Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: LOVETEAMS?

Dedicated kay ate Yam na author ng GFFH/OHG. Favorite ko kasi yung story nya eh! Kaya ippromote ko na rin kasi nag self-publish sya ng story na sinulat nya ang Girlfriend For Hire. ^_^ Alam ko po busy ka ngayon pero pag nagka time ka na sana mabasa mo po ito at sana magustuhan mo po yung story na ito ate Yam. ^_^

Claire's POV

October na at syempre anu pa nga bang paghahandaan? Edi Halloween!

Author bakit loveteams ang chapter kung kailan mag hahalloween?

Author: Eh gusto ko eh. Ang hilig niyo pumalag ni Migs!

Eh? Si Migs? Pumalag? Anu sabe?

Author: Secret. ^_^

Author naman eehhh!! Ok going back.

Sa class...Pagdating na pagdating ni Sir Al sa room inannounce nya agad ang halloween party, syempre kailangan namin mag costume. Sinabi rin ni sir na kailangan may kapartner kahit hindi tugma yung costume. Haaaaaayy. Andami na lang palaging activities, di na naubusan ng gagawin dito. -_-

"So Claire anung susuotin mo sa halloween party?" sabi ni Migs na may kasamang pagpapacute. Kainis tigilan mo yan! Kinikilig ako! HAHA

"Ah-eh, di ko pa alam. Magsesearch muna ko." ^_^ <---my face "hehehe"

"Oh, Claire! Sino kapartner mo?" Tanong ni Des sabay senyas ng tingin sa nakatalikod sa kanyang si Migs. Yun bang parang dapat si Migs daw kapartner ko. Buti na lang talaga nakatalikod si Migs!

"Haha, di-di ko pa rin alam." sabi ko na parang may kasamang nerbiyos sa pagkakasalita,sana di napansin ni Migs, "Saka na natin pag usapan yung sa Halloween party he-hehe. Diba?" pagsesegway ko

Umalis na si Sir Al pero dumating naman ang adviser namin na si Ma'am Alfonso. At ang sabi, "Yaman din lamang na sinabi na ni sir ang halloween party ako na ang magpapares sa inyo."

At nagka bulong bulungan na at may sumigaw rin ng "Hala Ma'am!" "Anu ba yan!" "Di ba pwedeng kami na lang pumili?"

Syempre naingayan si Ma'am, "Anu ba 3-1! Tumahimik nga! Oh sige kayo na lang teacher!"

At nanahimik nga ang klase, galit na eh.

Inannounce na nga ni ma'am yung mga gusto niya na maging magkakapares at yun! Wala namang nadis-appoint dahil pinagpares ni ma'am yung mga magsyota, nagliligawan, nagkakamabutihan,close friends at ang mga trending sa room namin na loveteams. Author! kaya pala LOVETEAMS! Ang kapartner ko syempre si Miguel Angelo Tan! Kinikilig ako pero kinakabahan din! Halaaaaa...

Si Destiny ang kapartner nya? Yung pogi na kahawig ni Migs! Kahawig lang naman depende sa angle. Muntik ko na maging crush to kaso masyadong tahimik. Mas tahimik pa saken. -_-"

A/N: Sean Andrew Zambrano's pic at the siiiiiiiiiiiddddddeeeeeeee --------------------------------------------------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Siya si Sean Andrew Zambrano. Tamang tama lang ang Z niyang apelido dahil lagi sya naka upo sa likod. May seat plan kami na pang una yung Z pero pag wala pang teacher hindi sya pupunta dun sa designated seat nya hanggat walang ibang uupo dun sa kinauupuan nya...At ang alam ko may girlfriend sya. Ganda nga eh. Pero parang ambata pa nun. Pedo? Hala...

Baka mamaya pasaway to o ano eh...Sana hindi baka anu gawin nito kay Des... T.T

HAHA OA.

Destiny's POV

Halaaaa...sayang hindi pwedeng si Calvin makapartner ko :(

Pero bawing bawi naman sa nakapartner ko! Si Sean Andrew Zambrano! Hmm...Kausapin ko nga...

"Lanie pwede ko ba makausap si Sean saglit? Paupo ako sa chair mo ha."

"Ok." -Lanie

"Ahm, Sean---"

"Andrew na lang."

"Ah, sige. Andrew since sinabi na ni mam na magkapartner tayo tanong ko lang kung ano susuotin mo?"

"Di ko pa alam eh." -matipid niyang sagot nakayuko pa

"Baka di rin ako makapunta."-dugtong nya, hala anu raw? di sya makakapunta? paano ako?

"Eh pano yan wala na ko kapartner?" -napayuko lang sya ulit after nung statement kong yon..haay panu naa to?

"Pwede hingin number mo?" -ako yan kung sino pa babae eh no

"Oo naman!" -ngumiti sya nyan hala grabe ngayon ko lang sya nakitang ngumiti simula nung dumating sya dito. Transferee kasi sya pero matalino kaya no wonder napunta sya sa section namin.

"Hihingin ko na rin sana number mo eh para kung sakaling magbago isip ko." -nakangiti pa rin habang hawak yung cellphone ko sabay tingala tumingin sakin at sa paligid...bakit?

Pag tingin ko sa paligid nakatingin ang lahat sa kanya o samin. Nagulat siguro kasi nakangiti sya at ang pogi ng ngiti nyyyyyyaaaa!! Kyyaaa!! It's official! Crush ko na to! Napahawak pa sya sa buhok nya habang nakangiti na lalong ang cool tignan! Sobrang nahirapan ba siya mag-adjust at ngayon lang namin nakita to?

"Ahm. Bakit ganyan sila makatingin?" bulong nya saken

"Nagtaka ka pa Andrew?"

"Oo. Haha syempre."

"este kasi ngayon ka lang namin nakitang nakangiti ng ganyan."

"Kaya ako napangiti kasi parang nabasa mo yung utak ko nung naisip kong hingin number mo. Tsaka ikaw pa lang humingi ng number ko sa klase eh."

"Ah. Haha talaga..(sabay bulong ko nito) Makipagkaibigan ka kasi saming lahat. Kung gusto mo sama ka kina Migs kahit pang Top 11 ka ok lang sumama samin."

"Ahm. Hindi ko alam kung makakasama ko sa grupo nyo eh." ay oo nga pala kasama nya palagi yung girlfriend nya nga ba yun?

"Ah, dahil ba dun sa girlfriend mo? Yung lagi mo kasama? Kahit sya pwede mo isama samin."

"Talaga? Pero di ko girlfriend yun."

"Eh? Ang buong akala namin girlfriend mo yun eh."

"Namin? Marami kayo?"

"Actually, Oo. hehe"

"Kapatid ko yun. Parehas kami nag aadjust kaya palaging kami ang magkasama eh."

Parang ang tagal ng next subject. Ang dami na namin napag usapan.

"Ah palagay din ng number mo." sabay abot sakin ng cellphone nya

Habang tinatype ko ang number ko sa cellphone nya napansin kong nakatitig sya saken at nakangiti paaa!! Takte wag ganyan kinikilig ako!! ///_///

Nagkatamaan pa kami ng tingin! MHAYGAAAD!!

"Ahm Ok ka lang bakit namumula ka?" OMyGeee!! napansin nya pa!

*Sabay iwas tingin at nagtype na ulit sa cellphone ng number

"Ok lang ako." ^_^

Nakakawala ng hininga yung ngiti nya grabe!

*Returns cellphone sabay nagtype si Sean Andrew

"Destiny right?"

"Yup!" paupo na ko nito sa totoong seat plan ko

*Krrrrrrrrrriiiiiiiiinnnggg

So ibig sabihin wala nga talagang klase sa subject namin na yun at nagrecess na...

Nakita kong lumabas si Andrew at sinalubong ang girlfriend--este kapatid pala sa room nya.

Claire's POV

Grabe lang kinikilig ako sa pag uusap nila Sean tska Des! Anjan yung napangiti nya for the first time si Sean at nang titigan ni Sean si Des namula si Des! Hahahaha

Hindi siguro nila napansin na nanunuod ang lahat sa pag uusap nila kaya halos lahat kami di na napansin na recess na...HAHAHA

Bigla ko naisip si Calvin. Hmm pano na yun?

Nauna lumabas si Sean samin, nakita namin ni Des na sinundo pa ni Sean yung pinagkamalan naming girlfriend nya tapos kapatid nya pala.

Bumibili kami ng shake ni Des ng masalubong namin si Sean at ang kapatid nya.

"Uy Destiny eto nga pala kapatid ko si Stephanie Almira Zambrano."

"Kuya! Why so buo naman! Hello ate Destiny you can call me Almira naman." ^_^

"Destiny Love Pereira, oh yan buong pangalan ko na sinabi ko para parehas na nating alam. Haha" ^_^

"Claire Anne Torres, Hi Almira!" ^_^

"Hello po ate Claire! I know you already naman since maraming nakakakilala sa inyo sa class namin."

"Haha. Bakit naman?"

"Sumasali raw po kasi kayo sa mga singing competitions dito sa school eh tsaka I've watched you once." ^_^

"Wow. Di ko alam marami na pala nkakakilala saken. So guys gusto nyo ba sumabay samin kumain? Dun lang kami sa may gym. Dun sa mga picnic tables."

 "Ahm..." -si Sean sabay tinginan nila ni Almira

"Kuya ok lang saken."

"Ah, sige! Sabay na kami." -sean

"Des sige sasama na ko sa halloween party since pupunta rin pala si Almira." habang naglalakad kami papuntang gym nyan. sinabi yan ni Sean kay Des

"Ate Claire, ikaw anu susuotin mo sa halloween?"

"Magreresearch pa ko eh."

"Ah, ganun. Gusto mo tulungan kita? Gusto ko kasi yung mga ganyan. Costume costume ganun. Kahit buong grupo nyo tutulungan ko." ^_^

"Wow. May idea ako!" nasa picnic table na kami nyan

"Anu yun ate Claire?"

"Tutulungan mo kami diba?"

"Oo naman ate Claire!"

A/N: Di ko muna sasabihin!! Abangan!

Meanwhile...

Calvin's POV

Nakakabadtrip! Ampangit ng kapartner ko! Bakit kasi dito section ko eh!

FLASHBACK**

Dumating si Sir Al sa classroom namin para mag announce. "Ok 3-2 tahimik muna!" salubong agad ni sir maingay kasi nun sa kwarto

Inannounce ni sir na may halloween party at magpapartner daw sa class ng boy and girl. Kaasar! Pagdating ng adviser namin by surname na lang raw ang pagpapartner. Ayun! Ang napartner sakin? Guess who? Yung puno ng pimples at masama pa ang ugali na si Alvah or Ava kung tawagin. Badtrip! Sa feeler pa ko naipartner!

A/N: Baka sa Next Chapter tungkol sa magkapatid na Zambrano dun ko na lang din lalagay yung pic ni Almira :)

Keep Calm & VOTE this Chappiieee!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro