Donny Pangilinan FanFic Entry #1
Sunset. Ang simbolo ng pagtatapos ng isang kabanata. Pero para kay Donny, isang simbolo ito ng panibagong kabanata para sa kanya at sa babaeng minamahal niya, si Belle.
Nasa isang pribadong isla silang dalawa ng nobya niyang si Belle at handa na ang lahat para sa kanyang sorpresa, matagal na rin niyang pinaghandaan ito, napupuno ng iba't ibang dekorasyon ang paligid, dama mo ang simoy ng hangin at dinig mo bawat pag hampas ng alon kasabay ng paglubog ng araw, nakangiti siya habang tanaw niya ang kasintahan na papalapit sa kanya, nakasuot ito ng puting bestida habang tinatanaw siya.
Biglang tumugtog ang paborito nilang musika kasabay ng tuluyang paglapit ni Belle sa kanya.
"Napakaganda." Iyon lamang ang nasabi niya sa kasintahan.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at ibinigay sa kanya ang paborito nitong bulaklak at biglang lumuhod...
Hindi malaman ni Belle kung anong maramdaman, bigla na lamang lumakas ang pagkabog ng kanyang puso, kasabay nu'n ang hindi niyang inaasahang pangyayari, bigla na lamang siyang napaluha dahil hindi niya inaasahan na dito na pala magtatapos ang lahat...
at kasabay ng pagtatapos ay bagong kabanata para sa kanilang dalawa.
"I do. I will marry you, Donny Pangilinan." Hinalikan ni Donny si Belle kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ay s'ya namang simula ng bagong kabanata para sa kanila ni Belle.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro