Chapter 32
Chapter 32
Nagpatuloy sa ganung sitwasyon si Zia hanggang ma-iuwi na nila ito, lagi itong nakatulala at tila ba wala sa sarili kung kakausapin mo naman ito ay nauuwi lang sa pagwawala tanging si Rosa lamang ang nakakapag pakalma rito.
"Ma'am kailangan nyo na po ninyong kumain." Kinakabahang sabi ni Aling Minda, oras na ng kain nito.
Inilapag ni Minda ang pagkain sa study table. Nakaupo lamang si Zia habang nakatitig sa kawalan. Ang kwartong kinaruroonan nya ay purong puti lamang kakaunti lang din ang gamit, tinanggal nila ang mga bahay na pwede nyang gamitin para tapusin ang buhay nya, pati ang kutsara at tinidor na ginagamit nya ay plastic.
"Aling Minda?Anong pakiramdam na may hawak na sanggol?"Tanong ni Zia kay Minda, nanlalaki naman ang mata ni minda dahil sa unang pagkatataon na nag abot sya ng pagkain sa dalaga ay ngayon lang ito nagtanong o nagsalita ng malumanay walang halong sigaw o ano man, inosente lang itong nakatingin sakanya habang inaantay ang sagot ni minda.
"Masaya ma'am, masarap ho sa pakiramdam lalo na nung mapagmasdan ko ang anak ko sa unang beses. Sobrang sulit po yung pagtahi nila sakin ma'am, mabait na bata ho kasi ang anak ko sa awa ng diyos."Walang pag aalinlangang kwento ni Minda kay Zia.
Tumabi si Minda kay Zia at marahang sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay lamang.
"Alam mo po ma'am, masyadong malawak ang mundo para sayo. Wag mo pong ikulong ang sarili nyo sa kwartong 'to lamang. Masyadong maganda ang buhay ma'am para sayangin, hindi po tayo sigurado kung ito na ba ang huling buhay na meron tayo... Pwede po tayong mag mukmuk o umiyak pag di na natin kaya ma'am pero hindi po ibig sabihin nun ay ihihinto natin ang buhay na meron tayo. Nasisigurado ko po ma'am kung nasaan man ngayon ang baby nyo paniguradong nalulungkot yung makita kayong ganyan." Sabi ni Minda habang patuloy na sinusuklay si Zia.
"Hindi ko man lang n-nakita ang baby ko." Saad ni Zia na punong puno ng emosyon, naghalo ang lungkot at pangungulila sa boses at mukha nito.
"Hindi naman po kayo iniwan ng baby nyo ma'am...Nandito parin sya oh."Sabi ni Minda at tinuro ang parte ng dibdib ni Zia kung nasaan ang puso nito.
"Wala man na po sya sa tabi nyo, nandyan naman sya sa puso nyo... Ma'am wag po kayong mao-offend ah."Ani minda at tumango tango naman si Zia.
"Bakit di po kayo magpatingin sa doctor, hindi po sa sinasabi kong may sira kayo ah. Ang akin lang po ay para mas maging maayos po kayo." Sabi ni Minda at nguniti kay Zia.
"Kapag ba nag pag doctor ako babalik sakin yung baby ko?" Umaasang tanong ni Zia?
"Iniwan na ako ng taong pinakamamahal ko tapos ngayon iniwan na din ako ng baby ko. Ayun siguro ang namana nya sa tatay nya... Alam mo mas tanggap ko pa ng iwan ako ni Kaizer k-kasi sya kahit na iwan ako o pumunta sa kahit saan pang lupalop ng mundo ay p-paniguradong magkikita pa rin kami. Swerte nalang kung wala pa syang asawa kapag nagkita kami...Pero yung iwan ako ng baby ko, y- yun ang hindi ko matanggap, h-hindi ko man lang alam na nandyan na pala yung baby ko na may baby na pala na nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko. Kung alam ko lang sana, e-edi sana hindi sya nawala sana nandito parin sya. Wala akong kwentang tao, wala akong kwentang nanay... H-hindi dapat ako tawaging ina kasi pinatay ko ang baby ko."Ani ni Zia, ang kwento nya ay nauwi sa pag iyak.
Agad naman syang niyakap ni Minda.
"Panigurado ako na isang magandang angel ang anak mo, wag ka ng malungkot. Gusto mo pumasyal tayo? Para gumaan yang pakiramdam mo, at tsaka para maarawan ka...tignan mo oh ang putla putla mo na."Sabi ni Minda at hinawakan sa ang mga kamay ni Zia.
Umiiyak na tumango si Zia.
"Gusto mo tulungan kitang maligo?kaya mo na ba?"
"Kaya ko na po."sagot ni Zia at tumayo nagtungo ito sa banyo.
Nang makapasok si Zia sa banyo ay agad namang tumayo si Minda para ikuha ito ng damit.
Napansin nyang mahilig ang dalaga sa puting bistida. Na talagang bumagay dito dahil na rin sa ganda ng kutis ng dalaga.
Hindi naman ganun katagal ay lumabas na ang dalaga mula sa banyo na may tapis na towel sa katawan at buhok nito.
"Kala ko po umalis na kayo." Gulat na sabi ni Zia kay Minda na nanatiling nakaupo sa kama katabi ang damit na susuotin ng dalaga.
"Mabuti na ang mag hintay ma'am, kesa mahuli ako."Makahulugang sabi ni Minda habang naka ngiti.
Tumango tango lang si Zia at sinuot ang dress hindi na sya nag abala na mag suot ng bra dahil padded ang dress na iyon tanging salawal lang ang nasa loob ng dress.
"Ako na mag aayos ng buhok nyo ma'am." Saad ni Minda at pinupo si Zia sa kama.
Mainggat nya itong sinuklay at pinatuyo.
Hindi maalam si Minda sa pag gawa ng buhok pero may kakaunti naman itong alam.
Kumuha sya ng konti sa itaaa na parte ng buhok ni Zia at hinati ito sa dalawa tsaka tinirintas. Simpleng tali lamang iyon pero bagay na bagay sa dalaga lalo na at medyo wavy ang buhok nito.
"Ayan ma'am bagay ho sainyo. Pwede ba tayong mag picture?" Paghingi ng pahintulot ni Minda kay Zia at dali dali naman itong tumango.
Inilabas ni Minda ang kanyang keypad na cellphone at tsaka kumuha ng litrato para sa kanilang dalawa. Nakaakbay si Zia kay Minda sa larawan at pilit na nakangiti.
"Ay ma'am pwede isa pa po? Mukha pong pilit na pilit yung ngiti nyo e. Ngiti po kayo yung mula sa puso nyo po." Sabi ni Minda at tsaka kumuha ng panibagong larawan nila. Sa pag kakataong iyon ay nakangiti na si Zia, yung ngiting abot hanggang mata.
"Ayan, ipapakita ko 'to sa anak ko...Ano ma'am tara na?"Aya ni Minda at walang salitang tumango lamang si Zia at agad din silang lumabas.
Nang makarating sila sa pinaka sala ng bahay ay pinaupo niya muna si Zia at hinanap si Tonio para mag paalam sana.
Sa kalagitnaan ng pag aantay ni Zia ay nakita nya si Rosa sa may pintuan.
"Rosa?" tawag nito. Agad nyang nilapitan ang kanyang pinsan.
Halos himatayin si Zia sa kanyang nakikita, punong puno ng pasa ang katawan nito at hirap na hirap huming. Namamaga rin ang mukha nito halos hindi na ito makilala.
"B-binaboy nila a-ako."
__
HAIR NI ZIA BUT BLACK VER.
© msmncd
A/N;SA TINGIN NYO SAAN GALING SI CAYI???
NASA PRESENT NA ULIT SILA NEXT CHAPTER.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro