Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Back to work!

Hinatid ako ni Joel kaninang umaga, and at that time, I don't feel right na. Naaawa na rin ako sa tao. 'We' will never happen. He needs a girl who will love him.

Hays, sobrang mali ng ginagawa ko. Hindi ko din alam kung bakit narirealize ko ang mga bagay na to ngayon.

Dahil diyan ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil na rin sa balak kong pagputol ng anong meron kami ni Joel.

"Okay ka lang?"

Tanong ni Dake sa akin noong nasa kitchen kami. Napatango lang ako at nagpatuloy sa aking ginagawa maging siya rin noong masigurong ayos lang ako.

Mabilis namang lumipas ang oras at heto at sundo nanaman ako ni Joel. Naging praning siya after ng team building namin sa bataan. Kasi nalaman niya yung tungkol kay Leo. Di ko alam kung paano, baka dahil kay Dake o kanino man, kasi madami din naman siyang kaibigan na nagtatrabaho dito eh. Kung ganoon ay batay sarado ako.

"Joel, dito nalang."

Wika ko noong hindi pa kami nakakarating sa bahay. Malapit na rin naman pero, gusto ko siyang makausap na kami lang. Kasi sa bahay baka papapasukin pa siya ni Lila. Magkaibigan na kasi din sila.

Tumigil nga si Joel at noong nasa tabi na kami ay inalis niya ang kanya helmet.

"Bakit dito?"

Takang tanong nito. .

Bumaba naman ako at inalis din ang aking helmet.

"Malapit naman na at kaya ko nang lakarin."

Dahil diyan ay napakunot pa ang kanyang noo.

"Joel may sasabihin sana ako."

Hindi ito umimik kundi hinintay ang kasunod ng aking sasabihin.

"Gusto ko nang itigil natin to. Alam kong alam mo na hindi kita mahal. Wala akong nararamdaman sa'yo."

Walang preno kong wika para matapos na ang sa amin. Alam kong masasaktan siya pero mas mabuti na to kaysa umasa pa siya ng matagal.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa dahil ikinulong niya ako sa kayang mga bisig. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya at nahihirapan siyang huminga.

"Sorry Joel-"

"Hindi! Hindi ko matatanggap yan Zara. Mahal na mahal kita. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo. Ayos lang ako kahit ganito tayo. Huwag mo lang akong iwan. Huwag please."

Hindi ko maiwasang maawa sa tono ng boses niya. Punong-puno ito ng lungkot at pagmamakaawa.

" Pero - "

" Zara please..kahit gaano katagal maghihintay akong mahalin mo. Huwag mo akong iwan please. Parang-awa mo na Zara. Mahal na mahal kita. "

Humigpit pa ang yakap nito sa akin. At Hindi ko nga kayang gawin yun. May pinagsamahan naman kami. Kahit mahirap din sa akin na saktan siya.

Hinaplos ko ang kanyang likod para patahanin siya. I know he is crying, rinig ko sa boses niya.

"Wala akong maipapangako sa'yo Joel, pero sa ngayon pagbibigyan kita."

And there I am putting again myself into a cage. At hanggang kailan ko paaasahin ang taong ito. I know in my heart na I cannot love him.

"Salamat Zara, maraming salamat. Mahal na mahal kita."

At siniil niya ako ng mainit na halik. At nagpahalik nanaman ako kaya mas lalong umaasa yong tao.

We stayed there for a moment. Until Joel is okay and ready, inihatid na niya ako sa bahay.

Pagkagabi ay hindi rin lang ako makatulog ng maayos dahil sa ginawa ko at sa mga nangyari kanina.

Hanggang kailan ba ako magpapakulong sa relasyong ganito. Maaaring sa huli ay ako ang hindi lugi pero, mahirap ding makapanakit ng tao.

Napabuntong hininga pa ako ng ilang beses.

☁️

Katatapos lang ng aking trabaho kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa grocery store para bumili ng kailangan sa bahay. Wala din akong balak magstay muna sa shop kasi day off ngayon ni Dake at wala akong motivation para magstay.

"Paalam, see you tomorrow!"

Paalam ko sa mga kasamahan ko sa trabaho at tuluyan nang nilisan ang shop. Narinig ko pa silang nagsalita pero hindi ko na pinansin.

At nang makarating ako sa grocery store ay naging abala ako sa pagpili at pagkuha sa mga stante ng kailangan sa bahay. Until my cought someone. Bumalik ako para siguraduhin ang aking nakita. At tama nga, it was Dake.

Pinili ko nalang na huwag siyang imikan at nagpatuloy nalang sa pamimili. Kasi until now, naguguilty parin ako para kay Joel. Hindi tama itong ginagawa ko at naaawa ako kay Joel.

Noong masiguro ko nang nabili ko ang lahat ng aming kailangan sa bahay ay pumila na ako para magbaya sa counter.

Naging abala pa ako sa pagkakalkal sa pinamili ko dahil hinahanap ko yung toner na kinuha ko para basahin sana ang ingredients nito at nakipila nalang ako kung saan.

Noong makita ko na ang toner at nakomperma na organic ang ginamit dito ay ibinalik ko din ito sa cart. Pag-angat ng aking ulo sa pila ay hindi ko inaasahang si Dake pala ang kasunod ko sa pila at mukhang hindi niya rin ako pinasin. Gusto ko siyang kausapin, pero I choose not. Mukhang busy rin naman ito. Nagbayad na ito at hindi man lang ako napansin at umalis noong nakasupot na ang kanyang pinamili.

Nagbayad na rin ako. Paglabas ko ng grocery store ay nakita ko pa siyang naglalakad palayo doon.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at sinundan ko siya.

Tahimik lang akong sumusunod sa kanya kung saan man siya tutungo.

Until he stopped. Kaya nataranta ako at nagtago sa gusaling katapat ko. Nakita kong may kinukuha siya sa supot niya at noongmakuha niya ito ay bumalik siya at nakita kong iniabot niya ito sa isang matanda na nangangalkal ng basura.

Hindi ko mapigilang humanga. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Masyado akong nasisiyahan sa nasaksihan ko. Though ako yung taong laging nagsasabi sa mga pulubi na magtrabaho sila hindi yung namamalimos sila. But right now, I also want to help people. To be kind to everybody like Dake. I don't know what he is doing to me. He's like a magnet na humihigop sa akin palapit sa kanya. He is born to be an influencer. A decent guy who has respect for girls.

Dahil diyan naalala ko yung victory party namin ng team building sa Bataan.  I have observed na all the boys na ka workmate namin ay abala sa pasulyap sulyap sa aming katawan na mga babae, ganoon na rin lang ang kanilang papansin. But Dake is different, never saw him looking at any girls body, including me. May kumakausap sa kanyang mga babae at yung iba labas cleavage pa o panay ang pasexy but he never gazed at them but instead he treated them with respect. He gave them towel or something to cover up at yung iba naooffend pa. Well, ganoon din naman ako noong una niya akong sabihan about sa pananamit ko.

At hindi ko na siya namalayan kung saan na siya nagtungo pa kaya umuwi nalang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro