Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Plan KathNiel's Dream Wedding Entries

Plan KathNiel's Dream Wedding Entry #1

Isang liblib na simbahan sa probinsya ang aking nakikitang lugar ng kanilang kasal. Payapa at tanging mga malalapit na tao lamang ang imbitado. Tinago sa publiko at masaya silang kahit papano ay solo nila ang araw na ito. Maliit man ang simbahan ngunit ang ganda nito ay walang katulad. Isang palapag lang ito at gawa sa bato. May mga malalaking bintana at ang dome sa may altar ay gawa sa salamin kaya may natural na ilaw mula sa araw na mistulang spotlight sa altar.Suot ni Kathryn ay isang puting bestida na may mahabang trail. Ang kanyang belo ay maayos na naka patong sa kanya ulo na may flower crown. Mistula siyang diwata sa kanyang itsura. Si Daniel ay naka barong na puti at manghang mangha sa itsura ng kanyang bride. Hinawakan niya ang isang kamay ni Kathryn para maalalayan at pinang punas naman niya ng kanyang sariling luha ang isa pa niyang kamay. Sabay silang humarap sa altar at sila na nga'y naging isa, sa habang panahon.


Plan KathNiel's Dream Wedding Entry #2

Isang beach wedding ang kanilang kasal. Gaganapin iyon sa isang pribadong resort sa lugar ng Palawan kung saan ilang beses na silang nagpunta. Imbitado ang malalapit nilang kaibigan at kamag-anak, lahat ng saksi, sumuporta at gumabay sa kanilang pagmamahalan sa lumipas na taon. Papalubog ang araw, nakasuot si Kathryn ng isang boho gown na puti at flower crown habang may hawak na bulalak na kanyang paborito habang si Daniel naman ay naghihintay sa kabilang dulo, sa may altar habang may ngisi sa labi. Nagkalat ang mga pulang rosas na pino at puting buhangin ng beach, tumutugtog ang paborito nilang musika kasabay ng paghampas ng mga alon. Sa paglubog ng araw at pagpalit ng buwan ay kasabay ng kanilang sumpaan.


Plan KathNiel's Dream Wedding Entry #3

Garden Wedding.

Sa isang napakaganda at malawak na hardin ang plano nilang dalawa para sa kanilang kasal kasama ang kanilang mga malalapit at mga mahal nila sa buhay. Napili nilang hindi isa publiko ang kanilang kasal, intimate wedding lamang. Nakangiti si Kathryn habang hawak hawak ang paborito nitong bulaklak habang dahan dahang naglalakad sa malawak na hardin papalapit sa lalaking makakasama nya habang buhay, habang naka-tayo naman at hindi maiwasang maiyak ni Daniel habang papalapit sa kanya ang babaeng matagal na niyang pinapangarap na makasama sa boung buhay niya. Napakasaya at puno ng pagmamahal ang kanilang kasal habang hawak na ni Daniel ang kanyang mga kamay at sabay nilang hinarap ang bagong kabanta sa kanilang buhay kasabay ng paghalik ni Daniel sa kanyang mga labi habang papalubog naman ang araw na simbolo ng panibagong kabanata para sa kanila.


Plan KathNiel's Dream Wedding Entry #4

Nakangiting pinagmamasdan ni Daniel si Kathryn habang unti-unting papalapit ang dalaga sa kanyang harapan. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa magiging isa na lamang sila ng nag-iisang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa isang simbahan sa Intramuros ginanap ang kasal nila. Napaka-elegante ng pagkakaayos ng lugar maging ang pagkakasalansan ng mga rosas sa paligid. Nakakamanghang pagmasdan si Kathryn sa kanyang trahe de boda at gayun din si Daniel sa kanyang barong. Bagaman hindi masyadong isinapubliko ang kanilang kasal masasabi naman ng mga dumalo ang kaligayahan ng magsing-irog na ngayon ay masaya sa piling ng isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro