Chapter 31
Chapter 31
"She lost her baby, the baby didn't make it. I suggest that when she wakes up comfort her and be with her all the time. I'm not a psychiatrist but theirs a high percentage that this scenario can give her a mental trauma specialty that she's young." Paliwanag ng Doctor kay Tonio, tumango tango ang ginoo na para bang malalim ang iniisip.
"Ako ng bahala sakanya, ipapatawag nalang kita kapag nagising sya." Ani Tonio at tumingin sa walang malay niyang pamangkin.
"Okay, call me when she wakes up." Ani ng Doctor at dali daling lumabas sa silid.
Walang ibang magawa si tonio kung hindi ang titigan nalamang ang kanyang pamangkin, sa murang edad ay nararanasan na ito ng dalaga.
Di kalaunan ay lumapit si Tonio at hinawakan ang kamay ni Zia.
"Masyado ba akong huli para iligtas ka? Hindi ito ang pinangako ko sa ama mo, sinabi ko sa kanya na iingatan kita at handa akong ibuwis ang buhay ko para sa pangakong iyon. Hindi ka na iba sakin Zia, anak na rin ang turing ko sayo. Nahihirapan akong makita ka sa gantong kalagayan. " Ani ni Tonio na umiiyak, natigil lamang ito sa pag iyak ng bigla may pumisil sa kanyang kamay.
Unti unting nagmulat ng mata si Zia at dahan dahang tinignan ang mukha ni Tonio.
"Sa wakas ay nagising ka na, hija. Anong nararamdaman mo?"Alalang tanong ni Tonio kay Zia.
"D-dugo."Mahina at tila pagod na sabi ni Zia kay tonio.
"Dugo?Ano ang ibig mong sabihin?"Takang tanong ng ginoo sa dalaga.
"Anong n-nang yari sakin, bakit may dugo?"Tanong ni Zia habang inaalala ang nangyari bago sya dalhin dito sa hospital.
"Pwede bang wag muna yan ang isipin mo, Zia." Mahinahon na saad ni Tonio kay Zia, nangunot noo naman si Zia na tila ba napagtanto nya na iniiwasan ni Toniong sabihin sa kanya ang totoong nangyari.
Bago pa man makapagsalita si Zia ay agad ng nagsalita si Tonio. "Tatawag ako ng Doctor."Sabi ni tonio at tumayo, pinindot ni Tonio ang Intercom.
"Paki tawag si Doc. Wendell, paki sabi gising na ang pasyente niya." wika ni Tonio.
"Good afternoon po sir, hindi po kasi available si Doc. Wendell pwede po bang mag padala nalang kami ng nurse dyan. May emergency po si doc, pasensya na po." Magalang na sabi ng isang babae mula sa intercom.
"Nurse will do." Ani tonio, ilang sandali lang ay meron ng pumasok na dalawang nurse sa loob ng silid.
Magalang silang bumati at lumapit kay Zia.
"Ma'am kukunin lang po namin ang bloob pressure nyo." Malumanay na sabi ng nurse, wala namang magawa si Zia kung hindi ang magpaubaya nalang.
"120/80 mm Hg."Sabi nung nurse at sinulat naman ito ng kasama nya.
"Wala naman po kayong nararamdaman na kahit ano ma'am? Pananakit po ng tiyan?" Malumanay parin na sabi ng nurse.
"Medyo kumikirot ang tiyan ko pero kaya ko naman."Sagot ni Zia sa Nurse at hinawakan ang tiyan nya.
"That's normal po ma'am lalo na po sa mga pasyente na nakaranas ng miscarriage." Hindi sinasadyang sabi ng nurse agad naman itong hinila ni tonio palabas ng silid.
Gulat pa ang kasamahan na nurse nito dahil sa ginawa ni tonio, tinignan nya si Zia na ngayon at tulala na para bang nabigla sa nalaman.
Hindi alam ng naiwang nurse ang gagawin, susundan nya ba ang kasama nya o kakausapin si Zia. Lalo na ng bigla itong umiyak.
"M-ma'am." Utal na tawag nya kay Zia mahahalata din ang takot sa kanyang boses.
Dahan dahan syang lumapit sa umiiyak na si Zia. "M-ma'am?ayos lang po ba kayo?"Tanong nya kahit halata naman na nahihirapan ang dalaga. Lumakas ng lumakas ang pag iyak ni Zia at halos mapatalon sa gulat at kaba ang nurse dahil bigla itong tumingin sakanya.
Nakakatakot ang mga tingin nito dahilan para mapa atras sya.
"Pinatay mo ang baby ko."Mahina pero nakakatakot na sabi ni Zia, matalim parin itong nakatingin sa nurse.
"Ma'am hindi po ako, huminahon po kayo ma'am."Kinakabahan pero lakas loob ka sabi ni kay Zia. Buong lakas na tinanggal ni Zia ang nakatusok sa kamay nya at tumayo.
Tumakbo ito papalapit sa nurse at sinakal.
"Pinatay mo ang baby ko, bad ka. Pinatay mo ang baby ko, papatayin din kita."Umiiyak pero patuloy nitong sinasakal ang nurse dahilan para mapasandal na sila sa pader.
Pilit na inaalis ng nurse ang kamay ni Zia sa kanyang leeg pero mas malakas si Zia.
"D-di ako m-makahinga m-ma'am, T-tulong." Bigkas ng nurse kahit pa nahihirapan na itong huminga.
Hindi nakinig sakanya si Zia bagkos ay mas diniin pa ang pagkakasakal nito sakanya.
Biglang bumukas ang pinto at gulat ang tumambad sa pumasok nang matagpuan ang eksenang iyon.
"Zia, anong ginagawa mo. Bitawan mo sya."Saad ni Rosa at dali daling lumapit si Rosa sakanila nabitawan ni Rosa ang dala nyang mga pagkain para awatin si Zia.
"Pinatay nya ang baby ko, dapat lang sakanya yan."Sabi ni Zia pero di kalaunan ay binitawan nya din ang nurse.
Habol hininga ang nurse habang nakahawak sa leeg nito na bakat na bakat ang kamay ni Zia, sining magaakalang magagawa iyon ng dalaga...
Nang maka kuha na ng lakas ang kaawa awang nurse ay agad na itong tumakbo papalabas.
"Ano bang ginawa mo Zia?muntik mo ng mapatay yung tao."Sabi ni Rosa na napahawak nalang sa kanyang sintido.
Ngayon ay naka upo na si Zia sa kanyang upuan at tulala.
"Yung baby ko, kawawa ang baby ko."Mahinang sabi ni Zia at nilaro laro ang kanyang daliri.
Awa ang nararamdaman ni Rosa para sa kanyang Pinsan.
"Kaya mo 'to friend, malakas ka diba."Sabi ni Rosa at niyakao ng mahigpit si Zia.
"Gusto kong makita ang baby ko, ibalik nyo sakin ang baby ko."Mahinang sabi nya, ramdam na ramdam ang pangungulila sa boses nito.
"L-lola ko, ibalik mo y-yung baby ko."
Umiiyak pa rin ito pero dahan dahan syang pinahiga ni Rosa sa kanyang higaan, dahil sa pagod ng katawan nito ay muli itong nakatulog.
© msmncd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro