Introduction
I don't know that I will fall in love to Mr. Decent Guy. A total opposite of me. I don't know how and when this started, but he just happened.
☁️
"ANO BA! BITAWAN MO AKO!"
Malakas kong bulyaw sa lalaking nakahawak ngayon sa kanang braso ko.
"Wow! Gusto ko ng ganyan matapang!"
Napaatras ako at pinipilit paring hilahin ang braso ko mula sa pagkakahawak ng mamang bigla nalang sumulpot dito sa kantong dinadaanan ko. Alas dyes na ng gabi. Oo, hindi ako natatakot bagkus naiinis pa ako dahil sa manyak na mamang ito.
"bullshit ka!"
Sigaw ko habang humahanap ng tyempo para sipain ang gitna ng mga hita nito.
"Ito naman, pa-isa lang."
Nakakaloko pa niyang sabi. Nakakasuka na talaga.
"Hoy!"
Malakas na sigaw mula sa aking likuran. Sabay kaming napatingin ng mamang nakahawak parin ng mahigpit sa kanang braso ko.
"Pulis ako, bitawan mo siya!"
"P-pulis!"
Wika ng mama at kumaripas na ng takbo. Hay naku, takot din pala eh.
"Okay ka lang?"
Tanong sa akin ni mamang pulis noong makalapit siya. Medyo bata-bata pa ang itsura niya, mga nasa 20 plus siguro.
"Ayos lang sir. Salamat."
"Mabuti naman."
Wika nito at tinignan ako pataas pababa. Ngayon ikaw naman ang next sir? Hindi ko mapigilang isipin sabay rolled eyes.
Sandali pa ay nagsalita na ulit siya.
"No offence ha, pero paanong hindi ka mumulestyahin miss kung ganyan ang suot mo. At tsaka nga pala, hindi ako pulis. Sinabi ko lang yun para matakot siya."
Napaawang ng bahagya ang aking bibig, pero agad akong bumalik sa wisyo. Pakielam ba niya! Reklamo ng utak ko pero syempre hindi ko masabi dahil may utang na loob ako sa kanya.
"Salamat ulit."
Wika ko at tinalikuran na siya.
"Saglit lang! Saan ba ang punta mo, disi-oras na ng gabi. Marami pang manyak na nakaabang diyan sa tabi-tabi. Ihatid na kita saan ka man pupunta."
Really!?
Hindi nalang ako sumagot at hinayaan siya kahit nababanas ako. Magkatapat lang kami na naglalakad pero hindi naman masyadong malapit sa isa't-isa.
Sa mga oras na iyon ay tanging tunog lang ng aming yapak ang naririnig. Buti at hindi masalita itong lalaki na to dahil wala akong balak na kausapin siya. Sa aming paglalakad hindi ko mapigilang obserbahan ang lalaking ito. Mas matangkad siya sa akin. Mga nasa 5'9 siguro siya. At hanggang balikat niya lang ako.
Nakapolo shirt ng cream with matching black jeans at white shoes. Medyo maputi, neat tignan at mukhang matino naman. Sakto lang ang katawan.
Pero he's not my type. Iba ang qualification ko sa isang lalaki. Gusto ng pa mysterious na gaya sa mga novela, yong possessive, yong mukhang captain barber ang katawan. Yung kaya kang ipaglaban.
"Dito na ako."
Wika ko noong matapat kami sa gate ng bahay namin.
"Salamat ha."
Ngumiti siya ng bahagya at umalis na. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Hindi ko akalaing may ganoon parin na tao. Pero medyo pakielamero.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. And as usual, ang aking dakilang ina ay nagsusugal nanaman sa sala, alas onse na ng gabi hindi parin umuuwi ang mga kasugalan niyang mga kapitbahay namin. Umiling nalang ako at umakyat sa taas ng bahay, kung saan yong kwarto ko.
"Ate, sino yun? Boyfriend mo?"
Gets ko na agad itong tinutukoy ng kapatid ko, si Lila. Maaaring nakita niya kami sa harap ng gate kanina mula sa kwarto niya na tapat lang ng gate namin.
"Hindi."
Tipid kong sagot at pumasok na nang kwarto. Napatigil ako sa salamin at pinasadahan ang itsura ko. Naka V-neck akong shirt na white at kita ang cleavage, at nakamaong na pekpek short. At naka sapatos ng puti. Oh, anong masama sa suot ko? Hindi lang naman ako ang nagdadamit ng ganito ah.
Ewan, bumalik lang kasi sa akin yung sinabi ng mamang pulis kanina, ay nagpanggap lang na pulis pala tungkol sa suot ko. Nakipagkita ako sa kaibigan kong si Trixie kanina sa Restobar sa kanto. Ayun, kunting kasiyahan at inuman.
Hay sakit ng ulo ko!
Naiinis parin ako sa manyak na yun. Akala niya ba takot ako sa kanya. Hapo ko ang ulo ng aking kaliwang kamay, habang nakahiga na sa kama. Hindi ko namalayang sa ganoong posisyon ay nakatulog na pala ako.
☁️
"Zara, ano sa tingin mo?"
Nag-aarange kasi si Trixie ng high school batch reunion namin.
"Pwede naman. Pero saan naman ang venue?"
"Ako nang bahala doon! "
Excited niyang tugon.
"Wait! Siya ba yun?"
Hindi ko mapigilang titigang maigi ang lalaking papunta sa direksyon namin.
"Ha? Sinong siya?"
Naguluhan at tumingin na lamang sa aking tinitignan si Trixie.
"Bakit? Sino ba yan?"
Papalapit na ito sa amin at talagang sigurado na ako na siya nga ang lalaking tumulong sa akin noong isang gabi. Si mamang pulis, este napanggap lang na pulis.
Nang makalapit ito sa amin ay akala ko mamumukhaan niya ako pero lumagpas lang siya. Sa totoo lang nadismaya ako kasi akala ko mamumukhaan niya ako. Bakit pa nga ba? Sa anong dahilan?
"Hoy Zara, sino ba yon?"
"Wala, akala ko kilala ko."
Wika ko na lamang at inalis nalang iyon sa aking isipan. Di nga naman kami magkakilala. Isa lang naman siyang nangmagandang loob na tulungan ako sa manyak na yun.
"Hello!? Earth to Zara. Kung pinapakinggan mo din naman sana ako no? Para hindi ako satsat ng satsat dito at hangin nalang pala ang sumasalo sa akin. Anyari ha?"
Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Trixie. Oo nga pala, nakalimutan ko na may sinasabi pala siya.
"Okay, ayos yang ideya mo. Go ako diyan."
"Talaga ha. Naku, naku magkikita kayo ni Joel. Baka dito matuloy na ang love story niyong naudlot."
"Excuse me. Wala kaming love story."
Pagtatama ko kay Trixie.
"Hay naku, di pa umamin eh alam ko naman ang sikreto mo naging crush mo din siya eh."
Umiling nalang ako dahil nakalimutan kong bestfriend ko pala to at alam niya ang laman ng bituka ko. Pero tama siya pero noon yun, hindi na ako umaasa na maging kami nun.
"Ano na nga ulit yun? Mala-captain barber ang katawan? Yong kaya kang ipaglaban?"
Tukso pa nito.
"Baliw!"
"Siyang-siya na nga yun Zara. Nakita ko sa post niya sa IG. Ang lalaki ng masel, ang sarap kurutin ng six pack abs niya."
"Mukhang ikaw naman ang pumapantasya sa kanya."
"No. No. No beshy, hindi ako pangthird wheel."
Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Kahit na kailan ay luko luko parin tong si Trixie. Ten years na kaming magkaibigan. Since first year of high school. We are 24 years old now. Parehas din kaming hanggang Senior high lang. Ganyan talaga kung puro sugal ang inaatupag ng magulang mo. Mas importante pa ang pangsugal kaysa pambayad ng tuition hay. Kaya ako, heto dakilang tambay. Tinatamad din akong magtrabaho kasi uutangin lang din naman ng aking dakilang ina. Buti nga may naipon ako sa huli kong trabaho. Yun muna ang pangtustos sa sarili habang nagpapakasarap buhay.
Napasulyap ako sa nadaanan naming pulis sa tabi ni Trixie. At bumalik nanaman sa isipan yong lalaking tumulong sa akin noong isang gabi. Enough Zara, hindi naman kayo magkakilala.
Pinagalitan ko pa ang aking sarili. Kasi tama nga naman. I don't have the right to think of him kasi first of all he was just a nice guy who was willing to helped me at that time of trouble, and second of all he don't even bother to ask my name, it means lang na he doesn't have intention to be friend with me. Tapos! Kalma na self. No big deal ang di niya pagpansin sa'yo kanina. Baka naman hindi ka niya namukhaan kasi gabi na yun at madilim na rin ng ganoong oras sa daanan.
But I just wish na namukhaan niya parin ako for no specific reason.
I don't know at that moment, I'll gonna fall to a man like him..
☁️
A/N:
March 31,2020
Yea, the fire is back. Hello po sa mga nagbasa nito, comment naman kayo kahit 'Hi' lang kung nagustuhan niyo itong first chapter ng FILTMDG. Thank you for reading. It means a lot to me. God bless!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro