Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Black backless swimsuit na may paexis na strings sa likod, then denim short, at flip-flops na nude. This is my perfect outfit for our victory party kasi maliligo din  naman kami sa pool. And I braided my hair in both sides. Nag-ayos pa ako ng mukha bago kunin ang sling bag ko at lumabas ng kwarto.

Pagdating ko nga sa pool kung saan gaganapin ang event ay nandoon na ang iba, at may malakas na tugtugan na rin.

"Hello miss beautiful!"

Salubong sa akin ni Leo at nginitian ko lamang siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makita ko yong ibang katrabaho naming babae  nag-uusap sa tabi. Pag-upo ko ay nahagip ng mga mata ko si Dake na may kausap na babae sa kaharap lang  na table.

The music changed into a classic song of the carpenters,

'Close to you' pero I know cover ni Ranee ang nagpeplay. Like Moira genre, so slow and so sweet in the ears.

When the song starts with its lyrics, ay para bang saktong-sakto ito sa aking nararamdaman.


Why do birds suddenly appear
Every time you are near?

Hindi ko maiwasang titigan siya, at napasabay na rin sa pagkanta.

Just like me, they long to be
Close to you

Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me, they long to be
Close to you

And yea, that is how I actually feeling, I long to be close to you. I badly want to know you more.

On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue

You are a dream come true? I don't know. You just came, and I never dream a man like you. But why it felt like a dream come true?

Napatitig ako sa kanyang mata, kaysarap lang pagmasdan ang kislap nito. Hindi lang buhay na buhay, kundi nakakabuhay din.

That is why all the girls in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

Siguro nga, madami ding nakakainterest sa'yo.

On the day that you were born the angels got together
And decided to create a dream come true
So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue

That is why all the girls in town
Follow you all around
Just like me, they long to be
Close to you

At nagpatuloy pa yong kanta na sinasabayan ko naman.

"Drinks?"

Imbita ni Leo na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at ibinaba ang isang baso ng alak.

Napangisi lang ako at kinuha ito.

Hmm, masarap magtimpla yung bartender dito ah.

"Magaling ka pala kumanta?"

Wika nito na parang namamangha pa. 

"Naku, yun lang!"

"Tell me, ano pa ang pwede mong gawin?"

Interesado nitong tanong.

"Wala, at ba't ko naman sasabihin sa'yo."

"Eh di wag, aalamin ko nalang."

Tinignan ko siya at umiling-iling nalang.

"May boyfriend ako di ba!"

Hindi sa nagiging mayabang ako pero gusto ko lang tumigil na siya.

"Oo na. Wala namang forever eh."

Dahil sa sinabi niya ay napaisip tuloy ako. May gana pa akong magsabi na may bf ako, eh sa katunayan ay hindi naman talaga kami official ni Joel. Parang siya nga lang nag-aasume na mag-on kami at kasalanan ko din.

Pero heto, mukhang iba ang hanap ko.  Napailing ako sa naisip. Tumayo na lamang ako at tinungga yung bigay niyang alak bago umalis doon.

Nakipagdaldalan pa ako sa ibang mga katrabaho ko, at paminsan minsan ay humihingi ng alak sa bartender. Masarap kasi talaga yung timpla niya.

Umabot na kami ng ala una ng madaling araw at halos active na active pa ang bawat isa. May sumasayaw pa. Ako, medyo nahihilo na rin dahil sa nainum ko pero alam kong kaya ko pa naman.

Tumawag pa kanina si Joel para i-check ako. Praning din yun eh.

Minsan napapatingin ako kay Dake, busy din makipagsalamuha, pero sa aming lahat siya lang ata ang hindi uminom.

Bilib din ako sa taong ito. May sakit siguro to, kaya masyadong health conscious.

Lumipas pa ang oras at halos lahat na ay di na makatayo sa kanilang upuan. Ako, hindi na ako uminom simula kanina. Dahil alam kong papahirapan ako ng hang over mamaya pagkagising ko.

Nakita ko si Dake na busy nang naghahatid ng aming mga kasama, pati si ma'am Leffy kaya nakisama na rin ako. Tutal kaming tatlo nalang ata ang nasa tama pang pag-iisip sa lagay na to.

"Tulungan na kita." wika ko kay Dake na buhat si Leo.

"Zhhhaaarrrrhhhaa.. Mi, loovesss!"

Nakuha pa nitong sabihin dahil sa kalasingan.

"Umayos ka nga Leo!"

Saway ko dahil sa pagpipilit nitong ilapit ang mukha sa aking leeg. Dahil nakaakbay yung  isa niyang kamay kay Dake, sa kabila naman ako.

"I can handle this Zara, bitawan mo na siya."

Wala na akongchoice kundi bumitaw at nag-alalay nalang sa kanilang paglalakad hanggang sa nahatid na namin siya sa kwarto niya.

Nakita ko ang pagmasahe ni Dake sa balikat niya noong palabas na siya ng kwarto ni Leo.

" Mabigat ba? "

Nangingiti kong wika.

"Oo nga eh."

Sagot naman nitong nakangiti.

"Hay naku, naglasing pero di kaya ang sarili."

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Uminom ka din di ba? Hindi ka pa ba nahihilo?"

"Di, kaya ko to."

Pagyayabang ko pa. Pabalik na kami sa event area at kunin yung ibana hindi na kaya ang sariling maglakad papuntang kwarto nila.

Noong natapos na kami sa paghahatid ay naupo pa kami ni Dake doon sa malapit sa pool para magpahinga.

"Hay, sa wakas natapos din."

Masaya kong tugon. Tahimik lang naman si Dake.

Madalas akong mapatingin sa kanya at malamang ay pagod na rin ito. At nais na ring magpahinga. Kaya tumayo na ako.

"Tara na."

Yaya ko sa kanya at agad naman siyang tumayo.

"Hatid na kita."

Napatingin ako sa kanya, kasi di ko alam, alam kong walang malisya pero bakit sa akin may tama.

"A-ah, b-bahala ka."

Nabulol pa ako sa pagtugon. Nagpatiuna na lamang akong maglakad.

"Zara.. "

Maya-maya'y basag niya sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya para hintayin ang nais niyang sabihin.

"can I pray for you."

Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya. Dahil napaisip din ako kung ano ang ibig niyang sabihin.

Ngumiti ito at lumapit sa akin.

"Dito nalang, ipikit mo lang ang iyong mata and I will pray silently for you."

Sinunod ko naman ang kanyang ginawa at naririnig ko siyang nagdadasal ng taimtim kahit hindi clear yung kanyang sinasabi. Minsan napapamulat ako ng mata para tignan siya.

"God bless you and good night."

Wika nito at inihatid na niya ako sa aking kwarto. Parang gumaan ang pakiramdam ko. I can start feeling peace inside. Nag-ayos lang ako ng sarili at nagbihis bago humiga sa aking kama. Ngayon ko na rin naramdaman ang aking pagod at sa puso ko ay masayang-masaya ako just the thought of Dake at yong moment namin kanina. And then after that, hindi ko na alam kung paanong ako ay nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro