Donny Pangilinan FanFic Entry #3
"Accidentally Dating Donny"
"Twenty one . . ." bilang ko sa mga nadadaanan na poste na may nakakabit na poster ng isang sikat na artista.
Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga habang nakasilip sa labas ng bus. Isang oras pa ang biyahe ko papunta sa Pampanga kung nasaan si Lola na bibisitahin ko.
Karaniwan ay kasama ko si Mama pauwi sa probinsya pero nagtakataon ngayon na ako lang ang uuwi.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakasakay sa bus ng may isang lalaking naka-hoodie na itim na umupo sa aking tabi. Sumandal ko sa may bintana at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga sumasakay pang pasahero sa labas.
Nang makaalis kami ay kaagad akong nagkabit ng earphone para malibang pero wala pa mang sampong minuto ay sinapo ng lalaking katabi ko ang kaniyang ulo na para bang may masakit siyang iniinda.
Bahagya kong inalis ang isa kong earphone para marinig ang nangyayari sa kanya.
I heard his cursed.
Ayoko sa nagmumura pero bakit parang ang hot niya magmura? Huh? Pwede ba 'yon?
"Ayos ka lang?" I asked softly.
Nakita kong natigilan siya nang magsalita ako, inalis niya ang hoodie ng jacket niya't nilingon ako.
Bahagyang napaawang ang aking labi.
His crescent-of-moon eyebrows were thin and narrow. Tanging mata lang ang kita ko dahil sa suot niyang face mask.
Napakurap-kurap ako sa kaniya nang makita ang namumuong pawis sa kaniyang noo.
"Ayos ka lang ba?"
Bumukas ang kaniyang labi, habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I feel dizzy," he whispered.
Kaagad kong kinapa ang aking bag kung may dala akong candy o kahit ano. Pasalamat na lang talaga't may tubig pa ako sa tumbler.
"Uminom ka na muna. Hindi ka ba sanay na sumakay sa bus?" Iniabot ko sa kaniya iyon na kaagad naman niyang kinuha.
Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makita ang mahahaba niyang daliri na nakapa-ikot sa aking maliit na inuman.
Nang maisaoli niya iyon ay binigyan ko siya ng candy at pinasandal ng maayos. Pinaluwagan ko rin ang kaniyang jacket upang makahinga siya ng maluwag.
Akala ko ay okay na siya dahil nakapikit siya habang nakasandal.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa kaniyang adam's apple na bahagyang gumagalaw.
Inilahad niya ang kamay habang nakapikit, "I'm Donato, and you?"
Naiilang na tinanggap ko iyon. Malaki ang kaniyang kamay kaya halos lamunin ang kamay ko.
"Seyra."
Aalisin ko na sana ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan.
"Can you hold my hand until I feel okay?"
Tumikhim ako. "H-Hindi naman kita kilala saka, uh..." Hindi ko na alam ang iduduktong ko.
"Let's pretend we're dating then, para hindi ka mailang. Isipin mo na lang na ka-date mo ako ngayon."
Medyo magaspang ang kanyang boses, napipilan na tinitigan ko ang kamay namin na magkasaklob.
Napanguso ako, dating? Ni hindi ko nga siya kilala. Nagmagandang-loob lang ako kanina, tapos nagka-date na ako?
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang nakapikit.
"Saan ka ba pupunta? Mukhang yayamanin ka ah," puna ko.
Kahit hindi ko kita ang kalahati ng mukha ay pansin kong ngumisi siya.
"Hindi naman mayaman."
"So saan ka nga pupunta? Around Pampanga?"
Pinaglaruan niya ang mga daliri ko. "Yup, relatives."
"Okay."
"How about you, Seyra?"
"Sa Lola ko, dadalawin ko lang."
Nagulat ako nang kuhanin niya ang isa kong earphone at ikabit iyon sa kanya, napanguso ako dahil nagsalubong ang kilay niya sa tugtog.
Boses ni Donny Pangilinan iyon, kumakanta.
"You like him?" biglang tanong niya.
"H-Ha?"
"Yung kumakanta, gusto mo?"
"Pinapakinggan lang, gusto na kaagad? Saka ano naman, mabait daw 'to plus gwapo!"
"Is that a yes then? You like him." Hindi na iyon patanong, para bang sigurado na siya.
"Fine, I like him. Sinong aayaw ro'n? Si Donny 'yon, gosh!" segunda ko.
Sandali siyang natigilan bago marahan tumango. Buong biyahe ay nagkwentuhan kami, nawala sa isip ko ang hilo dahil sa kanya at mukhang naging ayos na rin ang pakiramdam niya.
Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Tipid ko siyang nginitian nang mapansin malapit na kami sa terminal.
"Paano ba 'yan, bye na?" nanghihinang sabi ko.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Nag-enjoy ako sa mini-date na 'to," pahabol ko nang tuluyan huminto ang bus.
Tatayo na sana ako nang ilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Huh? Nagpakilala na kami kanina.
"Gusto kong magpakilala ulit sa'yo," sabi niya.
Nagtatakang tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay, pakiramdam ko ay nanlamig ako.
"Ah?"
"Nice meeting you, Seyra and..." Sandali siyang tumigil, tuluyan niyang tinanggal ang mask kaya halos mapaluhod ako sa pagkagulat. "I like you too. I think I like you."
"D-Donny," bulong ko habang nakatingin sa lalaking naka-date ko sa bus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro