Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Chapter 8: Can't take it



PAGKAUWI ko kahapon ay halos nambibigat na ang talukap ng mata ko. Hindi rin ako nakakain ng hapunan kasi nag-review agad ako dahil may pa long quiz kami sa english, saka idagdag pa 'yong sakit ng ulo ko.

Nakatulugan ko ang puwesto habang nag-aaral kaya ito ngayon ay nananakit ang leeg at likuran ko sa matagal na pagkatutulog sa study table ko.

Mabigat ang pakiramdam ko ngayong araw dahil siguro sa pagpupuyat kagabi pero minabuti ko pa ring pumasok sa Leehinton.

Tiniyak ko na rin na nakasuot ako ng contact lenses dahil baka hindi ko mabasa ang mga question na nasa test paper mamaya.

Maaga akong nagising para makapag-review ulit ako sa school kaya heto ako ngayon nakatambay sa mini forest ng Leehinton.

Kahit na inaantok ay pilit kong pinapagising ang sarili. I need to study well dahil ayaw kong may failing grades na nakikita sa report card. Saka I want to be our batch's valedictorian

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay binuklat ko na ang mga notes ko at nag-aral ulit. Alam kong sapat na iyong pinag-aralan ko kagabi pero gusto ko lang talagang pag-aralan ulit iyon dahil baka may nakaligtaan ako.

I was busy studying when I felt dizzy. Hindi pala ako nakakain ng agahan ngayon kaya I decided to go to the cafeteria to eat some breakfast.

Ramdam ko ring parang hinahalungkat ang tiyan ko at pasama nang pasama itong nararamdaman ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Sa kakulangan ko ba ito ng tulog?

Para akong lumalakad sa hangin habang bumibili ng pagkain sa cafeteria. When I was eating, wala akong malasahan kaya nawalan ako ng gana. Uminom na lang ako ng tubig at nagmamadaling pumunta sa cr.

"Hey, Ash!" I heard Liam shouted. Nilingon ko siya at malapad na ngiti na naman ang nakapaslak sa mukha nito.

Ano na naman ba ang baon niyang kakulitan ngayong araw? I can't deal with him today. Pagod akong napabuga ng hangin at naglakad na patungo sa cr pero hindi pa man ako nakahakbang ay may pumigil na sa kamay ko.

Walang lakas ko siyang tiningnan. "Liam, I'm not on the mood today. Lubayan mo naman ako kahit ngayong araw lang," mahinahon kong pakiusap. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda sa sikmura kaya napatakip ako sa bibig at tumakbo papalapit sa cr.

Hindi pa man ako nakakaabot ay hindi ko na mapigilan pa ang pagsuka. Lahat ng kinain ko kanina ay nilabas ko ng ganoon kadali. Hindi ko maintindihan ang nararamdam dahil parang nailabas ko ang sikmura ko.

Mas lumala ang pagkahilo ko at para ng umiikot ang paligid. Ilang ulit kong pinikit at dinilat ang mga mata pero ganoon pa rin.

"Hey, are you okay?" pakinig kong ani Liam ,nag-aalala. Naramdaman ko na lang ang paghagod nito sa likod ko. Hindi na ako pumalag pa dahil wala na akong lakas. Hinipo nito ang noo ko at nakarinig ako ng pagmura.

I manage to stand straight at pilit na kinakalas ang paghawak niya sa akin. Napahawak din ako sa pader to have a support on my weight at hindi matumba. Napabaling ako sa kaniya. "I-I'm okay, I c-can handle m-myself," pigil ko sa kaniyang pagtulong.

"You can handle yourself? Para ka na ngang lantang gulay na hindi marunong tumayo tapos kaya mo pa?" pasinghal na aniya pero tunog nag-aalala.

"Bitiwan mo ako, Liam. Kaya ko nga ang sarili ko, e!" pilit ko pa.

Napabuntonghininga ito at unti-unti akong binitiwan. "Go, maglakad ka nga. Tingnan natin kung kaya mo," he challengly said to me.

"Kayo ko!" inis ko pang saad at pinilit na maglakat pero isang hakbang pa lang ay halos manliyo na ako sa pag-ikot ng paligid ko.

Naramdaman ko ang marahan nitong pag-alalay sa akin. "Ito ba ang sinasabi mong kaya mo?"

I stared at him and concern was evident on his eyes. Agad kong iniwas ang tingin sa mga mata nito at pinilit na maglakad. "Kaya ko nga sab—"

"Oh! Oh! Kaya ba 'yan? Tsk. I will take you to the hospital."

"Anong hospital?"

"Minor or major cases, kailangang ipunta sa Leehinton Hospital. Hindi ka ba nakikinig sa orientation bago magsimula ang klase?"

Napakunot ako ng noo. Sa pagkakaalam ko ay may clinic ang unibersidad na ito. Was he making up things now?

Napaismid ako. "Liar. Kahit hindj ako naka-attend sa orientation ay nasisigurado kong walang gano'n!"

Narinig ko ang pagtawa nito. "Why do you say so?"

"May clinic ang Leehinton kaya huwag mo akong budulin."

"What's with the term? Budulin talaga? Hindi naman ako mukhang manggagantso, ah?"

Napailing ako at napangiti pero tinago ko iyon. Hindi na ako pumalag pang alalayan niya ako dahil hahaba lang ang diskusyon. Besides, I can't take it any longer, sobrang sama na ng pakiramdam ko. Pinagtitinginan na rin kami ng iba kaya parang nasasakal ako sa tingin nila.

Nang marating ang clinic ay inalalayan niya ako papunta sa isang kama. Kinausap niya sandali ang school nurse at nagpaalam na umalis muna.

The nurse asked me some questions regarding for what I felt. Kinuhanan niya rin ako ng body temperature at halos mapamura ko sa sobrang init ko. My temperature was 39.5°C.

She gave me medicine at sakto lang para pumasok si Liam sa clinic may dala-dalang supot.

"Here. Kainin mo muna ito bago ka uminom ng gamot para naman maglaman ang t'yan mo." Napatitig lang ako sa kaniya nang ilagay niya iyon sa isang tray at sinalansan ang laman ng supot. Pilit kong kinikilala ang nasa mailiit na bowl na iyon. Napansin niya yata kaya nagsalita ito,"It's a chicken soup." He smiled.

Sinimulan kong kunin ang kutsara at sinandok iyon sa soup pero muntik ko ng mabuga kay Liam iyon nang maglapat sa dila ko ang pagkain. "Aw!"

"Shit! I'm sorry, hindi kita nasabihang mainit pa 'yan." Taranta siyang kumuha ng tissue at binigay iyon sa akin pero kumuha ulit ito ng sa kaniya saka pinunasan ang gilid ng labi ko. "Masakit?"

I nodded. Napatitig ako sa mukha nito pero agad ding umiwas ng mapansin niyang nakakatingin ako sa kaniya. Hinablot ko ang tissue na hawak nito at pinahiran ang labi ko.

"I'm done. Thank you sa pagdala sa 'kin dito," mahina kong anas. Hindi ako makatingin sa kaniya at tinuon iyon sa gamot na dapat ay iinumin ko.

I heard him chuckled at ginulo ang buhok ko. "No need to thank me. Obligasyon ko iyon bilang isang manliligaw mo."

Magpoprotesta pa sana ako sa salitang manliligaw na iyon pero hinayaan ko na lang. Tutal ay tinulungan niya naman ako rito kaya sige, exempted ito ngayon.

Ininom ko na ang gamot at siya na ang nagligpit ng pinagkainan ko. Inalalayan niya rin akong mahiga.

"Magpahinga ka na muna," utos niya at inayos ang kumot ko.

I weakly smiled and closed my eyes. Mabilis akong nakatulog dahil sa gamot.

I woke up with the unfamiliar scent and surroundings. It smelled like a disinfectant  that made me dizzy. I closed my eyes again.

Napahawak ako sa ulo nang umikot iyon ng umupo ng tuluyan m sa hinihigaan. Doon lang ako napatingin sa paligid.

I was on a room and alone. Biglang bumukas ang pinto kaya agad kong kinilala iyon pero hindi talaga siya kilala i namu ukhaan man lang. Ngumiti siya sa akin ng nagsalubong ang mga mata naming dalawa.

"Are you feeling better?" Napailing ako at kalaunan ay napatango. Iyon ang naging dahilan para matawa siya. "Ano ba talaga?" malumanay na aniya.

Napakamot ako sa ulo. Lumapit na siya sa akin kaya gagalawin ko na sana ang mga paa pero hindi ko iyon maramdaman.

Mabilis na nangunot ang noo ko at inalis ang kumot na nakatakip doon. It was a nightmare for me seing both of my legs having a cast.

Pinilit kong itaas ito pero hindi ko talaga iyon magalaw kahit ang mga hinlalaki ko man lang sa paa.

Nagsimula akong mag-panic. "Bakit hindi ko magalaw ang mga paa ko? Bakit?"

"Ash. Asheen. Hey, wake up." Nakarinig ako ng pamilyar na boses at naramdamn ko ang marahang pagtapik nito sa pisngi ko. Doon ko na naimulat ang mata at sumalubong sa akin ang mukha ni Liam. "You are having a bad dreams," dagdag pa niya.

I hope that it was just a bad dreams because I can forgot it easily but it was not. It was the greatest nightmare all my life that I wanted to throw away deep in the oceans.

Inabot nito ang isang panyo sa akin kaya nagtatako ko itong tiningnan. "Why? What will I do with that?"

Tinuro nito ang pisngi niya kaya napahawak ako sa pisngi ko. I was so shocked when I realized it was tears. Kagat-labi kong tinanggap ang panyong inaabot nito at tahimik na pinunas iyon sa namamasa kong mata't pisngi.

"Thanks for this. Labhan ko na lang ito."

"No, it's okay. Sa 'yo na 'yan."

Ngiti na lang ang tinugon ko sa kaniya at bumangon na.

"Oh? Anong gagawin mo?"

Hindi ko pinansin ang tanong nito at hinanap ang cellphone ko. Anong oras na ba? May exam pa ako sa english.

Pinilit kong bumaba pero pinigilan lang ako nito. "You can't go to class today. Alam mo bang umabot kanina hanggang kuwarenta ang init mo?"

Napatigil ako sa narinig. What the? Ngayon lang yata ako nakalagnat ng ganito ka taas.

"I'm feeling better now, kaya ko na ang sarili ko. May exam pa ako ngayon at hindi ko p'wedeng ma-miss iyon!"

"No, dito ka lang. Exempted ka na sa mga classes and exams mo for today dahil sinabihan ko na 'yong mga teachers mo."

"What?! No! Hindi p'wede! I need to take the exam," pagpupumilit ko pa at pilit na tumayo.

"Look, tapos na ang english time ni'yo, Ash. I've talked to Miss Ignison a while ago. She agreed to give you an exemption because of your fever. Rest at ease and don't over exert yourself, okay? Pakinggan mo naman ako kahit ito lang, Ash," malumamay na paliwanag nito.

Bagsak-balikat akong bumalik sa puwesto. Bakit ba kasi ngayon pa ako nagkalagnat? 'Kainis!

"Ano'ng oras na ba?"

"It's 2:30 in the afternoon."

"Ano?" Napatakip ito sa tainga sa taas ng boses ko.

Ganoon ako katagal nakatulog? Shitty head!

"Kumain ka muna nito at uminom ka ng gamot." Inabot niya sa akin ang pagkain at agad ko namang kinain iyon.

Minabuti ko na lang na umuwi dahil pinapauwi niya na ako para makapagpahinga ako ng maayos sa bahay. Medyo na naging magaan ang pakiramdam ko dahil sa kotse niya ako pinasakay at hindi ako nag-commute.

When we arrived at home, Liam opened the door for me to go out easily in his car. Inalalayan niya rin akong makababa at nilagay pa ang kamay sa uluhan para maiwasan na mauntog ako sa kotse nito.

"Thank you."

"You are alwasy welcome, my lady." He smiled and put his right arm on his stomach and have a bow as if he was a prince.

Napailing ako sa mga kalokohan ni Liam ngunit napangiti rin kalaunan. Kahit ano'ng oras talaga ay maisisingit niya ang mga paganiyan niya.

Naglakad na kami papasok sa bahay at napansin kong iginagala nito ang tingin. "Kayong dalawa lang rito ng kambal mo?"

"Yup. She was the only family I have," tumatangong sagot ko. Silence envelope the whole house when I said that. Liam didn't say anything tila na-realize ang sinabi. I chuckled kaya napaangat ito ng tingin. "It's okay. No need to feel bad for us. We have parents but they are seperated when we are on grades school but they are helping us both financially."

"A-are they married?"

Napatango ulit ako. "They have families now. Atleast hindi nila kami pinapabayaan o basta na lang inabanduna, right?" kibit-balikat kong turan sa kaniya. He nodded his head for agreement. "So. . . thank you for today, Liam. I really appreciate your help."

He smiled. "Ginawa ko lang ang nararapat." Yumuko ulit ito na parang isang prinsepe.

Kung sakali man sigurong isa siyang prinsipe, siya iyong prinsipe ng mga hangin at bagyo.Lakas kasi ng hangin sa utak!

Bago tuluyang magpaalam ay hinatid niya muna ako sa kuwarto at siniguradong nakahiga ako sa kama.

"Your medicines, take it on time, okay?" Napatango ako. "I'll go ahead. Get well soon, Ash."

"I'll be back on track tomorrow, don't worry. Thanks for today. Be safe going home, Liam."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro