt, regrets, and fear are eating me alive. My mind went black. It feels like being born hybrid is the greatest sin against nature.
"Your death―" Hindi natapos ni Meira ang sasabihin niya nang atakehin siya ni Ry. But she's quick to cast a spell against him. Napaluhod pa nga niya si Ry sa sahig habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. That disgusting pain infliction spell! "To maintain the balance of nature, your sacrifice worth more than your life."
Matapos niyang bitawan ang mga katagang 'yon, tinalikuran na niya kami. But after a few steps, she stops. Nilingon niya ako't binigyan ako ng nagbabantang tingin.
"Know that witches will come for you, hybrid."
✢
Hanggang ngayon ay balisa pa rin ako dahil sa mga nalaman ko kanina. Meira Durano said, to maintain the balance of nature, my sacrifice is worth more than my life. I scoff in the middle of thinking. Pakiramdam ko'y nabuhay lang ako para magdusa. Nabuhay lang ako para isuko ang buhay na ibinigay sa akin.
"Nandito na ang Alpha!" Narinig kong sigaw ni Lupus nang dumating kami sa farm ng kaibigan ni Lola.
Dahil dito nabalik ako sa reyalidad. Napatingin ako kay Lola na kasama ko sa pagpunta rito. It's already past five in the evening. Pag-uwi ko kanina, sabi ni Lola na pupunta raw kami rito. Hindi ko inakalang ang pinunta namin dito noong nakaraang araw ay hindi lang simpleng pagbisita.
Nailang kaagad ako nang biglang nagsiluhuran ang mga farmers sa aking harapan. Seconds later, tumayo sila't sumilay ang mga ngiti sa kanilang mga labi. Ang mga isipin ko ay bigla na lamang naglaho nang makita kong magtakbuhan ang mga bata papalapit sa akin upang bigyan ako ng mahigpit na yakap.
Lumapit naman sa akin si Lola Kariya. Hinawakan niya ang aking kamay upang magbigay pugay sa aking presensya.
"Kami ay nagagalak sa presensya mo, Alpha," she said.
Habang ako naman ay nakakunot pa rin ang noo sa pagtataka. Ang aking ikinabigla ay ang pagluhod ni Lupus sa aking paanan. He then kissed my feet. Nailang ako sa ginawa niya. After that, tumayo siya sa aking tabi.
Lola Kariya suddenly grabbed my hand. Everyone who blocked the way ay nagsiatrasan upang makadaan kami. Sa sobrang lapad ng ngiti ni Lola Kariya ay nahawa ako. Her eyes says she was even more delighted to see me here with them.
"Naghanda kami ng munting salo-salo para sa pagdating mo, Kai," excited na excited niyang sabi sa akin.
Tanging ngiti lang ang kayang kong itugon sa sinabi niya. Dahil hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. I know Lola mentioned that my mother is an Alpha. And I didn't expect this is what she mean. Lumingon ako kay Lola na kasabay kong naglalakad.
"An Alpha cannot be a leader without his people, Kai," I heard Lupus said behind my back. "Which means, we are your people."
Dahil sa sinabi niya ay tila unti-unting naging malinaw na sa akin kung bakit ganoon na lang ang kilos nila pagdating ko.
"Ever since your mother died, we all are longing for a leader," pagpapatuloy ni Lupus. Habang ako naman ay nanatiling tahimik, nakikinig. "Alpha din naman ang Lola mo, Kai. But she says she's too old to manage the pack."
"A pack?" I asked.
Napatingin ako kay Lola nang idantay niya sa aking balikat ang kaniyang kamay. "Wolves live in packs. Ibig sabihin, grupo. Pero pamilya ang turingan natin. Like many human beings, wolves live in extended families which are called packs. We called ourselves 'Crescent Pack'," pagpapaliwanag naman ni Lola.
Napatango-tango ako sa sinabi niya. Dumating kami sa bahay na hugis trianggulo. Ito ay gawa sa mga patay na dahon ng palay. Napansin ko kaagad ang dalawang lalaking nakabantay sa labas ng pintuan.
Pero sa mismong bakuran ng bahay ay may mahabang lamesa na punong-puno ng iba't ibang klaseng pagkain. May mga iba't ibang klaseng prutas na nakalapag sa lamesa. Subalit bago pa kami kumain ay dinala ako ni Lola sa loob ng bahay nang kaming dalawa lang.
Sumalubong sa akin ang four foot tall na upuang gawa sa silver. Ito 'yong upuang nakita ko noong unang araw ko dito. Humanga kaagad ako kung gaano ito kaganda sa malapitan. Nang makita ko ang crescent symbol sa ibabaw ng upuan ay mas lalo akong humanga.
Those symbols in every houses symbolize our pack. Nagsi-symbolize ito kung gaano ka-harmonious ang pamumuhay ng mga lobong naging parte ng pamilya namin.
"That's your throne, Kai." Napalingon ako sa gulat nang marinig ko ang sinabi ni Lola. "For centuries, the throne of Lowell has been preserved for the next generation. And it is now your time to claim your position of being the descendant of an Alpha," she said.
Hindi ko alam kung uupo ba ako gaya ng sabi niya. Ang pagdadalawang isip ko ay naputol na lamang nang alalayan niya akong maupo sa upuan.
"Lola, hindi ba sobra-sobra na 'to para sa akin?" tanong ko sa kaniya.
She looked at me in disbelief. Humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang koronang kulay silver, at kapansin-pansin ang crescent symbol ng aming pamilya.
"Ano'ng pinagsasabi mong sobra-sobra?" Natameme ako sa tanong niya pabalik sa akin. "You are the rightful heir to the throne. It is destined to be yours. And we shall continue the legacies of our ancestors," she added.
Napatango na lamang ako bilang pagtugon. Lumapit sa akin si Lola at lumuhod sa harapan ko. Itinaas niya ang hawak-hawak niyang korona sa ere.
"In the name of House of Lowell and the goddess of the hunt, wilderness, and the moon, I hereby pass the crown to the rightful heir of the Crescents!" Tumagos bigla ang sinag ng buwan dito sa loob ng bahay at nakatutok pa ito kay Lola. Tila naging spotlight ito. "Run wild, little wolf." Ang huling sabi ni Lola bago ito iputong sa aking ulo.
Nang bitawan ni Lola ang korona ay bigla ko naramdaman ang kapangyarihan na dumaloy sa mga ugat ko. Nakatutok na sa akin ang sinag ng buwan. Narinig ko ang mga palakpak sa labas. Seconds later, narinig ko ang mga howl ng mga lobo.
I felt my eyes change its color. My eyes fell upon the floor when I noticed my hair in the arms slowly grows in gray. I saw Lola transformed into wolf-like creature. Habang ako naman ay kinakabahan. Napabagsak ako sa sahig nang maramdaman ko ang tila parang pagbali ng aking mga buto.
But it didn't hurt. Tila ba'y nag-iba ng lokasyon ang mga buto ko. My eyes grew wider when I saw my hands turns into claws. My finger-bone-like fangs grew. Until I transformed into fully wolf-like creature.
Nagkatinginan kami ni Lola sa mata. Tumakbo siya palabas ng bahay. Sumunod ako sa kaniya. There I saw everyone transformed into what we are. When I saw everyone, it flatters my heart. I am safe. I am with my family. Pagkalabas ko'y sumalubong sa akin ang puting lobo. It's Lupus.
I saw him bowed his head. Sumunod ang lahat. Napangiti ako nang makita ko ang mga batang lobong iniyuko ang kanilang mga ulo nang dumaan ako. Sa sobrang tuwa ng aking puso, nagpakawala ako ng malakas na ungol.
Nang marinig nila ang ungol ko ay ginawa nila ang ginawa ko. Our howl echoed. It disturbed the birds who peacefully sleeping on the trees. After we are all satisfied, I sprinted into the forest. I felt their presence followed me.
Sina Lola at Lupus naman ay nakasunod sa aking likuran. Habang ang iba naman ay nakasunod sa kanilang dalawa. Nagpakawala ulit ako ng malakas na ungol. They all followed. A tear escaped from my eyes. Mas lalo kong pinabilis ang aking pagtakbo. While leading them, I looked behind my back.
Lola and Lupus' smile greeted me. Napangiti ako dahil sa ipinakita nila sa akin. Nagpakawala ulit ako ng huling ungol. Umalingawngaw ang malakas na pinagsama-samang ungol ng aking pamilya rito sa loob ng gubat. Tumingala ako sa kalangitan.
There I saw the waxing crescent beautifully gleaming beyond the clouds.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro