Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 | Emblem and Tattoos

Of all the odd things that have happened to me for the past five days, I never thought seeing someone kissing Ry before me could affect me this hard. 'Yong pakiramdam na parang ninakawan ka. Later that night, Ry texted me. Explaining the kiss I witnessed yesterday at noon.

He said, Kiara is just a friend. At gawain daw ng babaeng 'yon ang ganoong bagay. Kilala raw nila ang isa't isa noon pa. Marami pa siyang pinaliwanag sa akin na hindi ko na natatandaan. Ang dami kong isipin, dumagdag pa ito.

When Ry is around, my heart will skip a beat. His presence is enough to numb my system. Butterflies will flying around my tummy. Smiles that are uncontrollable. Kakaibang saya ang hatid niya sa akin.

May mga naging crush naman ako noong high school pa ako. Pero hindi ganito kalala. Hindi ganito kalala to the point na bibiyakin na lang ang ulo ko sa kaiisip kung bakit.

"Apo, ayos ka lang?" Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Lola.

Lumingon ako sa kaniya. Nginitian ko siya ng matamis. "Ayos lang naman ako, 'la," sagot ko.

"Sigurado ka?" Nakakunot ang kaniyang noong tanong sa akin.

Tumango ako bilang pagtugon. Lulan kaming dalawa ng tricycle papunta sa Barangay Najo. The last barangay of Luna Roja. Ang Barangay Najo ay ang border ng Luna Roja sa south side ng siyudad. Ang kasunod na barangay ay teritoryo na ng Las Plovis.

After a short conversation with Lola, muli akong tumingin sa dinadaanan namin. A sweet smile plastered upon my lips. The road stretches onward, embracing the land, taking each turn in easy stride. It is grey that has welcomed many suns, becomes silvery as it soaked in the rays.

Ito ang gusto ko sa Luna Roja. Even it was one of the biggest cities, naka-preserve pa rin ang mga naglalakihang kahoy sa gilid ng kalsada. Branches were creaking, road was busy, birds were singing, leaves rustling, and wind was whistling.

Nakakagaan lang ng pakiramdam. Nagpakawala ako ng buntonghininga bago ngumiti ulit. Sabi sa akin ni Lola pupunta kami ngayon sa farm ng kaibigan niya. Sumama ako sa kaniya since wala naman akong gagawin.

Dumiretso kaagad kami ni Lola pagkatapos ng klase ko sa National Service Training Program namin. Kinuha kong program ay ang C.W.T.S o mas kilala bilang Civic Welfare Training Service.

"Lola, ano nga pala gagawin natin doon?"

Nginitian niya ako bago sumagot. "Bibisitahin ko lang kaibigan ko. At saka ipapakilala rin kita sa kanila," sagot niya naman.

"Okay po." Nakangiting sagot ko pabalik kay Lola.

Dumaan ang ilang segundo, pumasok na kami sa isang eskenita. Sumalubong sa akin ang mga naglalakihang mga puno sa hindi kalayuan. May nadaraanan din kaming rice field. Huminto ang tricycle na aming sinasakyan sa puno ng langka.

Humanga kaagad ako dahil sa ganda. There were numerous trees of jackfruit on both side of the one way road. Matapos magbayad ni Lola ay nagsimula na siyang maglakad. Sumunod naman ako. Ang maliit na daan na 'to ay pataas nang pataas.

Hindi naman gaanong mataas. Para lang kaming umakyat ng maliit na bundok. Hindi ako napagod. Sa halip ay ang gaan lang ng pakiramdam ko. This is the feeling of province. Malayo sa busy na siyudad. 'Yong pakiramdam na wala kang makikitang gulo sa hindi kalayuan.

'Yong pakiramdam na halos kulay-berde na ang ating nakikita sa paligid. Because of the view, bigla kong na-miss ang Las Plovis. Sa harap kasi ng bahay namin doon ay gubat. Sa likod naman ng bahay ay ganoon din. In short, nasa tuktok ng maliit na bundok ang aming tahanan.

Nang malagpasan namin ang mga nakahilerang puno ng langka ay pumasok na kami sa gubat. Seconds of walking, a field of corns greeted my eyes. Hanggang sa lumagpas kami sa maisan ay napadaan kami sa mga gulayan. Iba't ibang klase ng gulay.

Napangiti ako nang matanaw ko na sa hindi kalayuan ang mga bahay-kubo. There are total of six houses made of bamboo. Nang makarating kami ay sinalubong kami ng isang matandang babae. Kasing-tanda ni Lola Merci.

"Ito na ba ang iyong apo, Merci?" tanong nito kay Lola.

Her face quickly lighten up when Lola nodded as a response. A sweet smile gradually formed upon her lips. Nailang kaagad ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hinahaplos-haplos ito na tila parang sinasamba ako.

"Kamukhang-kamukha sa nanay niya," she commented. "Kapansin-pansin naman ang mata ng isang lider." Kumunot bigla ang aking noo dahil sa sumunod niyang sinabi.

I have the eyes of being a leader? Seriously? If she knew how shy I am, baka babawiin niya ang kaniyang sinabi pagkatapos. My Mom had the eyes of being a leader, not me. Her personality fits that kind of label.

"Hindi naman po," nahihiya kong sagot.

"Aba, kasing-bait din ng ama," humahangang komento nito. "Kami ay nagagalak sa presensya mo, Alp―" She nervously laugh when she realized what she was about to say. She and Lola exchanged looks. But they were quick to act like nothing happened. "Reyan," banggit niya sa second name ko.

"Nagagalak naman po akong makilala kayo," magalang kong sagot.

"Tawagin mo akong Lola Kariya." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Instead of responding her my words, I just simply nodded. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan nakatayo ang mga bahay-kubo. "Lupus! Iikot mo si Reyan sa sakahan dahil may pag-uusapan lang kami ni Merci!"

Nagsilakihan naman ang aking mga mata nang banggitin ni Lola Kariya ang pangalang Lupus. Hindi ako nagkamali sa taong naisip ko nang lumabas si Lupus sa naunang bahay. My mouth fell half-open.

Tumawa naman si Lupus nang makita niya akong nakanganga. "I know that reaction." Natatawa niyang saad. "Halika." Anyaya niya sa akin at nagsimula na kaming maglakad.

Lumingon ako kina Lola. Papunta na sila sa isang bahay na hugis trianggulo na gawa sa mga dahon ng palay. It's like an ancient tribal house I've read in books. Ito lang kasi ang naiiba sa mga bahay na nakatayo. Because the rest are made of bamboo.

My forehead quickly furrowed. Kanina ko pa napapansin ang mga waxing crescents na nakalagay sa bubong ng bawat bahay. Pero roon sa bahay na pinuntahan nila Lola Merci at Lola Kariya ay mas malaki ang waxing crescent na nakasabit sa dulo.

"Those are our emblem, Kai," rinig kong sabi ni Lupus. Nabaling ang aking atensyon sa kaniya. "Those represents us. The identity," he added. "For centuries, waxing crescent provided our family the abundance and peace that we deserve. Despite the struggles we faced all throughout the time. Life will always full of surprises," pagpapatuloy niya pa.

Iniling niya ang kaniyang ulo nang mapansing ang tahimik ko. "Sorry, ang daldal ko talaga," tila natataranta niyang sabi. Habang ako naman ay napangiti.

"Luh, nag-sorry. Mas mabuti ngang may madaldal na kaibigan sa tabi ko. Alam mo na, tahimik akong tao," nahihiya kong sagot.

Nakita ko siyang tumatango-tango. Sumasang-ayon siya sa sinabi ko. "Napapansin ko nga. Mailap ka, Kai. Pero alam ko ang daming nangyayari sa utak mo," he said.

After that conversation, deafening silence took over between us. Dinala ako kanina ni Lupus sa fruits field ng farm nila. May mga puno ng santol, iba't ibang klaseng mangga, lansones, rambutan, at kung anu-ano pa.

Bestie talaga kami ng lupa. I mean, kanina pa diretso ang tingin ko sa lupa dahil kanina ko pa napapansin ang mga titig ng ibang farmers. Some of them telling me through the expression of their faces that they are delighted of seeing me. There are some na ang sasama ng titig.

"'Wag mo na lang sila pansinin, Kai. Sa akin ka lang tumingin," banat pa niya sa akin. Pareho kaming tumawa, sabay sapak ko sa matipuno niyang braso. "Bago ka pa kasi sa paningin nila kaya ganoon ang mga tingin sa 'yo."

Naglakihan naman ang aking mga mata nang makita ko si Wolfie naglalakad papalapit sa aming dalawa ni Lupus. May bitbit itong dalawang manggang hilaw. Nagkasalubong ang aming tingin ni Wolfie nang inabot niya ang mangga kay Lupus.

After that, he bowed his head before excusing himself. Kaya pala ganoon na lang ang trato nilang dalawa sa isa't isa. Magkakakilala na sila noon pa.

"May tattoo ka pala sa kanang braso mo, Lupus," sabi ko sa kalagitnaang pagbabalat ni Lupus sa manggang hilaw na inabot ni Wolfie sa kaniya.

Napatigil siya sa pagbabalat. An awkward smile formed upon his lips. "Gusto mo ba tignan?" nahihiya niyang tanong.

Tumango ako bilang pagtugon. Nang makita niya ang sagot ko ay bahagya siyang tumagilid para makita ko nang maayos ang tattoo niya. I gasped when I realized how beautiful it was. It looks like a reverse uppercase letter L. Nasa loob naman ito ng bilog.

"That symbol is called Gamma."

Pabalik na kaming dalawa ni Lupus sa mga bahay nila. At hanggang sa pabalik ba naman nasa akin pa rin ang mga mata nila. Natatawa kong tinignan si Lupus dahil hanggang ngayon ay kagat-kagat pa rin niya ang buto ng manggang hilaw.

Hindi ako gaano kumain nito dahil sa sobrang asim. Mas prefer ko kasi ang hinog na mangga.

Hinatid ako ni Lupus hanggang dito sa bahay na pinasukan ni Lola kanina. May dalawang lalaking nakatayo nang matuwid sa bawat side ng pintuan. Habang may hawak-hawak silang sibat sa isang kamay nila.

Para lang silang royal guard kung makatayo nang matuwid. At saka, bakit kailangan pa nilang bantayan ang pintuan? Ano 'to may sasalakay at kailangan nilang protektahan ang kanilang leader? I secretly laugh because of the thought.

I was about to knock the door when it suddenly opened. Umatras naman ako nang humakbang si Lola palabas. Napatingin naman ako sa hitsura ng loob. There I saw a four foot tall chair made of silver. Upuang tila para sa isang reyna o hari.

Sa dulo ng upuan ay kapansin-pansin ang waxing crescent moon. Habang naglalakad ay nakasunod lang ako nina Lola Merci at Lola Kariya. But my forehead furrowed in confusion when I saw Lola had a tattoo.

For two years living together, ngayon ko lang ito napansin. Sa loob ng bilog ay ang uppercase letter ng A. Mas lalong kumunot ang aking noo nang mapansin ko ring may tattoo si Lola Kariya.

Parehong located ito sa ibaba ng nape nilang dalawa. Kay Lola Kariya naman ay uppercase letter ng B. Naalala ko bigla na may tawag sa tattoo na ipinakita sa akin kanina ni Lupus sa akin.

Ano kaya tawag sa tattoo nila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro