Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27

"Married?"Buong tapang na tanong ko sakanya at tinitigan sya mata sa mata. Parang nag aalinlangan pa sya kung sasagutin nya ba ang tanong ko o hindi.

"Yeah." Sabi nya na parang labas pa sa ilong. Tumango tango naman ako, may kaunting lungkot at sakit akong naramdaman. Hayaan mo na, hindi ako pwedeng mag inarte dahil kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan e...

"Good for you then, be happy. " Sabi ko at ngumiti ng peke, hindi pwede masayang yung pag-iwan ko sakanya noon. Ang goal ko ay mapasaya sya sa kahit na akong paraan pa man.

"I will... How about you? Are you married?" Ani nya.

"It's none of your goddamn business."

"Ano pala ang gusto mong pagusapan natin?" Pag-iiba ko ng topic.

"I want an explanation, Zia." Pakiusap na sabi nya sakin at umiling iling naman ako.

"No, w-wala akong dapat na ipaliwanag saiyo." Sagot ko sakanya.

"Meron, pano mo ipapaliwanag ang batang nasa loob ng kwartong yun." Pasigaw na sabi nya at itinuro ang kwartong pinagdalhan sa anak ko. Tumayo ako at tumayo din sya.

"Hindi ba sinabi ko na sayo hindi mo nga sya anak." Balik na sigaw ko sakanya. Hindi ko kayang sabihin sakanya ang totoo... Matagal ng nangyari yun, gusto ko ng kalimutan ang bangungot na pinagdaanan ko.

"Don't fucking lie to me. She's 3 years old now and you left me 4 years ago, remember? Iniwan mo ako nung ikaw lang ang kinakapitan ko, akala mo ba naging madali sakin yun! Tapos ngayon makikita kita may anak na at ang worst ay nag aagaw buhay ang anak natin s loob ng kwartong iyun. Sige nga pano mo ipapaliwanag sakin yun." Galit na sigaw nya sakin, tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko ngayon para na akong bulkan na kahit anong oras ay pwedeng pwedeng sumabog, kung makasumbat parang sya lang ang nasaktan, na para bang sya lang ang nahirapan.

"Bakit? A-akala mo din ba naging madali lang s-sakin yun? Akala mo ba m-madaling tapusin yung meron tayo ng ganun ganun nalang? Gayung h-hawak mo ang puso ko, nasayo ang k-kaligayahan ko? Kinaya k-kong iwan ka dahil magiging kahiya-hiya ka k-kapag nalaman ng lahat ang namagitan sa atin. Bakit parang sinisisi mo sakin lahat?B-bakit? Iniwan m-mo din naman ako diba?Umalis ka nagpunta ka sa ibang bansa. Ang y-yabang mo na ah, bakit?kasi masaya ka na?N-nakipagkalas lang ako sayo nun pero nanatili ako sa tabi mo kahit na parang ang layo layo mo. T-tangina kung may unloved potion nga lang ay talagang pag iipunan ko yun kahit na sabay pa nating laklakin. Ano ha? do you really w-wanna know, huh? You wanna know the t-truth? yung katotohanan na mataqgal ko ng tinatago at tinatanggi, na kahit sa sarili ko! Fine, sige kung iyan ang gusto mo... Hindi ako ang biological mother ni Cayi! Hindi ko sya anak at mas lalong hindi sya sayo... K-kasi yung anak natin, i-iniwan na ako 4 y-years ago. Ano? Masaya ka na, huh? Narinig mo na ba ang gusto mong marinig? O gusto mo pang ulitin ko? HINDI NATIN ANAK SI CAYI, YUNG ANAK NATIN WALA NA. " Sabi ko at tinulak sya pero masyado na akong mahina para matumba sya, para lang akong tumutulak ng pader.

"Fuck, I-I don't know. I'm sorry. " Ani ni Kaizer at may kumawalang luha mula sa mga mata nito.

"W-wala ka naman t-talagang a-alam sa nangyari sakin, Ano? Bakit hindi mo ko sumbatan ngayon? Gusto mo kong sigawan? Sigawan mo ako, G-gusto mo akong saktan? Saktan moko. Gusto mo akong pahirapan? Pahirapan mo ako, p-pero hinding hindi na nun maibabalik ang b-buhay ng anak ko. Kahit na anong gawin mo, kahit na anong gawin ko. W-wala na wala, i-iniwan na ako ng baby ko. A-ang baby ko... Ang b-baby ko. I-ito na ang karma ko..." Umiiyak na sabi ko at napaupo sa sahig.

"Zia? Anong nang yayari sayo." Alalang tanong ni Kaizer sakin, pero parang hindi ko sya maintindihan.

KAIZER POV

"Ang baby ko, nasaan na ang baby ko?" Ani Zia na para bang wala sa kanyang sarili.

Pareho na kami ngayong nakaupo sa sahig ng hospital at inaalog alog ko ag balikat nya.

"A-ano bang nangyayari sayo? Kung si Cayi ang hinahanap mo dadalhin kita sakanya." Sabi ko sakanya pero parang wala lang ito, umiiyak parin ito.

"Nasaan na ang baby ko?" Tulalang sabi nya habang naiyak pa rin.

"Zaria!" Sigaw ng isang lalaki at lumapit sagawi namin.

"Anong nangyari sakanya?" Galit natanong nya sakin.

"Nag-uusap lang kami tapos bigla nalang syang naging ganyan. Hinahanap nya ang baby nya." Ani ko sa lalaki.

"Damn it, Zia? Hey honey, do you know me?" Sabi ng matandang lalaki kay siya lumayo ako ng kaunti at inaantay ang susunod na gagawin nito.

Ano ba kasing nangyayari sa babaeng ito, hindi ko sya kayang tignan ng ganyan ang kalagayan nya. There is something inside me, hurting... I can't and I don't wanna see her like that.

"Nakita mo ba ang baby ko?" Sagot ni Zia sa lalaki.

"Si Cayi ba ang tinutukoy mo? Halika tumayo ka, dadalhin kita sakanya." Sabi nya at aalalayan sana si Zia tumayo pero bigla itong umiyak ng malakas.

"Yung baby ko." Yan ang paulit ulit nyang sinasabi habang umiiyak.

"Tumawag ka ng mga doctor." Utos nya at kaagad ko din itong sinunod.

May nurse akong nakasalubong.

"Nurse, kailangan ko ng assistant. Yung asawa ko." Sabi ko sa nurse. At itinuro ko ang umiiyak na si Zia.

"Tatawagin ko po sila doc." Sabi nya at nagmamadaling tumakbo.

Bigla namang lumabas ang doctor sa kwarto kung nasaan ang naroon ang bata.

"What's happening here?" Ani ng doctor na lumabas, sunod namang lumabas ang mga nurse.

"Help them." Utos pa ng doctor at kumuha sila ng Wheel chair at pinaupo si Zia dun.

"Ikaw na muna ang bahala kay Cayi." Sabi nung matandang lalaki at sumama sya sa mga nurse na nagtutulak kay Zia.

Muli akong napatingin sa doctor.

"Are you the father?" Tanong ng doctor saakin at dahan dahan akong tumango.

"Di na ako mag papaligoy ligoy pa, Inatake ang bata kanina ng asthma nya mabuti ay naagapan agad, na trigger ito ng balahibo ng pusa. Ito ba ang unang atake nya?" Tanong saakin ng doctor.

"I don't know, maybe." Ani ko.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa din ako kung tutuosin ay di ako kailangan dito kasi di naman ako kamaganak ng batang yun at hindi naman ako ang tatay nya, dahil ba konektado sya kay Zia.


©MSMNCD

A/N; Abangan ang next chapter, flashback yun.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro