Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5SOS FanFic Ending

Naka balik na ako sa Manila after that extra ordinary vacation. Ang mga naganap sa Boracay ay mananatili sa Boracay. Nag simula at natapos doon. Wag ka na umasa Hazel na may next chapter pa. Nandito na ulit ako sa normal na mundong kinagagalawan ko. Ang stress ng 9 to 5 na trabaho, traffic at ang over crowded na city life. Malaking tulong sa akin ang bakasyon na iyon dahil kahit papaano ay maganda ang naidulot nito sa akin. Isang taon ko pinag ipunan ang bakasyon na yun and it was all worth it.

Tinignan ko muli ang aking phone, ilang beses kong pinag iisipan kung gagawin kong wallpaper ang stolen picture na kuha ko ni Ashton. Ang dimples nya ay kitang kita sa picture na ito. Noong nag papahingga kami nito matapos mag banana boat. Basa ang kanyang buhok at kaunting buhanggin sa pisngi. Pikit mata kong pinindot ang OK at ngayon ay muka na nga nya ang wallpaper ko. A smile crept on my face as I looked at it.

Tinignan ko pa ang ilang mga stolen pics ko niya at nila. Merong likod nya nang pabalik na kami sa pag pa-paddle board. Meron din nang focus na focus sya sa panonood ng Big Bang Theory sa sofa ng kwarto ko at marami pang iba. Nakuhaan ko din ng pic nang pabalik kami sa suite nila at lasing na lasing ang dalawa. Sayang at wala akong kahit selfie man lang sa kanya. Dapat pala ay hinayaan ko ang sarili kong mag fangirl kahit kaunti man lang.

Nasaan na kaya sila ngayon? Siguro ay back to work na din sila. Mahirap man ay hindi na dapat ako umasa na may maari pang kasunod na kabanata sa buhay namin. Isang beses lang talaga mag tatagpo ang aming landas at hindi na ito mauulit. Sana mag concert sila dito ulit dahil paniguradong bibili ako ng ticket nila kahit mangutang pa ako pambili ng VIP ticket.

Back to my work na ako. Binaba ko ang aking phone ko dahil tapos na ang lunch break. Biglang nag ping ang phone ko for a notification. Pinabayaan ko lang iyon at sinagot na muna ang tawag mula sa company phone. Alas tres nang buksan ko muli ang phone ko para mabasa ang isang DM mula sa Instagram.

Ashtonirwin
active and hour ago

Found 'ya. ;)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro