Chapter 14
Chapter 14
Patuloy ang palitan namin ng sulat, kung titignan ay para lang kaming mga tanga. May cellphone naman kaya pwedeng pwede na kaming mag text o di naman kaya ay pumunta sya dito sa kwarto ko para makapag usap kami o kaya naman sa kwarto nya...
Pero naisip ko ay okay naman na 'to medyo makaluma lang pero who cares naman. At tsaka mas makalumang style mas nakakakilig.
Nakarinig ako nang katok mula sa pinto, ilang sandali pa ay binuksan ko na ito.
At tama nga ako may naka-dikit na stick notes sa pinto.
Agad ko iyong kinuha at binasa ang sulat na.
To:My baby😘
Roses are red,
Violets are blue,
Tara 7/11 tayo?
Sincerely yours,
K. M.
Anong connect ng roses at violet sa 7/11?
Hindi na ako makatiis at lumabas na ako nang kwarto tsaka kinatok ang pintuan nya.
Tatlong katok ang ginawa ko, mag i-isang minuto na pero wala pa ring nag bubukas sakin.
Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto ko pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya.
“Why?” Tanong nya saakin, nalilito ako kung saan ang una kong titignan. Sa mukha ba nya o ang abs nya? Isa ito lagi sa pinakamahirap na pag pipiliian, lagi talaga akong sinusubukan ni lord parang halos walang araw nya akong hinahainan nang pinagbabawal na prutas at yung prutas na yun ay si Kuya. Minsan lang makakita nang abs kaya sa mukha nya ako tumingin. Ayokong mabawasan ang points ko sa langit.
“Bakit wala kang damit?” Lakas na loob na tanong ko sakanya, tinignan nya lang ako sa mata nang may pilyong ngiti samga labi. Gusto kong sampalin yung sarili ko ngayon. Bakit ba kasi yun ang sinabi ko,nagsisisi na ako ngayon, lord naman eh.
“Gusto mo bang maghubad pa ako?” Nanunuksong tanong nya.
Oo gusto ko dahil gaga ako...
“Hindi na, ang tigas naman nang mukha mo. Kala mo naman sexy ka?.” talaga...
“Anyways, diba sabi ko sa 7/11 tayo mag kita? Bakit ka nandito? Miss me? Excited much?” Sabi nya na ikinairap ko, miss daw?? Ang kapal naman ng apog nang lalaking 'to.
“Gusto ko lang mag tanong, anong connect nang Roses are red, Violets are blue mo sa Tara 7/11 tayo? Ang corny mo, alam mo ba yun? ” Kunot noong sabi ko sakany, sinadya ko talagang mag sungit sungitan kasi baka mahalata nya na kinikilig ako abs nya.
“Para kiligin ka, ang sweet ko diba? Hindi lang yan ang benefits na makukuha mo kapag ako ang boyfriend mo, kapag inavail mo ag boyfriend promo ko ay araw araw kang may free unlimited kiss at date plus pwede mo pa akong dalhin kung saan nang walang inaalala... May savings na ako sapat na para mabuhay ang magiging apo natin sa talampakan. Ano mag aavail ka? Sayang din to, kaya mag avail kan.” Pabirong sabi nya.
“Seryoso ka ba? Kuya kaya kita, anong boyfriend ang pinagsasabi mo?” Pang-aasar ko sakanya pero mukhang wrong move ang ginawa ko, biglang sumama ang timpla ng mukha nya.
Akmang tatalikod sya bigla kong hawakan ang pulsuhan nya.
“Eto naman, hindi mabiro. Joke lang! Napaka seryoso.” Sabi ko sakanya at tumawa nang awkward pero sya naka serious face pa din.
Minsan lang mag biro, nabwiset pa.
Bumuntong hininga ako dahil unti-unti akong nilalamon nang pagkabwiset.
Mag tititigan lang kami? Yun na yun?
Pagalit kong binitawan ang kamay nya at padabog na umalis.
Pumasok ako sa kwarto ko at kaagad na nilock iyon.
Isa isa kong hinubad ang damit ko at kinuha ang cellphone ko.
Pumasok ako sa Bathroom at binuksan ang gripo nang bathtub, bagot akong sumandal sa pader habang inaantay na mapuno yung bathtub nag scroll muna ako sa Facebook at nagbasa basa nang kaunting mga kadramahan nang mga friend kong di naman broken.
“Ikaw lamang mamahalin, puri ko ay iyong wasakin #2jointsparangmafia.” Basa ko sa isa sa mga post na dumaan sa feed ko, napangiwi naman ako. Inistalk ko ang nagshare nun at tinignan ko ang iba pa nyang shared post.
“Bumili ka nang avocado para makita mo ang halaga mo.”Basa ko pa, anong connect nang avocado sa halaga ng isang tao?
Nag scroll pa ulit ako.
“Kung di mo ko kayang ipaglaban sa mga magulang mo ay salamat nalang sa pagmamahal mo.”Napangiti ako dahil sa nabasa ko.
“Lahat ng kulto sasalihan ko makuha ko lang ang puso mo #mamahalinmokoosusunuginkobahaynyo?” Basa ko pa sa isang post sabay iling ng aking ulo.
Ano ba 'tong taong to. Sino ba nanakit sakanya at may paganyan ganyan pa nang shared post. Huwag sanang dumating ang panahon na masaktan ako at magaya ako sakanya na halos tumambay na sa social media para lang ipagkalandakan kong nasaktan ako. Tsk
Napuno na ang tubig sa tub at nilagyan ko yun nang pampabula at roses para sosyal.
Ibababad ko na sana ang katawan ko sa tub nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Ang galing, istorbo...
Kinuha ko iyon at tinignan ang tumatawag.
Rosa Calling...
Sinagot ko iyon kaagad.
“Hello? Rosa? Bakit ka napatawag may problema ba?” Bungad na tanong ko sakanya, talagang tatawag kung kailan nag re-relax ang tao.
“Tumawag lang may problema ma agad, punta tayong mall. Gala naman tayo, mare.” Sabi nya sa kabilang linya nang masigla. Ano pa bang magagawa ko, bilang mabuting kaibigan ay malamang oo ako.
“May choice pa ba ako? Dadaan ka ba dito sa bahay o mag kita nalang tayo kung saan?”
“Daan nalang ako sainyo, oh sya maligo ka na at alam ko namang matagal kang kumilos e. Antayin mo nalang ako.” Sabi nya at tsaka tumawa.
Napatawa nalang ako dahil tama sya, pinatay narin nya ang tawag.
Nagbabad lang ako nang saglit at nagbihis na.
Sinuot ko ang black na trouser ko at nag crop top nalang ako, tinali ko rin ang buhok ko nang high ponytail.
Kaunting liptint at mascara ay tapos na ako.
Bumaba na ako at doon ko nalang inantay si rosa sa may sala.
Sa kalagitnaan nang pag aantay ko ay biglang sumulpot sa harapan ko si kuya at bigla nalang akong hinawakan sa kamay at dinala sa stock room nang mansyon, doon nakalagay yung mga stock namin nang pag kain.
“Kuya ano ba? Bakit ka ba nanghihila jan.” Reklamo ko sakanya at hinimas himas ko pa ang parte nang kamay ko na hinila nya.
“Diba sabi ko sayo magkita tayo sa 7/11? Pero bakit kailangan mo pang mag crop top?” Umiigting na pangang tanong nya sakin.
“Sino bang nag sabi na sa 7/11 ang punta ko? Dzuh, mag kikita kami ni rosa.” Pabalang na sagot ko sakanya.
“What? So kung hindi pa kita hinila papunta dito ay hindi ka mag sasabi? Tsk, mag aantay lang pala ako sa wala dun” Sabi nya sa malalim na boses.
“Pakialam ko naman.” Pambabara ko sakanya.
“Pakialam ko rin kung magalit ka.” Sabi nya at mabilis na dinampi ang labi nya sa labi ko.
“Aba't loko ka ah!” Sabi ko at susuntokin ko sana sya nang bigla nya akong maunahan...
Nahawakan nya ang kamay ko, isinandal nya ako sa pader habang hawak ang dalawa kong kamay tsaka nya iyon tinaas na malapit sa ulo ko at muli akong sinunggaban nang halik sa labi at sa pag kakataong iyon ang medyo matagal, anong magagawa ko e, tukso yun.
Pinutol nya ang halik at dahil nabitin ako ay biglang uminit ang ulo ko. Bigla akong nakaisip nang kasamaan.
Pilit kong binawi ang kamay ko at nang matagumpay kong masagawa iyon ay tinulak ako sya upang magpalit kami nang pwesto, hindi ako nahirapan dahil nagpaubaya naman sya. Ngayon ay sya na ang nakasandal sa pader.
Malakas akong napabuntong hininga at hinawakan ang damit nya sa may bandang dibdib para mahila ko sya at magawa ang plano.
Hinalikan ko sya nang walang kahirap hirap, kumapit ako sa leeg nya at sunod na hinalikan ang panga nya.
“Fùck.”mahinang daing ni kuya at sinapo ang dibdib ko bahagya nya pa itong piniga kaya nakagat ko ang kanyang balat sa leeg.
Gumapang ang kamay nya patungo sa pang upo ko at bilang ganti ay hinawakan ko ang kanyang pagkalalaki. Naramdaman ko naman na natigilan sya sa ginawa ko. Kinuha ko ang opportunity na iyon para itulak sya.
Dali dali akong tumakbo papalabas nang stock room. Inayos ko naman ang sarili ko...
Pareho na kami nang nararamdaman ngayon, yun lang ang nasisigurado ko.
Papalabas na ako nang makasalubong ko si rosa.
“Tara na, bilis.” Sabi ko at hinila sya papaalis dun.
“Aray ko naman, Zia. May tinatakbuhan ka ba?” Sabi nya sakin dahil halos mag kanda-dapa-dapa na kami.
“Namiss kasi kita, kaya ganun.”
MSMNCD
You're votes and comments are highly appreciated, guys. Happy reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro