Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Yet the night is not over. Marami sa amin ang nagswimming pa sa dagat. At isa na ako doon wearing my yellow two-piece. And other girls are wearing their own fashioned two-piece too.

I saw Dake weaking plain gray short and black sando.

Halos lahat nagswimming. Masaya kaming naglalaro sa dagat, parang hindi pagod sa team building kanina.

"Hi Zara!"

Bati ni Leo sa akin ay umupo na rin sa buhangin.

"Hello."

"Bakit ka nandito? Tara doon sa kanila."

Yaya nito, habang nakatingin sa mga katrabaho namin including Ma'am Leffy na nagtatakbuhan sa dagat. Yea kasi nasa hanggang tuhod lang naman ng tubig sila. Gusto ko lang naman umupo, and napanood nalang ako kay Dake na masayang nakikipaglaro sa mga kasamahan naming lalaki.

"Ayos lang ako dito."

Sagot dito, at akala ko aalis na siya pero nanatili siya sa tabi ko.

"May boyfriend ka na pala."

Pahayag nito, na parang nadismaya or assuming lang ako.

"Parang ganun na nga."

"Parang ganun na nga? Ano yun? Malabo kayo?"

Buong pagtataka pa nitong tanong.

"Hindi naman sa ganoon. Ay, arang ganun na nga? Ewan?"

Hirap akong makuha ang tamang sasabihin. Kasi di ko din maexplain yong relationship namin ni Joel. Ayuko namang sabihin dito na ginagamit ko lang siya.

"So may chance pa na maghiwalay kayo?"

Ngayon ay para itong nabuhayan ng loob. Now, I'm sure na may pagtingin nga ito sa akin.

"Bakit? Gusto mo ako?"

Prangka kong tanong. Amd that caught him off guard. Nakita ko pa ang pag-mula ng kanyang mukha dahil sa pwesto namin ay nasisinagan kami ng ilaw sa katabing cottage.

"Yea."

Deretso nitong sagot. Hindi ako nao-awkwardan sa ganitong tagpo kasi ilan sa mga barkada ko na nakakainuman ko din na nagtatapat sa akin. At hanggan doon lang din sila, kasi wala akong sinagot ni isa sa kanila. And don't judge me, kasi kay Joel lang ako nagpapahalik.

Napatawa ako ng bahagya.

"Bakit?"

"Bakit 'bakit' ? Minsan wala namang dahilan para magustuhan ang isang tao ah. Type lang kita. Ang cool mo lang para sa akin."

"Pwe! Tumigil ka nga."

Napangiti ito at feeling ko nag-eenjoy pa siya sa pakikipag-usap sa akin.

"Tignan mo, kung ibang babae baka iniwan na ako o nabubulol or ano pang gawin sa akin, pero ikaw you stay the same. And I like you that way."

Napangisi naman ako at hinarap siya.

"Hindi kasi kita gusto."

"Ouch! Sakit naman nun."

Wika nito pero at hinawakan pa kumwari ang kanyang puso.

"Pwede naman tayong maging magkaibigan di ba?"

Ngisi lang ang sagot ko dito.

"Baka mag-ibigan kalaunan."

Tumayo na ako dahil gusto ko na rin siyang matapos sa kakaporma sa akin.

"That will never happen."

Sagot ko pa dito at iniwan na siya. Nakita ko si Dake na may pupuntahan kasi sa ibnlang direksyon ito papunta at hindi sa room kung saan kami nakacheck in.

"Dake!"

Habol ko dito. Tumingin ito at hinintay ako.

"Saan ka pupunta?"

"Ah bibili lang sa maiinum."

"Sama."

Tumango naman ito at naglakad na kami patungo sa di kalayuang bilihan sa loob ng resort.

Maya-maya ay nagtanggal ito ng damit. Yong sando niyang black, now he is topless. Hindi ako makaimik sa ginawa bigla kasing uminit ang aking mga tenga.

"Isuot mo, madaming tao."

Inabot nito sa akin.

"Okay lang, sanay na -"

"Gusto mo bang mabastos ulit?"

Seryoso nitong tugon kaya wala na akong nagawa kundi isuot iyon. Now I am wearing him. I mean his cloth na kanina ay suot niya lang.

Pumasok kami sa bilihan at namili si Dake ng iinumin. Ako sumama lang naman. Palabas na kami noong bigla nalang umulan, at ang lakas pa.

Lulusong na sana ako noong hilahin aka ni Dake sa tabi, umupo kami sa table na pang dalawahan.

"Bakit? Hindi pa ba tayo aalis? Basa na rin lang tayo?"

Tanong ko dito.

"Sa sobrang pagod natin kanina tapos kapag naulanan tayo, baka tayo ay magkasakit. Matahanin muna natin."

Sinunod ko nalang ito. Bumalik ito sa counter na parang may binili at nilagyan pa ng mainit na tubig.

"Here, para mainitan ka."

Inabot nito ang mainit na ramyun. Nanakam naman ako dito.

"Salamat."

At kinuha ko ang chopsticks at nagsimulang lantakan ito.

Nagkwentuhan kami at nagkatawanan. Masayang kasama si Dake. Hindi ko inaasahan ang tagpong ito sa kanya, because first of all, medyo tahimik siyang tao.

"So this is unexpected friendly date."

Pahayag ko na agad din naman niyang sinang-ayunan.

"Marami ka na sigurong naidate noon no?"

Maya-maya'y tanong ko. Napatigil ito sandali bago sumagot.

"No, you're my first - I mean this unexpected friendly date is the first."

Napatawa ito ng mapait.

"Di ba you said you just broke up with your ex, bakit hindi ba kayo nagdedate?"

Out curiosity-ng tanong ko dito.

"LDR."

Tipid nitong sagot at napatango nalang ako.

Noong humupa na ang ulan at paalis na kami ay sumabay namang pagring ng cellphone ni Dake. Dala niya pala ito, kaya siguro ayaw niya ding lumusong sa malakas na ulan. Sinagot naman niya ito at narinig ko nalang ang pag-uusap nila ng kausap niya.

"Yea, she's with me."

Then I guest it was Joel. Inabot nito ang kanyang telepono sa akin. Kinuha ko iyon at itinapat sa aking tenga.

"Hello?"

"Zara, kanina pa kita tinatawagan."

Malambing parin nitong wika kahit na halatang naiirita ito.

"Sorry naiwan ko yong phone ko sa room. Bakit?"

"I'm just checking on you. How was your team building? Okay ka lang diyan?"

Napatingin ako kay Dake na nakatayo at nakayuko sa tabi ay nilalaro ang paa nito sa buhangin habang nakapamulsa.

"Okay lang naman. Masaya. At ayos na ayos ako, huwag lang mag-alala. Sige matulog na ka, gabi na. Goodnight bye! "

"Wait."

Hinayaan kong magsalita pa siya.

"I miss you Zara and Good night love."

Pinatay ko nalang agad yong phone I know narinig ni Dake ang buo namin pag-uusap dahil medyo malakas ang speaker ng phone nito.

Nginitian ko nalang ng peke si Dake bago ibalik yong phone niya. I don't know if napansin niya ang pag-iwas kong pagsagot sa last na sinabi ni Joel.

Ngalakad kami ng tahimik hanggang makarating kami sa kanya-kanya naming room. Hindi rin naman naming nakalimutang magpaalam sa isa't-isa.

Now, I finally realised how I really feel towards Dake. He became somehow especial in my life. I am not only interested with him, I think I am also attracted to him. Sa pag-uusap namin kanina, I don't remember kung ilang beses kong pinuri sa aking isipan ang kanyang ngiti, mga gesture niya that made him so masculine in my eyes. And his lips, that I tempted touching.

And right then I realised that I am into a mess. Paano ko aayusin ang sa amin ni Joel. Napasabunot ako ng buhok. Paano ko aayusin to?

☁️

A/N:

I hope you like this update. Sorry sa mga typo and grammatical errors.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro