Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10 | Silver Skull Necklace

Sa pag-alis ni Rory ay tila para akong binuhusan ng malamig na tubig. My forehead won't stopped furrowing. Habang sumisikdo nang mabilis ang puso ko ay tila tumunog naman ang kampana sa tenga ko.

Kanina pa weird si Ry no'ng sumagot siya ng 'I know' nang magsimula akong mag-share tungkol sa paglipat ko rito sa Luna Roja two years ago. Pero nang tanungin ko siya kung ano'ng ibig sabihin niya sa sagot niyang 'yon. He was quick to clarify it. He said, may ka-chat daw siya. At minsan daw ay na vo-vocalize niya ang dapat niyang i-reply.

I believed it, of course. When an old man approached our table while staring at him, asking him why he doesn't get old, my belief turned upside-down. Nag-o-overthink na naman ang bakla. My instincts were telling me something's going on. Something is off.

It's as if Ry was keeping a secret from me. Things that I didn't know. Pero sino ba naman ako sa buhay niya, 'di ba?

I mean, matanda na ang lalaking nagtanong sa kaniya. Posibleng may deperensa na ito sa memorya kaya ito nagtanong sa kaniya tungkol doon. Most of the aged people were dealing with dementia. Or whatever they called it.

"Lolo, maupo muna kayo," pag-aya ko sa matanda.

Tumingin siya sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo. Marahil ay naguguluhan siya kung bakit umalis si Ry matapos niya itong tanungin. Tumayo ako sa pagkakaupo't inalalayan siya.

"Kapatid ka ba ng binatang 'yon, iho?" tanong niya sa akin nang makaupo na kami pareho sa upuan.

Iniling ko ang aking ulo. "Hindi po. Kaibigan ko lang po 'yon," I responded. I offer him my food, but he was quick to refuse. Sabi niya ay hindi na raw siya puwede kumain ng mga matatamis na pagkain.

"Ano po ibig niyong sabihin sa tanong niyo sa kaibigan ko, Lolo?" this time, hindi ko na mapigilang magtanong.

My instincts was telling me that this old man has something to offer. Na baka masagot nito ang mga katanungang bumabagabag sa akin.

A smile never hesitated to formed upon his lips. "Sigurado akong siya 'yong binatang nagligtas sa amin noong ma-aksidente ang aming sinasakyang bus. Matanda na ako, oo, pero tandang-tanda ko pa ang mukha ng bayaning nagligtas sa amin." Isang luhang nagpigil na kumawala sa kaliwang mata niya.

Nakikinig lang ako sa kaniya't nakakunot pa rin ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa aking mga naririnig. Therefore, I chose to stay silent. Pero hindi ko naman sinara ang aking tenga sa pakikinig .

"Papauwi kami noon galing sa pinakamagandang resort sa Barangay Luro. Lulan kami ng kulay dilaw na bus. Papalabas na kami ng barangay Luro nang biglang nawalan ng preno ang sinasakyan namin." Ramdam na ramdam ko pa ang emosyon niya habang binibigkas ang mga katagang 'yon. "Paika-ika ito hanggang sa bumangga kami sa nakasalubong naming truck."

I quickly bit my lower lip when Lolo started crying. Pinunit bigla ang aking puso at piniga pa ito. Sumunod na sumakit ang lalamunan ko dahil sa luhang nagbabadyang rumagasa.

Ang Barangay Luro ay ang huling barangay ng Luna Roja. Ang sumunod na barangay ay kabilang na 'yon sa siyudad ng Dupont.

"Everything was fast. Bumaliktad pa ang sakay-sakay naming bus. Half of the passengers were already dead, and the other half was still fighting for our lives. And―" His voice suddenly cracked and his river of tears fell upon his eyes. "Ang ama ko, mga kapatid ko, at ang Lolo't Lola ko ay hindi nakaligtas. Me and my Mom was included to the other half of passengers who survived."

He stopped talking. Ibinuhos na lamang niya ang kaniyang mga luha. Habang ako naman ay dinamayan si Lolo. Tumayo pa ako sa pagkakaupo't niyakap siya ng mahigpit. No one deserves that death. But, life will always full of surprises.

Hindi natin alam kung hanggang kailan ang oras natin sa mundo.

"I was twenty years old when that happened." My eyes grew wider when I heard him confessed. "Hindi kaagad kami nabigyan ng tulong dahil malayo kami sa siyudad. Rinig na rinig ko na ang iyakan ng mga pasaherong nawalan ng mahal sa buhay. Maging kami rin ng ina ko," he added.

Tango-tango lang ako habang nakikinig pa rin sa kuwento niya.

"Makaraan ang isang minuto, biglang dumating ang isang binatang lalaki." Tila umatras ang luha ko nang banggitin niya ang binatang lalaki na nagligtas sa kaniya. At alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "He helped everyone. Nailabas niya kami lahat sa natumbang bus kasing-bilis ng kidlat."

That fast? No one can do that. Napatigil ako sa pag-iisip ng malalim nang mapansin kong nakatingin na sa akin si Lolo. Nakita ko pa siyang tumatango-tango.

"I know how absurd it was. Pero tanda-tanda ko pa. Malinaw pa rin sa mga alaala ko," siguradong-sigurado niyang saad. "Naghawakan kami ng Mama ko ng kamay. Dahil alam namin pareho ilang segundo na lang malalagutan na kami ng hininga. Nagising na lamang ako sa hospital the next day," he concluded his story.

Napaisip na naman ako nang malalim.

"Sigurado po ba talaga kayo na iisa lang ang taong inyong binanggit?" paglilinaw ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin nang malungkot, kasabay nito ang pagtango niya. "Naiintindihan ko naman na hindi kapani-paniwala ang kuwento ko, iho. Pero sinasabi ko lang ang totoo. Hindi kailanman katanggap-tanggap ang mga taong nagku-kuwento para lang kaawaan. At hindi ko 'yon gawain." Napatayo ako nang tumayo bigla si Lolo.

Nginitian niya ako at tinapik pa ang aking balikat.

"Salamat sa pakikinig sa akin, iho." Sabi niya't aakmang tatalikuran ako dala-dala ang in-order niyang kape para raw sa anak niya.

Sinabayan ko siya sa paglabas ng café. Humarap siya sa akin nang may ngiti sa labi. "Una na ako sa 'yo, iho. Sigurado akong hinahanap na ako ng aking asawa."

Nginitian ko siya pabalik. "Maari ko po bang makuha ang inyong pangalan, Lolo?" magalang kong tanong sa kaniya.

"Primitivo Constancia."

Bumaba ako ng tricycle nang huminto ito sa destinasyon ko. Gusto ko mang umuwi kaagad pagkatapos ng pagkikita namin ni Ry kanina. But I decided to went straight here at the city's library. When Lolo Primitivo excused himself, naiwan akong hindi mapakali.

Naiwan akong medyo nakulangan sa mga nai-kuwento sa akin ng matanda. There was something I wanted to see. Or am I trying to defend Ry? Am I trying to prove Lolo Primitivo that he's wrong about him?

Ang nag-iisang Rory Colmillos Del Grosso ay nabuhay pa noong mga kapanahunan ni Lolo Primitivo? If he is, dapat matanda na siya. At bakit umalis na lang bigla si Rory nang makita niya si Lolo? Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya?

He said, something came up. Do I really need to believe him? Totoo ba talaga ang sinabi niya? O baka rason niya lang 'yon para makaalis? Ewan. Hindi ko na alam kung alin sa kanila ang totoo. Plus, Rory was still mysterious to me. Even if he shared his background a little bit, that wasn't enough.

Hindi ko pa siya lubusang kilala.

"What can I do for you, sir?" tanong sa akin ng librarian nang makalapit sa counter niya.

"Puwede ko po ba makita ang archive library from 1970's?" magalang kong tanong pabalik sa kaniya. Tinignan niya ako ng masinsinan. Tila parang sinusuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. "For educational purposes lang po," pangungumbinisi ko pa.

It seems that the city's library is very strict when it comes to archives.

"What specific incident did you want to have a look at? I'll give you the exact year," she straightforwardly asked.

A delightful smile formed upon my lips. "The bus incident of Barangay Luro," maikli kong sagot. Nakita ko pa ang pagkunot ng kaniyang noo. Tila parang naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.

Kaagad kong nakuha ang ibig niyang iparating. Of course, there are countless bus accidents over the years in Barangay Luro. "It is said that there is a mysterious man who helped the victims. The authorities were trying to trace him, but they couldn't find any information," I added.

Hindi ko na napigilan na murahin ang sarili. Hindi ako sigurado sa sinagot ko. Kung ano 'yong lumabas sa bibig ko ay binasi ko lang sa kinuwento sa akin kanina ni Lolo Primitivo. And the last sentence I've said, nag-a-assume lang ako na baka walang nakuhang impormasyon ang mga awtoridad tungkol sa 'misteryosong lalaki'.

After she heard what I responded, nagtipa kaagad siya sa keyboard ng computer niya. Seconds later, inangat niya ang kaniyang ulo para tignan ako.

"Please proceed to computer two," she sparingly answered. "You have two minutes."

Hindi ako makapaniwalang naglakad patungo sa ikalawang computer. She's only giving me two minutes? Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga bago umupo sa upuan. Nakabukas na ito't dumiretso sa kuhang litrato ng newspaper noong panahong 1970.

Unang sumalubong sa mata ko ang headline ng newspaper. Nag-scroll down ako gamit ang wireless mouse. Binasa ko ang laman ng article nang tahimik. Lahat ng kinuwento sa akin ni Lolo Primitivo ay nandito sa article. It seemed like this was his statement way back when he was twenty years old.

Binanggit din dito ang patungkol sa misteryosong lalaki. Ang lalaking tinuturo niyang si Rory. I gasped when I read that the authorities really couldn't find any information about him. Tila ba'y hindi raw ito nag-e-exist.

I was right! Tama ako sa sinagot ko kanina sa librarian. Nag-scroll down ulit ako. Nayanig kaagad ang buo kong pagkatao nang tumambad sa akin ang isang portrait sketch ng lalaking kamukha ni Rory. Kamukhang-kamukha niya ito. Nagsilakihan naman ang aking mga mata nang mapansing nakasuot ito ng pamilyar na kwintas.

Kwintas na sinuot kanina ni Rory.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro