Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Chapter 29

Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko lang ay takip silim na. Pinapakiramdaman ko nag sarili ko, pinakiramdaman ko ang puso ko. Buhay ako pero parang patay na ang puso ko, hindi na sya nag pu-pump dahil sa kilig ,saya, at pagkamanghal nag pu-pump napang sya dahil sa dugo sa katawan ko. Parang pinipilit nalang nitong mag function.

Hindi pwedeng puro sakit nalang 'tong nararamdaman ko. Ayoko nito, hindi ito ang gusto ko. Gusto kong mabuhay ng masaya.

Bumangon ako at parang zombie na bumaba papuntang kusina para kumuha ng maiinom. Bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkauhaw.

Kumuha ako ng baso at isang pitchel ng tubig mula sa ref, naka tatlong baso ako ng tubig hanggang sa matanggal ang uhaw ko. Tutungo na sana muli ako sa aking kwarto ng biglang nakasalubong ko ang papababang si Kaizer na may dala dalang malaking maleta at mukhng nagmamadali

"S-saan ka pupunta?"Kinakabahang tanong ko. Tinignan nya ako na parang nandidiri.

"It's none of your goddamn business."Sabi nya at tuluyan ng bumaba, wala na akong magawa kundi tignan syang palabas ng bahay dala-dala ang kanyang maleta. Parang may tumarak na libo libong karayom sa puso ko, para itong pinipiga... Sobrang sakit, Hindi ito ang gusto ko... Ang sabi ni lola inggatan ko ang sarili ko, pero sa ginagawa ko ngayon ay sa tingin ko magagalit sya. Mali itong ginagawa ko sa sarili ko, nakalimutan ko ang halaga ko bilang babae. Ibinaba ko ang dignidad ko ng patulan ko ang kapatid ko, isa akong maruming babae na hindi dapat pagkatiwalaan. Sa puntong ito ay bumigay ang luhang kanina ko pa pinipigilan, nilagyan ko ng pader ang puso ko mula sa sakit pero ngayon ay parang natibag na ito.

Gusto ko syang habulin pero wala na...Iniwan na nya ako ng tuluyan.

Tumaas ako sa kwarto ko at kumuha ng bag at inilagay ang mahahalaga kong dokyomento at ang mga natitirang gamit sakin ni lola, naglagay rin ako ng kapirasong mga damit. Sa totoo lang ay wala akong karapatan sa mga gamit na ito pero kinapalan ko na ang mukha ko at kumuha pa din ako.

Kumuha ako ng papel at ballpen.

Dear Mommy and Daddy,

Hindi ko po alam kung pano ko po uumpisahan ang sulat na ito, siguro po kapag nabasa nyo 'to ay paniguradong nakaalis na ako sa poder nyo. Hindi po ako umalis dahil po ayoko na sa pamilya nyo, umalis po ako dahil feeling ko hindi ko deserve ang pamilyang meron kayo. Sana mapatawad nyo po ako sa desisyon kong ito pero wag po kayong mag alala dahil magiging maayos po ako. Gusto ko pong humingi ng tawad sainyo dahil po sa pangtra-traydor ko sa inyo, hindi po ako magmamalinis dahil isa po akong maruming babae. Pinagkatiwalaan nyo po ako at binihisan pero nagawa ko kayong traydorin, natatakot po ako na kapag nalaman nyo ang matagal ko ng sekreto at palayasin nyo ako. Maraming maraming salamat po pala dahil sa pag aalaga at pagpapaaral nyo sakin at hindi lang po iyon, tinuring niyo rin po ako bilang anak niyo. Buong puso po akong nagpapasalamat sainyong dalawa, mahal ko po kayo.

Sincerely yours,
Zaria Vasquez

Pinunasan ko ang luha sa mata ko, napansin ko ding nabasa pala ang papel na pinagsulatan ko. Nabasa ito ng luha ko. Iniwan ko ito sa may ibabaw ng kama ko at punatunganblang ng box para di lipatin.

Wala sa sariling kinuha ko ang bag at cellphone ko. Dahan dahan akong bumaba nang nasiguro kong wala tao sa kay gate ay dali dali akong lumabas

Umiiyak na tumakbo ako papuntang gate ng village binilisan ko ang bawat kilos ko.

Lakad lang ako ng lakad kapag nakaramdam ako ng pagod ay uupo ako sa gilid at pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Naalala ko tuloy nung nawala si Nanay gantong ganto din yung naramdaman ko nun, pero ang pagkakaiba lang ay may bahay akong tinutuluyan noon hindi kagaya ngayon na para akong pulubi ang tanging hawak ko lang ay ang bag at cellphone ko. Sana nandito ngayon si Nanay, edi sana hindi ako naglagay sa gantong sitwasyon. Hindi ko mapigipang hindi maluha habang inaalala ang mga alaala ni Nanay. Magagalit yun panigurado kapag nakikita nya akong ganto.

May tumigil na sasakyan sa harapan ko. Napatingin ako duon, laking gulat ko ng biglang may bumaba dito at tawagin ang pangalan ko.

"Zia?Anak?"Anito at lumapit saakin at pinilit akong pinatayo.

Nilingon ko ang mukha nito. Kahit na nanlalabo ang mga mata ko ay pilit kong inaaninag ang mukha nito.

"P-papa?Ikaw po ba yan?"Tanong ko sakanya, hindi ako pwedeng magkamali... Si Papa nga ito.

"Ako nga, hija. Dis-oras na ng gabi at nandito ka pa sa kalye?mabuti na lang at nakita kita."Sabi nya at niyakap ako. Ginantihan ko din ito ng yakap, parang biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa yakap na yun... At least ngayon nararamdaman ko ma hindi ako mag-isa.

"Ano bang nangyari sayong bata ka?Bakit ganyan ang itsura mo?"Nagaalalang tanong sakin ni Papa, wala akong nasabi kung hindi ang umiyak ng umiyak sa balikat nya.

Inaalo alo nya ang likod ko."Magiging okay lang ang lahat,hija. Wag ka ng umiyak...sige ka papanget ka."Pagpapagaan ng loob sakin ni papa na ikinatawa ko bigla.

"Si Papa naman e, nag momoment ako dito e. Panget na po ba talaga?"Tanong ko sakanya at bumitaw sa pagkakayakap nya, ngumiti ako yung sincere sakanya.

"Ayan po?Panget pa rin po ba?"Tanong ko sakanya at pareho kaming natawa, sa isang iglap nawala ang bigat ng dibdib ko na kanina ko pa iniinda.

"Hmmmm, pag-iisipan ko."Sabi nya at kunyaring nagiisip ng malalim. Napasimangot ako dahil sa tinuran nya.

"Dapat pa po bang pagisipan yun?ha, pa?"Natatawang tanong ko. Napailing iling naman sya.

"Sige na nga, maganda ka na. Wag ka nalang ulit iiyak ha."Sabi nya at pinunasan ang luhang naiwan sa mga mata ko.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni papa, sya nalang lagi ang napupuntahan ko kapag umiiyak ko.

        

                                                             ©MSMNCD

A/N; Remember this Lady's and Gentlemen, Physical Health is important but Mental Health is the most important. Stay healthy Physically and Mentally. Love you 😗💜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro