Chapter 2
Chapter 2
Tatlong araw na ng mamatay si inay. Nandito ako ngayon sa bahay namin ni inay mugto ang mga mata habang yakap yakap ang litrato nya. Miss na miss ko na ang inay sandali pa lamang syang nawawala pero yung tindi ng pag ka miss ko sakanya ay sukdulan na. Ang daya naman kasi ni inay eh nang iwan agad pano na ako ngayon?
Napag disesyonan ko na ipa-cremate nalang ang katawan ni inay. May konti naman kaming ipon at tsaka tinulungan ako ni ma'am meriam, sya ang sumagot sa hospital bills at pati ang pag papa-cremate sa katawan ng inay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, para akong masisiraan ng ulo.
Pano ko ngayon bubuhayin ang sarili ko.
Hindi sapat itong ipon namin ni inay. Kailangan kong mag trabaho para mayroon akong pangtustos sa sarili ko baka titigil muna ako sa pag aaral. Babalik nalang ako kapag may sapat na akong ipon. Ang problema ko lang ngayon ay kung pano ko bubuhayin ang sarili ko, wala akong trabaho ang meron lang ako e ang perang naitabi namin ni inay.
Ang tagal ko naman kasing yumaman eh. Kung mayaman lang kami ay paniguradong nandito pa ngayon si inay kasama ko.
Natigil ang pag e-emote ko ng may kumatok sa pinto. Tumayo ako para tignan kung sino iyon.
Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ng mag-asawang Ciano.
“Kamusta ka na hija.”tanong saakin ni Sir Frank.
“Ayos naman ho, ako ma'am, sir. Halika ho pasok po muna kayo sa loob.” Sabi ko sakanila at binuksan ang pintuan ng mas malaki.
“Diba sabi ko sayo wag mo na akong tawaging ma'am... Mag tatampo ako nyan sayo sige ka.” Sabi ni tita, minsan talaga may pag kaisip bata itong si Tita Meriam, napailing nalang si Sir Frank dahil sa inasta ng asawa nito.
Pumasok sila sa loob, hindi kalakihan ang bahay namin pero malinis naman. Yan kasi ang itinuro saakin ni inay na kahit hindi maganda o malaki ang bahay mo ay basta malinis at maaliwalas yung maayos na nakakahinga at masasabi kong bahay talaga ganun ang totoong bahay.
“May gusto po ba kayong kainin? Inumin?” tanong ko sakanila.
Umiling naman sila at magsalita si sir frank.
Mabuti naman at tumanggi sila dahil alam kong wala pa akong nabibiling pagkain. Tsaka kailangan kong mag tipid, kung natipid na ako dati ay kailangan ko pang maging mas matipid.
“Hindi na hija, naparito kami para kamustahin ka at kung tanungin ka kung interesado ka ba sa iaalok namin sayo...” Sabi ni Sir Frank. Napakunot ang noo ko at tinignan silang magasawa.
“Ano po iyon?” inosenteng tanong ko sakanila.
“Gusto ka sana naming kunin.” Sabi pa ni sir frank, Tamang tama at gusto nila akong kunin na kasambahay nila dagdag din yun sa pag kakakitaan ko, mag hahanap nalang ako ng iba pang sideline para kapag bakanteng oras ko ay may pag kakakitaan pa rin ako.
“Wala naman pong kaso saakin kung kunin nyo akong isa sa mga tagalinis ng mansyon nyo pabor pa nga po saakin i—” pinutol ni ma'am meriam ang sasabihin ko.
“Gusto ka sana naming ampunin bilang anak namin ni Frank alam mo naman sigurong wala kaming anak diba hija?” Mahinahong sabi ni Ma'am Meriam, kita ko ang kagustuhan sa mata nya. Seryoso ba sya ako? Aampunin nya ako?
“Pero ma'am may anak na po kayo diba? Pano po si Kuya Kaizer?” naguguluhan tanong ko sakanya, dahil baka magalit si Kuya Kaizer kapag nag ampon sila.
“Binata ni si kaizer hija, ilang taon nalang bubukod na sya saamin.” Sabi ni ma'am meriam at yumakap sa asawa nito at humihikbi nataranta naman ako dahil umiiyak ito.
Ano bang gagawin ko, nakakataranta naman lalo na at umiiyak pa si Ma'am Meriam.
“M-ma'am wag na kayong umiyak.”Sabi ko sakanya at tumingin naman ito saakin namumula ang mata nito at halatang umiyak.
“Titigil lang ako kung papayag kang maging anak namin ni Frank.” Sabi ni ma'am meriam, di ko na alam ang gagawin ko dahil kung tumangi ako ay mas lalong iiyak si ma'am meriam.
“Payag na po ako, wag lang po kayong iiyak.” Sabi ko sakanya at agad naman na nag liwanag ang mukha nito at tumayo tsaka lumapit saakin at niyakap ako na bigla pa nga ako ng yakapin ako nito pero hindi kalaunan ay ginantihan ko na rin ito ng yakap.
“Salamat hija, maraming salamat.” Sabi nito at umiyak nanaman.
“Kala ko po ba hindi na kayo iiyak kapag pumayag ako? E bakit naiyak pa rin po kayo? Niloloko nyo naman ako e.” Natawa naman ito sa sinabi ko at bumitaw sa pag kakayakap saakin.
“Narinig mo ba yun honey? Pumayag na si Zia na maging anak natin!” masayang sabi ni ma'am meriam at sabay yakap sa asawa nya at hinalikan nya ito sa panga.
“You will be our daughter soon.” Sabi ni Sir Frank at niyakap ako gumanti din ako ng yakap sakanya at bumitaw.
“Mauna na kami, aasikasuhin lang namin ang mga dokyomento mo para mas mapa bilis ang pag adapt namin sayo.” Sabi ni Sir Frank
“Sige po Sir Frank.” sagot ko.
“Daddy nalang itawag mo saakin, magiging anak na rin naman kita e.” Sabi nito at muli ring nagsalita si Ma'am Meriam.
“And you should call me mom too. Mag tatampo ako kung ang gwapong ito lang ang tatawagin mong daddy.” Sabi ni Ma'am Meriam or sabihin na nating mom.
“Sige po, m-mom at d-daddy.”sabi ko at yumuko. Bahagya akong nahiya dahil hindi ko inaasahan na gusto pala nila akong maging anak.
Grabe ka naman po Lord masyado kang Mysterious kahina lang ay nanghihingi ako ng tulong sainyo tapos ngayon ito na. Gabayan nyo po sana kami, Ikamusta nyo nalang po ako kay lola at sa mga magulang ko po.
“Masasanay ka rin hija, pano mauna na kami at dadaanan ka nalang namin dito mamayang mga alas cinco. Bibigyan ka namin ng oras para makapag ligpit ng mga gamit na dadalhin mo, huwag ka na masyadong mag dala ng mga damit dahil bibilhan kita ng madami. Sa bahay na tayo mag di-dinner...” Sabi ni mom ng nakangiti.
“... Kasama ang Kuya Kaizer mo.”bigla akong kinabahan nung banggitin nya ang pangalan ni Kuya Kaizer may kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag kung ano iyon.
“Aalis na kami anak.” Paalam ni mom at niyakap ako, napa-ngiti naman ako dahil talagang itinuturing nila akong anak nila.
“Mag-ingat po kayo.” Sabi ko sakanila at nang maihatid ko na sila sa labas ay kumaway ako sakanila para magpaalam.
Tama ba ang ginawa kong desisyon?
MSMNCD
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro