CHAPTER 5
Chapter 5: Who court who?
ILANG ulit ko na bang sinabi na ang kulit ni Liam at nakaiinis? He was ruining my day and messing with me everytime. Kailan niya ba ako tatantanan at para naman matahimik itong buhay ko, ano?
Kapag tatagal pa ito sa buhay ko parang mababaliw na yata ako sa kadaldalan niya. Hindi ako sanay na may taong dadaldal sa akin magdamag bukod kay Shydeen.
Napabuka ako ng hangin dahil sa isiping iyon. Napatingin ako kay Liam pero nakatingin na pala iyo sa akin. He smiled on me but I rolled my eyes.
Napabaling na lang ulit ako sa unahan nang umalis na ang nakapila roon. "Set C po, manang," sabi ko sa tindera.
"Ako rin, manang, kagaya ng sa kaniya," sulpot bigla ni Liam sa likuran ko. Inis ko siyang tiningnan pero hindi ako nagsalita. "What?" inosente nitong turan habang ikinibit ang balikat.
"Ma'am, ito na po," anang tindera at binigay ang order sa akin. Mabilis ko naman itong inabot. "Ito na rin po ang inyo, Sir Liam," kinikilig na turan ng tindera sa kaniya.
Nangunot ang noo ko sa nakita. As far as I know, hindi nagpakilala si Liam sa tinderang ito. Bakit niya kilala ang makulit na lalaking ito?
I stared at him. Who is he? My curiousity began to crippled my system and wanted to know more about him. Why did I forgot that important one?! Shitty head.
Habang nakatitig sa kaniya ay naalala ko bigla ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko nang makita kong si Liam ang katabi ko, pati na rin 'yong paglalakad namin sa corridor at papunta rito sa cafeteria.
All of them was staring on the both of us and talking something. Some students are looking on him with admiration as if he was the most talented celebrity here in Leehinton University.
Naputol lang ang pag-iisip ko ng humarap ito sa akin at kumindat na naman. "Dito na lang tayo umupo," ngiting aniya.
Napabaling ang tingin ko sa table na iyon. Malaki ito at parang sobra-sobra naman yata na kaming dalawa lang rito.
Napansin ko ring iba ang table na ito kaysa sa ibang mga tables. Pati na rin ang mga upuan ay iba ang disenyo kumpara sa iba. It seems like it is more expensive than the others.
I scanned the whole cafeteria para sana maghanap na lang ng mauupuan pero wala akong makita. All of it was occupied and no one was left vacant. Nakatayo na nga ang ibang mga estudyante rito.
Bigla akong napaupo nang maramdaman ang paghila ni Liam sa kamay ko. Muntik ko pang matapon ang tray na in-order ko dahil sa kagagawan ng lalaking ito.
"Just sit here, okay?" Sinamaan ko siya ng tingin at napilitang maupo rito. Umupo na rin si Liam sa puwesto nito kaya magkaharap na kaming dalawa.
I started eating without glancing on Liam. He was talking the whole time but I ignored him. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng matigil iyon dahil may lumapit sa puwesto namin
"Hey! Dude, bago mo?" anang boses kaya napatingala ako para alamin kung sino ang nagmamay-ari no'n.
Halos hindi ko malunok ang pagkain ko ng makilala ang lalaking nagsalita. Muntik ko pang mabuga ang spaghetti dahil sa gulat. Mabuti na lang talaga at napigilan ko.
It was him!
I bit my lower lip and consciously put the strands of my hair on the back of my ear as if I have a long hair.
Narinig ko ang pagtawa ni Liam. "Iba 'to, dude. I'm courting here."
Ganoon kabilis ang pagkawala ng atensyon ko sa lalaking kararating at napabaling kay Liam. Sinamaan ko siya ng tingin pero muling ibinalik ang tingin sa lalaking kararating lang, hindi ako pinansin. Mas lalo pa nga siyang natuwa kapag sinasamaan ko ng tingin.
"What? Who court who?!" hindi makapaniwalang sambit ng lalaking sa gilid ko. Napalunok ako ng maupo ito sa tabi ko.
Shitty head! Tumungo ito sa direksyon ko kaya mabilis kong tinuon ang tingin sa pagkain.
"That girl besides you, I'm courting her."
Gusto kong magprotesta sa sinabing iyon ni Liam pero minabuti kong manahimik. Nahihiya ako sa lalaking sa gilid ko ngayon at baka kapag sininghalan ko si Liam ay iba ang isipin nito sa akin. Demure effect yarn, Asheen?
Saka, parang crush ko na yata siya. Shit naman! Kanina ko lang nakita ang isang ito tapos ganito na agad.
I guess, there's nothing wrong about having a crush, right? Hindi naman ako makikipagrelasyon.
"Woah! Woah! Are you serious, Li? This is not so you. Baka naman iba ang—"
Liam interrrupted, "Shut up, Xavier. I am just being me here. Masama bang manligaw ngayon?"
Xavier. His name was so cool. Ang ganda pakinggan.
Natawa si Xavier kaya parang nawala ang mata nito. Ang cute!
"You are what?" hindi makapaniwalang turan ni Xavier. "That is not basically you, Liam. Hindi mo nga alam ang salitang panliligaw. Babae ang nanliligaw sa iyo," natatawang dagdag pa nito. Napabaling ang tingin ni Xavier sa 'kin kaya muntik ko ng mabuga ang iniinom. "What's your name?" malumanay na aniya.
Ngumiti ako at mabilis na sumagot. "Asheen Ignacio. I prefer Ash to be called not Sheen."
On my periperal vission, pansin ko ang pagsimangot ni Liam dahil sa ginawa ko. Narinig ko pa ang inuungot nito na ang bait ko raw sa iba, e, sa kaniya ang sungit-sungit ko. Bahala siya riyan!
Nilahad nito ang kamay kaya kinuha ko agad iyon. "Xavier Angeles. Xav na lang itawag mo." He winked at me kaya halos mamula ang mukha ko.
Naputol ang pagpapakilala naming dalawa ng bigla na lang higitin ni Liam ang kamay ko na nakahawak sa kamay ni Xav.
Nanulis ang bibig ko dahil sa ginawa niya. I'm enjoying the warmth of Xavier's hands tapos ang epal ng lalaking ito.
"Hands off, dude, she's mine," banta ni Liam na naging dahilan para maisuko ni Xavier ang dalawang kamay sa ere habang natatawa.
"Dude, I am just introducing myself to her. Stop acting as if I would steal her. You know, I am not interested with your girls," Xavier sounded like a joke but it hurts my feelings.
Ouch! Ang bilis naman ng rejection na iyon. Nawala na ang ngiti sa labi ko. Umasim ang mukha ko sa narinig mula sa kaniya. Tuluyan ko nang inubos ang kinakain at ininom ng walang pakundangan.
Wala na akong pakialam kung ano man ang isipin ni Xavier sa akin. Tutal rejected naman agad ako ng ganoon kabilis, bakit pa ako magpapa-cute? Kainis talaga ang Liam na ito. This was all his fault!
"Woah, woah. Hindi mo naman pala sinabi, Li, na may matakaw kang babaeng nililigawan. Look at her," pakinig kong turan ni Xavier.
Binalingan ko siyang nang masamang tingin. Bahala siya riyan, isipin niya ang gusto niyang isipin. Ia-uncrush ko na siya!
"Nangangagat ba ito, Li? Tingnan mo makatingin, oh," gulat na turan nito kay Liam.
Liam chuckled but I didn't hear anything from him, so, I continued what I'm doing. Nang matapos ay tumayo na ako at hindi man lang nagpaalam sa kanila dalawa.
As far as I'm concern, they are not my friends para humingi pa ng permiso para umalis. Saka, buntot lang naman nang buntot sa akin si Liam at hindi ko naman siya sinabihang sumama sa 'kin. Liam was insisting to go with me here. Hindi ako pumayag at hindi rin pumalag. Wala naman kasi akong magagawa, e, matigas pa ang mukha nito sa semento.
Narinig ko ang pagtawag nito sa akin pero pinagbingi-bingihan ko iyon. Bumalik na ako sa classroom at nagbasa ng libro sa upuan ko.
Hanggang sa magsimula ang klase ay hindi ko na nakita pa si Liam. Hindi na siya bumalik pa rito sa classroom namin. Mabuti nga naman.
Naging payapa ang buong maghapon ko dahil walang Liam na nangungulit sa akin. Nakapag-participate ako sa klase at nakapag-aral ng maayos dahil wala ang presensya niya sa tabi ko.
Nakapasok na rin si Shydeen sa buong subject maghapon pero hindi ko pa rin ito pinapansin. Hindi ko rin pinakopya kanina ng mag-quiz kami sa science. Bahala siyang magtanda!
Papunta na ako ngayon sa main library ay mag-isang naglalakad. Tinaguan ko kasi kanina si Shydeen ng matapos ang last subject sa hapong ito. Nauna akong lumabas at nagpakalayo-layo sa kaniya para maiwasan ang pagsabay naming dalawa.
It was 4: 45 in the afternoon kaya medyo nabawas-bawasan na ang estudyante sa eskwelahang ito dahil nakauwi na.
Payapa akong nakapasok sa library dahil pangilan-ngilan na lang ang mga estudyante roon. I go to the librarian and handed the card number ng shelf kung saan nakalagay ang hihiramin kong books.
Nagpirma lang ako at inabot na sa akin ang mga libro. Limang libro ang hiniram ko sa iba't ibang subjects. Gusto ko kasing mag-advance reading at magbasa-basa tuwing wala akong ginagawa sa bahay namin.
When I was walking I felt that someone was watching me kaya napatigil ako at nilibot ang paningin.
Wala naman akong nakita kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Pero bigla akong napasigaw nang may humablot sa mga librong dala ko.
Nakarinig ako nang pagtawa at nakilala kung sino ang may kagagawan no'n. It was Liam and he was laughing so hard.
"Nakatutuwa 'yon?" galit kong turan.
Napalis ang tawa nito ng ganoon kadali at napatigil sa paglalakad. Napalunok ito. "I-I'm sorry dahil ginulat kita. Hindi ko sinasadyang magali—"
"Hindi sinasadya? Sinadya mo 'yon! Alam mo, kaninang umaga ka pa, e! I'm having a bad day because of you! Ano ba ang kailangn mo sa akin, ha? Stop acting you care about me! Stop playing a prince dahil hindi bagay sa iyo. At p'wede ba? Pakilayuan ako dahil ayaw ko sa 'yo!" tuloy-tuloy na sabi ko sa pagmumukha nito.
Walang pakundangang kinuha ko ang mga librong nasa kamay nito at nagmartsa paalis sa eskwelahan.
Nang makasakay ako sa taxi ay napabuga ako ng hangin. I can't believe that I said that to someone. Inusig ako ng konsensya dahil sa nagawa pero hindi ko naman iyon mababawi pa.
Kasalanan niya iyon, e! Ano ba kasing pumasok sa isip nito at nanggulat siya ng ganoon?!
Badtrip akong nakauwi at sumalubong sa akin si Shin. Doon ko rin nakita si Shydeen na nakaupo sa living room parang hinihintay ako.
"Oh, ba't ka nandito? Go on parties if you want. P'wede nga ring huwag ka ng umuwi pa rito, e," sarkastiko kong sambit.
Napatayo si Shydeen na may nakalukot na mukha. "Ash naman, galit ka pa rin sa akin? I'm sorry na, please?" she pleaded. Nag-puppy eyes ito pero hindi ko pinansin.
Naglakad na ako papunta sa kuwarto ko pero nagsalita ulit ito.
"Sorry na nga, Ash. Sorry na," malambing na aniya.
"Shydeen, palagi ka na lang nagso-sorry. You are always saying that but yet you did it again and again! Hindi na 'yan bebenta sa akin. Bahala ka na sa buhay mo!" inis kong saad ngunit hindi pa rin siya hinaharap.
"Humingi na nga ng sorry, Ash, e. Mahirap bang tanggapin iyon?!" tumaas ang boses nito, nababahiran na rin ng inis.
Great!
Pinihit ko ang katawan para harapin ito. Nakalukot ang mukha ni Shydeen. "At ngayon ikaw pa ang galit? Shydeen, come to your senses! Ikaw itong hindi umuwi, tapos nakuha mo pang mag-cutting kanina? Ano ba? Wala ka bang pakialam sa future mo? Ilang ulit ko na bang sinabi na mag-aral ka dahil para sa 'yo naman iyan!"
Ubos na ang pasensya ko ngayong araw. Hindi ko na alam pa kung ano ang masasabi ko sa kaniya kapag nagsalita pa siya.
"God, Ash. Isang beses pa lang naman iyon—"
I cut her. "At dadagdag pa! Saan ba nagsisimula ang lahat? S'yempre sa paisa-isa hanggang sa hindi ko na papigilan pang gawin!" sigaw ko sa kaniya.
"Ano ba, Ash? You don't trust me? 'Di ba I promise that I will be good in this school year? Na magseseryoso na ako?! Mahirap bang paniwalaan iyon?" ramdam ko ang sama ng loob nito sa tinuran nito pero sobra na siya, e.
"Yes, Shydeen!" Dinuro-duro ko siya. "You are difficult to believe because you are always breaking promises! Wala kang ginawa kun'di sirain ng paulit-ulit ang pagtitiwala ko sa 'yo!"
Tumalikod na ako sa kaniya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kuwarto. Nanginig ang tuhod ko at napaupo sa sahig. Dumaloy ang luhang kanina ko lang pinipigilan sa harap ni Shydeen at napahikbi.
This was the first time na nagkasagutan kami ng ganito kalala. Minsan bangayan lang bilang magkapatid pero hindi napupunta sa ganitong sitwasyon.
Maybe this was my fault. I'm having a not so good day kaya nadala ko ito sa bahay at nabuntong sa kaniya lahat.
I'm so sorry, Shy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro