Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08 | If You're Sorry

Napaatras ulit ako sa aking kinatatayuan nang maglakad siya muli sa kinaroroonan ko. Kahit na bumalik siya sa Rory na una kong nakilala ay tumatak pa rin sa ulo ko ang pagiging kakaiba niya kanina. It's as if when he saw Akihiro, he became a different person with the same body.

"You don't have to be afraid with me, Kai," malambing niyang saad. "I will never hurt you because I promised to them," he added.

He even emphasized the word 'them' that made my forehead furrowed in confusion. Napatigil ako sa pag-atras nang tumama ang puwetan ko sa lamesa. Bahagya akong napangiwi dahil sa sakit. Pero nagsilakihan naman ang mga mata ko nang biglang hawakan ni Rory ang magkabilang pisngi ko.

His soft palm brushed against my cheeks.

Napatingin ako sa kaniya dahil dito. At sumalubong sa akin ang nangungusap niyang mga mata. His mocha-brown eyes were as tantalizing as the stars. Mas lalong kumunot ang noo ko nang sumilay ang malungkot niyang ngiti sa labi.

"Kai, look into my eyes." Sa hindi malamang dahilan bigla akong napasunod sa sinabi niya. "You will not remember the conversation I had with Akihiro. But, you'll only remember that Akihiro trying to harass you and I came. Nagkasuntukan kaming dalawa. At wala ng iba pang nangyari."

Napapikit ako sa aking mata nang bigla itong bumigat. Pagkadilat ko'y nasa aking harapan si Rory. Tiningnan ko siya. Nabaling ang aking atensyon sa mga lamesa at upuang nasira dahil kanina. That guy named Akihiro!

Napansin ko namang ang mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari ay nagkumpulan sa dulo ng cafeteria. Subalit bumalik ang aking tingin kay Rory nang marinig ko siyang bumuntonghininga. Nahihiya akong hinawakan siya sa kaniyang braso para kunin ang atensyon niya.

"Are you okay?" I asked. Hindi ko siya hinintay na makasagot at sinuri ang buong katawan niya. Kumunot ang aking noo. Wala man lang siyang sugat na natamo niya sa pagsusuntukan nilang dalawa ni Akihiro. "Wala bang masakit sa 'yo?"

Nahinto lamang ako sa pagsuri sa kaniya nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Dahil sa kahihiyan ay napakagat ako sa aking ibabang labi. Ramdam na ramdam ko ang pag-angat ng dugo ko sa ulo ko.

I'm hundred percent sure, pulang-pula na ang pisngi ko't tenga.

"Do you remember?" he suddenly asked.

Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kaniya. I could trace worried on his eyes. At ang timbre ng kaniyang boses na tila parang bother sa isang bagay na hindi ko mahulaan kung ano. But, I think he refers to what happened earlier.

"Oo naman. Sino ba namang hindi makaalala sa kumag na Akihiro na 'yon?" kaagad na sagot ko sa tanong niya.

This time, his forehead furrowed. It's as if he's not satisfied with my response. "How much do you remember?" Ako na naman ang naguguluhan sa mga tinatanong niya. Para siyang 'yong taong may tinatago na ayaw niyang malaman ko.

I don't want to be rude, therefore, I answered his question. Kinuwento ko sa kaniya simula no'ng dumating si Akihiro at ang tatlo pa niyang kasama. Kasali na rin doon 'yong inosenteng estudyante.

Then Akihiro suddenly appeared behind my back. Telling me that he wanted to drain my blood. I told him 'cheap' and he angrily grip my wrist. Saka dumating siya. He told him to let me go.

At hindi nakinig si Akihiro sa kaniya no'ng sinabihan niyang bitawan ako.

Dahil sa katigasan ng ulo ni Akihiro ay sinuntok niya kaagad ito sa mukha. And that how their fist fight happened. After I told him how far I remember, a heavy sigh escaped from his mouth. It's as if a thorn finally leaped out from his throat.

"Bakit mo pala naitanong?" Sa pagkakataong 'to, ako naman ang napatanong sa kaniya.

He looked at me coldly. That made me look at him in surprise. "It's none of your business," he sparingly responded.

Sa hindi malamang dahilan, bigla kumirot ang puso ko. Bakit naman ako nasasaktan kung bakit ganoon bigla ang naging reaksyon niya. At isa pa, hindi ko pa siya kilala. I never had the chance to getting to know him. Because he always had this aura with him that made my mouth shut before I could throw him questions.

"Salam―"

"Rory Colmillos Del Grosso and Akihiro Chavez is expected in guidance office!"

Hindi ko natapos ang gusto kong sasabihin nang biglang umalingawngaw ang galit na galit na boses ng isang matangkad at maputi na lalaking estudyante. Nakasuot siya ng eyeglasses at naka-brace pa ang mga ngipin.

May dala-dala pa siyang isang libro sa kamay niya. He looked like the school's student government president. Pagkatapos marinig ni Rory ang sigaw nito ay ibinulsa niya ang kaniyang dalawang kamay.

I bit my lower lip when he lost at my sight. Habang ang mga mata ng ibang estudyante ay nakatuon pa rin sa akin. Then they started whispering. Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntonghininga.

"Oh my god, we heard the news about what happened at the cafeteria. Are you okay?" Salubong sa akin ni Hecate nang makarating sila sa designated room namin para sa Readings in Luna Roja's History subject.

Umalis kaagad ako sa cafeteria matapos pinatawag sina Rory at Akihiro ng guidance counselor sa opisina nito. At tumungo na lamang dito para patayin ang oras na mag-isa. Nandito na ang dalawa dahil malapit ng mag-a-alas-dos.

I smiled at her. "Ayos lang naman ako. Kung hindi lang dumating si Rory, ewan ko na lang. Pero nang dahil naman sa akin napatawag siya sa guidance office," guilty kong sagot sa kaniya.

"Makakatikim sa akin 'yang Akihiro na 'yan," nanggagalaiti sa galit na saad ni Lupus.

Sinapak siya ni Hecate sa braso. Ngumiti lang ako at nagpakawala ng buntonghininga. Hindi pa nga ako nakapagpasalamat kay Rory. Tapos napatawag pa siya sa guidance office dahil sa akin. Kaagad ko namang pinagpasalamat nang hindi na nangulit pa ang dalawa.

It seemed they noticed how silent I was.

Dumaan ang isang oras ay natapos na ang aming klase sa hapon. And we are now vacant from three to five in the afternoon. At puwedeng-puwede na umuwi para makapagpahinga. Hecate and Lupus were talking about going to the mall. Gusto raw nila pumunta sa arcade at pagkatapos ay kumain sa Mang Inasal.

Gusto kong sumama sa kanila. Pero wala naman sa pinag-uusapan nila ang utak ko. Walang lakas akong tumayo sa pagkakaupo't naglakad palabas ng classroom. Habang ang dalawa naman ay nagkukuwentuhan.

My eyes went directly to the floor. Nakabagsak ang aking balikat. Dahil sa akin hindi nakapasok sa klase si Rory. May nakapagsabi sa amin na pinarusahan daw sila ng guidance counselor.

Kailangan kong magpasalamat at humingi ng sorry kay Rory. Ayokong matapos ang araw ngayon nang hindi man lang nagpasalamat at nag-sorry sa kaniya.

"Ikaw ba, Kai. Sama ka sa amin?" Lupus suddenly asked.

I looked at them, teetering. "Susubukan ko," nahihiya kong sagot. "Mauna na pala kayong umuwi. May dadaanan lang ako." Dagdag ko at nagmamadaling tumalikod sa kanila.

"Samahan ka na namin!" Rinig kong sigaw ni Hecate.

Lumingon ako sa dalawa habang tumatakbo. Kinawayan ko sila. "Huwag na. Kaya ko naman!" Sigaw ko pabalik.

Papunta na ako ngayon sa cafeteria. Nagtanong ako sa student government secretary na nakasalubong ko kanina kung nasaan si Rory. Ang sabi niya ay nasa cafeteria raw ito, naglilinis. Sabi pa niya ay campus service raw ang naging punishment ng dalawa na ibinigay ng guidance counselor.

Pagkarating ko sa cafeteria ay nadatnan ko siya na nagpupunas sa lamesa. Kumunot ang aking noo. Hindi ko mahagilap ang gagong si Akihiro. Napailing na lamang ako. That ungrateful Chavez. Nauna pa ngang umuwi.

Hindi man lang tumulong. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang kabahan ako. Marahan kong tinulak ang glass door dahilan para mapalingon siya sa akin. He throw me a confused look for a second and continued what he was doing.

"What are you doing here, Kai?" tanong niya sa akin nang makalapit ako sa kaniya.

"Umm, ano kasi . . ." utal-utal kong sabi na nagpadagdag sa akin ng kahihiyan. Sabihin mo na, bakla ka ng taon! Nagpakawala ako ng buntonghininga bago napagdesisyunang sabihin ang gusto kong sabihin kanina pa. "Salamat pala dahil kanina. Saka sorry dahil sa akin naglilinis ka ngayon at hindi ka nakapasok sa klase."

Nakapikit pa ako nang sabihin ko 'yon.

"Cute." He chuckled.

Napamulat ako ng aking mata nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Tumaas ang aking kilay nang makita siyang nagpupunas siya sa lamesa. Did I hear that right? O baka guni-guni ko lang 'yon?

Nakatayo pa rin ako sa likuran niya, naghihintay sa isasagot niya. Hindi ko alam pero naluluha na ako. It's been seconds had passed, wala man lang ako nakuhang response niya.

I bit my lower lip to resist my tears from falling. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang bigla siyang magsalita.

"If you're sorry, go out with me later."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro