Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

“Mami, can we play na po?” Tanong ng cute kong anak sakin, hinaplos ko ang buhok nya dahil sa edad na 3 years old ay matulin na itong magsalita.

“Yes po anak, anong gusto mong laruin natin? Barbie?” Masuyong tanong ko sakanya. Ang maliit nitong daliri ay inilagay nya sa kanyang sintido na para bang iniisip pa kung ano ang gusto nyang laruin.

Natawa ako dahil inakto nya.

“Hmmmm, how about we play outside, mami?” Sabi nya at gumawa ng bubble gamit ang saliva nya. Hilig nya talagang gawin yan, lalo na kpag nag papa-cute.

“Baby don't do that. Wag mong paglaruan yung laway mo.” Suway ko sakanya at nginitian nya ako labas ang di kompleto nyang mga ipin.

“Sorry, mamiii.” Sabi nya at kiniss ako sa pisngi at nag pa-cute nanaman.

“Naku, ang baby ko talaga...Ang bilis mo lumaki, parang nung nakaraan ay sobrang liit mo pa.” Sabi ko at tsaka pinugpog ng halik ang kanyang mukha.

Sinabayan ko iyon ng kiliti sakanya kaya halos gumulong gulong kami sa sahig.

“Mukhang nagkakasiyahan kayo ng apo ko ah.” Ani Papa Tonio na kanina pa pala kami pingmamasdan sa gilid ng pinto.

“Lolo! Miss po kita.” Sabi ng anak ko at tumakbo papunta sa lolo nya at nagpabuhat.

“Ang pinaka maganda kong apo.” Sabi ni Papa at hinalikan sa pisngi si Cayi, bumungisngis lang ang munti naming Cayi dahil paniguradong nakiliti ito sa bigote ni papa.

“Sya lang naman po ang nag iisa nyong apo papa, sya palang po.” Pagpapaalala ko sakanya, napasimangot naman si papa. Para talaga itong bata.

“Hay naku, baka tumanda na ako lahat lahat ay iisa pa din ang apo ko? Kailan nyo ba balak ni Rosa na bigyan ng kalaro itong si Cayi, sige kay baka masanay itong apo ko na mag-isa.” Pananakot ni Papa sakin na lalo kong kinatawa.

“Enjoyin nyo nalang po muna si Cayi, Papa.” Ani ko sakanya.

“Kahit kailan talaga kayo ni Rosa.” Sabi nya at napailing iling. Ibinaba naman na nya si Cayi.

“Mauna na muna ako, nakalimutan ko na may dadaanan pa pala ako.” Paalam ni Papa at hinalika ulit si Cayi.

“Ba-bye, old papa.” Sabi ni Cayi kay Papa sabay takip sa kanyang bibig, at mahinang humagikhik.

“Hindi pa ako old apo, gwapo lang. Sya alis na ako.” Sabi ni papa at tuluyan ng umalis.

Nagkatitigan kami ni Cayi at parehong ngumiti.

“Alis na tayo baby? /Alis na po tayo mami?” Sabay na sabi namin na ikinatawa ko.

Binuhat ko sya at kinuha ang bag ko. Dadalhin ko nalang sya sa malapit na park para naman malibang sya, at makapaglaro sya sa iba pang mga bata. Medyo bumibigat na ang baby ko, habang buhat ko sya ay nilalaro at pinapalobo nya ang laway nya.

“Baby, diba sabi ni mami wag mo lalaruin ang laway mo?” Sabi ko sakanya at nag smile sya sakin.

“Sorry mo, mami.” Sabi nya at hinawak sakin ang basa nyang kamay.

Basa na ang mukha ko ng laway nya.

“Wag mo ipunas sa mukha ni mami ang laway mo baby.” Ani ko.

Pununasan nya ang mukha ko gamit ang maliliit nyang kamay.

“Gusto ko Cleam mami.” Sabi nya sabay turo sa ice-cream sa may kabilang kalsada.

“Baby? Pwede bang dun ka muna sa upuan na yun, bibili lang si mami ng ice cream mo. ” Sabi ko sakanya at agad naman syang tumango.

“Wag kang sasama sa kahit na sino ha, kapag may lumapit sayo at di mo kilala sumigaw ka para marinig kita agad.” Sabi ko sakanya at kinuha ang name tag sa bag ko. Nakasulat dun ang pangalan ni Cayi, ang number ko at ang address namin.

“Yung bilin ko sayo anak ah.” Sabi ko sakanya at niwan sya dun, nililingon lingon ko sya dun sa pwesto nya at tumawid.

Ligtas akong nakatawid sa kabilang kalsada at bumili ng ice-cream para baby ko.

“Kuya, Dalawa nga pong tig-bente.” Sabi ko at sa nagtitinda.

“Sa apa mo ma'am o sa tinapay?” Tanong nya sakin ng may ngiti sa labi.

“Sa apa nalang kuya.” Sabi ko sakanya at tumango sya sakin.

Ini-scoop ni kuya ang ice cream at nilagay sa apa. Tatlong flavor ang nandun. Mango, avocado and ube.

Kumuha ako ng 40 pesos sa bag ko para pambayad.

“Ito po ma'am—”Naputol nya ang sasabihin nya kaya kinuha ko n a aag ice cream sa kamay nya.

“—Anak nyo po ba ang batang yun ma'am?” Natataranta na sabi ni kuya at nilingon ko ang anak ko.

Nakahiga ang anak ko sa sahig at parang hirap na hirap huminga. Nabitawan ko ang ice-cream na hawak ko at nag mamadaling pumunta sa anak ko.

Nakita kong may tumulong sa anak ko, hindi ko nakita ang mukha nito dahil nakatalikod sya sakin.

Nang makatawid ako sa kabila ay dali akong lumapit sa anak ko.

“Ate, a-ano pong nangyari sa anak ko?” Tanong ko sakanya at lumuhod para makita ko ang kalagayan ng anak ko.

“N-nakita ko kasi syang natumba habang nilalaro ang pusa, bigla nalang syang n-bahirapan huminga kaya dali dali akong p-pumunta rito... Tumawag ka ng ambulansya.” Utal na sabi nya at agad ko namang sinunod ang sinabi nya kinuha ko ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya.

Matapos kong matawagan ang ambulansya ay tinignan ko ang anak ko, mukhang hirap na hirap syang huminga.

Matatagalan pa ang ambulansya kung aantayin pa namin ito, baka hindi kayanin ng anak ko.

Diyos ko.

Pumunta ako sa gilid ng kalsada at kinaway kaway ang kamay ko baka sakaling may mabuting loob na magpasakay samin at ihatid kami sa hospital.

“Tulong! Tulungan nyo ang anak ko!” Naiiyak na sigaw ko. Nilingon ko ang anak ko, nandun pa din ang babae at tinitignan ang lagay ng anak ko.

Biglang may humintong sasakyan sa harap ko. Bumukas ang bintana at may sumilip dun na lalaki na naka shades.

“Miss anong problema?” Tanong nya sakin at tinuro ko naman agad ang anak ko.

“Tulungan mo ko, nahihirapan ang anak kong huminga dalhin mo kami sa hospital. Nagmamakaawa ako sayo.” Umiiyak na sabi ko sakanya at wala pang ilang segundo ay bumaba sya sa sasakyan at tumakbo papunta sa anak ko.

Sinunda ko naman sya.

“Miss, akin na ang bata ako na mag hahatid sakanila sa hospital.” Sabi nya sa babae at agad namang binigay ng babae ang anak ko sa istrangherong lalaki. At dinala sa sasakyan nya.

“S-salamat.” Sabi ko sa babae at sinundan ang lalaki na buhat ang anak ko at sinakay sa sasakyan nya.

Papasok na sana ako sa back seat ng sasakyan nya kaso may nakaupong lalaki dun ta mukhang naudlot namin ng anak ko ang pagtulog nya.

Gulat syang napatingin sa akin at sa anak ko.

“Zia?”

                 

                                                               ©MSMNCD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro