FanFicPH Book Club
Ang Book Club na ito ay para sa mga nais mag pa criticize ng kanilang fanfic stories. Binubuo kami ng mga readers and writers. Babasahin namin ang iyong story at mag iiwan kami ng comment tungkol sa iyong story. Purong constructive criticism, advice or tips ang aming ibibigay. Ang mga miyembro ay mga objective sa mga ibibigay na komento. Kung nais mo ring sumali ay basahin ang mga instructions sa ibaba.
---
Mga instructions at responsibilities kung paano maka kasali sa ating Book Club;
1. Una sa lahat ay kailangan mong i-message sa amin ang iyong kasagutan sa mga detalye na nasa baba. May example na rin kung paano ito sasagutan.
Name (Nickname - Wattpad Username):
Age:
Pick one: Reader, Writer or both:
Bias:
Example:
Name (Nickname - Wattpad Username): Rochel - eamstyles13
Age: 25
Pick one: Reader, Writer or both: Both
Bias: One Direction, Taylor Swift, 5 Seconds of Summer and Harry Potter
2. Training round. Bago ikaw tuluyang maging parte ng book club ay meron muna tayong training round. May kwento na naka paloob sa librong ito. Kailangan mo itong basahin at mag bigay ng iyong constructive criticism sa comment section. Objective criticism, tips and advice ang ating ibibigay na comment. Maaring ito'y grammatical error, spelling, tips, o kahit anong maaring magpaganda sa istorya. Ano mang walang katuturang comment o paninira sa author o sa istorya ay automatic na hindi mata-tanggap sa Book Club. Dapat ka muna maka tanggap ng reply mula sa amin kung maari mo nang simulang basahin at mag bigay komento sa istoryang nandirito.
3. After ng training round ay makakatanggap ka ng mensahe sa amin kung ikaw ay tutuloy na para sa iyong main task. Bawat linggo ay may ma a-assign sa iyong FanFic story para ma criticized. Kung ito ay mahabang story ay naka depende ang iyong deadline. Kung ito ay maraming chapters ay kailangan mong mag iwan ng 5-10 na comments ng iyong criticism o advice. Kung kaunting chapters lang ay 3-5 comments at kung One shot lang or isang page lang ay maaring isang pang kalahatang comment lang.
4. Kada makakatapos ka ng story ay mag bi-bigay ka ng message sa amin kung ano ang masasabi mo sa buong story. Mga nagustuha at hindi. Kung ano ang strong points ng story at ano ang maipapayo mo sa author para mas gumanda pa ang kanyang story.
5. Matapos din ng bawat week ay maari tayong mag kwentuhan kung kumusta ang week nyo. Mag share ng experiences at tulungan ang mga nangangailangan ng tulong.
6. Kung ikaw naman ay isang writer, maari mong ibigay ang link ng iyong istorya sa amin upang aming maisama sa mga storyang i-cri-criticize. Bibigayan ka namin ng badge upang malaman na kasali ang iyong istorya sa Book Club. Ang kabuuang detalye ay pag uusapan natin sa messages.
---
Kabuuan:
Ano ang maari mong makuha rito sa FanFicPH Book Club?
-Constructive Criticism and or advice sa iyong story
-Reads, mention and vote for your story from our page. We will also share your story sa aming Facebook Page.
-Badge (kayo po ang mamimili saan banda sa book cover n'yo iapapalagay ang badge)
-Magiging parte ng Reading List ang iyong story
-Makakadiscover ka ng bagong story na maari mong maibigan
-Makakakilala ka ng bagong kaibigan na maaring ka fandom mo pa.
---
So sigurado ka na sa pag sali? Tips ko sa iyo bago ka mag tunggo sa Training part ay basahin mo muna ang Stranger to Fan Fiction na nasa aming profile. Maari mo itong maging gabay sa training period. Kung tapos ka na basahin ito ay handa ka na para sa training period! Mag send ka na ng message sa amin para sa detalye ng training at tayo'y mag simula na!
PS
Kung naka computer ka ay paki check ang external link dahil nan doon a sa Stranger to Fiction
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro