Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Awit Sa'yo

"Ano naman kung sikat ka? Ano naman kung artista ka or songer ka? Wala akong pakialam. Dahil nagustuhan kita kahit no'ng John Paulo Nase ka pa lang na basketball player pero nerdy sa gabi."

Napangiti si Sejun nang marinig 'yon mula sa bibig ng kaibigan niya. Ginulo niya ang buhok nito at magiliw na ngumiti.

"Oo na. Salamat sa pagmamahal mo bilang fan o bilang kaibigan," sabi niya pero hanggang do'n na lang.

Nalungkot man si Angelika pero pilit siyang nugmiti. At least kahit paano naa-appreciate ni Sejun ang effort at pagmamahal na binibigay niya. Okay na 'yon kahit walang kapalit.

Alam ni Sejun 'yon. Open-book si Angelika kaya alam niya ang iniisip nito pero hindi niya kayang bigyan ng assurance ito hindi dahil takot siya sa commitment. Ayaw niya lang paasahin ito. Bilang isang singer sa Pilipinas na under ng isang Korean entertainment, hindi niya kayang ilagay si Angelika sa posisyon na kung saan maari siyang i-bash ng mga fans o kaya naman ay dumating sa punto na hanggang video chatting na lang sila dahil sa mga gig niya. Ayaw niyang maramdaman ni Angelika na may boyfriend ito pero parang wala rin pala.

For him, she is worth more than any fame he's having now. But he's also the group's leader and he can't just leave them for his own selfishness.

Kaya mas okay na ang magkaibigan lang sila ni Angelika - sa ngayon. Hindi niya aaminin ang nararamdaman niya sa ngayon pero balang araw ay idadaan niya sa kanta ang feelings niya para kay Angelika, habang tinatanong ito kung pwede bang maging sila.

Halos kiligin naman si Sejun dahil sa pag-iisip ng scenario na 'yon. Na-e-excite tuloy siyang mag-confess na pero naniniwala siyang kapag may tiyaga, hindi lang nilaga ang makukuha pati na si Angelika.

Linggo. First Sunday ng Disyembre, excited si Sejun na makipagkita kay Angelika. It's been almost 5 months na wala silang communication. Hindi kasi ito nakakapg-reply sa mga chat at tawag ni Angelika dahil sa sobrang dami nilang practice schedule at shooting. Nababasa naman niya lahat kaya lang nakakalimutan na niya mag-reply dahil sa pagod.

Todo bihis si Sejun dahil gusto niyang ma-in love pa rin si Angelika sa kanya. Wala naman kaso kung magmahal at magka-boyfriend ito ng iba pero habang single pa ito ay sa kanya lang si Angelika at ipaparamdam niyang mahalaga ito sa kanya.

Nagkita sila sa Mall of Asia. Nagpatulong siya sa mga ka-grupo niya at make-up artist nila na ayusan siya na magmu-mukhang ibang tao. Bukod sa fashion style niyang kinopya niya si Ken, ay nagpalagay siya ng nunal sa pisngi at mumunting pekas na make up sa paligid ng mukha niya para hindi siya gaanong makilala. Nagsuot rin siya ng shades.

Una niyang nakita si Angelika na naghihintay sa tapat ng National Book Store. Lumapit siya at tumabi rito. Tumingin si Angelika sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Pagkatapos ay lumakad ito palayo. Akala naman ni Sejun ay pinapasunod siya nito kaya ngumiti siya at sumunod papuntang Starbucks.

Lumingon si Angelika at sinabing, "Hoy mister, ang laki-laki ng MOA, sunod ka nang sunod sa'kin. Kilala ba kita?"

Natawa si Sejun dahil sa narinig. Kahit nagtataray si Ara ay bakit tila ba anghel pa rin ito sa paningin niya at pati na rin ang boses nito na parang hinehele siya.

"Chill. Ange, it's me." Kumunot ang noo nito. "Nase." Yun kasi ang madalas itawag sa kanya ni Angelika no'ng college pa lang sila.

Napa-oh naman ang bibig ni Ara kahit walang boses at maya-maya ay tumawa ng malakas.

"Oy! Nakakhiya ka," biro ni Sejun.

"Ay sorry. Hahaha para ka kasing tanga. Ano ba 'yang itsura mo?"

"Bakit? Panget ba?"

Umiling si Angelika at piningot ang tainga ni Sejun. "Kailan ka ba naging panget sa paningin ko?"

"Baka kasi makilala nila ako. Paranoid kasi si Stell kaya ito naisipan nilang gawin," pero ang totoo siya itong kinakabahan sa mangyayari kay Angelika kung sakaling pagkaguluhan siya ng mga tao.

Madalas niya kasi mapanood sa mga Korean drama ang mga gano'ng eksena. Kahit drama lang 'yon, tingin niya ay hindi pa rin maganda sa pakiramdam kung sakaling mangyari iyon sa totoong buhay.

"Hindi nga kita nakilala eh. Akala ko pervert ka." Natatawang sabi ni Angelika bago kinuha ang cellphone at pinicturan si Sejun ng ilang beses.

Nahiya naman si Sejun dahil pakiramdam niya mukha din siyang tanga sa itsura niya na akala pa naman niya ay gwapong-gwapo siya.

Kasalanan 'to nina Stell, sabi niya sa isip-isip niya.

Hinaharang niya ang kamay at braso niya sa mukha dahil sa kaka-picture ni Angelika. "Oy ano ba. Wag nga. Nakakahiya ka talaga."

"Ako pa ang nakakahiya ha? Ikaw 'tong nagtatakip ng mukha mo diyan."

"Sige na. Tama na picture. Kain na tayo gutom na ako."

"Akala ko ba manonood muna tayo ng sine?"

"Hindi. Kain muna tayo," sabi niya at tinulak ito nang marahan papasok ng mall.

Hindi talaga gutom si Sejun pero kinakabahan siyang makasama si Angelika sa sinehan agad. Kasalanan kasi ito ng mga ka-grupo niya.

"Mag-romance movie kayo para kapag sweet sweet na yung movie grab the opportunity. Kiss mo na siya," sabi ni Josh.

"Tangek ka ba? Hindi pa nga naamin 'yan eh. Friends lang sila," sabi naman ni Stell.

"Eh di horror na lang para kapag natakot siya yayakap sa 'yo. Chansing ka na lang tol tutal torpe ka naman," suhestiyon naman ni Justin.

Binato niya ang ginasumot na papel si Justin. "Hindi ako torpe. Naghihintay lang ako ng tamang oras."

"Yan din linyahan ng mga torpe. Wag mo kaming niloloko. Alam naming na romantiko ka pero pagdating sa kanya torpe ka," sabi ni Ken.

Yun ang naging takbo ng usapan nila bago siya umalis para makipagkita kay Angelika kaya iniisip pa lang niya na makakasama niya ito sa loob ng sinehan agad ay halos lumabas na ang puso niya sa dibdib niya dahil sa sobrang kaba.

Hindi pa nakikilala ng pormal ng SB19 members si Angelika pero kilala nila ito dahil sa kakakuwento ni Sejun at tuwing nahuhuli nilang tinitingnan niya ang facebook nito.

Ang hindi alam ni Sejun ay sinundan siya ng mga kaibigan niya sa 'subtle' date nila ni Angelika bilang 'magkaibigan."

"Tangek talaga to si Sejun... Kumain muna bago nag-sine," napapakamot sa ulo na sabi ni Stell.

"Kinakabahan 'yan kung ano-ano kasi sinabi nitong si Josh at Justin," sagot naman ni Ken.

"Nag-suggest lang naman ako ah," sabay sabi ng dalawa.

Tinitingnan at inoobserbahan nila si Sejun at Angelika sa hindi kalayuan.

Pag-upo naman ni Sejun ng upuan, napansin niya ang pamilyar na damit ni Justin. Tinitigan niyang mabuti ang grupo ng mga lalaki na nakaupo hindi kalayuan sa kanila. Halos masapak niya ang sarili nang mapagtanto na iyon ay mga kagrupo niya.

Anong ginagawa niyo dito, sabi ni Sejun sa isip habang sumesenyas sa mga kagrupo gamit ang mukha niya.

Sabay-sabay naman ang apat na tinapat ang dalawang daliri nila sa mata nila pagkatapos ay sa kanya. Gesture nila iyon na ang ibig sabihin ay 'we're watching you'.

"May problema ba?" tanong ni Angelika at bahagyang lilingon sana sa kinauupuan ng mga ka-grupo niya. Dahil sa kaba na makita ni Angelika ang mga ito ay mabilis niyang hinawakan ang mukha nito at tinapat sa mukha niya.

Bigla naman siyang napalunok at napatingin sa labi ni Angelika. Nakakahiya man aminin pero natameme siya. Nakalimutan niya ang sasabihin niya dahil sa malapit na mukha nila sa isa't isa.

"Ay sorry!" Mabilis naman niyang bawi sa kamay niya matapos ang ilang segundo nilang titigan. "Kain na tayo para makapanood na tayo ng sine."

Namula naman ang pisngi ni Angelika dahil sa ginawa ni Sejun. "Wag mo na uulitin 'yon baka kiligin ako ng sobra isigaw kong ikaw si Sejun," biro naman nito.

Napasulyap si Sejun sa mga kabigan bago sumubo ng pagkain at kitang-kita niya ang nang-aasar na mukha ng mga ito. Inis na inis siya sa nakangisi nilang mukha at taas-baba na kilay.

Hindi niya rin tuloy mapigilang mamula at alam niya 'yon dahil ramdam niyang uminit ang pisngi niya.

Matapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa sinehan. Nagpapawis na ang kamay ni Sejun dahil sa kaba at hindi rin siya makapag-concentrate dahil alam niyang nakasunod sa kanya ang mga ka-grupo niya.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw..."Natigilan naman siya sa sinabi niya mismo pero agad naman niyang nabawi yon, "Ikaw ang bahala kung anong gusto mo."

"Asus. Umasa pa naman akong ako talaga ang gusto mo," birong sagot nito.

"Asusming ka din minsan 'no?" sabi ni Sejun at marahang tinapik ng tatlong beses ang ulo ni Angelika.

"Sige ito na lang, Freaky. Sawa na kasi ako sa romance para maiba naman."

"Okay!" sigaw ni Justin kaya naman napatingin ang mga tao sa paligid nila. Kilala ni Sejun ang boses ng mga ka-grupo niya kaya kahit tinago ni Stell ang mukha ni Justin sa dibdib nilang tatlo ay alam niyang ito ang sumigaw.

Napailing-iling na lang ito dahil sa kahihiyan. Mabuti na lang ay naka-disguise din sila, sa isip-isip niya.

Bumili na sila ng ticket at pumasok sa sinehan. Magsisimula pa lang ang movie kaya puro advertisement pa lang ang palabas.

"Ay teka mag-CR lang ako saglit habang hindi pa nag-uumpisa," paalam ni Angelika.

Pagkaalis na pagkalis nito ay lumingon siya sa mga taong nakaupo sa likuran niya at isa-isang hinampas ang tuhod ng mga ka-grupo.

"Guys, anong ginagawa niyo?"

"Ginagabayan ka."

"Amen!" mabilis na sagot ni Josh sa sinabi ni Justin.

"Ano ako? Bata? Bantay-bantay kayo diyan. Lalo ako nawawalan ng diskarte eh."

"Hindi ka bata pero torpe ka," sabat ni Ken.

"Tangek. Kami bahala sa 'yo," paninigurado ni Stell.

"Bakit parang mas kinabahan ako do'n?"

"Ayan na siya! Ayan na siya. Pare wag ka kiligin ng todo ha!"

"Bakit parang ikaw yung kinikilig Josh?" sabi niya at hinampas ulit nang malakas ito.

Humarap na siya sa screen na sakto namang dating ni Angelika. "May problema ba?" tanong nito.

Umiling siya. "Wala naman. Tinanong lang nila ako kung pwede ipatong ang mga tuhod nila sa sandalan ko." Tumango-tango naman si Angelika na walang kaalam-alam.

Nagsimula na ang pelikula at abang na abang si Sejun sa mga nakakatakot na eksena dahil yayakapin niya talaga si Ara kung sakaling matakot ito ng todo.

Pero pagtingin niya sa mukha ni Angelika, nakangiti lang ito. Napakagat labi siya at iwas ng tingin dahil nakalimutan niyang mahilig nga pala ito sa ga horror movie at minsan natatawa pa ito kapag korni ang pagkakagulat sa eksena ng mga artista.

Pero umasa siya dahil mukhang tinatamaan nga din ng takot si Angelika. Malapit na ang dalawang kamay nito sa dibdib at ang palad niya ay konting-konti na lang tatakip na rin sa mata niya. Tamang posisyon na hinihintay ni Sejun para yakapin niya si Angelika. Nakikinikinita na niya ang eksena at kinikilig siya sa naiisip.

Pero nang nasa climax na sila ng pelikula ay itong si Ken naman ay biglang naibato ang popcorn kina Sejun dahil sa takot.

"Potek pare ayoko na. Labas na tayo!"

Mapapalignon na naman si Angelika sa mga ito pero kinabahan si Sejun na baka mamukaan niya ang mga ito kaya hinawakan niya uli ang mukha ni Angelika nang hindi nag-iisip. Pareho silang natigilan at nagkatitigang muli.

Natigilan rin ang tatlo na ngayo'y nakatuon ang pansin sa dalawa na palapit nang palapit ang mukha at nakikiramdaman pa. Habang si Ken ay tutok sa palabas. Sakto na namang nagulat si Ken at mabilis na tumayo para lumabas ng sinehan pero dahil nakahawak sa kanya ang tatlo ay na-out balance siya at nasagi si Angelika kaya napadikit ang ilong nito sa labi ni Sejun.

Patakbong lumabas si Ken at sumunod naman ang tatlo kahit nabigla rin sila dahil sa nangyari – sa ginawa ni Ken at sa pag-kiss ni Sejun sa ilong ni Angelika. It was not in the plan, but it was not bad move either.

Mabilis namang nilayo ni Sejun ang mukha niya at tumikhim.

Natawa naman si Angelika at tinapik ang balikat ni Sejun. Lumapit ito sa tainga niya at bumulong. "Wag ka mag-alala. Hindi ko ipagkakalat ang aksidenteng 'yon."

Para namang kiniliti si Sejun dahil sa bulong na 'yon. Weakness niya talaga ang tainga niya kaya badtrip na badtrip si Sejun. Mabuti na lang at madilim sa sinehan at hindi nakita ni Angelika ang pamumula ng pisngi niya.

Halos hindi na naintindihan ni Sejun ang mga nangyari sa movie dahil si Angelika na lang ang tumakbo sa isip niya. Malamang ay pagod na ito dahil sa buong araw nilang paggagala sa loob ng mall matapos manood ng sinehan. Takbo pa ito anng takbo sa isip niya. Naawa tuloy siya kapag naiisip kung gaano ito kapagod.

Hindi na rin niya napansin kung nasaan ang mga kagrupo niya pero okay na rin iyon dahil nakahinga siya nang maluwag.

Hinatid ni Sejun si Angelika sa subdivision nila. Hindi na sila kumain ng dinner dahil may tatapusin pang trabaho si Ara. Ayaw naman niyang mag-adjust si Ara para lang sa kanya dahil hindi nga niya iyon magawa para dito.

Nang makarating sila sa tapat ng gate ng bahay ni Ara ay hinintay niyang makapasok muna ito.

"Pasok ka na," sabi niya.

"Una ka na."

"Una na akong pumasok?"

"Haha baliw to. I mean sige na. Alis ka na?"

"Pinapaalis mo na ako?"

"Ano ba. Parang tanga 'to. Go ka na. Ayan na ha? Hindi na harsh pakinggan."

"Bakit ba ayaw mo pumasok muna?"

"Gusto kasi kita makitang paalis. Baka sabihin mo kasi ako unang nag-let go," may lungkot sa sinabing iyon ni Ara.

"Tingin mo ba gagawin ko 'yon? Kaibigan kita ano ka ba." 'na mahal na mahal ko' bulong niya sa sarili.

"Gusto pa rin kita Sejun!" Nabigla naman siya at napatingin dito. Namula ang pisngi ni Sejun kasabay ng paghalik ni Angelika sa pisngi nito. "Maghihintay pa rin ako," sabi niya at tumakbo papasok ng bahay.

Hinawakan naman ni Sejun ang pisngi na hinalikan ni Angelika habang naglalakad palabas ng subdivision. Nagpasundo siya sa driver nila dahil mas malaking gulo kung mamukhaan siya ng mga tao sa bus.

Pagdating ni Sejun sa bahay nilang magkaka-grupo ay hindi pa rin siya maka-get over sa date nila ani Angelika. Nakahawak pa rin siya s pisngi niya.

"So bukod sa paghalik mo sa ilong niya, may ibang halik na nangyari pa ba?" isyoso ni Josh.

"Wala! Dahil niyo walang nangyari! Panggulo kayo eh 'no?" Inis na inis na sabi ni Sejun pero nakangiti pa rin siya dahil naalala na naman niya ang halik ni Angelika sa pisngi niya.

"Wala daw pero y'ang ngiti mo parang nakahalik," pang-aasar naman ni Justin.

"Matulog na nga kayo! Para kayong ewan eh!" sagot naman ni Sejun at dumiresto na sa kwarto niya.

Nang mga sumunod na araw panay tawag at chat pa sila sa isa't isa hanggang sa naging busy na ulit si Sejun sa shooting nila dahil kaliwa't kanan ang offer ng mga online shopping, telecom at may album pa silang kailangang i-release sa taon na iyon.

Natupad ang pangako niyang idadaan niya sa kanta ang nararamdaman niya kay Angelika. Narinig nito ang kanta at naintindihan ang mensahe nito. Kaya lang, huli na para sa anghel ni Sejun dahil naaksidente ito bago pa man sila magkitang muli.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro