The Unexpected Date
Nakapalumbaba si Mikylla habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana. Sobrang lakas ng ulan, dagdag pa ang umiihip na hangin dahilan para magsayawan ang mga puno sa labas ng kanyang kwarto.
Valentine's Day pero heto't nandito siya sa bahay at nagmumukmok.
Nakakapanghinayang dahil hindi siya nakapunta sa mall show ng isang idolo niyang si Donny Pangilinan. Napaka-unfair nga naman ng buhay, kung kailan pinayagan siya ng magulang doon pa sumama ang panahon.
Nakakaloka.
Tumuon ang kanyang atensyon sa bintana sa katabing bahay nila, kagabi ay maingay sa kabilang bahay dahil mukhang may dumating atang kamag-anak.
"Sino 'yon?" bulong ni Mikylla habang salubong ang kilay.
Patalon na bumangon siya sa kanyang kama upang lumapit sa bintana, mas lalo niyang nakita ang nasa kabilang bahay.
Isang lalaki iyon na naka-mask at sumbrerong itim habang naggi-gitara.
Sino ba ang lalaking 'yon? Ngayon niya lang ata nakita ang lalaki, dito na siya lumaki at tumanda kaya naman kilala na niya ang mga kapitbahay.
Isa ba 'to sa mga bisita ng kapitbahay?
Hindi maiwasan mapatitig ni Mikylla sa lalaking na naka-jacket pa, mukhang pamilyar sa kanya pero hindi niya matandaan kung nakita niya ba ito noon? Baka nga kamag-anak ng kapitbahay nila at nakita na niya noon.
Maganda ang boses nito, malalim iyon at malamig kahit pa nga malakas ang ulan ay nangingibabaw ang boses nito.
Naningkit ang kanyang mata para tingnan ang mata nito, mula sa kinakatayuan niya ay kita niyang mapungay ang mata ng binata.
Gano'n na lang ang gulat ni Mikylla nang biglang lumingon sa kanyang gawi ang lalaki dahilan para mapa-upo siya upang magtago.
Nakakahiya!
Baka sabihin pa nito stalker siya, hindi naman niya sinasadya na titigan ito. Masama bang mag-appreciate ng magandang boses at mata.
Dahan-dahan sumilip sa bintana si Mikylla gano'n na lang ang pagsinghap niya nang makitang nakapalumbaba na ang lalaki habang naka-bantay sa bintana niya.
"I can see you!" Medyo malakas na sigaw nito upang marinig niya dahil sa lakas ng ulan.
Napangiwi siya saka dahan-dahan tumayo nang tuwid, sobrang kahihiyaan ang kumalat sa katawan niya. Bakit ba naman kasi pinanuod niya e?
Tumikhim siya. "Ano naman?"
Nakita niya kung paano tumabingi ang ulo ng lalaki.
"How old are you?"
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Mas nilakas niya ang boses.
Nakakainis lang na mas lumakas din ang ulan, nananadya ata.
"You look like a kid, ang liit mo hindi ka na makita sa bintana," ani ng lalaki saka natawa halatang ng aasar.
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki, aba't napaka judgemental pala.
"Matangkad ka lang, napaka judgemental. Matanda na ako no!"
"Okay, if you say so. I'm just kidding," ani ng lalaki at naningkit ang mata tanda na nakangiti ito. Hindi siya kaagad nakapagsalita kaya nagsalita ulit ang lalaki. "Mukha kang malungkot."
"P-Paano mo naman nasabi?"
"Hmm, kanina pa ako nandito, kanina pa kita tinitingnan mukha kang malungkot. Why?" buong kuryosidad na tanong ng lalaki.
Umihip ang malakas na hangin, lumipad ang buhok ni Mikylla dahilan upang sumabog iyon sa kanyang mukha. Humalakhak naman ang binata kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Hindi kasi ako nakapunta sa mall show ng gusto ko sanang makita sa personal na artista."
"Who?"
"Hindi mo naman 'yon kilala."
"Sino nga? Malay mo naman." Itinungkod ng lalaki ang kamay sa hamba ng bintana nito.
"Donny Pangilinan, hindi mo 'yon kilala! Kamag-anak ka ba ng kapitbahay namin ngayon lang kita nakita rito." Medyo malakas na sigaw ni Mikylla.
Nagkibit-balikat ang lalaki.
"I have a friend here. So, Donny huh? What's your name?"
Tumango siya.
"Bakit mo naman tinatanong?"
"Just answer."
"Mikylla, ikaw?"
"Antonio."
Natawa si Mikylla, ang bantot naman ng pangalan, tunog matanda. Mukhang napansin iyon ng lalaki.
"Why are you laughing, Mi?"
"Mi?" Napatigil na siya sa pagtawa.
"Yup, short for Mikylla."
"Edi pwede kitang tawaging An?"
"Whatever you want, babe."
Sumimangot si Mikylla sa sinabi ng lalaki, alam na niya ang mga ganitong pormahan. Halatang babaero porket gwapo.
Hindi siya nagsalita.
Tumabingi ang ulo ni Antonio, kahit malakas ang ulan ay bahagya niyang nakikita ang mata nito na nakangiti.
"Wanna be my Valentine's Date, Mi?"
"H-Ha?"
"Let's just pretend that I'm your Donny Pangilinan."
"P-Pero..."
"No buts. Do you have foods in your room?"
"Wala malamang, ano ako mayaman? May pagkain sa kwarto?"
Nagulat si Mikylla nang umalis ang lalaki, bahagya siyang nakaramdam ng lungkot. Buti nga at nalilibang siyang kausap ito, tapos aalis pa at . . .
Hindi natuloy ni Mikylla ang iniisip nang dumungaw ulit sa bintana ang matangkad na lalaki na naka-mask at cap.
"Catch, babe!"
Gano'n na lang ang paglaki ng kanyang mata nang may inihagis ito sa kanya. Kahit gulat ay nasapo pa rin naman niya ang plastik.
Sobrang kabog ng kanyang dibdib nang makita ang inihagis nito na nabasa na, inalis niya ang basang plastik at itinapon sa basurahan sa gilid.
Naghagis ang lalaki ng pagkain.
Ice cream cup, chips, yakult at mogu mogu.
Gulat siyang napatingin sa binata. "S-Sa akin 'to?" Doon niya napansin na may hawak na rin itong chips at nakaupo na, siguro ay nangawit na ito kakatayo.
"Yup, upo ka kaso baka hindi ka na makita sa bintana." Malakas na natawa ang lalaki sa sinabi.
Napailing si Mikylla saka kumuha ng upuan, medyo mataas. Hindi niya maintindihan ang lalaki, minsan mabait, minsan bully.
"Oh, tapos?" aniya pagkaupo.
"Let's have a date."
"Date?"
"Oo nga. Para naman hindi malungkot ang Valentine's Day mo. I'll sing a song, okay Mi? You can eat now if you want. Pretend that I'm your Donny, pwede mong sabihin sa akin lahat ng gusto mo sa kanyang sabihin." Nakangiting sabi ng lalaki.
Mukhang nakisama na ang kalikasan dahil humina ang ulan nang magsimula siyang kantahan ni Antonio. Malamig ang boses nito, parang may sariling buhay ang kanyang kamay na kumain ng ice cream habang pinapanuod ang lalaki.
Ngayon lang may nang harana sa kanya. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam, nakaka-kilig na nakakaihi.
Hindi lang isa ang kinanta ng binata, halos naubos ang araw nila sa pag-uusap at pagkanta sa kanya ng lalaki.
Nang tuluyan nang tumigil ang ulan ay ubos na rin ang mga pagkain niya ay tumayo na si Antonio.
"Hey Mikylla. I hope I made your Valentine's Day more special."
Suminghap siya at tumanggo, dahan-dahan sumilay ang kanyang ngiti. "Thank you for dating me, Anton—"
"Donny."
"Ha? Ano bang sinasabi—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang tanggalin ng binata ang mask at sumbrero na suot.
Gano'n na lang ang gulat niya, bahagya pa siyang napahawak sa gilid ng bintana nang unti-unting makilala ang mukha nito.
"I'm Donato Antonio Laxa-Pangilinan, Donny Pangilinan for short."
Napatakip siya sa kanyang bibig. "N-No way!"
Napangiti ang lalaki habang inaayos nito ang sariling buhok, nanuyo ang lalamunan ni Mikylla, kaya pala pamilyar ang mata nito.
"Go downstairs."
"H-Ha?"
"Bumaba at lumabas ka sa bahay niyo. Let's meet outside, Mi."
"A-Ah bakit?" Gusto niyang kutusan ang sarili, natulala na siya.
"The day is not over yet. You're still my Valentine's Date, right?"
Mabilis siyang tumango kaya natawa si Donny bago kumaway.
Nang tuluyang mawala ang lalaki ay napatalon si Mikylla sa kanyang kama at doon tumili.
She just date Donny Pangilinan!
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro