19 | Valenzuela Witches
Hecate's Point of View
The disco lights. The handkerchief. The moon. The necklace. And the blood scattering upon the ground. Those are the visions I saw when I hold Kai's hands. It's as if I had the power to foresee the future. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang takot sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi. It's nerve-wracking.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga nalaman. Rory Colmillos Del Grosso is a vampire. Caelestis Reyan is a hybrid. And my childhood best friend, Lupus Sanchez, is a werewolf. Pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano o sino ba ako. At hindi ko naiintindihan kung bakit nakikita ko ang kapalaran.
Maaga akong umalis sa mansiyon ng mga Del Grosso. Nag-iwan naman ako ng text message kay Kai. I told him, hindi ako papasok ngayong araw dahil pupuntahan ko ang aking Lola. Mula pagkabata, sinasabi sa akin ni Lola na galing kami sa witch bloodline. Kailangan ko ng kasagutan dahil hindi kakayanin ng utak ko sa kaiisip nito.
Nasa legal age na ako ngayon at hindi ko naiintindihan kung bakit ngayon lang ito nangyari sa akin. I remember when I was eight, Lola was so enthusiastic to tell the world that I am the future of our family. I don't know what the hell does that mean, but I am pretty sure there's something I have to know.
Bumaba ako ng tricycle kung saan ako lulan nang dumating ako sa bahay ni Lola. Bahay niya dito sa Barangay Najo. Ang huling barangay ng Luna Roja rito sa south side. Ang kasunod na barangay ay teritoryo na ng Las Plovis.
"Lola?" tawag ko kay Lola habang kinakatok ang pintuan.
Seconds later, bumukas ito. Lola's face lightened up when she saw me. "Inaasahan ko ang pagdating mo, apo." Kumunot kaagad ang aking noo dahil sa sinabi niya.
She then turn her back on me. Naglakad siya papunta sa couch. Habang ako naman pumasok at sinarado ang pintuan. A smile quickly plastered upon my lips. May kalakihan ang bahay niya. Gusto pa nga niya na dito na kami sama-sama. Pero walang ibang nagawa si Lola dahil nandoon sa lungsod ang trabaho ng mga magulang ko.
Gusto ni Mama na mag-hire kami ng makakasama niya sa bahay. 'Yong mag-aalaga sa kaniya. Pero tumanggi kaagad si Lola. Sabi niya, hindi pa naman daw siya lumpo. At malakas pa raw siya.
"Lola," Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero kaagad naman niya akong niyakap. "Who or what am I?" paunang tanong ko sa kaniya.
I heard her chuckle. "Alam mo na kung sino ka, Kate," she sparingly answered. Napapakit ako ng mata nang haplusin niya ang pisngi ko. "Gusto mo ba ng gatas?" tanong niya sa akin.
Tumango ako bilang pagtugon. When she saw my response, kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. Naglakad siya papunta sa kusina. Connected lang ang kusina at living room sa bahay niya. Kaya nakita ko ang ginagawa niya.
"Lola, kilala niyo ba ang pamilyang Gehenna?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong 'yan. But I just had the feeling I should ask her about Kai's family.
Nakangiti siyang bumalik sa couch dala-dala ang basong may lamang gatas. Kinuha ko ito't uminom. Habang ang mata ko ay nakatingin kay Lola. At ang tenga ko'y kanina pa handa sa sagot niya.
"You mean the Lowell family," she corrected me. Kaagad na nakuha ko ang ibig niyang iparating. She's referring to Kai's mother side. "Ang pamilya natin at ang mga Lowell ay magkakakilala na noon pa, apo," sagot niya sa tanong ko. "You know what they are, right?" this time, siya naman ang nagtanong.
Tumango ako bilang pagtugon. "Valenzuela at Lowell ay ang founder ng Barangay Najo. Sila ang nagtatag ng lugar na 'to. At ang nagpanatili ng kapayapaan," she added.
Napatigil ako sa pag-inom ng gatas dahil sa sinagot niya. Kai and my family were friends since old times? At the bottom of my heart, I am happy knowing that.
"May naging kaibigan ako na ang apelyido ay Gehenna, Lola," ang kuwento ko sa kaniya.
Sumilay naman ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Mabuti naman at isang Gehenna ang naging kaibigan mo, apo. Kahit ano'ng mangyari, protektahan mo siya." Napaalerto ako nang naging seryoso ang boses ni Lola.
"Kagabi, naramdaman ko ang kapangyarihan niya. Every witches in Luna Roja will come for him. They will do everything to get rid of him," habilin niya sa akin. "I want you to promise me, Kate," she said. Napatango ako dahil sa sinabi niya.
Nang makita niya ang tugon ko, tumayo ulit siya sa pagkakaupo't naglakad patungo sa kuwarto niya. Bumalik kaagad siya makalipas ng ilang segundo. Napatayo ako nang makita ko kung ano ang dala-dala niya. Isang makapal at lumang libro. Inilapag niya ito sa lamesa.
"Apo, ito ang grimoire ng pamilya natin," she proudly said. Habang ako ay nakatingin sa kaniya na nakakunot ang noo. "Lahat ng mga spells na kakailanganin mo ay nandito. You just need to practice magic to master them." Napasinghap ako sa sinabi niya.
Everything that Lola told me when I was a kid was true. We are witches. I am a witch. We have witch blood that runs through our veins.
"Lola, if we are witches. Bakit wala man lang sinabi sa akin sina Mama at Papa?" tanong ko sa kaniya.
Kaagad kong pinagsisihan nang itanong ko 'yon nang makita kong bumagsak ang mga balikat ni Lola. Sunod-sunod ko pang nakita ang kalungkutan sa mga mata niya. At ang malalim na pagbuntonghininga.
"Mabigat ang pinagdaanan namin noong hindi ka pa dumating sa buhay namin, apo," mahina niyang sabi, sapat na para marinig ko. "Ang pamilya natin ay kasali noon sa Mist Coven. Coven is like a group of witches who have the same interests. Usually, it consists of thirteen witches, one is a leader and twelve are members. Unfortunately, pinatalsik tayo," malungkot niyang kuwento.
"Bakit po tayo pinatalsik?" curious kong tanong.
"Ang mama mo ay nagmahal ng isang lobo." Nagulat ako sa sinagot ni Lola. "Pero hindi 'yan ang kabuuan ng kuwento, Kate."
Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang libro. Nagsipasukan naman ang malamig na hangin na hindi ko alam kung saan galing. Subalit napabaling ang aking atensyon kay Lola nang marinig ko siyang magsalita ng mga salitang hindi ko naiintindihan.
Nakakumpas ang kaniyang mga kamay. While her eyes are close, the candle in the middle of the table suddenly lit on its own. Minute later, nawala ang malamig na ihip ng hangin. Lola also stopped muttering words I couldn't understand.
"Kate, look in the mirror." Ginawa ko ang sinabi ni Lola. My eyes grew twice wider. To my surprise, I saw movements of images. I was impressed of how magic works. Tila ba'y nanonood lang ako ng recorded video sa laptop ko. "Our family is powerful. We are the strongest witches in Mist Coven next to the leader."
Panimula pa ni Lola. Nasa salamin lang ang mata ko, nanonood, habang nasa kay Lola naman ang tenga ko, nakikinig. Ang mga sumunod na nakita ko sa salamin ay si Mama. In her early 20's. Naglakad siya patungo sa gubat. Huminto si Mama sa harapan ng mga naglalakihang puno. She then muttering words. Couple of seconds later, tumambad ang malaking bahay.
"The Mist Coven was hidden in the middle of the forest, protected by a cloaking spell," rinig kong paliwanag ni Lola. "Cloaking spell is a spell used to hide someone or something away from a mortal's sight. That spell was one of our patron's magic. Pero ang kaibahan lang ay mist naman ang sa kaniya."
Habang ako naman napatango-tango sa sinabi niya. Nang makapasok si Mama sa bahay na 'yon ay sinalubong siya ng isang lalaking may bigote. Hula ko'y nasa mid-thirties lang siya.
May pinag-usapan silang dalawa. I wanted to hear what they were talking. But unfortunately, the mirror don't works like that. Tila ba'y nanonood lang ako ng recorded video na naka-mute.
"That's Crisostomo, the coven's leader. He is a siphon witch. May anak naman siyang babae. Ang kakayahan ng isang siphon witch ay kaya nilang i-absorb ang mahika sa pamamagitan ng paghawak. They can steal magic without muttering spells," pagpapakilala naman ni Lola sa lalaking nakikita namin sa salamin.
The mirror flashed, nag-iba naman ang aking napanood. All members of the coven gathered in a chamber. Mama and Lola were standing behind the coven leader. Sa paanan niya ay may itim na bag. Napansin ko kaagad kung gaano kasama ang mga tingin ng coven members sa kanilang dalawa.
"April 12, 1999, this is when the leader left the coven in our hands. Nagpaalam siya nito na pumunta ng Vetos Lucos at Acasys de Lapaz para bumili ng maraming vervain at wolfsbane." Sa pagkakataong 'to, napalingon ako kay Lola. "Vervain and wolfsbane are herbs used against vampires and werewolves. If vampires makes a physical contact with vervain in any form, it will burn them. If a vampire ingests vervain, the vampire's throat and digestive tract will be burn. And they will become feverish and extremely weak. On the other hand, wolfsbane are for werewolves. It works the same as vervain," pagpapaliwanag niya kung para saan ang vervain at wolfsbane na sinasabi niya.
Tanging alam ko lang ay ang wolfsbane ay isang nakamamatay na lason. Napatingin uli ako sa salamin nang biglang mag-iba ang paligid. The images zoomed to the girl who looked truly mad. Tila ba'y hindi niya nagustuhan na sina Lola at Mama ang pinagkakatiwalaan na mag-manage ng coven habang wala ang leader.
"That girl was Meira Durano. She came from a family who disliked Valenzuela since the old days. Natatandaan ko pa 'ang kuwento ng Mama ko. Durano always plays dirty till they get what they want. And that proves what she did to your mother."
Napakuyom ako sa aking mga palad. Nag-iba ulit ang paligid sa pinanood namin. There I saw, a birthday party inside of the coven. Masaya silang lahat. Nagkakatuwaan. At the corner of the house, I saw Meira with her vengeful eyes.
"Meira Durano excels in potion brewing. Magaling siya sa field na 'yan." Huminto sa pagsasalita si Lola.
Lahat ay pagod na dahil sa party. Nakita kong nag-iisang nakaupo si Mama sa upuang gawa sa kawayan. Nasa veranda ng bahay siya sa mga oras na 'yon. Nakita ko pang nakatingala si Mama sa kalangitan. Her astounding smile quickly plastered upon her lips. She was mesmerized how beautiful the stars gleaming beyond the clouds.
Subalit nahinto 'yon nang biglang dumating si Meira. May hawak-hawak itong dalawang baso. The other one was glowing pink. Pero mukhang hindi 'yon napansin ni Mama.
"Unaware Grace drank the wine mixed with love potion." Kaagad ko napansin sa timbre ni Lola kung gaano siya galit kay Meira. "The love potion was personally requested by a werewolf from Lowell's pack. Your Mama's admirer and a desperate man to own her love. Meira took that advantage to execute her plan to get rid of us." Mas lalong lumalim ang galit sa timbre ng boses ni Lola.
It's as if hearing those names made her explode in anger. "Pero sa panahong 'yon, magkasintahan na ang Mama mo at ang ama mo," her voice softened. "It took two hours before the potion became effective."
Ang sumunod kong nakita sa salamin ay kung paano pinagtatawan at kinukutya sina Lola at Mama. The angry coven leader banished them. And took their power by siphoning them. The coven members looked at them with disgust. Meira on the corner, smiled in victory.
"Halos masira ko ang pagkakaibigan ng ating pamilya sa mga Lowell dahil sa nangyari. Nagkaroon ng malaking alitan. Hanggang sa umamin sa amin ang lobong nag-request ng love potion kay Meira. Sabi niya, siya raw ang may kasalanan kung bakit kami itinakwil." Naging malungkot ang timbre ng boses ni Lola.
Tila ba'y natatakot siyang masira ang samahan ng mga Valenzuela sa pamilyang Lowell. Ang samahang natatag noong unang panahon.
"Grace and I tried to explained everything to the coven leader. But he never listened. We begged over and over and over again. Pero naging walang saysay lahat nang 'yon," bumalik ulit ang galit at pagkadismaya sa boses ni Lola. "We lost our magic for good."
After she said that. Nawala ang mga images sa salamin. Namatay nang kusa ang kandila at sumara ang grimoire. Napatingin ako sa mata ni Lola nang hawakan niya ang aking mga kamay.
"Not until last night." My eyes grew wider after she said those words.
Napatalon ako sa tuwa. "Really?" tanong ko. Isang tango naman ang itinugon ni Lola at isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa kaniyang labi. "But, how?" I curiously asked.
"Because of you." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "The day after we are banished from the Mist Coven, Hecate, the goddess herself calls upon me. She said: Fear not, my child. Thy magic never fades. Thee shall have them back when thy first granddaughter needed it. She whom the future of thy family. Remember, my child, Lowell is thy friend. In honor of my grace, thee shall name her before me."
Bigla akong kinilabutan dahil sa narinig ko sa sinabi ni Lola. Nagkatitigan kami ni Lola ng dalawang segundo at niyakap ang isa't isa. I shed a tear on my left. Because of me, Lola's power are back. Nahinto ang aming pagyayakapan nang biglang bumukas ang pintuan.
Nakita ko si Mama na hindi makapaniwala at luhaan. Sigurado akong nandito siya para ipaalam na bumalik din ang mahika niya.
Napatakbo ako sa kaniya't niyakap siya. She hugged me back. Bago pa man ako kumawala sa yakapan namin ay naramdaman ko ang pagyakap ni Lola mula sa aking likuran.
"Promise me again to protect Caelestis." Nagulat ako nang banggitin ni Lola ang pangalan ni Kai. Kumawala ako sa pagyayakapan namin. My forehead furrowed quickly. Dahil hindi ko natatandaang sinabi ko ang pangalan ni Kai sa kaniya. "Ang Papa mo ang nag-chant ng spell sa kuwintas niya. Caelestis' parents asked him a favor to create an amulet to suppress his form and his powers. Para ito itago ang tunay niyang pagkatao," she added.
"Bakit kailangan pang itago ang tunay niyang pagkatao, Lola?" I asked.
Nakita kong nagkatinginan sina Lola at Mama. They even both sigh before answering my question. Habang ako naman dito ay nate-tense na sa pinapakita nilang kilos.
"He is―" Huminto muna sa pagsasalita si Mama at lumunok. "Witches considered him the abomination of nature."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro