Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24


Chapter 24

Kahit na inaantok ay pinilit kong manatiling dilat lalo na't terror pa naman itong teacher namin na ito. Baka mapansin ako at mabugahan pa ng apoy.

“Miss Cinco, are you with us?”Ayn na nga ang sinasabi ko napansin na ako ni Mrs. Balderon or should I say Mrs. Andriod-17 nahuli nya akong humuhikab, I feel suddenly alive when she called my name.

“No ma'am —I mean y-yes ma'am.” Ani ko. Tinignan lang ako ni Ma'am na parang sinasabi nya na 'NAKIKITA KITA KAYA UMAYOS KA LOOK' dahil doon ay napaayos ako ng upo lalo na ang mga classmate ko ay nakatingin sakin.

Mahinang tumunog ang cellphone ko, buti nalang ay di gaanong malakas ang pag beep nun kung kaya ay hindi nakita ni Mrs,Balderon yari nanaman ako.

From:Kai🐻

Meet me at Luna's Restaurant, 7pm.

Hindi na muna ako nag reply at tinago ko ang cellphone ko baka makuha pa 'to ni Ma'am at diko na makuha. Sayang din ang ibibili ko pampalit pag nagkataon.

Lutang lang ako hanggang matapos ang lahat nang class namin. Hindi ko na alam parang may mali ngayon.

Alas sais ang out namin at agad na akong dumiretso sa restaurant na sinasabi ni Kaizer...

Mabuti na ang maaga para di na mag antay si Kaizer.

To:Kai🐻

Nandito na ako.

Text ko sakanya at inilapag ang cellphone ko sa mesa. Nag-aantay ng susunod nyang mensahe.

Mahigit 30 minutes na ako dito at nakailang balik na rin ang waiter dito sa mesa na inuupuan ko. Nakailang basong tubig na ako, 30 minutes palang akong nag aantay dito pero parang pakiramdam ko ay halos buong araw na ako nandito.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang baso na may lamang tubig at ininom, bakit na ako kinakabahan si kaizer lang naman ang inaantay ko.

Sa kalahitnaan nang paghihintay ko ay bigla nalang may umupo sa upuan na bakante para sana kay Kaizer.

Nang tignan ko ang umupo dun ay nagulat ako.

Bakit sya ang nandyan?

“Nice to see you again, Zia.” Bati nya sakin na wala man lang ka ngiti ngiti sa labi. Napalunok ako dahil super kinakabahan ako sa tingin nya.

“A-ate Selena? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sakanya, pinilit kong huwag ipahalata ang kaba ko.

“At talaga ngang makapal ang mukha mo, ano? Nakuha mo pa akong tawaging ate sa kabila nang kahihiyang pinag-gagawa mo?” Akusa nya sakin kaya napakunot ang noo ko, wala naman akong maalalang ginawa ko sakanya.

Okay naman kami nung huli kaming nagkita.

“A-ano bang sinasabi mo ate Selena?” Takang tanong ko sakanya dahil wala talaga akong idea sa mga sinasabi nya.

“Tigilan mo na nga yang pagpapanggap mo, linis linisan ka pero ang totoo ay tinalo mo pa ang puta dahil sa ginagawa mo. Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo sa fiance ko?” Sabi nya at nakita ko ang galit sa mukha nya.

Si Kaizer ang tinutukoy nyang fiance nya, pero matagal ng hindi natuloy ang engagement nila.

“W-wala akong alam dyan sa sinasabi mo ate.” Depensa ko sa sarili ko. Kahit na alam ko sa sarili ko na tama ang sinasabi nya.

“Ako pa ang lolokohin mo, alam ko na ang lahat sa inyo. Nung una akala ko ay talagang protective lang sayo si Kaizer dahil kapatid ka nya pero yun pala ay pasimple mo na syang nilalandi. Kahihiyan ang ginagawa mo, hindi mo ba iniisip ang sasabihin ng nga tao dahil sa kalandian mo?”Sabi nya at doon ako natauhan, tama nya malandi ako dahil pinatulan ko ang Kuya ko.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

“Pero m-mahal ko sya, a-ate.” naluluhang sabi ko sakanya.

“Anong alam mo sa pagmamahal? Bata ka pa, kaya anong alam mo sa salitang pagmamahal?” Galit na sabi nya sakin.

Ano nga ba ang alam ko sa pag mamahal?

Tama naman ang sinasabi nya, bata pa ako nung may mamagitan samin ni kaizer kaya pano ko nasabing pag-ibig nga yun?

“Kung talagang mahal mo sya ay hahayaan mo syang pakasalan ako, ikaw lang ang pumipigil sakanya para pakasalan ako. Look Zia, kung hahayaan mong ma-ikasal kami ay maliligtas mo sya sa panghuhusga... P-pwede mo pang itama ang maling relasyon nyo, kung palalayain mo sya, Ano nalang ang mararamdaman nila Tito at Tita na ang batang inaruga nila ay pinagtaksilan sila. Maawa ka sakin Zia, mahal ko rin si Kaizer h-hindi ko kayang mabuhay ng wala sya. M-maawa ka sakin Zia, Iiwan mo sya. A-akin nalang sya, hayaan mo n-na syang ako naman ang mahalin Zia. Mahaba na ang panahon na pinagsamahan nyo. Please hayaan mo naman akong makasama sya.” Ani Ate Selena at biglang lumuhod sa harapan ko.

Lahat nang tao sa Restaurant ay nakatingin na samin, pinatayo ko ang lumuluhang si ate selena at muling pinaupo sa kanyang upuan. Pareho kaming lumuluha ngayon.

Pareho kaming lumuluha dahil sa lalaking pareho naming mahal.

Nakatayo ako sa harap nya nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak syang nakayuko.

“S-sige, t-tapusin ko n-na.” Mahinang sabi ko na ikina tingin nya sakin.

“Z-zia.” Ani nya at kinuha ko na ang gamit ko at papatakbong nilisan ang lugar na yun.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ang mga paa ko.

Napasalampak ako sa semento at tahimik na umiiyak. Hindi ko kayang makakita nang taong umiiyak dahil sakin, ayokong nakakasakit ng damdamin nang tao lalo na kung kaya ko naman magpaubaya.

Umuwi akong parang wala sa sarili. Umakyat ako papuntang kwarto ko at napahinto ako nang mapatapat ako sa pintuan nang kwarto ko, hinarap ko ang pinto nang kwarto ni Kuya.

Kinatok ko iyon, ngayon ko na tatapusin para isang iyakan nalang.

Nagulat pa ako dahil binuksan nya agad yun, hindi ko inaasahan na nandito na pala sya.

“Bakit ganyan ang itsura mo? Kanina pa kita inaantay? Di na kita natext kasi nawala yung cellphone ko.” Ani nya at hinila ako papasok sa kwarto nya.

“Bakit parang mugto yang mata mo? Umiyak ka ba, baby ko?” Tanong nya sakin.

Walang buhay akong nakatitig sa gwapo nyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa labi.

Baka yun na din ang huling halik na pag sasaluhan namin.

“Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Dika kasi nagsasalita e. Gusto mo kumain muna?” Sunod sunod na sabi nya.

“Let's end this.” Walang lakas na sabi ko, nakita ko ang gulat sa mukha nya dahil sa sinabi ko.

“I-I'm serious baby, huwag kang magbiro ng ganyan. Gutom ka ba? Date tayo? Gusto mo? Anong gusto mong kainin? Pagod ka lang s-siguro.” Ani nya at nakita ko ang kaba sa mukha nya.

“I-itigil na natin 'to n-nagsasawa na ako s-sa ganto.” Buong tapang na sabi ko.

Niyakap nya ako.

“Wag kang m-magbiro ng ganyan, gusto mo bang masahihen kita? Masakit ba katawan mo?” Sabi nya at hinigpitan pa ang yakap sa bewang ko.

“Wag kang ganyan, palayain mo na ako. H-hindi na kita m-mahal.” Mahinang sabi ko, ramdam ko ang paninigas ng katawan nya pinilit kong kalasin ang yakap nya sakin pero mas hinigpitan nya pa ito.

“P-pero ako mahal kita.” parang batang sabi nya.

Please kai, wag mong gawing mahirap para sakin 'to.

“Hindi na nga kita mahal!” Buong lakas akong sumigaw at tinulak sya.

“Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko ha? Zaria? ...Ganun mo ba ako ka di gusto para hindi paniwalaan? Mahal kita.”Ang boses nito ay halatang pagod na kita ko sa mga mata nito ang sakit, gusto kong lumapit sakanya at yakapin sya pero pinigilan ko ang sarili ko dahil pag nag patuloy pa ito mas lalong hindi ko sya makaka yang iwan.

“Pero mali ito!mali yang mararamdaman mo... Itigil mo na tong kahibangan na 'to K-kuya.”Pumatak ang mga luha ko konting konti nalang ay bibigay na ako.

Nanghihina ang mga tuhod ko. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon, alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya pero hindi pwede, siguro kung sa ibang pagkakataon at sa ibang sitwasyon kami ay pwede pa pero ang ganto ay hindi pwede dahil kapatid ko sya. Sa mata ng mga taong nakapaligid saamin ay kapatid ko sya.

“I'm begging you, please give me a chance to prove my self to you.  I will fight for you... For us. I'll do everything just please... please d-don't push me away.” lumuhod ito at hinawakan ako sa kamay ko.

Wag kang bumigay Zaria, wag kang marupok. Itulak mo sya palayo.

Huminga ako ng malalim at tinulak sya, hindi ko na kaya ang nakikita ko. Kaunti pang pagmamakaawa nya ay bibigay na ako. Bago ko pa bawiin ang sinabi ko ay nilisan ko na ang silid nya at nagmukmok sa kwarto ko.




Tahan na Zia, lilipas din ang sakit.....



                                                               ©MSMNCD

A/N;Wag nyong kalimutan ang pag-comment ng mga hinanakit nyo para sa kabanatang ito. Mwuah😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro